Saturday, December 22, 2012

Season’s Greetings

Dear Readers and Friends,

May your Christmas sparkle with moments of love, laughter and goodwill
And may the year ahead be full of contentment and joy.


Love,
Aris

Wednesday, December 12, 2012

Freshman High

First day of classes nang una kong makita si AJ. Isa siya sa mga student leaders na ipinakilala at pinagsalita sa General Assembly. First year high school ako noon at fourth year siya.

Attracted kaagad ako sa kanya. Napakatangkad niya. Napakakisig. At napakagaling magsalita.

Kakaiba ang presence ni AJ. Humahatak ng atensyon.

Siya ang editor-in-chief ng school paper. Varsity soccer player din siya at honor student pa. Hangang-hanga ako sa kanya. Parang bigla ko siyang naging idol. Parang gusto kong maging kagaya niya.

Mula noon, kakaiba ang nararamdaman ko kapag nakakasalubong ko siya sa corridor. Pasulyap-sulyap ako sa kanya kapag nakakasabay ko siya sa library. Naging regular niya akong tagapanood sa soccer practice nila tuwing hapon.

Napakaliksi niyang kumilos. Napakabilis niyang tumakbo. Napakalakas niyang sumipa.

Napakatatag ng mabibilog niyang hita at mahahabang binti. Napaka-astig niyang pumorma sa field.

Punumpuno ako ng admiration kay AJ kapag pinapanood ko siyang naglalaro.

***

Nagkakilala kami ni AJ nang di inaasahan.

Nag-audition ako noon para sa isang play na kasali sa isang competition sa school. Pumasa ako for a very minor role.

Sa first meeting, nagulat ako nang malaman ko na kasali sa cast si AJ at siya ang lead. Nag-reading kami at napatanga ako habang nagde-deliver siya ng mga linya. Ang galing-galing niya!

Ewan ko ba, masyado yata akong na-excite o na-conscious sa presence ni AJ dahil nang basahin ko na ang kakaunti kong linya, nagkabuhol-buhol ang aking dila. First chance ko na magpa-impress kay AJ, palpak pa.

“You can do it, Aris,” ang sabi ni AJ.

At least, napansin niya ako.

***

First rehearsal namin, maryosep, nagkalat uli ako. Ang OA ng acting ko! Kitang-kita ko na napailing ang direktor namin.

Napaupo ako sa isang sulok. Nag-alala ako na baka tanggalin ako sa cast. Nag-alala rin ako dahil naroroon si AJ.

“O, Aris, bakit nandiyan ka sa sulok?” ang tanong ni AJ na di ko namalayan ang paglapit. Rehearsal break namin noon.

Di ko naiwasang mag-confide sa kanya. “Disappointed ako sa performance ko.”

“Ok lang yun,” ang sabi niya. “Unang rehearsal pa lang naman natin ito.”

“Ewan ko, parang di ko naiintindihan ang role ko.”

“Makukuha mo rin yan.” He was very reassuring.

Akala ko aalis na siya pero umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang script sa kamay ko. “Gusto mo, bigyan kita ng pointers?”

May tuwang pumitlag sa aking puso. “Sige.”

“Ganito lang yan…”

Habang nagsasalita siya at kino-coach ako, nakatingin ako sa kanya. Hindi ako sure kung naiintindihan ko ang mga sinasabi niya pero nakaramdam ako ng sobra-sobrang inspirasyon.

Biglang naiba ang performance ko nang mag-resume kami ng rehearsal. Napuri ako ng direktor.

Pagtingin ko kay AJ, nakangiti siya sa akin.

***

I got close, real close to AJ (physically, that is!) noong unang mag-overnight rehearsal kami sa school. It was a Friday evening.

Diretso kami lahat sa isang classroom para matulog pagkatapos ng practice. Kanya-kanya kaming dala ng mga beddings. Kumpleto ako: unan, kumot, banig.

Napansin ko, unan lang ang baon ni AJ. Nakita kong nagdudugtong-dugtong siya ng mga silya.

Sa sobrang pagod at dahil di ako sanay magpuyat, nakatulog kaagad ako.

“Aris…” Nagising ako sa boses ni AJ at sa kanyang mahinang tapik. “Pwedeng patabi?”

“H-huh?” Medyo naalimpungatan ako. Akala ko, nananaginip ako.

“Di ako makatulog eh. Sakit sa likod ng higaan ko.”

“Ok,” ang sabi ko.

Nahiga siya sa tabi ko.

Katahimikan. Nakiramdam ako.

“Pwedeng pa-share sa kumot mo?” ang sabi niya pagkaraan. “Ang lamig eh.”

“Ok, sige,” ang sabi ko uli.

Nagsukob kami sa kumot ko.

At dahil hindi naman ganoon kalaki ang banig at kumot ko, di naiwasang magdikit kami ni AJ.

Ramdam ko ang mainit na singaw ng kanyang katawan. Dinig ko ang kanyang bawat paghinga.

Nakatulog uli ako.

Madaling araw, nagising ako. Tulog na tulog si AJ. Nakayakap siya sa akin.

Di ako makakilos pero lihim akong napangiti.

***

By twist of fate, nagkaroon ng pagbabago sa play namin at di ko inaasahan na magiging malaking bahagi ako ng pagbabagong iyon.

Naaksidente sa basketball ang second lead namin. Nabalian ng braso.

Medyo panic ang grupo lalong-lalo na ang direktor namin dahil malapit na ang araw ng aming pagtatanghal.

“Ano ang gagawin natin? Wala pa naman siyang understudy. Sino ang ipapalit natin?”

Tahimik kami.

Maya-maya nagsalita si AJ. “Sir, bakit hindi natin ipalit si Aris.”

Nagulantang ako. Anooo?

“Kaya ni Aris yan. Subukan natin,” ang dugtong pa ni AJ.

Are you crazy?

Masusi akong tinitigan ni direk. “Hmmm… kabisado mo ba ang buong script?”

“Opo. Pero...”

Bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko, nag-utos na si direk. “Ok, Aris, let’s do the confrontation scene. ”

Si AJ ang ka-eksena ko. Isang maigting na pagtatalo iyon na mauuwi sa sigawan at pisikalan. Isa sa mga highlight ng play ang eksenang iyon na kung saan magkakaibang emosyon ang kailangan naming ipakita ni AJ.

Hindi ko alam kung na-challenge ako o na-inspire. Nakalimutan ko ang aking sarili. Natangay ako sa eksena namin ni AJ.

