Nasayang ang kanyang maghapon at umuwi siyang lumo. Kung mayroon man siyang nakita, mababa ang suweldo at walong oras ang trabaho.
May nakita rin siyang Wanted Waiter sa isang hosto bar. Kaya lang, GRO talaga ang hinahanap. At hangga’t maaari ay gusto niya iyong iwasan.
Nananaig pa rin sa kanya ang pagnanais na magpakarangal. Subalit hanggang kailan? Higit lalo at pakonti na nang pakonti ang kanyang pera at halos hindi na siya kumakain at naglalakad na lamang papasok sa eskuwela.
Ayaw niyang magsalita kay Warren. Hangga’t maaari, ayaw niya ritong lumapit. Subalit papalapit na nang papalapit ang exams at wala siyang pang-tuition. Sagad na sagad na rin siya at naubusan na ng pag-asa. At ayon nga sa kasabihan, ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.
Kaya nang gabing iyon, hindi na siya nakatiis. Inilapit na niya kay Warren ang kanyang kalagayan at humingi na siya ng tulong.
Si Warren naman ay naghihintay lang pala na siya ay magsabi. Noong una ay pansamanatala lang muna ang ibinigay sa kanyang tulong. Pinahiram siya ng pera. Subalit paano niya iyon mababayaran kung jobless siya? At paano na ang mga susunod niyang pangangailangan?
Kaya kasunod niyon ay nagtanong na siya tungkol sa LiveJasmin. Nakapagdesisyon na siyang pasukin iyon. Bahala na. Wala na kasi siyang choice.
“Puwede kaya ako?” ang kanyang tanong.
“Bakit hindi?” ang sagot ni Warren. “Guwapo ka. Maganda ang katawan. Makinis. At ‘yang pagka-moreno mo, ‘yan ang hinahanap ng mga puti.”
Hindi niya alam kung natuwa si Warren pero kaagad itong nagprisinta na siya nang mag-a-apply para sa kanya. Subalit bago iyon naisagawa, na-realize nila na may problema. Iisa lang ang computer sa bahay at hindi sila maaaring magsabay. Paano na, e pareho ang kanilang free time. Out of the question ang pagbili ng isa pang computer dahil ano ang ipambibili? Si Warren ang nakaisip ng solusyon.
“Maaari tayong mag-partner kung gusto mo,” ang sabi. “First in the Philippines. Sa Colombia, maraming ganyan. Mabiling-bili sa mga viewers.”
“Huh?” Saglit siyang natigilan, hindi alam ang isasagot.
“Mas mataas ang pay-out ng couple. Halos doble. Dapat lang, kasi dalawa ang maghahati.”
“Ano ang dapat nating gawin kung magpa-partner tayo?”
“Magse-sex,” ang tahasang sagot. “Gagawin ang anumang iutos sa atin.”
Napaisip siya. Biglang-bigla, nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kanyang papasukin.
“Huwag kang mag-alala,” ang patuloy ni Warren. “Maaari naman nating dayain. Magkukunwari lang tayo. Pero siyempre, may physical contact. Magkakahipuan at magkakatikiman tayo. Maaari pang magkasundutan. Pero walang ibig sabihin. Trabaho lang.”
May pag-aatubili pa rin si Angelo. “Paano kung may makapanood sa akin… sa atin?”
“Sino ba ang inaalala mong makakapanood sa’yo?”
“Ang mga magulang ko sa probinsiya… mga kapitbahay… mga kakilala…”
“Bakit, may internet na ba sa probinsiya n’yo?”
“Hindi ako sigurado…”
“Kung mayroon man, sa palagay mo ba gumagawi sila sa porn site? A gay porn site, for that matter?”
“E ‘yung mga kaklase ko rito?”
“E di kung may magtanong, i-deny mo. O kaya dedmahin mo. Hindi mo naman kailangang mag-explain. Bakit, alam ba nila ang pinagdaraanan mo?”
Napabuntonghininga si Angelo. Muling tinimbang-timbang sa isip ang desisyon.
“At saka, wala naman tayong gagawin sa free chat,” ang dugtong ni Warren. “Didisplay lang tayo at mang-aakit para i-private. At sa private naman, members lang ang maaaring mag-view. I don’t think gagasta sila para sa membership.”
Saglit na patlang. Pagkaraan, nagkibit-balikat si Angelo at tumango. “Ok, sige, mag-apply na tayo.”
