Magkasiping.
Magkayakap.
Nagulantang sina Miguelito at Alberto at kaagad na napabalikwas.
“Mga punyeta! Mga mahahalay! Mga walanghiya!”
Sinugod sila ni Doña Anastasia at pinaghahampas.
Napatakbo sa itaas sina Don Miguel at Mang Berting. Kasunod sina Aling Rosa at Isabel. Pati na si Temyong at ang iba pang mga katulong.
At sa isang iglap, naharap sina Miguelito at Alberto sa isang malaking kahihiyan sabay sa pagkabunyag ng kanilang lihim.
Hinablot ni Don Miguel si Alberto at malakas na sinampal. “Hijo de puta!”
Tumilapon si Alberto at napahandusay.
Nang akmang tatadyakan siya ng Don, napasigaw si Miguelito. “Papa! Huwag!”
Maagap din ang naging pagpigil ni Isabel. “Tama na! Maawa kayo sa kanya.”
“Sinverguenza!” ang sigaw sa kanya ni Don Miguel. “Idinamay mo pa ang anak ko sa kabaklaan mo!”
Napatiim-bagang si Mang Berting at napaiyak si Aling Rosa.
“Lumayas ka!” ang dugtong ni Don Miguel. “Huwag na huwag ka nang magpapakita rito sa hacienda!”
“Don Miguel, huwag po,” ang samo ni Aling Rosa.
“Gusto mo bang pati kayo ni Berting ay palayasin ko?” ang baling sa kanya ng Don.
Napahagulgol si Aling Rosa. Si Mang Berting naman ay hindi kumibo.
Tumayo si Alberto. Bahagya nang nakapagdamit nang takbuhin ang pinto.
“Alberto!” ang narinig niyang sigaw ni Miguelito subalit hindi na siya lumingon.
Tuluy-tuloy siya sa hagdan. At habang bumababa, nakatunghay sa kanya ang mga tagapaglingkod. Nakabadha sa mga mukha ang pag-aalimura.
Tinakbo niya ang landas patungo sa kanilang kubo. Nakayapak siya at bitak-bitak ang tuyong lupa. Masakit iyon sa paa subalit hindi niya alintana. Higit na masakit ang sugat sa damdamin niya.
Pagdating sa kubo, wala nang panahong mag-isip o maghinagpis. Kaagad siyang naghagilap ng bag at nagsilid ng ilang pirasong damit. Binasag niya ang kanyang alkansya at ibinalot ang perang inipon mula pagkabata. At pagkatapos, nagbihis siya, nagsapatos at nagmamadaling lumabas, bitbit ang bag. Hindi na siya dapat maabutan pa ng kanyang ina o ng kanyang ama dahil wala siyang mukhang maihaharap sa kanila.
Paglabas niya ng bakuran, nagulat siya dahil naroroon si Temyong.
“Saan ka pupunta?” ang tanong sa kanya.
“Hindi ko alam. Bahala na,” ang kanyang sagot.
“Magpapakalayo ka ba?”
“Kailangan. Isang malaking kahihiyan ang aking nagawa.”
“Ano ang iyong dapat ikahiya? Nagpakatotoo ka lang. Binigyang-laya mo lang kung ano ka.”
Napatingin siya kay Temyong. Hindi niya inaasahan ang pakikisimpatiya nito sa kanya.
“Naiintindihan kita,” ang dugtong pa. “At saka matagal ko nang alam.”
“Ang alin?”
“Ang tungkol sa inyo ni Señorito Miguelito.”
Nanatili syang nakatingin kay Temyong, nasa mga mata ang pagtatanong.
“Nasaksihan ko ang mga naganap sa inyo. Sa ilog… sa kamalig. Kaya hindi na lingid sa akin ang inyong relasyon.”
Ayaw niya nang mapag-usapan iyon. “Temyong, Kailangan ko nang umalis.”
“Sandali…”
Napatigil siya sa kanyang paghakbang.
May inabot sa kanya si Temyong na nakabilot sa panyo.
“Ano ito?” ang tanong niya.
“Konting naipon ko,” ang sagot. “Kunin mo na. Makakatulong ‘yan sa’yo kahit paano.”
Nabagbag siya sa kabaitan ni Temyong subalit pinigil niya ang maging emosyonal.
“Salamat,” ang muli ay nasambit niya. “Sige, paalam na.”