Napapalakpak ang direktor namin pagkatapos. “Aris, mula ngayon, ikaw na si Rodrigo!”

Ang saya-saya ko! Di ko alam kung dahil ako na si Rodrigo o dahil nakita ko na masaya si AJ para sa akin.

***

We had a lot of catching up to do kaya naghabol kami ni AJ. Anumang oras na pwede kaming magkita, nagpa-practice kami. Very supportive siya sa akin at pursigido siyang tulungan ako na mapagbuti ko ang aking pagganap.

Dahil dito, pakiramdam ko higit akong napalapit kay AJ. At lalong lumaki ang paghanga ko sa kanya. Sa puso ko, higit siyang nagkaroon ng espesyal na lugar.

Dalawang araw bago ang pagtatanghal namin sa competition, ginabi kami sa school dahil sa pagpapraktis. Nakaupo kami ni AJ sa isang bench sa ilalim ng isang puno sa school ground. Maliwanag ang buwan at malamig ang simoy ng hangin. Nakasindi na ang mga poste ng ilaw sa buong campus.

May ibinigay siya sa akin. Isang keychain na may palawit na bola ng soccer.

“Ano to?”

“Isabit mo diyan sa bag mo.”

Kahit nagtataka sa bigay niya, isinabit ko kaagad ang keychain sa bag ko.

“Ok di ba? “ ang sabi niya.

“Ba’t mo naman ako binigyan ng keychain?” ang tanong ko.

“Lucky charm yan.”

“Para saan?”

“Para sa play natin.”

Napangiti ako sa kanya.

“Remembrance na rin,” ang sabi niya pagkaraan.

Napatingin ako sa kanya.

“Bakit kailangan ng remembrance?” ang tanong ko.

“Kasi… after the play, hindi na tayo magkakasama.”

Para akong biglang nalungkot.

Ipapalabas na nga pala ang play. At di na kami magkikita at magkakasama pa nang ganito para mag-praktis.

Parang gusto ko siyang yakapin at sabihing mami-miss ko siya. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Parang may lungkot din akong nakita sa kanyang mga mata.

Maya-maya inakbayan niya ako.

“Tara na, uwi na tayo. Gabi na.”

***

“And the winner for best actor is…”

Drum roll.

Napatalon ako at napasigaw nang marinig ko ang pangalan ni AJ.

Umakyat si AJ sa stage.

Nakabibingi ang palakpakan ng mga tao.

Ang lakas din ng palakpak ko.

Nakatingin ako kay AJ habang tinatanggap niya ang award. Napakasaya ng kanyang mukha. Napakagwapo niya sa gitna ng tagumpay. Nag-uumapaw ang aking puso hindi lamang sa galak kundi sa paghanga at pagmamahal. Pagmamahal! Noon ko lang naamin sa aking sarili ang tunay kong nararamdaman para kay AJ!

Kaagad siyang lumapit sa akin pagkatapos niyang tanggapin ang award. Bigla niya akong niyakap. Mahigpit.

“I love you, my friend!” ang bulong niya.

Yumakap din ako sa kanya.

“I love you, too,” ang sagot ko. And I really meant it!

Napatingin siya sa akin. Napangiti.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa noo ko.

Friday, November 30, 2012

Raffy

Sampung taon na ang nakalilipas mula nang magturo ako sa high school. Kaga-graduate ko lang noon sa college at na-assign ako sa Fourth Year. Sa isang all-boys school iyon sa probinsiya na alma mater ko rin.

Apat na taon lang ang tanda ko sa mga estudyante ko kaya halos wala kaming generation gap. At dahil pulos lalaki ang mga ito, kinailangan ko silang kontrolin sa kanilang mga kapilyuhan at kalokohan. Bukod sa pagtuturo, iyon ang higit na pinagtuunan ko ng pansin at hindi ang  magkaroon ng admiration o special treatment sa kung sino ang guwapo. Bilang kanilang guro, pangunahing tungkulin ko ang kanilang pagkatuto at layunin ko ang maging magandang ehemplo upang ako ay kanilang irespeto.

Mahirap noong una dahil susubukan ka talaga nila, titimplahin kung kakayanin ka, kung titiklop ka sa kanilang mischief. Ang naging approach ko, kamay na bakal muna. Mahigpit, istrikto, malupit. At nang magkaroon na sila ng takot sa akin at mapasunod ko na sa pamamagitan lamang ng tingin, unti-unti na akong lumuwag at lumambot. In fact, naging friendly na ako at sila ay nagsimulang maging malapit sa akin. Sa loob ng classroom, seryoso kami sa mga leksiyon but outside of it, naging halos magkakabarkada na lang kami.

Isa sa mga naging malapit sa akin ay si Raffy.

Personable si Raffy. Isa siya sa mga namumukod-tangi pagdating sa looks department sa aking klase. Matangkad, likas na matikas, maganda ang kutis na bagama’t moreno ay walang pimples at makinis. Laging nakasuklay, plantsado ang uniporme at malinis ang sapatos. Nang una ko siyang makita, ang agad kong napansin ay ang kanyang pagiging neat.

Hindi siya ang pinakamatalino sa klase -- average lang -- subalit masipag siyang mag-aral at masigasig. Well, at least iyon ang aking naobserbahan pagdating sa aking subject. Hindi ko lang alam kung gayon din siya sa iba. But as far as English is concerned, kapag may hindi siya naiintindihan sa aking itinuturo, magpapaiwan siya pagkatapos ng klase, lalapit sa akin at magtatanong. Masaya akong sagutin ang kanyang mga tanong hindi dahil sa kung anupaman kundi dahil naa-appreciate ko iyong interest niya na matuto at maintindihan ang aking leksiyon.

May mga pagkakataon na pagkatapos ng klase, I would hang out with some of my students sa corridor at laging naroroon si Raffy, kabilang sa mga nakikipaghuntahan sa akin. We would swap jokes, makikinig ako sa mga kuwento nila at makikinig din sila sa mga payo ko from the mundane -- Huwag magmemedyas kung basa pa ang paa at tuyuin muna ang pagitan ng mga daliri para di magka-fungal infection -- to the thought-provoking -- Take stock of your strengths and weaknesses, likes and dislikes, hobbies and interests at gawing batayan ang mga iyon sa pagdedesisyon sa kursong kukunin mo sa college upang makasiguro na ikaw ay magiging masaya at matagumpay. Kapag nagbibigay ako ng advice lalo na sa mga seryosong bagay, si Raffy ang nakikita kong pinaka-attentive sa lahat na para bang dina-digest niya talaga ang mga sinasabi ko. At siya rin ang pinakamatanong na kadalasan ay nauuwi sa pangangantiyaw ng mga kaklase subalit ganoon talaga siya, laging curious at hindi matatahimik kapag may hindi naiintindihan.

