Friday, June 24, 2011

Plantation Resort 10

Nakatayo sila nang magkaharap. Nakatingin sa isa’t isa, puno ng pagnanasa sa mga mata.

Gumalaw ang kanilang mga kamay patungo sa kanilang kahubdan. Humaplos sa mala-sedang kinis ng kanilang mga balat. Sumalat sa mga murang umbok ng kanilang kalamnan.

Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso at nakipaghabulan sa kanilang paghinga.

Nagyakap sila sabay sa muling pagtatagpo ng kanilang mga labi. Naghalikan sila nang walang pag-aalinlangan, kusang nagkaloob at malugod na tumanggap.

Nagkiskisan ang kanilang mga katawan. Nagningas ang init sa kanilang kaibuturan at naglakbay sa kanilang kabuuan. Hanggang sa ang kanilang kamalayan ay lagumin ng masarap na pagliliyab.

Bumaba ang mga labi ni Miguelito sa kanyang leeg. Napapikit si Alberto. Nalanghap niya ang halimuyak ng mga ligaw na bulaklak. At sa pagdako ni Miguelito sa kanyang dibdib, sa marahang pagdila at pagsipsip, nalango siya hindi lamang sa bango kundi pati sa sensasyong dulot nito.

Napasinghap siya at napakapit nang mahigpit. Halos ipagdiinan niya ang kanyang dibdib sa bibig ni Miguelito na patuloy sa pagsibasib.

At nang dumausdos ito pababa sa kanyang tagiliran, sa kanyang tiyan… ngumingibngib sa pagitan ng kanyang mga tadyang at humihimod sa kanyang pusod… napaarko ang kanyang katawan, hindi malaman kung babawi o bibigay dahil sa kiliting tumulay sa kanyang bawat himaymay.

Hinubo ni Miguelito ang kanyang brief at umigkas ang kanyang kahindigan. Dumilat siya at nagsalubong ang kanilang mga sulyap. Napangiti si Miguelito.

“Naging napakaganda ng iyong paghihilom,” ang sabi bago iyon ikinulong sa kanyang palad. Marahang hinagod, urong-sulong, habang sinisipat.

Napaigtad si Alberto nang maramdaman niya ang dulo ng dila ni Miguelito na pumilantik sa kanyang ulo. Sumundot-sundot sa siwang, humagod-hagod sa gilid, nagpaikot-ikot sa kahabilugan. Muli siyang napapikit nang tuluyan siyang kubkubin nito, buong pagkauhaw, pagkasabik at pagkatakam.

Napasabunot siya kay Miguelito habang naglalabas-masok sa humihigpit-lumuluwag na bibig nito. Naglunoy siya sa init at dulas habang nakapagitan sa ngala-ngala at dilang masigasig sa pagpangas.

Sinapo ni Miguelito ang magkabilang pisngi ng kanyang puwit. Hinimas-himas, pinisil-pisil, piniga nang marahas. Masakit na masarap, higit lalo nang igiit nito ang hinlalato sa kanyang butas. Sinundol-sundol ang makipot na lagusan. Isa, dalawang daliri, subalit hindi siya lubusang masiyasat.

Bumitiw si Alberto. Pinatayo niya si Miguelito at pinahiga sa isang malapad na bato. Kumubabaw siya rito. Pinadipa niya ito, hawak ang magkabilang braso. Saglit na nagtama at nag-usap ang kanilang mga mata bago niya sinimulang ariin ang kaytagal niyang inasam na alindog nito.

Nakahain sa kanya ang isang adonis. Matangkad, matipuno, makisig. Isang imaheng higit na perpekto sa labas ng kanyang mga panaginip. Hindi siya makapaniwalang halos isang dangkal lang ang layo niya rito upang lubusang maangkin.

Parang talulot ng rosas sa pandama ang balat ni Miguelito nang ito ay kanyang hagkan. Subalit ang amoy na sumigid sa kanyang ilong ay maskulino, parang pandan. Sinimsim niya ito nang buong ingat. Dinampi-dampian ng mga labi at masuyong nginabngab.

Napapitlag si Miguelito nang dumako siya sa mga kili-kili nito. Sinanghap niya muna ang mga ito bago hinimod. Nagkasabit-sabit man sa mga buhok, hindi siya tumigil hanggang hindi nahahagod ang bawat sulok.

Nilasap-nilakbay niya ang katawan ni Miguelito. At nang nasa bandang tiyan na siya, ito na mismo ang nagbaba ng suot na brief. Bumulaga sa kanya ang ari nito, tirik na tirik, higit na malaki sa natatandaan niyang sukat. Subalit hindi sila nagkakalayo, maputi nga lang ang balat nito at mapula ang ulo.

Hindi na siya nagsayang ng oras at ito ay kaagad niyang hinabhab. Nabigla siya at nabilaukan, naluha sa pagkakadunggol ng lalamunan.

“Dahan-dahan,” ang bulong ni Miguelito.

Muli niyang sinubukan. Unti-unti ang ginawang paglagom. Kahit tantiyado na, namuwalan pa rin siya. Saglit siyang huminto at dinama ang subo. Mainit, mapintog, pumipintig-pintig. Kung maaari nga lang na iyon ay kanyang nguyain at lunukin. Maya-maya, kumibot-kibot ang kanyang bibig, pasipsip-pahimas na naghugot-baon.

Napaungol si Miguelito. Napaliyad. Napaangat ang balakang. Sinalubong ang kanyang pagparoo’t parito. Hanggang sa silang dalawa ay magmistulang piston sa galaw na koordinado.

