Tinutukso kami ng barkada. Ako at si Dek. Mina-match nila kami nang pilit. Lagi na lang at napapag-isip na ako kung nagbibiro nga lang ba sila o seryoso na.
Nagsimula ang lahat nang magpunta kami sa Galera last year. Ka-merge ng barkada namin ang barkada nina Dek. At dahil may bagong company, getting-to-know-you siyempre. Inuman kami sa room at kinalaunan, may Q and A portion na para sa higit na pagpapakilala sa aming mga sarili.
Isa sa mga naging tanong na kailangang sagutin ng lahat ay: “Sino ang crush mo sa kabilang grupo?”
Wala, ang unang naisip ko. Kaya lang naisip ko rin na ayokong maging corny. So, inisip ko na lang kung sino ‘yung pinakamabait sa akin, ‘yung pinakamagaan ang loob ko. Naaalala ko noong nasa port kami, kausap nang kausap sa akin si Dek. Feeling close. Na para bang matagal na kaming friends. At dahil ako ang unang sasagot, hindi na ako nag-dalawang isip, basta sinabi ko na lang, si Dek.
Hindi ko inaasahan ang pag-ulan ng mga kantiyaw na para bang napakalaking pag-amin ang aking ginawa. Namula si Dek. At namula na rin ako dahil parang bigla akong napahiya sa naging reaksiyon ng grupo. Sinubukan kong mag-explain na ang pakahulugan ko sa “crush” ay kung sino yung pinaka-gusto ko ang ugali. Pero wala nang nakinig.
Tapos, tinanong nila si Dek kung crush din daw ako. Ewan ko kung ayaw niya lang akong mapahiya o gusto niya lang i-humor pa ang grupo, sumagot siya ng “oo”. Ayun, nagsigawan na ang lahat na may palakpakan pa.
Pero ang totoo, may boyfriend na si Dek. Nasa ibang bansa. At ako naman, wala talaga. As in, wala akong feelings kay Dek. Di ko talaga siya “crush” sa totoong kahulugan ng salita. Kaya lang wala na kaming magawa maliban sa sumakay na lang para sa ikasasaya ng barkada.
Mabuti na lang after that, wala namang nabago sa pakikitungo sa akin ni Dek. In fact parang naging close pa kami. Actually, naging close ‘yung dalawang grupo namin at naging permanente na ang merging. Sa ngayon, isang barkadahan na kami na regular na nagkikita-kita at lumalabas.
At sa bawat paglabas-labas namin, hindi maaaring hindi kami makantiyawan. Para sa kanila, kami na ni Dek ang magka-loveteam at patuloy ang kanilang matchmaking.
There was a time na lasing na ang lahat, at ayun, kami na naman ni Dek ang napagkatuwaan. May nag-dare sa amin na mag-kiss. Na sinegundahan ng iba pa. At dahil lasing na nga, wala kaming naging hesitation ni Dek and we just went for it. Mga ilang segundo ring naglapat ang aming mga labi amid the cheers of our friends.
Nang kami ay magbitiw, nag-linger ang feel ng lips niya sa lips ko. Iwinaksi ko ang kakaibang pakiramdam higit lalo nang kami ay magkatitigan. Awkwardly, nagkangitian na lang kami.
After that, balik sa normal. Text-text na uli na parang walang nangyari. May mga pagkakataong nagte-text siya sa akin ng love quotes sa kalagitnaan ng gabi but I refuse na bigyan iyon ng kahulugan na lagpas sa boundaries ng friendship.
Siguro dahil minsan na rin naming napag-usapan ni Dek ang tungkol sa kanila ng kanyang boyfriend. Kung gaano niya ito kamahal at kung ano ang kanilang mga plano sa hinaharap. At sa pagkakataong iyon, wala akong nakitang puwang sa anumang pakikipagmabutihan niya sa iba (not necessarily sa akin) dahil LDR man, matatag ang kanilang relasyon at faithful siya.
At saka, hindi ko talaga siya crush. Nababaitan lang ako sa kanya kaya may soft spot siya sa akin. Swear!
Gayunpaman, nagpatuloy kami sa pagsakay sa mga biro ng barkada. Although deep inside, mayroon na akong demarcation line na nagtatakda kung hanggang saan lang ang dapat kong maramdaman.
Two Saturdays ago, biglang nagkayayaan ang grupo na mag-Malate. Unfortunately, kakapa-doktor ko lang at under medication ako. So hindi ako puwede.
“Bakit, anong nangyari?” ang text niya sa kin.
“May mga rashes ako sa mukha. Allergies,” ang sagot ko.
“Ok ka lang?”
“Yeah. May iniinom na akong gamot. I’ll be fine.”
Patlang.
Maya-maya, nagtext uli siya.
“Magpagaling ka para hindi ako mag-worry.”
Really, now!
Hinayaan ko ang aking sarili na bahagyang tawirin ang bakod ng aking emosyon. Hinayaan kong kiligin ako nang kaunti.
“Thanks.” May smiley sa reply ko.
Masarap pa rin sa feeling iyong may nag-aalala sa’yo… may nagpapahayag ng care.
Kahit alam mong nagtutuksuhan lang kayo.
31 comments:
kahit ano pa man ang dahilan niya, masarap parin talaga yung may nag-iisip ng kalagayan mo. :D
i can sense some "love" here. hard to define but i know there is.
take care! and have fun...
