Akmang-akma na tawaging Sabado de Gloria ang araw na iyon dahil napakamaluwalhati niyon para kay Alberto.
Maaga siyang gumising, mabilis na naghanda at masiglang umalis.
May usapan sila ni Miguelito na magkikita. Nagpapasama ito sa ilog.
Pagdating niya sa malaking bahay, akala niya hihintayin niya pa ang pagbaba ni Miguelito subalit dinatnan niyang naghihintay na ito sa salas. Nakaayos na rin ang pagkaing babaunin nila na ipinahanda nito sa kanyang ina.
Kaagad silang lumakad. Literal na lakad, dahil katulad kahapon, ayaw ni Miguelito na mag-kotse.
“Wala naman tayong dapat ipagmadali,” ang sabi. “Mas gusto kong maglakad para mas makita at ma-appreciate ang ganda ng paligid.”
At napakaganda nga niyon. Sa paningin ni Alberto ay nagkaroon ng dagdag-tingkad ang kanilang dinaraanan. Higit na luntian ang mga puno. Higit na mabukadkad ang mga bulaklak. Higit na matamis ang huni ng mga ibon. Pati kalangitan, mas maasul. At ang sikat ng araw, mas makinang.
“Na-miss ko ang lugar na ito,” ang sabi pa ni Miguelito.
“Ikaw kasi, ngayon ka lang umuwi,” ang sagot ni Alberto.
“Ang Mama kasi, maraming pinagkakaabalahan sa Maynila. Pati kami ni Isabel, kung saan-saan dinadala. Ini-enroll sa kung anu-ano tuwing summer. Kung ako lang ang masusunod, gusto kong umuwi palagi rito.”
“Buti na lang nakauwi ka ngayon. At pinayagan ka pang mauna.”
“Yun kasi ang kondisyon ko kay Mama. Kapag naipasa ko nang walang problema ang hayskul, uuwi ako rito sa ayaw at sa gusto niya.”
“Bakit, nagkaproblema ka ba sa pag-aaral?”
“May ibinagsak kasi akong subject noong Third year kaya nag-summer classes ako. Pero ngayon, okay na. Wala nang problema. Grumadweyt na ako. Yun nga lang, next year, magko-kolehiyo na ako kaya balik uli ako ng Maynila. Hindi ko pa nga alam ang kukunin ko.”
Hindi naiwasan ni Alberto ang malungkot. At manibugho. “Buti ka pa, makakapagkolehiyo. Ako, tigil na sa pag-aaral. Tutulong na ako sa pataniman.”
Tumingin sa kanya si Miguelito. “Bakit naman?”
“Sa aming mahihirap, sapat na ang makapag-hayskul. Malaking bagay na iyon.”
“Sayang naman. Nabalitaan ko pa naman, valedictorian ka raw.”
“Hilig ko kasi talaga ang mag-aral. At saka pinagbutihan ko rin kasi binalak kong mag-apply ng scholarship.”
“Anong nangyari?”
“Hindi ko na itinuloy kasi makakuha man ako ng scholarship, kailangan pa ring gumastos. Wala rin namang pantustos sina Itay.”
Napailing si Miguelito. “Tingnan mo nga naman. Ikaw itong gustung-gustong mag-aral, hindi naman pwede. Samantalang ako, ayoko na sana pero kailangan kong sundin ang kagustuhan nina Mama.”
Napakunot-noo si Alberto. “Bakit ayaw mo nang mag-aral?”
“Wala, nakakatamad lang. Mas gusto ko na lang sana ang tumulong kay Papa. Si Papa, hindi naman nakatapos pero maayos naman niyang napapatakbo itong plantasyon.”
“Iba pa rin kapag nakatapos ka. Bakit hindi ka kumuha ng kurso na may kinalaman sa agrikultura nang sa gayon ay higit kang makatulong sa iyong Papa?”
“Yun na nga ang iniisip ko. Bahala na.”
Napabuntonghininga si Alberto. “Kung maaari nga lang na katulad mo ay magkaroon din ako ng pagkakataon…”
Pilit na ngumiti si Miguelito at inakbayan siya. “Huwag na nga muna nating pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na iyan. Ang mahalaga… summer… nandito tayo at magkasama. I-enjoy na lang muna natin ito. Kalimutan na lang muna natin ang mga problema.”
Ngumiti na rin si Alberto at nagpatuloy sila sa pagtahak sa landas patungo sa ilog.
Nasa may manggahan na sila at nangangalahati na sa nilalakad nang makasalubong nila ang isang paragos. Kaagad na nakilala ni Alberto ang nakasakay sa likod ng kalabaw na siyang may hila nito.
“Temyong!” ang bati niya rito. Si Temyong ay pinsan niya sa panig ng kanyang ina at matanda lang sa kanya ng ilang taon.
