Thursday, September 8, 2011

Live Show 3

“Hello, AsianDreamBoy,” ang bati ni PapaBear. May nick, ibig sabihin, member at may credit.

“Hello, PapaBear,” ang kaagad na tugon ni Warren a.k.a. AsianDreamBoy. “How are you today?”

“I’m good. And you, BB?”

“Horny and ready.”

“Nice. You are so sexy.”

Naka-sideview siya sa kamera. Nakahubad. Kita ang buong katawan sa pagkaka-recline sa kama. Nakataas ang isang binti upang takpan ang maselang bahagi.

“Mmmm… Thanks, BB,” ang sagot niya.

“Are you Thai?” ang tanong ni PapaBear.

“No, BB. Filipino.”

“Pinoy ka?”

“Oo. Ikaw rin?”

“Oo. Taga-saan ka?”

“Manila.”

“Manila rin ako.”

At nag-usap na sila habang nakatanga ang iba pang mga tao sa chatroom dahil hindi sila maintindihan. Although may pinoy guest din na panay ang butt-in subalit hindi niya pansin. No nick, no credit. Why bother?

“Gusto kitang makita nang buo,” ang sabi ni PapaBear. “Maaari mo bang ipasilip sa akin ang iyong itinatago?”

“Sure, BB.” At ibinaba niya ang nakataas na binti. Mabilisan, sapat lang upang makapanukso nang konti.

Sunud-sunod ang naging reaksiyon sa iba’t ibang lengguwahe ng iba pang mga nasa chatroom.

“Wow! I love it!”

“Penis belle!”

“Quiero probar el pene grande.”

Nangiti si Warren. “Nagustuhan mo ba, PapaBear?”

“May gusto pa akong ipagawa sa’yo,” ang sagot.

“Sure. Kahit ano. Let’s go private.”

“Ok.”

At sa pagkadismaya ng iba pang viewers, nawala ang imahe ni Warren sa free chat. Pumalit ang larawan ng isang entablado na nakasara ang kurtina.

I’m currently in private chat, ang sabi sa screen. Join me in private or take a peek behind the curtain. You can take a peek into my room for 1 credit.

***

Nang hapong iyon pag-uwi niya, nagulat si Warren nang madatnan niya sa bahay si Angelo.

“O, ano’ng ginagawa mo rito? Wala kang trabaho?”

Tumingin sa kanya si Angelo at napansin niya na ito ay malungkot.

“Bakit?” ang tanong niya. “May problema ba?”

Bumuntonghininga muna si Angelo bago nagsalita. “Na-lay off ako sa trabaho.”

“Ha? Bakit?”

“Humina kasi ang bar. Naisipan ng management na mag-cost cutting kaya nagbawas. Tinanggal lahat ng part-time.”

“Pababalikin ba kayo kapag lumakas na uli?”

“Mukhang malabo.”

“Paano ngayon ‘yan?’

“Ewan ko. Malapit pa naman na ang exams. Hindi ko alam ngayon kung saan ako kukuha ng pang-tuition.”

“Ano’ng plano mo?”

“Bukas, susubukan kong maghanap ng bagong trabaho. Sana lang suwertehin ako.”

***

Habang nakasalang ang sinaing, lumabas si Warren upang bumili ng ulam.

Pagbalik niya, nakita ni Angelo na Andok’s and dala niya.

“Naku,” ang sabi kaagad nito. “Wala akong pang-share diyan. Katatanggal ko lang. Kailangan kong magtipid.”

“Huwag kang mag-alala. Libre ko na ito.” Nais niya lang na kahit paano ay pasayahin si Angelo kaya iyon ang naisipan niyang bilhin.

“Naku, nakakahiya naman. Hayaan mo, kapag nagkatrabaho na uli ako, manlilibre rin ako.”

“Huwag mo nang isipin ‘yan. Halika, kumain na tayo.”

Habang naghahapunan, nagkaroon sila ng pagkakataong makapagkuwentuhan.

“Mahirap lang kami,” ang sabi ni Angelo. “Magsasaka lang ang mga magulang ko sa probinsiya. Pangarap ko ang makapagtapos kaya nagsisikap ako. Hindi nila ako kayang tustusan kaya self-supporting ako.”

“Ako naman, produkto ng broken family,” ang sabi ni Warren. “OFW ang tatay ko. Nakahanap ng iba sa abroad kaya iniwan kami. Ang nanay ko naman, naghanap din ng iba. Kaya naglayas na lang ako.”

“Hindi mo ba sila nami-miss?”

“Hindi. Nasanay na kasi ako na lagi silang wala.”

“Ako, miss na miss ko na sila. Kaya lang, kailangan ko talagang magtiis.”

“Ganoon talaga. Kailangang magsakripisyo para sa pangarap.”

“Ikaw, anong pangarap mo?”

“Makapagtapos din ng pag-aaral. Makapagtrabaho nang maayos. Yumaman.”

“Sana pareho nating matupad ang ating mga pangarap. At sana huwag tayong masyadong mahirapan.”

