Tuesday, March 13, 2012

Sansaglit

Nitong Sabado, para maiba naman, napagkasunduan namin ng barkada na magkita-kita sa MOA for dinner and coffee.

Dumating ako sa takdang oras. At dahil nasa gym pa ang best friend ko at ang iba nama’y paparating pa lang, naisipan ko munang mag-National.

May dalawang libro akong gustong bilhin. “Unang Ulan Sa Mayo” ni Ellen Sicat at “Norwegian Wood” ni Haruki Murakami.

Inuna kong hanapin si Murakami. Subalit nang matagpuan ko ang shelf na kinalalagyan ng kanyang mga libro, naroroon, may nakaharang na isang lalaki. Nakasubsob siya sa “The Elephant Vanishes” at natatakpan ng kanyang bulto ang iba pang mga libro. Engrossed na engrossed siya sa pagbabasa at totally unaware na may tao sa likod niya.

At dahil hindi siya tumitinag, ipinagpasya ko munang umalis at hanapin si Sicat. Sa Filipiniana Section, para kang naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami. Halo-halo ang fiction at non-fiction, hindi pa naka-alphabetize. Nawalan ako ng gana at kaagad na gumive-up.

Muli kong binalikan ang shelf ni Murakami. Subalit naroroon pa rin ang lalaki, patuloy sa pagbabasa ng “The Elephant Vanishes” at mukhang nakakarami na ng pages. Hindi na ako nakatiis. Nag-hover ako upang ipadama ang presence ko at i-send ang message na: “Excuse me, titingin din ako.”

Na kaagad niya namang nakuha kaya nag-move siya. Nakita ko ang “Norwegian Wood” at dumampot ako ng kopya. At dahil tangan ko na ang libro, nakalimot na ako habang binubuklat ito.

“Are you also into classics?”

Nag-angat ako ng paningin.

Ang lalaki. Nakatingin, nakangiti sa akin.

Saglit akong napatanga dahil ngayong nakaharap na siya, napakaguwapo niya pala! Maputi, makinis, napakaganda ng mga mata.

“Yeah,” ang nagawa kong isagot, sabay ngiti upang mapagtakpan ang pagkataranta. “But I’m more into contemporary classics,” ang dugtong ko pa.

“Me, too.” Nakangiti pa rin siya. Ang puti ng kanyang mga ngipin. Ang pula ng kanyang mga labi.

“So, you like Murakami?” Ako naman ang nagtanong.

“A lot.”

Nagtama ang aming mga mata at higit kaming napangiti.

And then we started talking about Garcia Marquez, Allende, Zafon.

“Ang sarap nilang basahin sa Spanish,” ang sabi niya.

“Marunong kang mag-Spanish?” ang tanong ko.

“Un poco. Ikaw?”

“Nakakaintindi ng konti.”

Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol sa mga libro at napag-alaman namin na magkakapareho ang aming hilig. Dahil doon, parang nagkaroon kami ng instant connection.

At habang nag-uusap kami, hindi naglalayo ang aming mga mata. Tila mayroon ding sariling conversation ang aming mga titig.

Hanggang sa ang pag-uusap namin ay naging personal.

Una siyang nagtanong ng mga bagay tungkol sa akin. Saan ka nagtatrabaho? Saan ka nakatira? Are you still single? Et cetera.

Habang sinasagot ko ang mga iyon, mataman siyang nakikinig. Dama ko ang interes niya.

Nagtanong din ako at habang sumasagot siya, hindi ako makapag-concentrate dahil distracted ako ng tila nangungusap niyang mga mata.

Kinalaunan, halos hindi na ako nakikinig sa sinasabi niya dahil dazed na ako sa kanya. Nakatingin ako, nakangiti pero abala ang aking isip sa kung ano ang mabuting gawin upang higit kaming magkakilala at magkalapit.

Yayain ko kaya siyang mag-coffee? Pero teka, paano na ang dinner ko with my friends?

Isama ko kaya siya sa dinner? Naku, magugulat sila. At ano ang aking sasabihin? Paano ko siya ipakikilala?

Nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita at ako ng pag-iisip nang may biglang sumulpot sa likuran niya.

Girl.

Na hindi niya namalayan at hindi niya rin naramdaman nang kalabitin siya.

I had to call his attention. Itinuro ko ang girl sa kanya.

At saka niya lang ito napansin.

Kaagad siyang nginitian ni girl. At sa ngiting iyon, nabasa ko kaagad kung ano si girl sa kanya. At sa ngiti niya, kung mag-ano sila.

Pero kanina lang, hindi ba’t parang may nais siyang ipahiwatig? Masyado ba akong naging assuming?

Kaagad din siyang nagbaling ng tingin sa akin. Sinalubong ko ang kanyang mga mata nang may pagtatanong at pagkalito.

Saglit niya akong tinitigan na para bang may ibig siyang ipaunawa sa akin.

Ang awkward lang na nakamasid sa amin si girl.

Minabuti kong unahan na siya sa pagkalas sa sitwasyon.

“I have to go,” ang pamamaalam ko. “It was nice talking to you.” Tumalikod na ako at humakbang palayo. Parang ang bigat ng mga paa ko, pati na ng dibdib ko.

Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Bumalik ako sa Filipiniana at parang milagro na kaagad kong nakita ang “Unang Ulan Sa Mayo”. Kinuha ko iyon at isinama sa “Norwegian Wood” na hawak hawak ko pa rin pala.

Naglakad ako patungo sa counter upang magbayad subalit bago ko iyon marating, pumihit ako at muling bumalik sa shelf ni Murakami.

Wala na siya roon.

Dinampot ko ang “The Elephant Vanishes”. The same copy na hinawakan niya at binasa.

Ipinagpasya kong bilhin na rin iyon upang magsilbing alaala ng sansaglit naming kabanata.



26 comments:

sin at work said...

oh my. i just wish both of you would cross paths again.
i mean he has a girl but still, you know... at least get to know each other. or more. ay go ako dyan sa more! haha :D
ako din may nakasalubong sa National before. but i didn't have a talk with him, but i really wish I did. he tried but i didn't. nalamon ako ng aking pagiging mahiyain. i was still young then, mga 18 i think. inosente pa ako. ahihihi :)
parang sa Memoirs of a Geisha lang ah (yung movie ah, di ko nabasa yung book) dun naman lahat ng photographs sa dyaryo kinuha n'ya, to preserve their time together. yung sayo naman eh yung book ni Murakami. pero mas wagi ka pa kay Sayuri/Chio kasi yung book na kinuha mo eh yung binasa't hinawakan nya! look at the bright side nalang teh! haha :)

Aris said...

@sin at work: sana nga magkita uli kami. malay natin. hehe!

feel ko lang na magpaka-senti kaya binili ko yung book na hinawakan at binasa niya. ang mahal nga. crazy noh? haha! :)

aboutambot said...

I Was Born For You ang peg pag nagkita pa kayo. sana...

Lasherated said...

I wait with bated breath for the next chapter/s. Stories like this deserves happy endings. At least in my book.

Crossing my fingers for you, Aries. Your stories are always always exciting to read.

Ingat.

Aris said...

@aboutambot: oo nga, puwede. hayaan mo, kapag nangyari iyon, agad kong ikukuwento. :)

@lasherated: sana nga may happy ending. hehe! thanks. you take care too. :)

citybuoy said...

Anyone who loves Murakami is okay by me. haha

And I would've bought the book too. Ang ganda lang how you ended it. Epitome ng bittersweet.

Anonymous said...

Hayaan mo lang Aris. Sabi nga pag-nauukol ay bubukol. Ay buhay........

Aris said...

@citybuoy: ang hirap lang i-describe ng feeling noong umapir yung girl. habang nag-uusap kami, panay ang blink ng radar ko. bakit parang mali yata ang pahiwatig nito? anyway, whatever it was, good decision pa rin yung pagbili ko ng book. :)

@anonymous: oo nga. we'll never know, baka magkaroon ng part 2. asa pa ako. hehe! :)

citybuoy said...

