Friday, August 26, 2011

Live Show

Tinayp ni Angelo ang URL ng website.

Welcome to LiveJasmin, ang sabi sa screen. The World’s #1 Most Visited Video Chat Community – Hot Live Sex Shows!

Nag-log-in siya. Hindi bilang member kundi bilang performer.

Welcome 2PinoyHotBoys!, ang sabi sa screen. Enjoy your performances today! Good luck!

Inayos niya ang webcam. At pagkaraang maghubad na tanging brief lamang ang naiwan, humarap siya rito at pinindot sa screen ang Go Live Now.

Online na siya at maya-maya, nagsimula nang magpasukan sa kanyang video chat room ang mga viewers. Karamihan ay mga guests na gusto lang makasilip nang libre, pero may mga members din naman na may hawak na credits.

Pinaglaruan niya ang sarili upang tuksuhin ang mga viewers. Nakaanggulo ang camera na nakikita ang pagtaas-baba ng kanyang braso pero hindi ang kanyang ari. Kung gusto mong makita, may bayad.

Makukulit ang mga guests sa pagre-request ng “show your penis” pero ini-ignore niya ang mga iyon. Ni hindi niya sinasagot ang mga chat questions. Ang pinag-uukulan niya ng pansin ay ang mga members dahil sila ang paying customers. Dito siya magiliw at nag-aaya ng “Let’s go private, BB” dahil kikita siya sa credits.

Isa sa mga members na pamilyar na sa kanya ang chat name ang nagtanong: “Hey, where is your partner?”

At siya ay natigilan. 2PinoyHotBoys nga naman ang chatroom niya pero mag-isa lang siya. Ang lungkot na kanina niya pa iwinawaksi ay muling bumalot sa damdamin niya.

“He’s not in today, BB,” ang kanyang sagot. “I’m performing solo.”

“Oh, too bad. I enjoy watching you two make out.”

“Don’t worry, I can still make you happy. Let’s go private, BB,” ang pagpapaka-propesyonal niya. Trabaho ito at hindi kailangang maapektuhan ng anumang personal na bagay.

“I like you both and I miss your partner.”

I miss him, too, ang gusto niya sanang isagot. Pero pinigil niya ang sarili. Kung anuman ang totoong nasa damdamin niya ay walang dapat makaalam lalong-lalo na ang mga viewers na wala namang ibang hanap kundi sex. Totally out of place ang anumang emosyon, higit lalo ang panibugho na nagpapasikip sa kanyang dibdib ngayon.

Si Warren ang other half ng 2PinoyHotBoys, ang nagbulid sa kanya sa LiveJasmin.

“Maaari tayong mag-partner kung gusto mo,” ang alok nito sa kanya noon. “First in the Philippines. Sa Colombia, maraming ganyan. Mabiling-bili sa mga viewers.”

Dahil sa mahigpit na pangangailangan, napapayag siya. Trabaho lang, walang personalan. Sex na walang damdamin.

Subalit sa kabila ng pagpapakamanhid, ang gabi-gabing panunuot ni Warren sa kanyang katawan ay naging daan upang manuot din sa kanyang puso ang pag-ibig.

***

Room For Rent.

Kumatok siya sa pinto na kung saan nakasabit ang karatulang iyon.

Isang payat, matangkad, maputi at may itsurang lalaki ang nagbukas ng pinto at hindi pa man niya nasasabi ang kanyang pakay, pinatuloy na siya nito.

“Kailan ka lilipat?” ang tanong kaagad nito sa kanya.

Napamaang siya. “Ha? Itatanong ko pa lang sana kung magkano ang upa.”

“Estudyante ka?”

“Working student.”

“Isang libo. Okay na sa’yo?”

Medyo mataas pa rin sa budget niyang eight hundred pero iyon na ang pinakamura sa lahat ng napagtanungan niya kaya pumayag na siya. “Okay.”

“Kailan ka lilipat?” ang ulit na tanong.

“Ngayon na,” ang sagot niya. “Umalis na kasi ako sa tinitirahan ko.”

Saglit na sinulyapan ng lalaki ang bag na bitbit niya. “Wala kang ibang gamit?”

“Wala. Dala ko na lahat. Saan ang magiging kuwarto ko?”

“Dito na ang magiging kuwarto mo,” ang tugon na ang tinutukoy ay ang kinatatayuan nila nang mga sandaling iyon.

“Ha?” Napakunot-noo siya. “Akala ko, may separate room.”

“Ito na ang room na paghahatian natin. Dalawa ang kama, tig-isa tayo. Maglalagay na lang ako ng kurtina sa pagitan natin para may privacy.”

Hindi na siya nakapag-reklamo. Malapit na rin kasing gumabi at kailangan niya ng matutuluyan. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid at nakita niya namang maayos iyon at kumpleto sa essentials. Banyo, mesang kainan, dalawang upuan, maliit na kusina, kalan. Sa kabila ng kapayakang iyon, napansin niya ang computer malapit sa kama ng magiging roommate niya. May webcam pa at modem.

“Siyanga pala, ano’ng pangalan mo?” ang tanong sa kanya ng lalaki.

“Angelo,” ang sagot niya.

“Ako si Warren.”

Nagkamay sila.

Kaagad namang tinupad ni Warren ang sabi na magkakabit ito ng kurtina sa pagitan nila. At ilang sandali pa, nagka-privacy na siya habang inaayos ang mga gamit niya.

Sabay silang naghapunan ng ginisang sardinas.