“May dapat ka pang malaman…”
Muli, napigilan ang kanyang paghakbang.
“Pagkaalis mo sa malaking bahay, nagbitiw ng pasya si Don Miguel.”
“Anong pasya?”
“Kailangang mapagtakpan ang tunay na pagkatao ni Miguelito. Kailangang mapigilan ang pagkalat ng usap-usapan. Kailangang maibangon ang pangalang Montemayor mula sa kahihiyan.”
Napakunot-noo siya.
“Si Miguelito at si Isabel…”
“Ano ang tungkol sa kanila?”
“Ipakakasal sila ni Don Miguel.”
***
Habang binabagtas ni Alberto ang daan palabas sa highway, nagsimula niyang mapagtanto ang bigat ng mga pangyayari.
Pinaghiwalay na sila ni Miguelito nang tuluyan. At siya ay itinakwil.
Nagsimula siyang umiyak hindi lamang dahil sa lungkot kundi dahil sa pagkabigo.
Pagsapit sa highway, matagal siyang tumayo sa tabing-daan. Said na ang luha at gulo ang isip, hindi alam kung saan pupunta.
Maya-maya, isang karag-karag na bus ang pumara.
Cubao, ang sabi sa signboard.
May pag-aatubili man, siya ay lakas-loob na sumampa.
Part 15
45 comments:
can't wait for the movie version :)
First to comment...
Nice update.Masyadong malalim yung mga Filipino words. Pero ok lang.Hehehehe..
Seriously,Naaawa ako kay Alberto. Ano kaya yung naghihintay na kabanata sa kanya.Pero sana light na yung susunod. Hehehe...
Abangan ko yung next update.
maikli lang ang chapter pero ramdam mo ang sakit at hinagpis at lahat na yata ng emosyon. Galing mo Aris
Kawawa naman ang sinapit ni alberto....
ganda na ng storya...
nakakasabik :)
wow! im getting into this now... good one!
JJRod'z
im new here! i reviewed ur posts. galing mo. pang teleserye posts mo.
Aris galing mo talagang magsulat. Ang estilo mo sa paggamit ng ating wika ay parang patalim na humihiwa sa damdamin. Ramdam ang haplos,tusok, at yurak nito sa iyong kaibuturan. Talagang aasam-asamin mo ang susunod na kabanata.
try mo mag script-writing kaya! ganda, continue na goooo!
aris, jan here. love ko pa din yung last chapter, and can't wait for the next. medyo, hindi lang puedeng ipakasal si miguelito kay isabel kase underage pa (hehe).di ba high school lang sila (sorry ha, sineseryoso ko kase tong kwento)..pero okey lang, love ko pa din tong kwento at love pa din kita). aris, pupuntang cubao si alberto?please..wag mo siyang gawing callboy ha. waiter nalang or sapatero or newspaper boy or kahit anu, wag lang macho dancer or callboy ha. thanks. hehe.
Nahuli nga sila. Hmm, kahabag-habag na Alberto.
naku nmn...
sana may next chaapter na ehhehehe...
salamat d2 aris...
-mars
Loving... xoxo
habang binabasa ko to may soundtrack... "Kunin nyo na ang lahat sa akin... wag lang ang aking mahal.." - Galing talaga ng mga eksena.
aris, binasa ko ulit lahat mula sa simula. ganun pa rin. napakaganda. ang galing mo talagang magsulat. at mambitin haha! lahat ng emosyon dinaanan ko habang binabasa. can't wait for the next one.
Ang galing, Aris!
Good job! Post soon!
Can't wait!
napakasakit naman nang chapter na to.. oh well.. d kaya bakla den si temyong??? cant wait for the next chap. :D
Wawanaman kalan kaya ung sonod na update...