Ang pagiging malapit sa akin ng aking mga estudyante partikular na ang barkadahan nina Raffy ay nag-extend sa labas ng paaralan. Isang gabi, katatapos lang naming maghapunan ng buong pamilya at nasa salas kami sa harap ng TV nang magkahulan ang mga aso namin. May tao sa gate. At nang lumabas ako upang sinuhin iyon, nagulat ako nang makita ko ang buong barkadahan nila, pulos naka-bisikleta, na sa kanilang paglalakwatsa on a Friday evening ay nakarating sa lugar namin. Taka man kung paano nilang natunton ang bahay namin -- marahil nalaman nila ang address mula sa isang kaklase na tagaroon din sa amin -- ay natuwa ako na sila ay makita dahil parang mga kaibigan na rin ang turing ko sa kanila.

“Ano’ng ginagagawa n’yo rito?” ang bungad kong tanong.

“Wala, sir. Napadaan lang,” ang sagot ng isa sa kanila na parang nagsisilbing pinaka-lider.

“Binibisita ka lang namin, sir,” ang sagot naman ni Raffy.

Kaagad kong binuksan ang gate. “Halika, tumuloy muna kayo.”

“Naku, sir, huwag na,” ang sabi ng pinaka-lider. “Nakakahiya.”

“Bakit nakakahiya?” ang tanong ko.

“Maiistorbo pa namin kayo,” ang sabi ni Raffy.

“At saka napadaan lang talaga kami, Sir,” ang sabi ng isa pa. “Ito kasing si Raffy, curious malaman kung saan kayo nakatira.”

“Bakit naman?”

“Para daw kapag naglayas siya sa kanila, alam na niya kung saan siya makikitira.”

Tawanan at kantiyawan.

“Naghapunan na ba kayo?” ang tanong ko pagkaraan.

“Nag-burger kami, sir, kanina.”

“Tumuloy muna kayo nang makapag-juice man lang.”

“Naku, sir, huwag na.” Muli, ang pinaka-lider. “Pauwi na rin kami.”

“Ganoon ba? Sabagay, medyo gabi na nga. Baka hinahanap na kayo sa inyo.”

“Oo nga, sir. Sige, sir, hindi na kami magtatagal.”

“O, sige. Mag-iingat kayo.”

At isa-isa na nilang pinatakbo ang kanilang mga bisikleta. Saglit akong nanatili sa gate at pinanood sila habang papalayo. Parang caravan ng mga bikers -- sampu sila lahat -- na mabagal ang patakbo at isa sa mga nahuhuli na hindi ko alam kung sadya ay si Raffy. Bago ako tuluyang pumasok sa loob, nakita ko pa siyang lumingon at kumaway. Sa tanglaw ng ilaw sa poste na kung saan siya napatapat, nabanaagan ko pa ang kanyang ngiti.

Pagkalipas ng isang linggo, isang Sabado nang hapon na ako ay abala sa pagtatanim sa hardin, muli akong nagkaroon ng bisita sa bahay. Hindi na isang caravan kundi isang tao na lamang. Si Raffy na naka-biskleta pa rin at nakapambahay lang.

“O Raffy, bakit ka naririto?” ang tanong ko habang patungo sa gate at ipinapagpag ang maruruming kamay.

“Boring kasi, sir, sa bahay kaya naisipan kong mamasyal,” ang kanyang sagot.

Binuksan ko ang gate. “Halika, pasok ka.”

Tumuloy siya at isinandal ang kanyang bisikleta sa puno ng kalachuchi na nasa may bungad ng aming bakuran. “Mahilig pala kayo, sir, magtanim.”

“Libangan lang. Halika, ipakikita ko sa’yo ang mga tanim kong herbs.”

Dinala ko siya sa tabing bahay na kung saan naroroon ang mga paborito kong halaman. “Hindi lang ipinanggagamot ang mga ‘yan kundi ipinansasahog din sa pagluluto.”

Subalit higit siyang na-fascinate sa isang maliit na fishpond na nasa bahaging iyon ng hardin na kung saan naroroon ang mga alaga kong goldfish.

“Mahilig din pala kayo sa isda, sir.”

“Oo. Bata pa ako, nag-aalaga na ako ng mga isda.”

“Pareho pala tayo, sir. Ako rin, mahilig ako sa isda. Wala nga lang akong fishpond sa bahay pero may aquarium ako.”

“Talaga? May aquarium din ako. Halika, ipakikita ko sa’yo.”

Naroroon sa aquarium sa loob ng bahay ang pinakamagaganda kong isda at habang pinagmamasdan niya ang mga iyon, nakita ko sa kanyang mukha ang magkahalong pagkamangha at pagkatuwa. “Ang lulusog nila at ang gaganda,” ang sabi niya. “Sana, sir, turuan mo rin ako ng tamang pag-aalaga.”

“Oo ba. Kung gusto mo, pahihiramin pa kita ng mga libro. Ilan ba ang alaga mong isda? Goldfish din ba?”

“Yes, sir. Konti na lang nga. Tatlong pares na lang. Madalas kasi akong mamatayan. Ang laki pa naman ng aquarium ko.”

“Huwag kang mag-alala. Mamaya, manghuhuli tayo sa fishpond. Bibigyan kita ng dalawang pares pa.”

“Talaga, sir?” Parang hindi siya makapaniwala. “Okay lang ba?”

“Okay lang. Marami naman akong isda. Basta ipangako mo lang sa akin na aalagaan mo silang mabuti.”

“Yes, sir. I promise, sir.”

Napangiti na lamang ako sa kanyang hindi maitagong excitement. Sa kabila ng pagiging binatilyo, nagmistula siyang isang bata sa aking paningin dahil sa kanyang naging asal.

