Monday, June 6, 2011

Indie

Kagabi, may natuklasan ako.

Nagsalang ako ng bagong DVD. It was a local indie na napanood ko na sa sine. Wala lang, gusto ko lang ulitin.

Pumuwesto ako with a big bag of potato chips and pressed play.

Nagsimula akong manood.

Five minutes into the movie, I pressed stop. Then rewind. Then play. Inulit ko pa. The reason? One of the actors looked very familiar. At gusto kong makasiguro na siya nga iyon.

Siya nga. A hundred percent sure.

Siya nga ang bagong boyfriend ng ex ko!

Kaya pala nung ipinakilala siya sa akin, sabi ko, pamilyar siya… parang nakita ko na. (Kasi nga, napanood ko na sa sinehan yung movie niya.) It was never mentioned when he was introduced to me na isa siyang indie actor.

Ipinagpatuloy ko ang panonood. Tutok na tutok ako sa kanyang mga eksena. May nudity… at M2M sex pa!

Nung ipinakilala siya sa akin, wala naman akong naramdamang inferiority. Pero habang pinapanood ko siya, unti-unting naapektuhan ang self-esteem ko… unti-unting nabawasan ang self-confidence ko. Artista siya. At ako’y isang ordinaryong tao lamang. Ano naman ang laban ko sa kanya sa mata ng ex ko?

Ito pa namang ex ko na ito, gusto ko pa rin hanggang ngayon. Friends pa rin kami at regular na nagte-text at nag-uusap sa phone. Oo, aaminin ko na, iniilusyon ko na isang araw, magkakabalikan pa rin kami. Na kahit may ipinalit na siya sa akin (si indie actor nga), umaasa pa rin ako na mamahalin niya akong muli.

Noong kami pa, “The Power Of Love” ang kanta ko sa kanya pero hindi umubra ang powers ko kasi nag-break nga kami. Napaka-petty ng dahilan na hanggang ngayon hindi ko exactly matukoy kung ano. Basta naghiwalay kami. Sobrang hurt ako noon. Na-depress ako sa sama ng loob. Sabi ko noon, ayaw ko na siyang makitang muli. Kakalimutan ko na siya.

But time heals all wounds, sabi nga. Pagkalipas ng ilang buwan, nagkita uli kami. Isang kaibigan ko ang nagbukas ng pagkakataon…

Okay na ako noon. Wala na akong nararamdamang pain o bitterness sa kanya. Happy na uli ako sa buhay ko at may bago na akong boyfriend. I was participating in this exhibit/fair sa Megatrade and my friends (including my new boyfriend) came in full force to support me. Itong malandi kong kaibigan, kinating i-text ang ex ko at inimbita. Nagkataong nasa Slimmer’s siya and it was very convenient for him kasi aakyat lang siya. Nang sinabi sa akin ng friend ko na darating ang ex ko, sabi ko, ok lang, I am over him, anyway. Or so I thought…

Nagulat ako pagdating niya. Bumilis ang tibok ng aking puso. Oh my gosh, ang gwapo-gwapo niya at ang ganda-ganda na ng katawan niya! Pero hindi ako nagpahalata. (Alalahanin, nasa tabi ang boyfriend!)

Pinagkilala ko ang past at present. Nagkamay sila. Smile ang mga friends.

Umikot kami sa fair. Maya-maya, nagpaalam ang boyfriend ko. Kailangan niya munang umalis for an appointment. Nangako siyang babalik pero hindi na niya nagawa.

We went to Starbucks, kami ng mga friends ko, kasama si ex. Magkaharap kami ni ex sa mesa pero parang nagkaka-ilangan kaming dalawa. Patingin-tingin kami sa isa’t isa, pangiti-ngiti. Tinanong ko siya kung kumusta ang lovelife. Sagot niya, wala, zero. Buti pa raw ako may boyfriend na.

Gumabi na at oras na para umuwi. Hindi siya nag-offer ng ride pauwi pero, in fairness, nung nasa taxi na ako, nag-text siya sa akin: Ingat ka.

At doon nagsimula ang pagiging “close” namin uli. Parang naging friends kami uli. Text-text kami lagi. Usap sa phone sa gabi. Pero never naming pinag-usapan ang tungkol sa nakaraan namin.

We started confiding in each other. Share siya ng mga problema niya… hingi ng advise. Ako, ganoon din sa kanya.

Nalaman niya when I was dumped by my boyfriend. He tried his best to console me but there was nothing to console. Honestly, hindi ako masyadong na-hurt nang mag-break kami ng boyfriend ko.

Ako ang unang nakaalam nang magkakilala sila at magkaligawan ni indie actor. Everytime na may date sila at naghihintay siya sa meeting place, text-text siya sa akin.

