Tuesday, July 30, 2013

Alinlangan


Buhol-buhol ang mga salitang hindi mahugot sa aking diwa at maipahayag ng aking bibig. Subukan ko mang kalasin sa pamamagitan ng pluma, hindi pa rin maiguhit sa papel ang nilalaman nitong dibdib. 

Marahil sa pamamagitan ng luha ay magagawa ko sa iyong ipadama ang hindi mabigkas o maisatitik. 

Subalit ako ay nangangamba na sa halip na makaunawa, ako ay hagupitin lamang ng iyong lupit dahil minsan nasabi mo na, walang puwang sa iyo ang pag-ibig.

Thursday, July 11, 2013

Menu

“Ano ito?” ang tanong ko sabay angat sa takip ng kaserola.

“Ginataang puso,” ang sagot niya. “May sahog na pagmamahal.”

Napatingin ako sa kanya. May ganoon talaga?

Sinalubong niya ang aking mga mata, nakangiti.

Natigilan ako. Kung dati-rati’y hindi ko siya masyadong napapansin, ngayo’y bigla akong naging aware na guwapo pala siya!

Alam kong Pol ang pangalan niya. Iyon ang naririnig kong tawag sa kanya ng Nanay niya na may-ari ng karinderya. Tantiya koy disinuwebe-bente anyos lang siya.

Ngayong hapon, mag-isa lang siyang nakabantay. Siguro’y dahil Linggo at walang masyadong parukyano. Konti lang din ang ulam na tinda nila.

Pinagmasdan ko siya. Naka-sando lang siya at shorts. Bukod sa guwapo, matipuno din ang pangangatawan niya. Malapad ang balikat at makipot ang baywang. Walang kataba-taba sa tiyan.

“Isang order, sir?”

Tumango ako. Inihaw na liempo talaga ang sadya ko na specialty nila. Ewan ko naman kung bakit napabili ako ng puso. Siguro’y dahil sa binanggit niyang pagmamahal?

Patuloy ko siyang pinagmasdan habang nagtatakal. Nang mapasulyap siya sa akin, muli niya akong nginitian.

Ngumiti na rin ako. At umorder ng liempo.

“Tamang-tama,” ang sabi niya. “Bagong ihaw lang. Malaman. Makatas. Masarap.”

Muli akong natigilan. Hindi ko alam kung overly-perceptive lang ako pero ang mga adjectives niya – parang may ibig ipakahulugan!

Chuchupain ba?”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?”

“Ang sabi ko, kung cha-chop-in ba?”

I swear, iba ang dinig ko sa una. “Sige. Paki-chop na.”

Pumuwesto siya sa harap ng sangkalan upang i-chop ang liempo. Subalit bago niya iyon ginawa, inililis niya muna ang kanyang sando.

“Ang init!” ang kanyang sabi bago nagsimulang mag-chop.

Kunwari nakatingin ako sa kanyang ginagawa. Pero ang tinitingnan ko talaga ay ang na-expose na bahagi ng katawan niya – ang kanyang dibdib, tiyan, pusod. Sinundan ko rin ang happy trail na pababa, papasok sa kanyang shorts. Mababa at manipis ang kanyang shorts kaya halos lumabas na ang kanyang bulbol at halos maaninag ko na ang nakabukol doon.

Para akong nawala sa sarili dahil sa tanawing iyon kaya hindi ko namalayan na tapos na pala siyang mag-chop. Napukaw ako nang makita ko ang kanyang kamay na dumako sa kanyang bukol at humimas-himas doon.

Nag-angat ako ng mukha. Nagtagpo ang aming mga mata. Sa kanyang mga labi ay naroroon ang isang pilyo at makahulugang ngiti.

“Talong, sir, gusto mo?”

Saturday, July 6, 2013

Limang Taon

Ngayong araw na ito ay ang ika-limang anibersaryo ng aking blog. 

Hindi ko inakala na ang sinimulan ko bilang isang libangan ay aabot nang ganito katagal. 

Sa loob ng limang taon, ang blog na ito ang aking naging kanlungan. 

Dito ko nagawang magpahayag ng mga saloobin, magbahagi ng mga karanasan at lumikha ng mga kuwentong kathang-isip lamang. 


Dito ako nagkaroon ng maraming kaibigan, mga mambabasa at tagasubaybay na nagpatibay ng tiwala sa aking sarili, nagbigay-inspirasyon upang tuklasin at paghusayin ang kakayahang magsalaysay at makapagbigay-kasiyahan.


Dito ako nagkaroon ng higit na pagkatuto at pagkatanto sa mga bagay-bagay.


*** 


At dahil naging malaking bahagi kayo ng blog na ito sa loob ng nagdaang limang taon, hayaan nin
yo na pati kayo ay batiin ko ng happy anniversary!”. 

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang para sa akin kundi para sa ating lahat, kaakibat ang pag-asam na sana sa susunod na limang taon o higit pa ay magpatuloy ang ating pagsasama-sama.

Wednesday, July 3, 2013

Hit | Miss

hindi kita dapat nginitian 
nang magkatinginan tayo sa bookstore 
pero ngumiti ka rin
napa-“hi!” ako tuloy
at nag-“hi!” ka rin
“coffee?” ang aking imbitasyon
“sure,” ang iyong sagot.

nagsabihan tayo ng pangalan
nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay
movies, books, music
(magkaiba ang ating hilig
but it didn't matter)
at nang wala nang ibang mapag-usapan
nagkatanungan tayo tungkol sa boyfriend.

“we broke off a month ago,” ang sabi ko
“pareho pala tayo,” ang sabi mo
“i think i’m over him,” ang dugtong ko pa
“ako, ewan ko, hindi pa yata.”
“bakit kayo naghiwalay?”
nagkuwento ka at nakinig ako
ayoko sana pero interesado ako sa’yo.

akala ko, interesado ka rin sa akin
kaya sumama kang mag-coffee
pero kailangan mo lang pala ng kausap
at mahihingahan ng sama ng loob
it has nothing to do with me
you’re still hung up with your ex
at nahihirapang mag-move on.

well, ako, naghahanap ako ng pamalit
kaya nga nang makita kita, nginitian kita
aaminin ko, na-attract ako sa’yo
dahil may hawig ka sa ex ko
your eyes, most especially, na kakaiba kung tumitig
at ngayon ko lang naisip,
marahil ako rin, hindi pa nakaka-get-over.

naubos ang ating mga kape
at naubusan na rin tayo ng masasabi
it was nice meeting you but i have to go.
walang exchange numbers na nangyari
at habang papalayo, nalungkot akong bigla
hindi dahil hindi ka pwede 
kundi dahil na-miss ko siya.