Dahil sa shared interest naming iyon, higit na naging malapit sa akin si Raffy at ako rin sa kanya. Ayokong isipin na naging paborito ko siya sa aking mga estudyante -- ayokong maakusahan ng favoritism -- subalit hindi ko rin maikakailang naging espesyal siya sa akin. No, not in that special kind of way. Aaminin ko na naguguwapuhan ako sa kanya pero very much aware ako sa boundaries na hindi ko dapat tawirin. Ang ugnayan namin ay more on brotherly -- para akong kuya sa isang nakababatang kapatid -- kung hindi man pure friendship. At kahit na alam kong existent na iyon sa amin --  na mayroon kaming natatanging bonding -- iniiwasan kong bigyan o pakitaan siya ng special treatment sa loob ng klase. At siya rin naman, alam kong hindi siya nag-e-expect ng ganoon at nag-iingat din na ma-obvious o maaaring hindi lang siya aware na unwittingly, nagkaroon na kami ng closeness na higit sa student-teacher relationship.

Inspite of it, everything went smoothly sa aking pagtuturo at sa relasyon ko sa aking mga estudyante. Hardly, wala namang nabago. Normal pa rin at katulad ng dati ang naging takbo ng lahat. Maliban na lang sa halos every Saturday na pagda-drop-by ni Raffy sa bahay, na kung alam man ng iba niyang kaklase -- particularly ng kanyang mga kabarkada -- ay wala naman akong napapansing kakaibang kilos o reaksiyon mula sa kanila. Marahil, no big deal sa kanila iyon. Gayundin naman sa akin, wala akong nakikitang masama dahil parang ang nangyayari pa nga ay nagkakaroon ng extended education si Raffy dahil hindi na lamang siya sa goldfish interesado ngayon kundi pati na rin sa cultivation ng medicinal plants at healing properties ng mga ito. Or maybe, defense ko lang iyon o justification dahil kahit paano ay parang hindi dapat ang ganoon, na dapat may distansya pa rin kami kahit papano bilang teacher at estudyante higit lalo sa labas ng classroom. It didn’t bother me, though. Masasabi ko pa nga na nagpapasaya sa akin iyon at  nagbibigay ng higit na kahulugan sa aking pagiging guro.

Umusad ang panahon. Nasa kalagitnaan na kami ng school year at tuluyan na akong nakapag-adjust sa aking trabaho, kinakarir ko na kumbaga ang pagiging guro at proud na ako sa naa-achieve ko -- ang interest at pagkatuto ng mga estudyante ko sa subject na itinuturo ko. Looking forward na nga ako na masaksihan ang kanilang pagtatapos dahil iyon ang magbibigay sa akin ng tunay na fulfillment at magko-confirm sa pagiging matagumpay ng unang taon ko sa pagtuturo.

Hanggang isang araw, may dumating sa aking mensahe mula sa isang malaking kumpanya sa Makati na pinag-apply-an ko noon bago pa man ako natanggap bilang isang guro. Pinagre-report nila ako sa lalong madaling panahon.

Naguluhan ako dahil noong pinaplano ko ang career ko pagka-graduate, ang makapasok sa kumpanyang iyon ang talagang gusto ko at hindi ang maging guro. Nag-isip ako. Tinimbang-timbang ko ang dalawang choices. Pinakiramdaman ko kung nasaan talaga ang puso ko. At ako ay nagdesisyon.

Kinausap ko ang principal. Nahirapan akong magpaliwanag subalit kinalaunan ay nagawa ko ring ipaintindi sa kanya ang aking sarili kung kaya sa kabila ng aking one-year contract, ako ay kanyang pinayagan at tinanggap ang aking pagre-resign.

Kung naging mahirap man para sa akin ang pagharap sa principal, higit na naging mahirap ang pagharap ko sa aking mga estudyante upang magpaalam. Nang Biyernes na iyon, inanunsiyo ko sa klase na iyon na ang huling araw ko sa pagtuturo, na nag-resign na ako. Nagulat sila at saglit na natahimik na sinundan ng howls of protest and laughter, akala nila nagbibiro ako.

“Class, I am not joking,” ang sabi ko na dinugtungan ko ng paliwanag kung bakit. Sinabi ko rin na starting Monday, may bago na silang class adviser at English teacher.

Saka lang nila napagtanto na seryoso ako, na totoo ang sinasabi ko. At ang ekspresyon ng pagkabigla sa kanilang mga mukha na sinundan ng di-pagkapaniwala ay nauwi sa lungkot. Muli silang natahimik at nanatiling nakatingin sa akin ang 42 pairs of eyes na nagtatanong, nanunumbat. Hindi man nila isatinig ang nasa kanilang kalooban, dama ko ang hinanakit kung bakit sa kalagitnaan ng taon, kung kailan nagkaroon na kami ng maayos na samahan sa classroom ay saka ko sila iiwan. Na para bang ipinagkanulo ko sila kung kailan nahuli ko na ang kanilang loob at ipinagkatiwala na nila sa akin ang kanilang pagkatuto. Na-guilty ako, higit lalo nang mapasulyap ako sa mga mata ni Raffy. Naroroon ang mga pinaghalo-halong emosyon na mas masidhi sa lahat.

Nang dinismiss ko ang klase, seryosong nagpaalam sa akin ang karamihan. At ang barkadahan nina Raffy ay nagpaiwan. Gulat pa rin sila, di makapaniwala sa aking biglaang pag-alis. Sila ang grupong naging malapit sa akin -- ang mga nakakakuwentuhan ko sa corridor after class, ang mga napapadaan sa bahay habang nagba-bike -- at ako rin naman ay nalulungkot din. Subalit wala akong magagawa, mahirap man, kailangan kong pumili sa dalawa at magsakripisyo ng isa upang hindi ako ma-sidetrack sa pangarap ko.

Nagtatanong pa rin ang barkadahan nina Raffy kung bakit. Muli kong ipinaliwanag ang aking sarili at hindi naglaon, naunawaan naman nila ang aking posisyon at naging magaan na ang aming usapan. Nagsimula na uling magkabiruan at magtawanan. At sa huling pagkakataon ay nagmistula kaming katulad ng dati pagkatapos ng klase. Iyon nga lang, nakalulungkot isipin na iyon na ang magiging huli.

At ang higit kong ikinalungkot ay dahil wala si Raffy sa huling pagtitipon naming iyon. Hindi ko alam kung bakit. Basta hindi siya nagpaiwan, at nang dismissal ay basta na lang umalis nang walang paalam.

Kinabukasan, Sabado, hindi ako sa hardin abala kundi sa aking maleta. Nag-iimpake na ako para sa aking pag-alis sa Linggo nang may mag-doorbell sa gate.

Si Raffy, naka-bike at nakapambahay katulad nang dati.

Saka ko lang na-realize ang extent ng aking lungkot, pagkakita sa kanya. At ang lungkot na iyon ay nasalamin ko sa kanyang mga mata. Wala ang ngiti at maaliwalas na ekspresyon sa kanyang mukha.

