Wednesday, February 15, 2012

P.S. I Love You

Dahil nasimulan ko kahapon, pangangatawanan ko na ang pagiging Quotation Queen (pasintabi kay Janice De Belen na siyang may hawak ng title dahil sa kanyang infamous na “God was with us when we did it.”). But this time, hayaan ninyong i-quote ko ang sarili ko sa pamamagitan ng mga linyang nagmula sa mga kuwento ko. There are, indeed, a hundred and one ways to say “I love you” at naririto ang ilan sa mga nasulat ko.

***

“Ang hirap na araw-araw, nakikita kita at nakakasama. When you do good things to me or when you simply smile at me, lalo akong nahihirapan dahil lalo kitang minamahal. You have no idea how hard it is for me… loving you more each day and just keeping it to myself.” – Umbrella

***

Dahil iba ang tingin ko sa kanya. Dahil higit sa halik at yakap ang gusto ko sa kanya. Dahil higit sa isang gabi lamang na pakikipag-relasyon ang gusto ko sa kanya. Gusto ko, siya na! – The One That Got Away

***

“I decided to let go… to forget him kahit mahal ko na siya. I was smarting from my hurt nang magkakilala tayo. Kaya nakipagsayaw ako sa’yo… nakipaglaro. Wala akong inaasahan mula sa iyo pagkatapos ng gabing iyon. But I can’t get you out of my mind. Kaya tinext kita. Niyayang lumabas. The more I knew you, the more I liked you. You made me happy. Ikaw na ang iniisip ko at hindi na siya. Ikaw na ang gusto ko.” – Panakip-Butas

***

Ewan ko ba, what’s with you. Bakit kaya kahit nakakalimutan na kita… kapag nagparamdam ka, balik na naman ang feelings ko sa’yo na parang hindi nawala. Isang text mo lang parang napindot na naman ang switch ng puso ko at muling magsisindi ang pagmamahal ko sa’yo.

Siguro dahil iba ka at iba ang naging pagmamahal ko sa’yo. Kahit sinaktan mo ako noon, naroroon pa rin, hindi nawawala ang pagtatangi ko sa’yo. Siguro dahil sa mga maliliit na bagay na patuloy mo pa ring ginagawa para sa akin na nagpapakitang mahalaga pa rin ako sa’yo… na naaalala mo pa rin ako… na ayaw mong maputol ang ating connection… na gusto mo pa rin akong i-keep sa buhay mo… kahit bilang isang kaibigan na lang. – Muli

***

Sa kanya lang talaga ako nagbigay ng second chance sa relasyon. Mahal ko kasi talaga siya. Siya kasi ang sumagip sa akin noong mga panahong nalulunod ako sa lungkot. Siya ang muling nagbigay kulay sa aking mundo noong nagdidilim ito. Siya ang nagbigay dahilan sa akin upang muling ngumiti at maging masaya.

Kahit nagkahiwalay kami, hindi na muling nawala ang mga positibong bagay na natutunan ko sa kanya. Naging madali sa akin na tanggapin siyang muli because I have always loved him. I have always longed for him. Getting back together was like coming home. – Hanggang Ngayon

***

“Don’t get me wrong. First impression lang yun. Hindi ko na nakikita si Ramir sa’yo ngayon. Ikaw na mismo ang nakikita ko, ang pagkatao mo at ang mga katangian mo. Kaya nga I appreciate you even more. Kung si Ramir pa rin ang nakikita ko sa’yo, lalayuan na kita dahil magdududa ako sa sarili ko kung bakit gusto kong maging close sa’yo.” – Angkas 3

***

Muli akong tumitig sa kanyang mga mata. At pagkaraang mahanap ko roon ang sagot sa aking mga tanong, ako ay nawala. The feeling of being with someone so beautiful and so caring was so overwhelming I just decided to let go and immerse myself in it. – Maybe

***

“Mahal na mahal pa rin kita. Walang nababago sa nararamdaman ko sa’yo. Kaya lang sinira ko na ang sarili ko. Pati tayo, sinira ko na rin. I am not anymore worthy of your love. I am not asking you to love me back. Ang hinihingi ko lang, sana patawarin mo ako.” – The Love I Lost

***

“Sa maniwala ka man at sa hindi, first time ko rin yun. Sa same sex. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang gawin iyon. Maybe it was the look in your eyes… ang kalungkutang nakita ko roon na naghahanap ng karamay. Maybe I just wanted to comfort you and I went along with the flow. Pero wala akong pinagsisisihan sa nangyari. And I am glad it happened with you.” – Two Old Friends 4

***

“Sabi ko nga, lagi pa rin kitang naaalala. Hindi ko nakakalimutan ang mga importanteng araw na may kinalaman sa’yo. Pati nga anniversary natin, alam ko pa rin.” - Still

***

“Bakit ganoon, when I think of somebody I want to make love with, ikaw ang naiisip ko. When I pleasure myself, ikaw ang ini-imagine ko.” – Pag-uulayaw

***

Inisa-isa ko ang kanyang mga pisikal na katangian. Binusog ko ang aking mga mata sa kanyang makisig na kabuuan. Nag-uumapaw ako sa saya.

Subalit kinalaunan, nakadama ako ng lungkot dahil sa napipinto naming paghihiwalay. At pangamba dahil walang katiyakan kung kailan uli kami magkikita.

Kung maaari nga lang na pigilan ko sa pag-usad ang mga sandali upang manatili kami sa gayong kalagayan. Kung maaari nga lang na maging ganoon na lang kami habang buhay. – Dove 7

10 comments:

JJ Roa Rodriguez said...

Cute ng mga lines ha... Love it!

JJRod'z

citybuoy said...

Parang greatest hits!

Ester Yaje said...

“Mahal na mahal pa rin kita. Walang nababago sa nararamdaman ko sa’yo. Kaya lang sinira ko na ang sarili ko. Pati tayo, sinira ko na rin. I am not anymore worthy of your love. I am not asking you to love me back. Ang hinihingi ko lang, sana patawarin mo ako."--winner ang linyang 'to. bagay sa radyo. hahahhaa

Arnel said...

DOVE series is my all All Time favorite.

Redge Dimaano said...

i love your blog.

Aris said...

@jj roa rodriguez: thank you, my friend. :)

@citybuoy: parang immaculate collection lang ni madonna. hehe! :)

@ester yaje: soap na soap ba? hehe! :)

@arnel: mine, too. :)

@redge dimaano: hello redge. welcome to my blog. thanks a lot. :)

Bridal Cars Manila said...

Ang cute ng blog mo !!

Aris said...

@bridal cars manila: salamat. sana dalaw ka lagi. :)

Baklang Maton said...

alavit! quotes kung quotes! move over flordeluna! <3

Aris said...

@baklang maton: o devah? hehe! thanks, mare. :)