Sorry eepal lang ako. My favorites are Kafka on the Shore and A Wild Sheep Chase. When you're done with your purchases, check mo rin (that is if you haven't already lolz). Yung wind-up, di ko masyadong nabetan. Took me a few years to finish it. haha

Mac Callister said...

istorbo naman si gurlalush....kung mejo na delayed lang siya malamang nakapag palitan na kayo ng numbers

Unknown said...

makiki-comment ako ah. read Ted Kooser's Selecting a Reader. In the same way you can rewrite this entry into a ... well.. a contemporary classic piece something that he's bound to read someday. :)

JJ Roa Rodriguez said...

Sweet yet so sad.. Next time pagnagtanong kung saan ka nagtatrabaho, hand in your card at once... At least may hope na baka tumawag o magtext... Or kung may business. Ard sya might hand you his too.

Nice story...

JJRod'z

Mamon said...

lagi talaga akong natutuwa sa stories about encounters with strangers. you'll never know what'll happen next eh. exciting. sayang nga lang may pumapel. hehe :D

Aris said...

@citybuoy: next na sana sa "to buy" ko yung wind-up. pero dahil sa rekomendasyon mo, sige, kafka na lang muna. :)

@mac callister: actually. kung alam ko lang na bigla siyang susulpot, sana nga una ko nang hiningi yun. kainez noh? :)

Aris said...

@perrine renoir: hello perrine, welcome to my blog. thank you for taking the time to leave a comment. and thank you, too, for sharing the poem. i love it. i can't resist na i-share din ito sa iba pang mga mambabasa. kaya heto, am posting it here...

SELECTING A READER

First, I would have her be beautiful,
and walking carefully up on my poetry
at the loneliest moment of an afternoon,
her hair still damp at the neck
from washing it. She should be wearing
a raincoat, an old one, dirty
from not having money enough for the cleaners.
She will take out her glasses, and there
in the bookstore, she will thumb
over my poems, then put the book back
up on its shelf. She will say to herself,
"For that kind of money, I can get
my raincoat cleaned." And she will.

-Ted Kooser

Aris said...

@jj roa rodriguez: yun ang hindi ko naisipan kaagad. siguro dahil masyado ako sa kanyang mesmerized. sigh! :)

@justin: korek. exciting nga ang gayon -- ang makakilala ng estranghero higit lalo at magaan kaagad ang loob mo. exciting ang mga susunod na maaaring mangyari. :)

Drama King said...

Ibang kilig ang dinulot nito saken. Hehe. Sayang dumating si girl. Sa akin kasi, gusto kong makilala ang future bf ko sa bookstore. Parang perfect 'yung moment at malaki 'yung chance na matino 'yung guy. Sana magkita kayo ulit. :D

Aris said...

@drama king: ay, pareho tayo. pangarap ko rin na makakilala ng magiging bf sa bookstore (o kaya sa church) kaya ganon na lang ang aking disappointment. hehe! :)

koro said...

aba.. kapag nagkita ulet kayo baka sya na ang iyong tadhana.. :p

Aris said...

@koro: i think so too. hehe! :)

Anonymous said...

makikisali na rin. Hard Boiled Wonderland, for me, is Murakami's best. Though, I'm thinking that Kafka on the Shore might be a close. :) Try reading Pahlaniuk's Haunted. You'll be dazed by his works. Also, Gaiman's and Prattchet's Good Omens. -neyher23

Aris said...

@neyher23: thank you for your recommendations. i surely will check them out. excited na ako. :)

john chen hui long said...

backreading your posts on a rainy sunday morning is a treat. nakaka-in-love ka.

Aris said...

@john chen hui long: oh, wow! your comment made me feel warm all over. i should get back to writing, pronto, so as not to disappoint you. thanks, john. i love you, too. :)

mental_blocked said...

i really enjoy reading your posts :)

Aris said...

@mental-blocked: thank you very much. sana patuloy mong magustuhan ang aking mga kuwento. :)