Pilit akong nagpaka-cheerful at siya ay pinatuloy. Tumuloy siya subalit nanatiling tahimik habang nakatayo sa may bukana ng gate, nakatingin lang sa akin.

Hindi ko natagalan ang kanyang mga tingin. Tumalikod ako at naglakad patungo sa hardin na kung saan naroroon ang mga herbs na pinagyayaman namin. Sumunod siya sa akin.

Pagsapit doon, napahinto ako nang marinig ko ang kanyang tinig.

“Sir, bakit ka aalis?”

Pumihit ako. “Kailangan,” ang sabi ko. “Hindi ko kasi maaaring palampasin ang opportunity.”

“Paano kami?” Hindi lang basta nagtatanong kundi nanunumbat ang kanyang mga mata. “Hindi ba unfair na basta mo na lang kami iiwan?”

Hindi ako nakasagot.  May sundot ang kanyang sinabi. Sinalubong ko ang kanyang mga mata at pilit na nagpapaunawa.

“Hindi mo ba kami inisip na madi-disrupt kami. Paano na ang mga nasimulan mong ituro sa amin? Hindi ba kami importante sa’yo kaya ganoon na lamang kadali sa’yo na kami ay i-give-up?”

“Hindi sa ganoon. It’s just that…” Hindi ko naituloy ang sasabihin. May punto ang kanyang mga tanong na lalong nagpahirap sa aking pagsagot.

Yumuko siya, umupo at nagsimulang magbunot ng mga damo sa garden. Nanatili akong nakatayo, nakamasid sa kanya.

Nagpatuloy siya habang nagbubunot ng damo. “Paano na ang garden? Sino na ang mag-aalaga ng mga tanim natin?”

Umupo rin ako, paharap sa kanya. Nanatili siyang nakayuko.

“Paano na ang mga isda?” ang sabi niya.

“Raffy…”

Nag-angat siya ng paningin. “Paano na ako?”

Muling nagtama ang aming mga mata at nakita kong umiiyak siya.

“Raffy… Bakit?”

Umiling siya at tumayo. Tumayo rin ako.

Nanatili kaming magkaharap. Pinahid niya ang kanyang mga luha.

Saglit na katahimikan bago siya muling nagsalita. “Sir, alam mo ba na wala na akong ama at solong anak din, walang kapatid?”

Hindi ako sumagot, nakatingin lang sa kanya.

“Ang nanay ko, laging abala sa paghahanap-buhay upang maitaguyod ako. Malungkot ang mag-isa. Nagsimula akong maging masaya nang maging malapit sa’yo. Kung dati-rati, tamad akong mag-aral, nang maging teacher kita, naging masipag ako. May barkada ako pero mas gusto ko na kasama kita. Hindi lang dahil marami akong natututunan kundi dahil natagpuan ko sa’yo ang isang kaibigang matagal ko nang hinahanap. Isang kaibigang parang ama at kapatid na matagal na akong wala.”

Dumuro sa akin ang kanyang bawat salita. Hindi ko inakala na ganoon ang kanyang naging pagpapahalaga sa akin. Dama ko ang kanyang lungkot at wala akong ibang magawa kundi ang magpaumanhin.

“I’m sorry,” ang aking sambit. “I know, medyo selfish ang aking desisyon but please don’t hate me for it. This is one thing I really have to do. Hindi ko naisip na makakaapekto ako nang ganito. Sana lang ay maunawaan mo ako.”

Tumingin siya sa akin. “No, sir, I don’t hate you. At nauunawaan ko ang desisyon mo. Hindi ko lang talaga maitago ang damdamin ko pero lilipas din ito. Mami-miss nga lang kita.”

Sa kabila ng lungkot na namamayani rin sa aking dibdib, napangiti ako. “Ikaw rin mami-miss ko.”

Ngumiti rin si Raffy at mabilis na yumakap sa akin.

Nabigla man, yumakap na rin ako sa kanya.

“Goodbye, sir,” ang kanyang sabi.

“Goodbye, Raffy,” ang aking tugon.

It took a while bago namin nagawa ang magbitiw.

Roadside Inn Cafe 3

Marahang kumatok si Edgar sa pinto. Marahan ding bumukas iyon at bumungad si Stanley na naka-tuwalya lamang, naghahanda na upang maligo.

Itinaas ni Edgar ang pakete ng sigarilyo. “Naiwan mo,” ang kanyang sabi, ang tingin ay hindi naiwasang humagod sa kahubaran ni Stanley.

Kumilos ang kamay ni Stanley. Subalit sa halip na abutin ang pakete, hinawakan siya nito sa braso at hinila sa loob. Niyakap siya nito at hindi siya tumutol na parang inaasahan na niya iyon.

Sabay sa paglalapat ng pinto ay ang paglalapat din ng kanilang mga labi, puno ng pagkauhaw at pananabik na naipon at tinimpi sa mahabang panahon. Nagsalo sila sa isang halik, matagal, at nang sila ay magbitiw, tangay na sila ng agos ng pagnanasa at pagkalimot.

Natanggal at nalaglag sa lapag ang tuwalyang nakatapi sa baywang ni Stanley at nalantad kay Edgar ang buong kahubdan nito -- ang katawang kanyang sinamba noon at pinakasasamba pa rin hanggang ngayon.

At siya ay tuluyan nang naumid nang muli siyang hagkan ni Stanley. Ang mga salitang nakatakda niya sanang sabihin ay nilusaw ng tamis na dulot ng muling pagtatagpo ng kanilang mga labi.

Sinimulan ni Stanley na tanggalin ang kanyang damit. Hindi pa rin siya tumutol. Sa halip ay nakitulong pa siya upang iyon ay mapabilis. At nang ganap na rin siyang mahubaran, nagdaop ang kanilang mga katawan sa isang mahigpit na yakap. Nag-umpugan, nagpingkian, nagkiskisan ang kanilang mga ari habang ang kanilang mga labi ay patuloy sa pagtutunggali. At dahil lukob na ng mas matinding pagnanasa, tinungo nila ang kama nang hindi pa rin nagbibitiw upang lubusin ang kanilang pagniniig.

