Thursday, September 1, 2011

Letters

Got this today and it made my day…

I discovered your blog just a week ago while on my annual recharging trip to the US wherein I practically just stay put and read. Never had I spent more time in a week on the web than this past week....and never had I shed more tears. Consequently, I havent read any of the pocketbooks I purchased as soon as I got here.

I love the overwhelming majority of your stories, most especially Dove, which prompted me to post this comment as soon as I finished reading it. I am only halfway through your collection and I am sure my comments will be even more superlative as I go through the rest of it.

The only drawback is my inability to understand very deep Tagalog words, Ilonggo kasi ako :). On the other hand, maybe this is where I can hone my Tagalog.

Keep doing what you have been doing, you are doing a great, great job at it. And thanks for making me pour my heart out, pangtanggal ng stress :)

Wow, ang ganda naman ng pasok ng September ko! Thank you very much.

***

Heto pa ang dalawang sulat na nagpasaya sa akin. Share ko na rin…

Hello Aris,

I saw your blog yesterday. Currently I have it on my google reader in order for me to read it while I am at the office.

Ang galing mong magsulat! I added your email sa ym ko, tapos I wrote there na lahat ng gawa mo, hindi lang tumatagos sa puso, pati sa soul. I havent read all of your post. Hindi ko pa sinisimulang basahin ang mga serye mo kasi medyo busy pa sa office e, ayaw kong mabitin. Hehe... Marami na akong favorites. I love the story about closure (yung kay Johann), tapos yung kwento ng “Happy Ending.” Special sa akin yun kasi that inspires me.

Thank you for sharing your stories. You just don’t know how much it makes my day. I’m a fan.

Thanks for reading my email.

Orange

===

Hi Aris,

Hindi mo ako kilala pero isa na ako sa iyong mga tagahanga at tagasubaybay ng iyong blog. Mahusay kang magsulat, pare ko. Ang paggamit mo sa ating wika sa iyong pagsasalaysay ay maipagmamalaki at napakahusay. Wala itong bahid ng kalaswaan. Hindi ka magsasawang basahin ito at mananabik ka sa susunod na kabanata sa buhay ni Aris.

Noong isang araw na wala akong magawa (dahil retirado na ako) ay naramdaman ko na parang binabalikan ko sa aking isipan ang aking kabataan. Naalala ko si Aris. Isang napaka-masayahing bata na may pagkapilyo at kung makangisi pati na ang utal na pagsasalita ay nakakatuwa. Nakikinikinita ko pa siyang naglalaro sa harap ng aming apartment. Akoy napangiti at naisipan kong i-yahoo search ang pangalang Aris. At una sa listahan ay ang Ako si Aris blogspot. Dahil Tagalog, itoy aking binuksan. Malay ko, baka ikaw na nga iyong si Aris na di ko na nakita simula nang akoy makipagsapalaran dito sa Amerika.

Inumpisahan kong basahin ang Indie at doon ko napagtanto na magkabaro pala tayo. Hindi ako mapuknat sa pagbabasa ng mga seryeng isinasalaysay mo. Hindi ko napansin hapon na pala at nalimutan ko nang magtanghalian. Nabusog, natuwa, naluha, naawa, nainggit, nalungkot ako at lahat na yata ng emosyon. Putris ka, Aris, parang lindol mong niyanig at niyugyog ang aking natutulog na sanang damdamin. Nabuhayan ako ng dugo, naantig ang aking damdamin at kalamnan lalo na sa mga maiinit na eksena ng pagmamahalan, pagtatalik, pati na kapangahasan. At ako ay nagtanong sa sarili kung hindi pa kaya huli ang lahat para ako’y magmahal at mahalin. Maramdaman ang yakap at halik ng isang kabiyak.

Sana makadaupang palad kita para magabayan mo ako sa pagtahak sa mundo natin na iyong natahak na, kung saka-sakaling maisipan kong umuwi diyan sa Pilipinas.

Ingat ka lagi at ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat.

Tatang

With all the love I’m getting, how can I not continue writing? Thanks, Orange and Tatang. You keep me going.

***

Keep your letters coming. Hindi n’yo lang alam at hindi ko rin maipahayag nang lubusan how much I appreciate them.