Alam ko ang progress hanggang sa maging sila na nga.

At ipinakilala niya nga sa akin. Ang impression ko: gwapo at mabait naman. Hindi mayabang.

Pagkatapos niyon, medyo dumalang na ang communication namin. Siguro dahil honeymoon stage nila at happy siya. Okay lang, happy na rin ako para sa kanya.

But after a while, nagsimula uli siyang mag-communicate sa akin. Nagkaka-problema sila. Nag-aaway. Ako naman, panay ang advice. I was trying my best to play the part of his bestfriend.

Pero nang lumaon, may nararamdaman na akong kakaiba. Parang may bumabalik na familiar feeling sa akin sa tuwing mag-uusap kami. Kapag naglalabas siya ng sama ng loob tungkol sa boyfriend niya, parang gusto ko siyang yakapin. Sa tuwing magsasabi siya sa kin ng mga problema nila, parang naririnig ko muli ang theme song ko sa kanya.

I realized mahal ko pa rin siya. And I want to win him back! But how?

Ayoko namang manira ng relasyon. Hindi ako mang-aagaw. Siguro maghihintay na lang ako na mangyari iyon nang kusa.

Pero ayoko namang magmukmok sa isang sulok. Ayoko namang magmukhang kawawa habang umaasa sa kanyang pagbabalik (kung babalik man siya). Kaya date-date pa rin ako. Labas-labas. Malate. Bed.

I was doing fine. Yun nga lang, parang hindi ko matagpuan ang hinahanap ko. Pero maayos naman ang confidence ko sa sarili.

Not until matuklasan ko nga sa panonood ng DVD na matindi pala ang karibal ko. Indie actor!

Gwapo… maganda ang katawan… makinis… bata…

Feeling ko, hindi basta-basta magagawa ni ex na iwanan ang kanyang boyfriend. Malaki ang kanyang panghihinayangan!

Itinabi ko ang potato chips. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng Brazilian coffee. Habang lumalaklak, ipinangako ko sa sarili na magdyi-gym na ako.

Bumalik ako sa silid at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking kabuuan at sinipat na mabuti ang bawat flaw at imperfection sa aking katawan.

Muli akong napasulyap sa TV at naroroon, nasa screen na naman ang kanyang mukha na parang nangungutya sa akin. Dali-dali kong pinindot ang power off sa remote.

Dinampot ko ang bote ng Olay at nagsimula akong magpahid upang burahin ang aking insecurities.

27 comments:

Aris said...

i have posted this before pero hinugot ko. hindi ko na maalala kung bakit. sayang naman kaya ibinalik ko with revisions. :)

Mac Callister said...

hay Olay lang pala ang katapat!chos!!!

nakaka relate ako sa post mo,madaming pagkakataon na natramdaman ko yun ganyan...hayaan mo if its meant to be kahit anong mangyari at gano pa katagal magiging kayo...

RoNRoNTuRoN said...

baka ako ang hinahanap mo aris....

joke.

well, mas maganda kung mamahalin mo nga muna ng todo ang sarili mo and improve urself for urself, not in comparison with ur ex's new bf. :D

Adventure said...

hi aris,

sana ok ka dyan. wag ka na malungkot, for better or for worse - andito lng kami. :)lol. parang wedding lng ah. hehe..

oo nga pala, na.curious lng ako dun sa indie actor. sino kaya yun? any clue? hehehe... tsismoso ko no? bad me!

thanks aris. ingat! :)

Mr. G said...

7 days ba ang gamit mo? LOL!

^travis said...

Tamang ang decision mo to wait. And while waiting, it wouldn't hurt na magpaganda rin.

I'm new to your blog. Great stories. Sana meron ng Plantation Resort 9.

bien said...

Indie boy ba kamo? Hayaan mo Aris, madaming tukso sa industriyang yan, maghihiwalay din sila soon, ang sama ko lang hahaha.

Anonymous said...

"Dinampot ko ang bote ng Olay at nagsimula akong magpahid upang burahin ang aking insecurities."

--tokwa! sobra kong natawa dito.

"Improve yourself for yourself"

-- tama yun. do everything for yourself first kasi ikaw ang ma f-fulfill dun e, hindi naman ibang tao. =)

Aris said...

@mccallister: korek. kailangang magpaganda. haha!

sabi nga, if it's meant to be, it's meant to be.

enjoy your pagbabalik-pinas. :)

@ron: baka nga. haha!

tama. mahalin muna ang sarili para mahalin ka rin ng iba. :)

@adventure: ok lang, di naman na ako sad.

about the indie actor, noon yung nagsisimula pa lang mauso ang gay indie. supporting lang siya sa movie, isa sa mga friends ng bida.

salamat din and you take care, too. :)

@mr. g.: regenerist. o divah, sowshal! hahaha! :)

Aris said...