Pinahiga siya ni Stanley at pinaibabawan. Nagtama ang kanilang mga mata at saglit na nag-usap. Pagkatapos, siya ay napapikit dahil nilakbay na ng bibig at mga kamay ni Stanley ang kanyang katawan. Dinampian siya ng mga halik, hinagod ng dila, hinaplos ng palad. Hinimpilan at pinag-ukulan ng masusing konsentrasyon ang mga sensitibo niyang bahagi -- leeg, utong, rib cage. Nag-alumpihit siya nang laru-laruin nito ang kanyang pusod, higit lalo nang himurin nito ang kanyang mga hita at singit.

Parang nanunuksong iniwasan ni Stanley ang kanyang paghuhumindig. Dinaplis-daplisan muna, pinalibutan ng halik na nagpatindi sa kanyang pananabik. Kaya nang sa wakas ay kubkubin siya nito, napasinghap siya at halos mapaiyak sa relief. Ipinag-undutan niya ang sarili at siya na ang kusang nagtaas-baba, nag-urong-sulong sa lumuwag-humigpit nitong bibig.

Napaka-mind blowing man niyon, hindi niya pinili ang maging selfish. Hinila niya si Stanley paakyat. Mariing hinagkan nang magtapat ang kanilang mga labi. Niyakap at pinag-flip-over upang magkapalit sila ng posisyon. At nang siya na ang nasa ibabaw, pinadipa niya ito at ni-restrain sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa mga braso. At saka niya sinimulang romansahin ito.

Napakakinis ng balat ni Stanley, napakapino na parang seda sa pandama ng kanyang mga labi. At dahil maputi, ang bawat mariin niyang dampi ay nag-iiwan ng mapupulang marka, higit lalo sa mga bahaging sinimsim niya. Ang mga utong nito na pinaikutan niya ng dila ay kaagad na nanigas at namurok, parang maliliit na prutas na kanyang sinipsip upang hanapan ng tamis.

At nang magsawa, naglakbay siya pababa. Ang mga kamay ni Stanley na nakawala sa kanyang “pagkakagapos” ay agad na sumapo sa kanyang ulo habang dinadampian niya ng mga halik ang landas patungo sa tiyan, puson at sugpungan ng mga hita nito. Mistulang pagganti na iniwasan niya rin muna ang ari. Dumiretso siya sa itlog na kanyang hinimod, isinubo at nilaro-laro na parang kendi.

Napaliyad si Stanley at napaangat ang balakang. Napakapit sa kanyang buhok at napakadyot-kadyot, pilit ipinagdidiinan ang paninigas sa kanyang pagkakasubsob. At dahil sa paghampas-hampas nito sa kanyang mukha, hindi na natimpi pa ni Edgar ang kanyang pagnanasa. Sinagpang niya iyon at ikinulong sa kanyang bibig, hinagod ng dila at nilasap ang hugis. Dinama ang init at pintig ng mga ugat na naghatid sa kanya ng ginhawa -- parang hot chocolate sa panahon ng taglamig.

Kung sa anyong panlabas ay tila mas dominante si Stanley, pagdating sa kama ay magkapantay lang sila o maaaring higit pa dahil nang mga sandaling iyon, si Edgar ang nagmaniobra sa kanilang pagpapakaligaya. Si Stanley ay nagpaangkin nang buong pagpapaubaya. Subalit kinalaunan ay hindi na rin ito nakapagpigil at nanaig ang kagustuhang siya naman ang maging active.

At dahil magkasingpusok nga sila ni Edgar pagdating sa sex, halos magpambuno sila sa parehong pagnanais na maging in-control. Nagkaroon sila ng powerplay na higit na nagpasidhi sa excitement ng kanilang pagtatalik. Nag-agawan sila sa paglupig sa katawan ng isa’t isa, nagpapalit-palit ng posisyon, nagpagulung-gulong hanggang sa mauwi rin iyon sa pagbibigayan nila.

At pagkaraan ng mahabang sandali ng mutual pleasuring, hindi na nila na-contain ang build-up ng sarap sa kanilang mga punong-ugat. Sabay silang nanigas, nanginig at nangisay.

Halos mapugto ang kanilang mga hininga nang sila ay makarating.

Nang masaid, hindi muna sila nagbitiw at nanatiling magkayakap. Nagkatinginan sila, nagkangitian. Kapwa lukob ng maluwalhating pakiramdam.

Katahimikan muna bago nagawang mangusap ni Edgar.

“Pumapayag na ako,” ang kanyang sabi.

“Saan?” ang tanong ni Stanley.

“Sa iyong pakikipagbalikan.”

Natigilan si Stanley. Dahan-dahang kumalas sa kanyang yakap. Bumangon sa pagkakahiga at tumayo. Naglakad patungo sa bintana at tumanaw sa malayo.

Bumangon na rin siya upang lapitan ito. Subalit bago niya iyon nagawa, humarap na ito sa kanya.

Nanatili na lamang siya sa pagkakaupo, pinagmasdan ito at muling nagsalita.

“Nakahanda na akong mag-take risk,” ang patuloy niya. “Hindi na ako natatakot. Nakahanda na akong ipaglaban ka. Magalit man ang pamilya mo… magulo man ang buhay ko...”

Hindi pa rin sumasagot si Stanley. Nakatingin lang sa kanya.

“Ikaw, handa ka na rin ba?” ang tanong niya. “Iyon din ba ang gusto mong mangyari?”

Dahan-dahang lumapit si Stanley sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya. Nagtama ang kanilang mga mata at nanuot ang mga titig nito sa kanya.

“Alam mong iyon din ang gusto ko,” ang sabi. “Kaya lang…”

Napakunot-noo si Edgar. “Kaya lang…?”

Napayuko si Stanley.

Naguluhan si Edgar. “Mali ba ang intindi ko sa mga sinabi mo kanina?”

Bumuntonghininga muna si Stanley bago sumagot. “Nang makita kita, I was so happy na nakalimot ako sa reality. Nabigla ako sa aking alok. Nawala sa isip ko na hindi na pala iyon maaari.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Bumitiw sa kanya si Stanley at muling tumayo.

Tumayo na rin siya, naguguluhan pa rin sa usapan nila.  

“I am sorry,” ang sabi ni Stanley

“Sorry?”

“I just can’t anymore.”

“Why?”

“The reason why I am travelling… why I am going to Naga is that…” Nagkaroon ito ng pag-aatubili.

“Ano?” ang untag ni Edgar. “Magsalita ka. Sabihin mo sa akin.”

Ginulat siya ng sumunod na narinig.

“I am getting married.”

(May karugtong)

Part 4

Sunday, November 18, 2012

Be With You (Redux)

I have given up on you pero nagbakasakali pa rin ako.