“Share-share na lang tayo sa pagkain, kung okay lang sa’yo. Basta’t equal sharing lang. Sa pagbili at sa pagluluto,” ang prangkang sabi nito.

Dahil doon, nagtanong na siya tungkol sa mga rules nito sa bahay. Mas mabuti na iyong habang maaga, maliwanag para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

“Wala naman,” ang sagot ni Warren. “Basta’t respetuhan lang at walang pakialamanan.”

Maaga siyang nakatulog nang gabing iyon subalit bandang hatinggabi, nagising siya at nakita niyang may ilaw pa sa lugar ni Warren. Dinig niya ang manaka-nakang pagtipa nito sa keyboard ng computer.

Maya-maya, natahimik ito. Naaninag niya ang mga kakatwang galaw sa likod ng kurtinang naghihiwalay sa kanila. Hindi niya alam kung bakit na-curious siyang sumilip.

At siya ay nagulat.

Nakaharap sa webcam si Warren. Nasa computer screen ang imahe.

Hubo’t hubad na nagpapaligaya ng sarili.

(May Karugtong)

Part 2

25 comments:

JJ Roa Rodriguez said...

Waiting for the continuation po....

JJRod'z

Drama King said...

Exciting na naman. Hehe. Idol ka talaga Aris! :)

Seriously Funny said...

More! More! More!

Bagong kagigiliwan na naman ito pag natapos ang Plantation...

Nicos said...

Iba ka talaga! :)
Alam mo kugn paano pasasabikin ang nagbabasa ng mga kwento mo:)

Poppe Bowow said...

nabigla talaga sa nabasa ko sobra..hehehe...first time ko kasing makabasa ng ganito...makapanindig balahibo....anyway...susubaybayan ko ang kwentong to....^_^

thumbs up!

ELAY said...

got my eyes on this story ;)

Aris said...

@jj rodriguez: will post asap. thanks, jj. :)

@drama king: wow naman. salamat, dk. :)

@seriously funny: short series lang. ayoko sanang mag-overlap siya sa plantation kaya lang di ko talaga mapigil. i'm bursting with the story. :)

Aris said...

@nicos: mas masarap yung may konting edging. hehe! :)

@poppe bowow: thanks, poppe. isang realidad lang na matagal ko nang gustong isulat. :)

@elay: may aral ito, li'l bro. pramis. kahit medyo shocking. hehe! :)

Rygel said...

Aabangan nanaman. Sana kasing ganda ng Dove hehe di pa ako maka move on dun eh :p

wastedpup said...

New series ba ito? Hehehe. Looking forward for the next chapter

Aris said...

@rygel: hayaan mo, sisikapin kong mapaganda siya katulad ng dove. hehe! :)

@wastedpup: short series lang ito. short story lang sana na isahang buhos kaya lang mahaba pala kaya hahati-hatiin ko. :)

Glenn Kun said...

awwww. kaya pala no.1 ^_^. nice stories

Aris said...

@glenn kun: thanks, glenn, sa iyong pagbisita. sana balik ka uli. :)

Lasher said...

Another story to feel in love with. AS always, Aris, you never, ever, ever fail to disappoint.

Ang ganda!

Cheers!

citybuoy said...

It makes sense why this story's bursting to come out. How do you find these beautiful stories from such unconventional places? *clap clap*

matt said...

totoo..at kakaiba ang plotting..pwedeng gawing movie..pramis

Aris said...

@lasher: sana mas magustuhan mo pa ng mga susunod na episodes. mas pagbubutihan ko pa, pramis. salamat nang marami. :)

@citybuoy: actually, nag-pop up lang sa utak ko ang idea nang mag-pop up ang livejasmin habang naka-xtube ako at na-discover ko na may mga pinoy performers pala doon. hehe! :)

@matt: totoong buhay nga ang basis ng kuwentong ito. i did a little research. at kung magiging movie, wow, ako ang unang-unang mae-excite nang sobra! pwede namang mangarap, di ba? hehe! :)

Nimmy said...

"Hubo’t hubad na nagpapaligaya ng sarili." -- kumakain sya ng ice cream? Char! Haha

wow! based sa real events pala itoh. Kakaintriga...

Aris said...

@nimmy: actually, gumagawa siya ng ice cream. haha! :)

Anonymous said...

Nakakatuwa naman Aris. Aabangan ko nanaman 'to. Hehe! :D

Aris said...

@anonymous: thanks. and enjoy! :)

Unknown said...

I discovered your blog just a week ago while on my annual "recharging" trip to the US wherein I practically just stay put and read. Never had I spent more time in a week on the web than this past week....and never had I shed more tears. Consequently, I haven't read any of the pocketbooks I purchased as soon as I got here.

I love the overwhelming majority of your stories, most especially Dove, which prompted me to post this comment as soon as I finished reading it. I am only halfway through your collection and I am sure my comments will be even more superlative as I go through the rest of it.

The only drawback is my inability to understand "very deep" Tagalog words, Ilonggo kasi ako :). On the other hand, maybe this is where I can hone my Tagalog.

Keep doing what you have been doing, you are doing a great, great job at it. And thanks for making me pour my heart out, pangtanggal ng stress :)

Unknown said...

I wrote the previous comment but I think it was labeled "unknown." That was my first time to post a comment and I think I messed it up. Am trying again and see if my identity shows up.

Jhamy whoops! said...

na bulaga ang lolo mo sa nakita.. pak!

egG. said...

biten siya *bow* hmmm di kaya pareho silang magshoshow saa webcam.... lol