Hugs and kisses. :)

13 comments:

RainDarwin said...

ikaw na ang reyna ng Malikhaing Pagsulat!

You deserve all those papuri. Lahat kami bilib sa istilo ng pagsusulat mo. Tagos mula kalamnan, buto hanggang sa kaluluwa.

Actually maraming magaling magsulat hindi lang ikaw. Ang ikinabibilib ko sayo ay yung pag-re-research mo ng mga technicalities to substantiate the fact and good judgment of the story.

Example, yung pagtutuli. You made good research on it. Saktong sakto ang pagkakasulat mo dun kasi sa Albularyo din ako tinuli. Nang isulat mo yun inakala kong sa albularyo ka tinuli pero hindi pala.

Oooops nasaan na ang karugtong ng Plantation, aber? Marami kang naghihintay.

JJ Roa Rodriguez said...

Oh i undersatnd how you feel my friend. Being appreciated by readers is always the aim of every writer and you nailed it with these guys including me.

Keep the good work bro!

Cheers!

JJRod'z

Aris said...

@raindarwin: maraming salamat, papa p. dahil sa iyong sinabi, sulit ang mga naging pagpapagod ko. dagdag-inspirasyon ito sa akin. about plantation, pinaglalaruan ko pa sa utak ko ang continuation. gusto ko kasing mas mapaganda pa para sa inyong higit na ikasisiya. :)

@jj rodriguez: jj, my friend, thank you. i always look forward to your inspiring comments. :)

JG from Iloilo said...

Thanks for posting my letter. It was really intended as a comment but since it was my first time to post, I really didn't know how to do it. Luckily, it found its way to your mailbox and hopefully this time, my identity will show up.

Thanks for the wonderful stories. Damo gid nga salamat as we say it in Ilonggo.

Drama King said...

Tama si Papa Pilyo. You deserve it! Hehe. Napakahusay at napakamalikhain mong magsulat. At sa bawat kuwento mo, may parte sa amin ang nakakarelate sa mga ito. Kung hindi dahil sa blog mo ay hindi ko madidiskubre ang mga iba pang blogs na aking inspirasyon sa ngayon. Ikaw ang nauna sa aking puso (yun eh!) at mananatili kang numero uno rito. Tuloy lang sa pagsusulat! Pagpupugay! :)

Arnel said...

You deserve those compliments. =)

koro said...

Hahaha.. nice
Iba talaga nagagawa ng appreciation :D

Eli said...

eh kasi totoo naman kuya. you have the gift! keep on writing lang. nokonoks nomon.

Orange said...

Thanks for Reading my email. After I read this post, akala ko deadma mo lang, pero hindi pala. It's way better than getting a reply. It makes me feel so high right now. Mas masarap pa sa s_x ang feeling na marecognize ng idol mo. :)

Thank ulet,

Orange

Aris said...

@jg: gaya ng nasabi ko, you made my day, jg. sobrang naging masaya ako pagkabasa sa sulat mo. salamat din and god bless. :)

@drama king: wow naman, sobrang touched ako. thank you. thank you. :)

@arnel: thank you, my friend. isa ka sa mga inspirasyon ko kapag nagsusulat ako dahil alam kong nagbabasa ka palagi. :)

Aris said...

@koro: korek. nakakataba ng puso at nakakapagbigay ng inspirasyon. :)

@elay: salamat, li'l bro. luvyah! :)

@orange: mas masarap iyong makatanggap ng sulat mula sa'yo dahil sinusulit nito ang mga pagpapagod ko at nadaragdagan ang inspirasyon ko na paghusayin pa ang pagsusulat. sabi ko nga, hindi ko lang ma-express in words ang pagpapahalaga ko pero labis-labis iyon at natutuwa ako na hindi mo man mabasa o marinig, nararamdaman mo. maraming maraming salamat sa'yo. :)

Lasher said...

Sabi ko nga sayo, magpublish ka na ng libro. I'll be there sa book-signing kahit milya-milya ang Manila from where I am.

I dream about your stories, Aries. And mas naku-curious ako lalo sayo! Azzen.

Keep writing!

Aris said...

@lasher: wow naman! ang saya ko. hopefully, soon, magkaka-libro tayo. calling publishers hehe! thanks, lasher. dahil sa'yo, patuloy akong magsusulat. :)