Sunday, February 26, 2012

Eleven

Tagged by Jelai. Hindi ko alam kung bakit 11. Bakit nga ba? Buti na lang 11 lang dahil mahirap ding sumagot at mag-isip.

11 THINGS ABOUT ME
1. Hindi ako takot sa ipis at daga pero takot ako sa butiki.
2. I can swim, I can ride a bike, I can even skate but I cannot drive.
3. I consider myself semi-retired na sa party scene. Minsan-minsan na lang ako ngayon kung lumabas. Di katulad dati na kumpleto ang attendance ko every Saturday.
4. Kapag feel kong pumunta sa Malate, kahit mag-isa, go ako. Marami naman akong kakilala roon. At marami rin akong nakikilala kapag mag-isa lang ako. :)
5. Kapag magulo ang isip ko, nag-aayos ako ng cabinet.
6. Minsan ko nang nasubukang magturo. One sem lang. I liked it pero may dumating na mas magandang job offer.
7. Umekstra ako noon sa isang pelikula. Ipinamalita ko. Nang mag-showing, nanood ang buong pamilya at mga kaibigan ko. Unfortunately, na-edit ang part ko. Hahaha!
8. Paborito ko ang kumbinasyong tuyo at scrambled eggs. Kahit papag-ulamin mo ako nito ng isang linggo, hindi ako magrereklamo. Basta may suka lang.
9. Nagkaroon na ako ng published poems sa magazines. Pero stories, wala pa.
10. May mga kuwento akong nabuo sa pamamagitan ng sulat kamay. Kabilang na rito ang Flight at Baby Baby.
11. Marunong akong mag-drawing. Hindi ko lang masyadong napag-uukulan ng panahon.

ANSWERS TO JELAI'S 11 QUESTIONS
1. Sarah G. or Angeline Quinto?
Sarah G.
2. Naniniwala ka bang bakla si Piolo?
Um, yes?
3. Ano ang pinakana-enjoy mong ginawa nung high school ka pa?
Ang sumali sa stage plays.
4. If only you can turn back time, ano ang gusto mong balikan?
Yung time na hindi ko kailangang mag-diet para pumayat. Yung kahit anong kainin ko, hindi ako tumataba.
5. Give 5 things na nakakapagpasaya sa'yo.
Books, internet, bakasyon, comments sa posts, dagdag na followers.
6. Life with Facebook or life without it. And why?
Without. Wala akong Facebook at mukhang wala naman akong masyadong nami-miss.
7. Pag naliligo ka anong bahagi ng katawan ang una mong binabasa?
Ulo.
8. What is your wildest fantasy?
In bed with all my ex-es! Hahaha!
9. Sinong movie character ang nakakapag-remind sa'yo about yourself? Yung pag pinapanood mo 'yung movie, nasasabi mo sa sarili mong "Hala, parang ako lang!" and why?
Samantha sa “Sex and the City”. Charing! Si Carrie na lang siguro. :)
10. Ano ang pinakaayaw mong tinatanong sa'yo ng mga tao?
Kelan ka mag-aasawa?
11. Kung ibang tao ka, magkakagusto ka ba sa sarili mo? At bakit?
Oo. Tingin ko kasi sa sarili ko, maganda ako. Choz! Hahaha!

11 QUESTIONS TO BE ANSWERED BY MY TAGGED FRIENDS
1. Bukod sa Blogspot, ano ang website na palagi mong binibisita?
2. Ano ang una mong ginagawa pagkagising sa umaga?
3. Ano ang huli mong ginagawa bago matulog sa gabi?
4. Ano ang iyong sleeping attire?
5. Ano ang paborito mong ulam?
6. Sino ang iyong ultimate celebrity crush?
7. Ikuwento nang maiksi ang iyong most embarrassing experience.
8. Ano ang mas mahalaga sa iyo, pera o ganda? Ipaliwanag.
9. Paano o saan mo ginugugol ang iyong free time?
10. Ano ang iyong ultimate dream sa buhay?
11. Kung magbubukas ka ng isa pang blog, magiging tungkol saan ito o ano ang magiging tema nito?

Now, for those who will be tagged, here are the rules:
* Post 11 things about yourself
* Answer the tagged questions
* Create 11 questions to be answered by your tagged friends

I am tagging Nimmy, Leo, Ester, Caloy, Pilyo, Elay, Baklang Maton, Bien, Ms. Chuniverse, Zirjaye, Arjee.

13 comments:

cArLo said...

nakakatuwa basahin. nainggit ako bigla,parang mas-interesting ang buhay mo :)

bien said...

At naka-tag talaga ako haha.
Apir sa wild fantasy, orgy with the Ex-es. Isama na natin ang hot na naka one-night-stand.

Mugen said...

"I consider myself semi-retired na sa party scene. Minsan-minsan na lang ako ngayon kung lumabas. Di katulad dati na kumpleto ang attendance ko every Saturday."

Nakarelate ako dito. Haha. Part of growing I guess. :)

Ms. Chuniverse said...

Ayyy... kalokah! Mas nakilala kita. :)

Aris said...

@carlo: hindi naman, friend. interesting din ang buhay mo. :)

@bien: korek. hahaha! accept mo na ang tag ko. gusto ko nang mabasa ang mga sagot mo. :)

@mugen: totoo. but in my case, part of growing old. haha! :)

@ms. chuniverse: go na, mare. sagutin na ang mga pang-beauty queen na tanong. :)

jelai said...

hehehe..ang cool naman nung naging extra ka sa pelikula.. and yeah i also think piolo is gay.. :)

thanks for responding to my tag kuya aris.. :)

Aris said...

@jelai: surely, basta ikaw. next time uli. charoz! salamat din. :)

Leo said...

Whoa! Naka-tag pala ako dito. I think Jelai tagged me too and Albert. Hahaha.

Nice to read this Aris, I get to know you more!!! Awesome.

Anton Fabico said...

Bakit hindi ako naka-tag dito?

Char.

Hindi ako maka get over sa P.S. I Love You post mo.

Aris said...

@leo: thanks leo. wait ko na lang ang post mo tungkol dito. excited akong mabasa ang mga sagot mo. :)

@anton fabico: hayaan mo, next time, ikaw naman ang ita-tag ko. salamat, nagustuhan mo ang p.s. i love you. sana mag-enjoy ka uling balikan ang mga kuwentong pinagmulan nito. :)

cArLo said...

kakabasa ko lang ng reply mo. haha i'm sorry, naging tamad lang ako the past months.
pero anyway eto bumabalik na ako, and also with a new blog. and yeah, it's about the other interesting part of my life. *insert evil laugh here* haha! :)

Manila Wedding Suppliers said...

Thanks for sharing us !

Lasherated said...

Inneresting, ika nga. LOL!

Thanks for sharing! ;-)