Niyaya kitang lumabas kasama ang grupo.

I was expecting a “No” kasi nga ang pagkakaalam ko, may dine-date ka nang iba. Kaya na-surprise ako nang mag-“Yes” ka. Siyempre, natuwa ako.

Ang sabi mo pa: “I cancelled my date to be with you, guys.”

It was the usual gimik with friends. And your presence made the difference.

Even if we were sitting beside each other, I tried to be as casual as possible. Even if we were sharing a plate of pulutan and a pack of cigarettes, hindi ko ito binigyan ng anumang kahulugan.

I was myself. Wala na akong conscious effort na magpa-impress sa’yo. Panay ang inom ko at alam ko na habang nalalasing ako, mas nagiging spontaneous ako. Hindi na guarded ang mga salita at galaw ko. And like the other guys, you were laughing at my every joke.

I got the feeling na mas appreciated mo ang pagkaluka-luka ko, hindi katulad noon na wala kang reaction sa pagpapaka-demure ko.

Nevertheless, hindi pa rin ako nag-isip ng kahit na ano. I was just enjoying myself being with the group. And being with you.

Wala na talaga sa isip ko na tratuhin pa kita nang espesyal dahil sabi ko nga, I’ve given up on you. Tanggap ko na, na kahit matagal din akong nag-care sa’yo, na-reach ko na ang finish line ng kahibangang ito.

Actually, I paid more attention to my other friends than to you. To the point na, feeling ko intentionally talaga, I neglected you. Hindi katulad dati na iniintindi kita palagi… tinatanong kung ok ka lang ba… hinahanap kapag nawawala. Ayoko na kasi talagang magpadala sa damdamin ko.

Pero sadya yatang may twist ang bawat istorya ng buhay ko dahil kung kelan wala na akong expectations mula sa’yo, saka naman parang sinorpresa mo ako sa mga kakaibang kilos mo.

Napansin ko na sa tuwing tumitingin ako sa’yo, sinasalubong mo ang mga mata ko. Umiiwas ako dahil ayokong muli ay mawala ako sa mga titig mo.

Napansin ko rin na naging mahawak ka sa akin, bagay na hindi ko yata maalalang ginagawa mo sa akin noon. Ako pa ang mahawak sa’yo dati pero never kang naging responsive.

Naramdaman ko ang manaka-nakang pagpatong ng kamay mo sa hita ko o sa likod ko. Na dinedma ko lang dahil mahawak din naman sa akin ang ibang friends ko.

Natigilan lang ako nang bumulong ka sa akin: “Basambasa na ng pawis ang likod mo, baka magkasakit ka.” Na noong una’y babalewalain ko lang sana subalit dinugtungan mo pa: “Akina panyo mo, pupunasan kita.”

Touched ako. Pero parang hindi tama na magpapunas pa ako ng likod sa’yo. “No, it’s ok,” ang sabi ko. Nag-excuse ako at nag-restroom. Ako ang nagpunas sa sarili ko.

The night wore on na basta nag-enjoy lang ako. I went about meeting other people. Pinabayaan lang din kita na mag-socialize. Honestly, I forgot all about you dahil I got connected with really interesting guys.

We parted ways na walang fanfare. Basta naghiwalay lang tayo. Ni hindi ko maalala kung nakapag-goodbye ako sa’yo nang maayos.

The following day, I texted everybody including you: “It was great to see you again last night. Thank you for the enjoyable company.”

Nag-reply lahat. Maliban sa’yo.

Wala sa akin ‘yon. Okay lang kung di ka sumagot. Malay ko ba kung hindi ka nag-enjoy and you felt na wala kang dapat ipagpasalamat sa nagdaang gabi.

I went about my day na hindi ako apektado.

Naapektuhan lang ako nang bandang hapon, nag-text ka sa akin: “Why were you so cold last night?”

Matagal bago ako nakasagot: “What do you mean cold?”

“Parang iniiwasan mo ako.”

“Hindi kita iniiwasan. Why would I do that?”

“Pinabayaan mo akong mag-isa.”

“Pinabayaan lang kitang mag-enjoy on your own.”

Hindi ka na sumagot.

Bandang gabi, muli kang nag-text sa akin: “Goodnight.”

“I hope hindi ka na nagtatampo,” ang reply ko.

“Sorry, na-misread ko ang actions mo.”

“Ako ang dapat mag-sorry kasi na-offend kita.”

“Na-disappoint lang ako na parang hindi na tayo masyadong close.”

“We’re still friends, di ba?”

“Pero parang malayo na tayo sa isa’t isa. Hindi na katulad dati. ”

“May mga bagay din kasing mahirap sabihin at ipakita.”

Hinintay ko ang reply mo pero nanahimik ka.

Subalit kinabukasan paggising ko, may text ka: “Good morning. Sana maging maganda ang araw mo. Ingatan mo ang sarili mo. Naririto lang ako palagi. Please be there for me also.”

Napangiti ako. May warmth na bumalot sa puso ko.

I texted back: “I will always be here for you.”

Pero ang gusto ko talagang sabihin: I want to be with you.

Friday, November 9, 2012

The Farm

Nagtanim sila ng mga gulay at root crops.

Pinagyaman nila ang mga fruit-bearing trees -- tinabasan, pinatabaan, pinausukan.

Binakuran nila ng madre de cacao ang boundaries.

At ang hardin ay ni-landscape nila ng sari-saring halaman -- mostly flowering.

Ang lahat ng ito -- sa kabila ng pagiging backbreaking -- ay naging enjoyable at fulfilling para kina Reden at Ella. Ito rin ang naging daan upang si Homer ay mapalapit sa kanila. Pinaglaho nito ang anumang pagkakahiyaan o pagkakailangan sa pagitan nina Homer at Reden.

At dahil friendly na sa isa’t isa, higit na nag-ibayo ang atraksiyon ni Reden kay Homer. At si  Homer naman ay nagpahiwatig na ng pagiging “open”. Aware sila na may “namumuo” na sa kanila subalit ang anumang pag-uusap tungkol doon ay ipinagpapaliban muna nila. Kung may pag-uusap man na nagaganap, iyon ay sa pagitan nina Reden at Ella. At ang advice ng huli sa una: “Just go for it!”

*** 

Basahin ang kabuuan ng aking kuwento sa MSOB anthology na “Love Hunger and Paranoia”.



Mabibili na ngayon sa Central Books.  

Wednesday, October 31, 2012

Dedma

Hingal na hingal ako nang makarating sa Malate. 