Bago pa man makarating, kumalas na si Miguelito. Bumangon ito at pinatalikod siya, pinadapa sa malapad na bato. Napapikit siya nang maramdaman niya ang dila nitong sumusundot-humahagod sa butas niya. Ginapangan siya ng masarap na kilabot at kusang ipinagduldulan ang kanyang ubod. Bumilis naman nang bumilis at higit na nagdumiin ang dila ni Miguelito. Nabalisa siya at napabiling-biling.

Maya-maya, huminto si Miguelito at siya ay pinatungan. Siya naman ang padipang pinigilan. Nakapapaso ang matigas na ari nito na tumutok at nagpumilit pumasok. Napakagat-labi siya sa bawat ulos subalit nanatili siyang nakapinid, nakakipot.

Ilang ulit na si Miguelito ay sumubok subalit anumang diin, hindi nito magawang makalagos.

Pinatayo na lamang siya nito at pinaharap. Muling nagtagpo ang masuyo nilang mga titig.

“Hindi bale, sa susunod na lang,” ang sabi.

Tumango lang siya. Nagbabara ang kanyang lalamunan sanhi ng masidhing init sa kanyang katawan.

Nagyakap sila at muling naghalikan. Matamis. Matagal. Puno ng pagmamahal.

Muling gumapang ang kanilang mga kamay hanggang sa pareho nilang magagap ang nag-uumigting nilang mga kaselanan. Binalot nila iyon ng kanilang mga palad at dahan-dahang pinaglaruan.

Nag-urong-sulong, taas-baba ang kanilang mga kamay. Humimas nang todo, bumayo nang sagad. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi habang pinakikiramdaman ang pag-akyat ng katas mula sa balon ng kanilang mga pagkalalaki.

Ilang sandali pa, habol na nila ang kanilang mga hininga. Paparating na ang agos ng luwalhating hindi mapigil. Papasulak. Papasirit.

Higit na bumilis ang ritmo ng kanilang mga kamay.

Magkasabay silang nanginig.

At pumulandit.

Umalingawngaw sa paligid ang kanilang mga panambit.

Wala silang kamalay-malay, may mga matang sa kanila ay nagmamatyag.

(Itutuloy)

Part 11

24 comments:

Anonymous said...

Wow!una ako, tagal ko inabangan ito. Worth the wait.

fox said...

bitin na naman! lol

iamsuperbash said...

Ang lalim lang! Sanay si Miguelito! Oh my! :D

Fayeng said...

wow kay ganda...... sana d ma matatagalan uli ang update na Chapter 11... Kudos!

Desperate Houseboy said...

Bitin na naman :(

Aris said...

@anonymous: thanks. huwag ka sanang magsasawa. :)

@fox: hahaha! ganoon talaga. para patuloy mong balik-balikan. salamat sa iyong pagsubaybay. :)

@iamsuperbash: sanay nga siya. alamin kung bakit. abangan! :)

@fayeng: salamat. pipilitin kong mapabilis para di ka mainip. :)

@desperate houseboy: para lagi kang may aabangan. hehe! thanks a lot. :)

aru said...

Next na pls...

Pwede request? Now na!

Hahahah..

Mr. G said...

sino ang namboboso? LOL! Kahit na tag-ulan, ang init!

okanex said...

Boyfriend siguro ni Miguelito ung nakamasid. :P

Angel said...

Ang iyong pamamaraan ay sadyang kaaya-aya. Magara mong naiparating ang buod ng iyong akda. Ang ligayang nadama ng mga karakter ay nagdala ng kakaibang sensasyon sa akin. =)

Anonymous said...

i so lavette!!! alert ang chapter 11 atak na!...lol

Aris said...

@aru: hahaha! still working on it. patience, my dear. :)

@mr. g: nasa mga susunod na kabanata ang kasagutan. sundan! hehe! :)

@okanex: malalaman natin sa pagpapatuloy ng kuwento. abangan! :)

@angel: labis akong natutuwa na iyong naibigan ang aking salaysay. sana ay hindi ka manghinawa at sa tuwina ay umantabay. :)

@anonymous: thanks. chapter 11 coming right up. :)

iamsuperbash said...

Talagang sanay siya? Baka naman nagbubooroomboombei sila ni Alejandro? You know naman, PRACTICE makes PERFECT. HAHA

Adventure said...

salamat naman, nagka chapter 10 na. haahha..Galing! worth the wait! Hehehe... May na feel akong kakaiba! Lol! Iba ka talaga aris! Naku, curious na ako kung bakit sanay na si miguelito at kung sino ang namboboso. Hahaha.. More power Aris! Cheers!

Arnel said...

yun yun oh! the master story teller!

Aris said...

@iamsuperbash: we will soon find-out. hehe! :)

@adventure: nakakaantig ba? haha! abangan ang mga susunod na kabanata. malalaman natin. salamat din. :)

@arnel: sana na-enjoy mo rin ang chapter na ito. :)

Jhamy whoops! said...

hala ka! huli ka balbon? sino kaya ang naninilip... shocks..paki post ang susunod!!!!! awww!!

Aris said...

@jhamy whoops!: secret. hehe! ginagawa ko na ang part 11. malalaman na natin. :)

Anonymous said...

Hoomaaygadd!

Anonymous said...

bitin ako dun ah.... hehehe.. ok ang pagkaka kwento....

RainDarwin said...

whew! di ako nabitin. nasabayan ko sila ! hahahaah.

(pawis na pawis)

Aris said...

@anonymous: shocking ba? hahaha! :)

@anonymous: more to come. hehe! thanks. :)

@rain darwin: sabi ko na nga ba, papa p., magugustuhan mo ang chapter na ito. hehe! :)

ZROM60 said...

ang gand ng daloy ng iyung pagkwekwento. hanep! hehehe

Aris said...

@zrom60: maraming salamat. :)