@rygel: wow! that will be the day. it's a long shot pero malay natin. :)
@jayfinpa: from the province to manila, asahan natin na higit pang magiging makulay ang buhay ni alberto. :)
@wastedpup: maraming salamat. sana patuloy kang masiyahan sa bawat kabanata. :)
@jay rulez: higit na kapana-panabik ang kanyang magiging pakikipagsapalaran sa lungsod. abangan! :)
@jj rodriguez: am glad your enjoying the story, my friend. :)
@ka-swak: hello there. maraming salamat. sana patuloy kang mag-enjoy. salamat din sa follow. :)
@anonymous: wow naman. ang saya ko sa comment mo. thanks. :)
@c.c.: hayaan mo, friend. balang araw, susubukan natin yan. hehe! :)
@jan: surprise na lang kung ano ang mga mangyayari sa pagtuntong niya sa maynila. thanks, jan. :)
@the green breaker: alamin na lang natin kung saan siya dadalhin ng knayang kapalaran. :)
@mars: this is where book 1 ends. abangan ang book 2. more surprises to come. :)
@john chen hui long: thanks, john. sana palagi kang mag-enjoy. :)
@arnel: uy, bagay ang soundtrack. hehe! :)
@sean: wow naman, talagang pinagtiyagaan mong basahin uli lahat? touched naman ako sa appreciation at papuri mo. dahil diyan, pagagandahin ko pa ang mga susunod na chapter. maraming salamat. :)
@lasher: maraming salamat sa iyong walang sawang pagsubaybay. tc always. :)
@jhamy whoops!: friend, malalaman natin sa pagpapatuloy ng kuwento. abangan! :)
@anonymous: lapit na. post ko kaagad. thanks. :)
sinadya ko talagang hindi muna basahin ito. Alam ko kasing mabigat sa dibdib ang susunod na mga pangyayari after chapter 13.
today is Aug 23, tumulo ang luha ko sa keyboard.
Nice story papa aris.
Idol !
@raindarwin: thanks, papa p. sorry kung medyo nalungkot ka. hayaan mo, pasasayahin ka uli ng mga susunod na kabanata. :)
just read this series during my shift.. Haha! Kahit bawal, keber!! Kahit na masyadong malalim yung ibang words, ok naman. Ganda!! Can't wait for the next chapters. Enjoy your vacay Aris!
-icy-
@anonymous: hello, icy. Salamat sa pagtitiyaga. Salamat din at nagandahan ka. malapit na ang karugtong. ingat always. :)
i like the story! been reading all your series.. and ive read ndin all your blogs.. from luma to bago.. sa pinakaluma ako ngstart.. i like all your series.. tposin mu ntoh please! hehe
Wala na po bang kasunod yung mga posts? Dami ko na din kasi nabasa dito sa site mo kuya aris pero madami din wala pang ending.
I used to disregard fictional writings pag tagalog but it simply just hooked me to read further. Very good grammar in the native language, very artistic and modestly done kahit may mga R-18 na parts. Waiting for the book 2.
Pampalipas oras din to sa office para petiks-mode.
Shaun
@anonymous, ignis and shaun: maraming salamat sa appreciation at mga papuri ninyo. pinasaya ninyo ako. may draft na ako ng karugtong, tinitimpla ko na lamang upang makatiyak ako na magugustuhan ninyo. :)
hanep talaga ang daloy ng kwento... . kaya lng bakit wala pa ung book 2. .. . . sana mapost na aris. ..
@zrom60: i will. soon. salamat. :)
sana may kasuno na ito mr. author sayang hindi niyo na itinuloy ito
@anonymous: don't worry, itutuloy ko ito. isang araw, magugulat ka na lang, naka-post na ang continuation. :)
can't wait sa mga susunod na yugto.. omaygass aris!!! sakit ng pantog ko.... sans may kasunod na... lolz
salamat sa kwento..
@hard.ass.kisser: will post the continuation soon. just watch out. may i recommend "dove" in the meantime? thanks. :)
aris ang ganda ng istorya na ito kelan ang part 15? pero sa dove ako naluha ng sobra sobra natuklasan ko ang blog mo aksidene lang ngayon isa na ako sa mga taga hanga mo :D
@jonathan cruz: pinaplano ko na ang pagpatuloy ng plantation resort. medyo na-sidetrack lang kasi ako sa pang mga ibang series na sabay-sabay kong pinatakbo. pero priority ko ito sa ngayon dahil favorite ko rin ito. thanks, jonathan. :)
sana masundan na hihi :D
galing mo po mr.author hihi
(nel)
@nel: hello, nel. huwag kang mag-alala. masusundan na ito. malapit na. salamat sa pagbabasa. :)
mr. Author an0 pa po ung ibang kwento nyo na my series?
@ryval: paki-check na lang please sa sidebar ang mga kuwento kong naka-serye. thanks and enjoy! :)
Hi Aris, wala pa din bang continuation to?
Sobrang galing :)
@mark bognot: nakatakda na ang pagdurugtong sa lalong madaling panahon.
salamat. :)
Post a Comment