The knock came while I was in the shower. Maalinsangan ang gabi at pilit kong pinapawi ang init, gayundin ang hapis, sa aking pagkakapirmi sa malamig na daloy ng tubig. He just walked away from me after a fight. At dahil inakala kong bumalik siya, marahil upang mag-sorry at makipagbati, dali-dali akong nagtapi.
I was dripping wet nang buksan ko ang pinto. Subalit hindi siya ang bumungad sa akin. Natigilan ako, nagulat, sabay sa pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ako makapagsalita habang pinagmamasdan ang kaharap, tinitiyak na hindi ako nananaginip.
It was my ex. Isang dating pag-ibig na hinding-hindi ko na inaasahang magbabalik.
Hinintay ko siya noon. Kaytagal. Hanggang sa ako ay mainip, magpasyang lumimot at mag-move on. At ngayong ako ay nasa gitna ng isang emosyonal na sitwasyon, mahina at vulnerable, saka siya walang kaabog-abog na susulpot.
“Hey,” ang bati niya, nakangiti. Sa kabila ng malamlam na ilaw, lutang ang kanyang features na kinabaliwan ko noon at higit na pinag-light up ng ngiting iyon. “Can I come in?”
Wala akong lakas na tumutol, itaboy siya at pagsarhan. Nadatnan niya akong malungkot at nangangailangan ng aliw, huwag nang banggitin pa ang hindi ko mapigil na pag-alagwa ng aking puso, kaya pinatuloy ko siya.
“Magbibihis lang ako,” ang sabi ko sabay talikod upang ikubli hindi lamang ang aking kahubdan kundi pati na ang pagkasabik ko sa kanya na kaagad lumukob sa akin.
“Huwag na,” ang pigil niya. Hinawakan niya ako sa balikat at marahang pinaharap sa kanya. Bago pa ako nakahuma, nagawa niya nang tanggalin ang aking tuwalya at ako ay niyakap. Dumampi ang mga labi niya sa leeg ko at nadama ko ang mga halik niya. Hindi lang pala ako ang nanabik, kundi pati siya. Napayakap na rin ako sa kanya. “God, I miss you so much,” ang sabi niya pa.
Nagtagpo ang aming mga labi at ako ay lubusan nang nagpatangay sa agos ng pagnanasa. Nanaig sa akin ang damdaming matagal kong sinupress. Itanggi ko man, I never really stopped loving him. At wala talaga akong ibang hinanap-hanap, inasam-asam, kundi siya lamang. At sa muli naming pagdadaupang, nalimutan ko ang hinagpis, ang pangungulila, ang kaibahan ng mali sa tama.
It felt so right being with him. Lalo na nang banggitin niya na parang echo ng aking damdamin ang mga katagang: “Mahal pa rin kita. I need you back.”
Tumugon ako sa pamamagitan ng paghigpit ng aking mga yakap at pagsiil sa kanyang mga labi.
Binuhat niya ako at dinala sa kama. Inilapag niya ako nang maingat. At pagkatapos, siya ay naghubad. Muli kong nasilayan ang katawan niyang ilang ulit ding nagpaligaya noon sa akin, naging bukal ng luwalhating nag-akyat sa akin sa langit. Muling naging maalinsangan ang aking pakiramdam sa kabila ng matagal na pagkakababad sa shower.
At kami ay nagniig. It was like the first time na ang bawat halik, haplos, himod, sundot, ulos ay puno ng pagnanasang tila apoy na dahan-dahang tumutupok, tumatagos sa katawan, nagpapahibang sa isip at nagpapalimot. Ang lahat ng bagay ay on hold, pati na ang guilt at reason.
Maya-maya, narinig ko ang mga katok. Gumising iyon sa aking kamalayan. Kinabahan ako at kinutuban.
Narinig ko ang tawag mula sa labas. “Hon, let me in. I’m sorry.” I froze.
It was my boyfriend.
At ako ay nasa kama, may iba nang kasiping.
26 comments:
fiction, of course. :)
wala pa ring kupas mga kwento mo aris....
wow... i lavet! fiction toh? gawa moh... hanggaling.... hmm.... ano kaya gagawin koh kung akoh 'un? hmmm... tapusin muna 'ung naumpisahan w/ ex bago papasukin ang bf... lolz.. ingatz.. Godbless!
i agree. have been reading the author's works and i'm impressed.
btw nagbabackread akoh...nakarelate lang akoh sa isang kwento moh.... its a fiction but it something na tlgang na nangyayari sa real life cuz it did to meeh... 'la lang... funny lang kc tlgang halos sakto... anyhoo... nabangging lang... sige backread lang akoh sa mga stories moh ditoh.. take care! btw hanggaling moh guamwa ahh.... fiction lahat toh ah... ur pretty good! Godbless!
well it's certainly one heck of brilliant, heartfelt fiction. How I wish my past lover would long for me too. ay wag na pala, bitter nga pala ako sa knya.
nice one kuya. magaling ka parin magkwento
grabe! kakaloka ka talaga magsulat Aris! whew!
ikaw talaga unang nagcomment. hihi.
Good story!
At s this point, Turing to heal... Ang hirap so bra!..
JJRod'z
i was going to say puta!..buti nalang nakita ko ang first comment, nice one! galing nang delivery natangay ako.
fiction ha? lols
mano naman kung tutoo. it would have been a scene in real life.
may disclaimer pala bigla. kala ko naman.
fiction? c'mon aris hahahaha blueballs
cute ng stories, dami ko pang kailangan i-back read..argh!!pero i can say that it's worth reading..
sabi ko na.. fiction!!! haha
Thumbs up! parang episode lang ng joe d mango special series. Pede din sa short film entry.
Super nice! I love it!
It happen to me. I was the other guy. Pero were done with the deed and hinatid na niya ako sa baba ng condo niya when sabay dating ng BF at nagsorry sa kanya. I didn't know na sila pa rin.
hala ka!
kakatakot! gusto ko ng part 2! hahaha
@ka-swak: salamat. sana lagi mong magustuhan. :)
@dhianz: tama, para di bitin. hehe! you take care too. :)
@lanchie: wow naman. salamat din sa'yo. :)
@dhianz: salamat uli. natutuwa akong malaman na naka-relate sa isa sa mga stories. sana maka-relate ka rin sa iba. enjoy reading. god bless. :)
@elay: thanks, little brother. huwag kang mag-alala, marami pang darating. hindi pa siya ang the one. ingatz. :)
@nimmy: thanks, nimmy. fiction kasi talaga. mukha bang defensive? hehe! :)
@jj rodriguez: i hope you're feeling better now. thanks, jj. ingat always. :)
@josh: uy, papa s., isdatchu? kumusta na? anong balita? :)
@the golden man: oo naman, friend. honest. hehe! :)
@the green breaker: opo. kathang isip lang. :)
@bien: cross my heart. fiction talaga. choz! haha! :)
@matt: thank you very much. sana magustuhan at ma-enjoy mo rin ang iba pang mga stories. ingat. :)
@koro: yes, my friend. :)
@arnel: sa sinabi mong short film, gumana ang imahinasyon ko. paano nga ba ito ipapakita sa screen kung sakali? exciting yata... :)
@kian dela cuesta: thanks, kian. like ko rin ang mga stories mo. :)
@silverwingx: wow, must be a difficult situation to be in. :)
@ester: actually mas takot ako sa part 2. baka kasi kung ano ang mangyari. hehe!
@aris sinabi mo pa...
nakaka cardiac ang moment na to! xD
Post a Comment