Binuhay ni Warren ang computer.
“Maghubad ka na,” ang sabi.
“Ano?” Namilog ang kanyang mga mata sa pagkagulat at pagtataka.
Bahagyang natawa si Warren sa kanyang reaksyon. “Kailangan ng picture sa application. Magpi-pictorial muna tayo. Kailangan sexy.”
Inayos nito ang webcam upang gamitin sa pagkuha ng litrato. At pagkatapos, walang kaabog-abog na naghubad. Brief lang ang itinira.
Napagaya na rin si Angelo.
Magkatabi silang humarap sa computer. Nakita niya ang kanilang itsura sa monitor. Aaminin niya, nagandahan siya dahil bagay sila. Complementing ang kulay nila. Moreno siya, maputi si Warren. Para silang kape’t gatas.
Walang sabi-sabing umakbay si Warren sa kanya sabay pindot sa mouse. Click. Click.
Ang awkward sa simula. Pero kinalaunan, nag-loosen up siya. Sumandal siya kay Warren.
Click. Click.
Pumuwesto siya sa likod nito, yumakap nang mahigpit.
Click. Click.
Pa-sideview silang nagharap, anyong maghahalikan.
Click. Click.
After a few more poses, huminto sila at pinili ang litratong pinakamaganda.
Binuksan ni Warren ang website at nag-fill out ng application. Ito na rin ang nag-isip ng username na 2PinoyHotBoys.
Hindi alam ni Angelo kung bakit parang kinakabahan siya habang pinapanood si Warren.
Maya-maya, in-attach na ni Warren ang litrato nila at pagkatapos ay pinindot ang send.
This is it, ang naisip niya. There’s no turning back.
Aligaga siya buong araw habang nasa eskuwela. Isip siya nang isip, parang hindi makapag-concentrate. At nang umuwi siya, hindi niya alam kung natatakot siya o nae-excite sa inaasahang balita.
Nadatnan niya si Warren na nasa harap ng computer, nagtse-check ng email.
Nakangiti itong humarap sa kanya nang maramdaman ang kanyang pagdating.
“Guess what,” ang sabi.
Hindi siya sumagot. Hinintay niya ang sasabihin nito na more or less ay alam na niya.
“Application accepted and approved.”
Mixed ang pakiramdam niya kaya parang hindi siya makapag-react.
“Are you ok?” ang tanong ni Warren habang pinagmamasdan siya.
“Yeah,” ang sagot niya.
Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Welcome to LiveJasmin,” ang sabi. “Ngayong gabi ang una nating pagtatanghal!”
(May Karugtong)
Part 5
13 comments:
Hindi ako makahinga!!!!
Pengeng waterrrr!!!!
Hihihi! :)
ay., bitin. hehe
hehehe..thrilling!! sana naman bukas pag log-in ko sa blogger may karugtong na!!! :) totoo pla yang livejasmin!!
welcome bacK!
Can't wait for the continuation...
Getting hot hot hot!..
JJRod'z
part 5!!
@ms. chuniverse: naku, mas sisikip ang dibdib mo at mas uuhawin ka sa mga susunod na kabanata. hehe! :)
@anonymous: konting edging muna. hehe! :)
@jelai: hello, jelai. yup, totoo yung website pero fiction ang kuwento. bunga lang ng malikot na imahinasyon. parating na ang karugtong. :)
@rygel: thanks, rygel. after the vacay, ganadong-ganado akong magblog muli. :)
@jj rodriguez: mas maiinit ang susunod na mga eksena. huwag palalampasin! hehe! :)
@dar.i.us: coming right up! :)
Naku Aris, first time akong nahook sa series mo. Binalik-balikan ko yung mga previous chapters. I see the story and the characters building beautifully. Can't wait for the next part.
yey.. next na!... pagtatanghal na! ehehhe
-mars
thanks i love it....kakabitin eh
Welcome back Aris..grabe, tuloy tuloy yung kamay ko sa pag scroll..click click!!
@citybuoy: as usual, kakaibang high ang dulot ng comment mo sa akin. malaking affirmation that i am doing it right. thanks, nyl. :)
@mars: thank you again sa patuloy, matiyaga at walang sawang pagsubaybay. :)
@yamiverde: salamat din sa pagbabasa at sa pag-iiwan ng comment. :)
@matt: thanks, matt. mas mapapa-scroll ka sa next chapter. now posted. :)
Post a Comment