Buti na lang, na-survive ko ang holdapan sa FX. Putang inang holdaper, pagkatapos kuhanin ang wallet ko at cellphone, inundayan pa ako ng saksak. Buti na lang, nagawa ko ang sumalag. Akala ko nga, nadale na ako. Natumba ako pero mabilis akong nakabangon at nakatakas.

Nagtatakbo ako mula Remedios patungong Nakpil. At dahil malalim na ang gabi, wala na akong dinatnan sa mga kaibigan ko sa tambayan kaya dumiretso na lang ako sa club para sa Halloween party.

Nang nasa may pinto na ako, namputsa, saka ko lang naalala na wala akong pera. Sumimple ako sa VIP entrance, todo ngiti sa guwardiya. Buti na lang hindi ako sinita. Pagkapasok,  kaagad kong hinanap ang mga kabarkada.

Subalit di ko sila makita. Siksikan sa loob at nakailang ikot na ako at akyat-baba, wala talaga sila. Naisip ko silang i-text pero, puta, pati cellphone ko nga pala ay nakuha.

Tumayo na lang muna ako sa isang tabi at nagmasid-masid. Marami ang naka-costume. Ako, di talaga ako nagko-costume. Hassle lang kasi lalo na sa isang katulad ko na nagko-commute. Pero naka-all black naman ako. Shades na lang ang kulang, puwede na akong Matrix o MIB.

Nakaramdam ako ng uhaw. I needed a drink, kahit beer. Kaya lang, wala nga akong pera. Namataan ko ang isang pitsel ng Blue Frog na unattended. Lumapit ako at mabilis na nag-sip. Hindi pa nakuntento, dinampot ko ang isang bote ng Red Horse na unattended din. Sorry, kailangan ko lang iyong gawin. Traumatic kaya ang maholdap lalo na kung pinagtangkaan kang patayin. Kailangan kong makalma sa pamamagitan ng alak.

Nang maubos ko ang beer, I suddenly felt sexy and naughty. Naghanap ako ng malalandi. Sinubukan kong makipag-eye contact sa mga guwapong naroroon pero dedma sila sa aking beauty. Haggard ba ang itsura ko dahil sa nangyari? Dati-rati naman hindi ako nahihirapang kumonek.

Nagsisimula na akong mainis dahil wa epek ang aking mga pagpapapungay nang mamataan ko ang isang maputi at mestisuhing lalaki na naka-costume ng anghel -- with matching pakpak -- na nakatingin at nakangiti sa akin. Bagay sa kanya ang kanyang costume dahil napakaamo ng kanyang mukha. Nginitian ko rin siya at maya-maya pa ay papalapit na siya sa akin.

Handa na sana ako sa isang “heavenly encounter” nang mula sa likuran ay may nag-hello sa akin. Pumihit ako. Isang tall, dark and handsome na naka-costume naman ng demonyo -- may sungay pang umiilaw -- na nakangiti nang mapanukso. Kung ang anghel ay aninag lamang ang matipunong katawan sa kanyang puting roba, ang demonyo naman ay litaw na litaw ang dibdib at abs dahil nakahubad siya at naka-skinny jeans lang. Natagpuan ko ang aking sarili sa pagitan nilang dalawa at ako ay lihim na natawa dahil mistulang pinag-aagawan ako ng mabuti at masama.

Subalit maagap ang demonyo. Kaagad niya akong hinawakan sa kamay at hinila upang sumayaw. Habang papalayo, sinulyapan ko ang anghel at nakita ko na parang nalungkot siya. Akala ko, sa dancefloor lang ang punta namin ng demonyo subalit dinala niya ako sa ledge. At doon, hindi ko na napigilan ang aking sarili. Epekto na rin marahil ng alak, sumayaw ako nang sumayaw na parang wala nang bukas.

Maya-maya, may tumapik  sa aking likod. Nang lingunin ko, aba, ang anghel -- nasa ledge na rin at gustong jumoin sa amin ng demonyo. Dahil pareho ko silang gusto, nag-“threesome” na lang kami. Nagsayaw kaming tatlo at napapikit na lamang ako nang sila ay magsalitan sa pag-angkin sa aking katawan.

Para akong lumulutang sa ligaya subalit kinalaunan ay parang namanhid ang aking pakiramdam. Nagmulat ako at nagtaka dahil wala na sila, naglahong parang bula. Manipis na rin ang tao sa dancefloor at sa ledge ay ako na lang mag-isa.

Ipinagpasya ko na ang umuwi. Paglabas ko sa club, halos wala nang tao sa kalye. Naglakad ako patungo sa Taft. Ewan ko naman kung bakit maagang nagpatay ng ilaw ang mga bar kaya parang ang dilim tuloy ng aking nilalakaran.

Eksaktong pagdating ko sa kanto, may humintong bus dahil may pumara na sasakay. Sumakay na rin ako at naupo sa bandang dulo upang makaiwas sa paniningil ng konduktor. Nakatulog ako at nanaginip -- hindi ko na maalala kung ano. Nang ako ay magising, nakatigil na ang bus sa tapat ng subdivision namin. Nagmamadali akong bumaba at nilakad na lamang ang distansiya patungo sa bahay namin.

Pagdating sa bahay, hindi ko na kinailangang mag-doorbell dahil nakabukas ang gate. Nagulat ako nang makita sa balkonahe ang aking mga kaibigan. Ang mga indiyanerang puta. Ano ang ginagawa nila rito? At mga naka-costume pa! Hmm, baka naman last minute ay nagdesisyon sila na sorpresahin ako at dito na lamang sa bahay mag-Halloween party.

“Mga baklaaa!!!” ang tili ko sa kanila.

Subalit hindi nila ako pinansin. Dedma sila na patuloy sa pag-uusap-usap. Aba, ginu-goodtime yata ako ng mga hitad.

“Tseh! Kung ayaw ninyo akong pansinin, e di huwag, ang sabi ko sabay irap.

Pagpasok ko sa salas, nagtaka ako dahil nakabukas ang lahat ng ilaw. Marami ring bisita. Aba, mukhang may party nga.

Natigilan ako nang makita ko ang kabaong -- natatanglawan ng kandelabra at naliligiran ng mga korona.

“Burol ba ang tema? How ingenious!”

Lumapit ako sa kabaong at sumilip sa loob.

“Oh my God!”

Nagimbal ako at nanghilakbot.

Hindi!!!

Ang nakahiga sa loob ng kabaong ay ako.