***

Maagang nagpaalam si Angelo upang matulog. “Aabsent muna ako sa klase bukas. Maghahanap ako ng trabaho,” ang sabi nito bago pumasok sa kanyang “silid”.

Si Warren naman, naghanda na upang mag-online.

Kaka-log-in lang niya, nakatanggap na kaagad siya ng mensahe mula sa isang pamilyar na pangalan. Kay PapaBear.

“Hey, sexy,” ang sabi.

“Hey, Papa Bear,” ang kanyang sagot.

“I want you again tonight, BB.”

“Sure, basta ikaw.”

“Private na kaagad tayo.”

“Ok.”

At nawala ang imahe ni Warren sa screen ng free chat. Nag-flash sa mga viewers ang pamilyar na mensahe: I am currently in private… At sa likod ng larawan ng entabladong nakasara ang kurtina, muli siyang naghandog ng private show kay PapaBear ayon sa direksiyon nito.

“Show me your asshole,” ang sabi.

“Yes, BB.”

“Ipasok mo ang iyong daliri. Isa muna. Pagkatapos, dalawa.”

“Yes, BB.”

“Ayan. Ganyan. Masarap ba?”

“Yes, BB.”

Hindi iyon totoo dahil nasasaktan siya. Pero sige, ride on lang sa trip ng customer. Umakting-akting siya. Ang mahalaga, magtagal ang private. Mas matagal, mas malaki ang kita. Kaya ginagawa niya ang lahat upang maging interesting siya.

Inutusan siya ni PapaBear na mag-masturbate habang nagfi-finger. At dito na siya nakadama ng kakaiba. Hindi na niya kailangang umarte dahil nagsimula na siyang masarapan. Masakit na masarap, actually.

“I want you to cum for me, BB.”

Hindi na niya nagawang mag-type ng reply. Tumango na lamang siya habang abala ang mga kamay.

“Ganyan. Ganyan. Harder, BB. Harder.”

Pinilit niyang i-delay ang orgasm. Subalit hindi nagtagal, hindi na niya ito mapigilan. Sumirit ang kanyang katas na parang ayaw tumigil. Napuno ang kanyang dibdib, may tumalsik pa malapit sa kanyang bibig.

“Sinabayan kita,” ang sabi ni PapaBear pagkaraan.

“Nice,” ang sabi niya. “You want more, BB?”

Hindi na sumagot si PapaBear. Nag-out na ito nang walang paalam.

Nag-ayos muna ng sarili si Warren bago muling nag-live sa chatroom. Parang walang nangyari, in fighting form pa rin. Kayang-kaya pa niyang magpalabas uli.

Ang hindi niya alam, bukod kay PapaBear, may iba pang sumabay nang siya ay labasan.

Sa kabilang side ng kurtinang nakapagitan sa kanila, ingat na ingat si Angelo na huwag lumikha ng ingay habang nagpupunas.

(May Karugtong)

Part 4

13 comments:

JJ Roa Rodriguez said...

Getting more deep on the personal story of the two main character... Getting better... Will be waiting for the next...

JJRod'z

Anonymous said...

WOW! nakakaaliw, at lagilagi nalang nakakabitin..
im a fan!!kip it up!c:

jelai said...

hehehe.. nice 1.. :)

Anonymous said...

nakaka thrill na naman ang story... may kasunod pa ba ang "plantation"??

wanderingcommuter said...

...may karugtong...

sumakit ang puson ko... hahaha!!!

as usual, your words and the way you weave them still amaze me. :)

Aris said...

@jj rodriguez: mas makikilala natin sila sa pagpapatuloy ng kuwento. salamat, jj, sa iyong walang sawang pagsubaybay. :)

@anonymous: thanks. sana patuloy kang maaliw sa susunod pang mga kabanata. :)

@jelay: salamat, jelay. sana hindi ka na-shock. hehe! :)

@anonymous: yup. tatapusin ko lang ito. then, tuloy na ang book II ng plantation. parang hiatus lang muna bago ang season two. :)

@wandering commuter: thank you, my friend. as usual, nakaka-inspire ang iyong comment. :)

mangpeps said...

grabe... ang lupet ng kwento.... walang tatalo dito... mas malupet pa sa blog namin, www.samutsari.info

Aris said...

@mangpeps: checked your blog. nice. thanks for dropping by. :)

Lasher said...

Ganda!

Can't wait for the next chapter!

Aris said...

@lasher: thanks. will post continuation asap. :)

YANTOK said...

ganda ng blog..nawili ako kaka basa d2 ah..

by the way, paki vote din na po yung gay story na " YANTOK ".. sa Bi Out Loud Awards ......very inspiring kasi...


ito yung link ng story para mabasa mo -

http://www.bioutloud.net/search/label/Yantok


heres the link for voting -

http://www.submit.bioutloud.net/2011/09/nominate-your-bols-best-stories-and.html

salamat ng marami... mwah..

citybuoy said...

Ang tindi ng set-up ng characters nito, Aris. I think this is one of your strongest yet. You're leaving very little to chance. *clap clap*

Anonymous said...

thanks pre....