“Alberto!” ang bati rin nito. At pagkaraan ay kaagad na nagbigay-pugay kay Miguelito. “Magandang umaga, señorito.”
Bahagyang tumango si Miguelito bilang tugon.
“Saan kayo papunta?” ang tanong ni Temyong kay Alberto.
“Sa ilog.”
“Kung gusto n’yo, ihahatid ko na kayo.”
“Hindi ka ba maaabala?” ang tanong ni Miguelito.
“Naku, hindi po, señorito. At saka malapit na po ‘yung ilog dito.”
Hindi na kinailangang kumpirmahin ni Alberto ang kagustuhan ni Miguelito na sumakay sa paragos dahil nagpatiuna na ito sa paglalagak ng dalang mga gamit.
Tinulungan muna nila sa pagmamaniobra si Temyong habang pinaiikot ang kalabaw bago sila tuluyang sumakay. At nang tumatakbo na sila, hindi maikakaila sa mukha ni Miguelito ang kasiyahan nito.
“Ngayon ka lang ba nakasakay sa ganito?” ang tanong ni Alberto.
“Oo,” ang sagot ni Miguelito, nakangiti. Tapos, bumaling ito kay Temyong: “Maaari mo bang patakbuhin nang bahagya ang iyong kalabaw?”
“Opo, señorito. Kumapit po kayo.” Pinitik ng mga paa ni Temyong ang magkabilang tagiliran ng kalabaw sabay haplit ng tali sa likod nito. “Tsk! Tsk! Tsk! Hiyaaa!”
Nagulantang ang kalabaw at kaagad na bumilis ang mga hakbang nito.
Nadama nila ang pagbilis ng kanilang takbo. Tuwang-tuwa na parang bata si Miguelito. Hindi naiwasan ni Albertong pagmasdan ito nang buong pagkalugod.
Ilang sandali pa, sinapit na nila ang kakahuyan na kung saan naroroon ang daan papasok sa ilog.
Bumaba sila at nagpasalamat kay Temyong.
Hinintay muna nila itong makaalis bago nila nilakad ang maiksing distansya.
Nang marating nila ang ilog, saglit silang tumayo sa pampang at pinagmasdan ang kariktan nito. Ang banayad na agos ng malinaw na tubig na sa bawat pagkalabusaw ay kumikislap sa sinag ng araw. Ang mayayabong na mga puno sa gilid nito na pinamumugaran ng mga ibon. Ang mga halaman, ang mga bulaklak, ang malalaking tipak ng bato. Nakamamangha pa rin ang lugar na iyon kahit paulit-ulit na nilang nasilayan.
“Halika, maligo na tayo,” ang yaya ni Miguelito.
Sabay silang nagtanggal ng pang-itaas. Tumambad ang kanilang mga katawan at sabay din silang natigilan. Dahan-dahang hinagod ng kanilang mga mata ang kahubdan ng isa’t isa.
Malaki na ang ipinagbago ng kanilang mga katawan. Halos magkapareho na ang kanilang mga bulto. Malalapad na ang kanilang mga balikat at siksik na sa kalamnan at masel ang mga braso at dibdib. Makikinis at banat ang mga balat, impis ang mga tiyan at walang kataba-taba ang mga baywang dulot marahil ng pagkahilig ni Miguelito sa sports at ng pagiging batak sa trabaho ni Alberto. Ang naging pagkakaiba nga lang nila ay ang kanilang mga kulay. Maputi si Miguelito samantalang moreno naman si Alberto. Gayunpaman, pareho silang kaiga-igayang mga larawan ng kabataang nasa kasibulan.
Hinuhubo na nila ang kanilang mga pang-ibaba, hindi pa rin naglalayo ang kanilang mga mata. Nakatuon pa rin sa isa’t isa na may palitan ng paghanga.
At nang brief na lamang ang matira sa kanila, tumakbo na sila palusong sa ilog. Naglunoy sa tubig at nagsimulang lumangoy.
Noong una, marahan lamang ang kanilang mga galaw subalit kinalaunan, naging magaso na. Nagkarera sila… naghabulan… nagpambuno. Binalot ng kanilang mga halakhak ang paligid.
At dahil sa malikot nilang mga kilos, nagkabangaan ang kanilang mga mukha. Gayundin ang kanilang mga labi.
Napahinto sila at nagkatitigan. Hindi dahil sa kirot kundi dahil sa kiliti. Nag-init ang kanilang pakiramdam at bumilis ang kanilang paghinga.
Tulak ng damdaming hindi matimpi, muling naglapat ang kanilang mga labi.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalo sila sa isang matamis at maalab na halik. Nagyakap sila at saglit na tumigil ang mga sandali.
Mala-paraiso ang lugar na iyon at silang dalawa lang ang naroroon.
Umahon sila sa kabilang pampang at tinungo ang batuhan na kung saan maaari silang magkubli.
