Isinara ko na ang bintana
Pumapasok pa rin ang ulan
Parang ikaw sa buhay ko
Ipininid ko na ang puso
Pinapasok pa ng alaala mo.
Ang lamig pa naman ng patak
Nanunuot pati sa aking kumot
Wala na nga akong kayakap
Pinananabik pa ang katawan
Sa init ng iyong paglingap.
Palagi na lang kasing maulan
Hindi lang sa labas ng aking silid
Kundi pati sa aking kaloob-looban
Kaya kahit nais ko nang lumimot
Basa pa rin ako sa lungkot.
8 comments:
Lalim nito.
Wag mong hayaang gamitin ka ng ULAN upang meron lang syang mapatakan. Gamitin mo ang ULAN sa paghawi ng iyong pagkauhaw.
lupit... hanep na ulan... lalim nga! i like it! :))
hay relate na relate na naman ako dito hahaha!
pano nalang ba tayong mga single?LOL
galing...naramdaman ko ang naramdaman mo nang sinulat mo to.
ang ganda aris
WALA LANG. i had lunch with my barkada this afternoon and kasama sa group yung minemention ko sa ten things post ko. all the seats were taken except for one.. yung seat na katabi niya.. nung wala ng ibang upuan umalis na lang ako "guys may meeting pa pala ako with ganito ganyan"
wala lang..
kahit nais na lumimot. basa pa rin ng lungkot.
you hit me with this one... wish this would end fast... im in this stage now...
JJRod'z
Ang ganda! Mahilig din ako gumawa ng tula kapag umuulan. Tapos madalas ang tema rin ay tungkol sa ulan. Hihi. :)
Post a Comment