@travis: hello and welcome to my blog. glad to know you're liking it.

korek. mahalin at paghusayin muna ang sarili para anuman ang mangyari, ikaw pa rin ang panalo.

susunod na ang plantation 9. salamat sa pagbabasa at sa follow. tc. :)

@orally: actually, hiwalay na sila. hehe! kaya lang ayun, hindi pa rin kami nagkakabalikan. oh well, ganyan talaga ang buhay. :)

@akosiian: katawa noh? olay talaga ang pinagbalingan. the things i do para i-affirm ang sarili. haha!

thanks for dropping by. hope to "see" you again. ingat. :)

Arnel said...

why be insecure kung alam mo namang meron ka na wala sya or vice versa, its just an open cycle...
May kasabihan nga po tayo na "Hindi dapat mainggit sa kung ano ang meron ang iba dahil hindi naman talaga natin alam kung ano ang tunay pinagdadaanan nila."

Daemonite said...

sir dalas dalasan mo ang pag uupdate ng blog mo kasi pag nagbabasa ako neto.. i must admit... kasama ng mga pechay at talong sa BBB... sumasaludo kame sa ganda neto..

nakakatuwa...

but then again, tama sila yun mga commenter mo.. and as for me... eventually makakamove on ka na din... and this time for good...

i wish for your happiness and kung sa pag move on mo e going back to where you should rightfully be... sa ex mo..then wala naman masama balikan ang nakalipas... muling samsamin ang katas ng nakalipas... malay mo sha napala yun hinahanap natin kasambuhay... sa habang buhay...

diba?

love your blog... much!

Aris said...

@arnel: tama ka. minsan, napapangunahan lang kasi ng paniniwala na ang panlabas ay mas mahalaga. pero hindi. mahalaga rin ang panloob. at kadalasan, mas higit itong katangi-tangi. :)

@daemonite: wow, nakakatuwa naman na nag-e-enjoy kayo riyan sa BBB (na isang computer shop kung hindi ako nagkakamali?) sa pagbabasa ng mga kuwento ko. hayaan mo, pagsisikapan ko na lalo pang mapaganda ang mga sinusulat ko para patuloy ko kayong mapasaya.

tama ka sa iyong kuru-kuro. basta ang mahalaga, marunong tayong tumanggap kung ano ang nakalaan sa atin at hindi dapat na basta gumive-up.

salamat uli. hello sa inyong lahat diyan. ingat. :)

unbroken said...

It doesn't matter who you are, we all have a scar. :)

the geek said...

friend, you had me at Olay... hahaha

Aris said...

@unbroken: i so agree. korek na korek ka. thank you. :)

@the geek: friend, ang landi ko lang. hahaha! :)

Nishi said...

bumenta din sa akin ang olay. haha.

salbahe said...

wow! now i know... kailangan ko rin ng OLAY. hehehe...

Aris said...

@nishiboy: kalurkey ako noh? the things i do to feel pretty. hahaha! :)

@salbahe: you should try it and see the difference in 7 days. naku, matutuwa nito ang olay sa libreng promotion. haha! :)

Sean said...

Saan nakakabili niyan. Pero sa kaso ko, Baka di na kayanin. Hahahaha.

Aris said...

@sean: ang sabihin mo, baka di mo na kailanganin. hehe! :)

Steph Degamo said...

galing ng OLAY. starring!

Aris said...

@ester: haha! sa akin dapat ang talent fee. :)

Anonymous said...

Aris, Aris kakatuwa ka talaga. Bilib ako sa iyong paggamit ng salitang katutubo sa iyong paglalahad ng mga karanasan mo sa buhay. Para kang si Balagtas. Makulay ang iyong buhay Kakaingit. Olay ba gamit mo hindi Belo. Sana makadaupang palad kita.

Aris said...

@anonymous: salamat. nakaka-touch naman ang iyong comment. there goes my beauty secret hehe! sure, why not? :)

citybuoy said...

This is what I love about you, Aris. Minsan nalang ako makadalaw pero every time, you blow me away. That scene where he was on the television tapos ikaw, nagpapahid ng olay.. sobrang priceless. Nangilid luha ko dito. Bakit ang sakit harapin ang mga insecurities?

And I've seen you a few times. Di mo naman kailangan ma-insecure. :)

Aris said...

@citybuoy: coming from you, napakalaking compliment. maraming salamat uli, nyl. at sige na nga, lulubos-lubusin ko na, paniniwalaan ko na rin ang iyong panghuling statement. hahaha! i'm glad you're back. na-miss kita. :)