JJRod'z
take it for what it is. no use overthinking this one - just go with the flow and enjoy. then blog about it!
the way you explain yourself na hindi puwedeng maging kayo, ewan ko ba, o show biz for me. parang yung friend ko lang. hahaha.
sabagay, kung mabait siya, hindi malayo na magustuhan mo talaga siya. =)
may patutunguhan itetch!!!!
looking forward, bakward and sideward!
:0
Release your inhibitions. Follow your heart :)
Ang saya ng merging of barkadas, it kinda broadens your network. Hahaha.
I think, tama naman ang ginagawa mo kay Dek. You're protecting yourself, and in turn you protect him and his relationship.
Pero kinikilig ako. Haha.
Relate na relate naman ako! Haha. May tinukso rin sa akin mga friends ko 2 years ago. Grabe nadevelop kasi. Nadevelop ako sa kanya. Unfortunately siya hindi. Nainlove ako ng sobra. At sobrang nasaktan din. Sana hanggang tuksuhan na lang 'yung naramdaman ng puso ko. T_T
minsan daw yung iba friend, sa tuksuhan nag-uumpisa.
malay mo... ;)
Nakow, if I were you, don't go for it. Sorry KJ. Haha. Una, magiging kabit ka lang. Pangalawa, di mo naman sya pala talaga crush or gusto e. So I agree with the others here. Maki-ride lang pero wag seryosohin.
@justin: i agree. ok na sa akin kahit friendly concern lang. :)
@jj roa rodriguez: really? well, baka brotherly love lang. hehe! but whatever it is, i feel happy about it. :)
@john chen: tama ka. hayaan na lang if it feels good. surely, i'll blog about it kung sakali mang magkaroon ng development. :)
@paci: hahaha! showbiz ba? parang sagot lang ng mga artista: "we're just friends!" pero mabait talaga siya kaya malapit ang loob ko sa kanya. :)
@ms. chuniverse: aabangan natin yan, mare. hehe! :)
@iamrei: i will. but i will be very careful and take my time for now. :)
@leo: hindi ko nga ini-expect na after a year, aba, patuloy pa rin kaming nagkikita-kita at nagkakasama-sama.
korek. considering his situation, ayokong masaktan (if ever) at makasakit. mabuti na yung mag-set na ng boundaries para maiwasan ang kumplikasyon. at hindi rin tamang magpadala lang sa pambubuyo ng barkada. :)
@drama king: mahirap nga yang sitwasyon na yan. masakit hindi lang sa bangs kundi pati sa puso. yan ang gusto kong iwasan kaya mas mabuti na yung friends na lang. dedma na sa mga panunukso ng barkada. :)
@the geek: naku, friend, kinakabahan ako diyan. hahaha! :)
@garpppy garp: totoo, mahirap makiamot ng pagmamahal sa isang taong mayroon nang mahal. kaya bago pa ma-develop, dapat huwag nang bigyan ng kahulugan. ituring na lang na bahagi ito ng masayang pagkakaibigan. :)
yeah, basta may care masarap yun.. kaya Aris, be well and take care.. lol
@koro: thanks, koro. hehe! you take care, too. :)
So ... ano ang gusto mong mangyari? =)
Napaka open ended ng ending. Pang teeny bopper. Eh ang problema, iba ang pagkakilala ko sa iyo. Decisive ka, go getter. *grins*
Kane
Wish ko lang it would be real ano. Smell some love love love here mama (baby james) lol
Hello Aris! Rovi here. As usual, ang galing ng pagkakagawa mo.Effortless ang pagpapangiti at ang pagtouch mo ng aming mga hearts. Chos.
I sent you an e-mail, btw. :)
kamuntik akong makasal dahil sa tuksu-tuksuhan na yan na nauwi sa tusuk-tusukan. buti na lang di natuloy. oo, tomboy pa ako noon...
i agree with the last two lines! :)
hayyy. i miss that.
anyway, dyan nagsimula ang lolo't lola ko. yyyyyyyyyyyyiiiiiiiiiiiiiiiii!!! chos! haha :D
kilig moment!
@kane: nagbago na ako, kane. choz! haha! tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari... :)
@tim smithson: well, malay natin... naku, nangarap daw ako. haha!
@rovi: thanks, rovi. sorry, i didn't get your email. paki-resend na lang please. :)
@aboutambot: hindi nga. buti na lang hindi natuloy dahil kung nagkataon... naku, ano kayang nangyari? haha! :)
@carlo: mukhang marami yatang tuksuhan ang nauuwi sa totohanan. kailangang mag-ingat. choz! :)
@lanchie: actually. hehe! :)
Have a SUPER week!
@harry goaz: you too, harry. :)
Isa na naman itong kabanata sa makulay na buhay ni Aris. Namnamin habang may pagkakataon. Aabangan ko ang susunod na yugto sa buhay ni Ariston.
@anonymous: maging makulay nga kaya ang susunod na kabanata? aabangan natin yan. hehe! :)
korek! haha :)
-cArLo
Minsan ang tuksuhan nauuwi sa katotohanan
Shet!
Delikado.
Erase, erase, erase!
Hehe. Anywei heiwei, ingat ka lang.
Baka masasaktan ka lang o kaya naman, may mga damdamin kang masaktan. :-(
Post a Comment