Manibalang na ang bawal na prutas at ipinagpasya na nila itong tikman.
(Itutuloy)
Part 10
35 comments:
read it first :)
Grabe! You have a gift for storytelling. Please do not stop.
New blogger and now avid follower here.
bitin ulit!.. hehehe
parang nagj*j*k*l ka lang tapos before sumapit ang orgasm eh biglang may pumasok. bitin in short.
haha. kakainis ka na aris... asan na pang 10??
The story is getting better and better....ito na yung cliffhanger!
Ang ganda! Aris, keep it up!
Sana one of these days, ma-meet kita!
It would be a real honor!
Ingat.
you have to continue your gift... that was nice... simple at maayos.... not mentioning in detail na ang iba ang reader na lang ang mag i imagine kung ano...
i love it... more!
bitin nga
Excited na ako sa kasunod! Kinikilig ako. Hahaha!
na.miss ko post mo aris.. naks! galing! looking forward sa susunod na episode. hehee.. parang tv series lng eh.
more power aris. ingat :)
:)
galign mo talaga aris.. :)
nakaka inlove ang story..:) nakakatuwa.. next chapter na please... :)
Tse Aris! Bitin. Sarap mo sabunutan! =))
Aris! na master mo na ang art ng pambibitin! :)
wla pa din 10?
@anonymous: ang bilis mo naman. :)
@travis: para sa'yo, i won't. salamat sa iyong pagsubaybay. :)
@fox: kinapos ng espasyo eh. hehe! don't miss the next installment. thank you, fox. :)
@lalaking palaban: i promise, di ka na mabibitin sa next chapter. :)
@lasher: happy ako na nagagandahan ka sa bawat kabanata. yun talaga ang aim ko. sure, lasher, one of these days, we shall meet. you take care too. :)
@jjrod's: hello and welcome. before anything else, thank you for being the 400th follower. salamat din for taking time to drop a message. patuloy akong gaganahang magsulat dahil sa sinabi mo. :)
@imsonotconio: don't worry, friend. sa next chapter, masa-satisfy ka na. :)
@seriously funny: ako rin, excited na. kasi ang susunod na kabanata ay ang pinakaaabangan na natin. susulatin ko ito nang buong ingat at pagmamahal. abangan! :)
@adventure: binabalangkas ko na ang next episode. sana mas magustuhan mo. salamat sa iyo. ingat ka rin always. :)
@nicos: salamat uli, nicos. nakakalunod na ang iyong mga papuri. :)
@anonymous: i am so happy na enjoy ka sa story. parating na ang next chapter. don't miss it. :)
@iamsuperbash: eh kung ikaw kaya ang sabunutan ko? charing lang! hahaha! thanks sa patuloy na pagsubaybay. :)
@chuckito: siyempre, para bumalik-balik ka. hahaha! chapter 10, coming right up. thanks a lot. :)
Sana mahinog at matamis na sa susunod kabanata. Naglalaway na ako kahit guni-guni pa lamang.
Homaygad!
tapos tapos? hmm.. kabitin!
paki post na ang chapter 10!
:D
bitin uli.galing magpabitin eh hehehe
aabangan talaga ang susunod :)
Kaasar....
unang basa ko pa lang alam ko ng bitin~!!!
story lng b yan o totoo???
AnoDima.blogspot.com
@anonymous: masarap ang manibalang. manamis-namis na maasim-asim. abangan ang katakam-takam na karugtong! :)
@anonymous: exciting na 'to! :)
@jhammy whoops!: para sa'yo, bibilisan ko na ang karugtong. :)
@jay rulez: just hold on. lapit na ang kasunod. :)
@santino8bro: kathang-isip lang. hope you're enjoying it. :)
MANIBALANG - i like the term.
hanggang ngayon, manibalang pa rin ang gusto ko heheheh.
bitin papa aris.
@anonymous: huwag kang mag-alala, hindi ka na mabibitin sa kasunod. abangan! :)
pwedeng kiligin?!
@ronronturon: sure, pwedeng-pwede hehe! :)
hindi pala nag-register yung username ko. hehehe ako yung anonymous papa aris - ang lalaking mahilig sa manibalang hahahahah.
@raindarwin: sabi ko na nga ba, ikaw yun, papa p.! :)
sarap!
Sana Easter Sunday na...hehehe...nice part! I love it!
@mr. g: tiyak na mabubuhayan tayong lahat sa linggo ng pagkabuhay. hehe! susunod na. :)
Ang galing po ng pagkakagawa. Binasa ko in one day lahat ng series mo. Da best ang paglalahad ng kwento. Keep it up po aris... Ingatz!
@wastedpup: hello there. salamat. pinagtiyagaan mo talaga? happy naman ako. sana palagi kang mapasaya ng mga kuwento ko. ingat. :)
Post a Comment