hindi kita dapat nginitian
nang magkatinginan tayo sa bookstore
pero ngumiti ka rin
nang magkatinginan tayo sa bookstore
pero ngumiti ka rin
napa-“hi!” ako tuloy
at nag-“hi!” ka rin
“coffee?” ang aking imbitasyon
“sure,” ang iyong sagot.
nagsabihan tayo ng pangalan
nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay
movies, books, music
(magkaiba ang ating hilig
but it didn't matter)
at nang wala nang ibang mapag-usapan
nagkatanungan tayo tungkol sa boyfriend.
“we broke off a month ago,” ang sabi ko
“pareho pala tayo,” ang sabi mo
“i think i’m over him,” ang dugtong ko pa
“ako, ewan ko, hindi pa yata.”
“bakit kayo naghiwalay?”
nagkuwento ka at nakinig ako
ayoko sana pero interesado ako sa’yo.
akala ko, interesado ka rin sa akin
kaya sumama kang mag-coffee
pero kailangan mo lang pala ng kausap
at mahihingahan ng sama ng loob
it has nothing to do with me
you’re still hung up with your ex
at nahihirapang mag-move on.
well, ako, naghahanap ako ng pamalit
kaya nga nang makita kita, nginitian kita
aaminin ko, na-attract ako sa’yo
dahil may hawig ka sa ex ko
your eyes, most especially, na kakaiba kung tumitig
at ngayon ko lang naisip,
marahil ako rin, hindi pa nakaka-get-over.
naubos ang ating mga kape
at naubusan na rin tayo ng masasabi
“it was nice meeting you but i have to go.”
walang exchange numbers na nangyari
walang exchange numbers na nangyari
at habang papalayo, nalungkot akong bigla
hindi dahil hindi ka pwede
kundi dahil na-miss ko siya.
kundi dahil na-miss ko siya.
10 comments:
Sayang. Maybe next time magmeet kayo ulit naka move on na kayo pareho :-)
usong-uso talaga ngayon si kuh ledesma. :))
@mac callister: maybe next time. kung magku-krus pang muli ang aming mga landas. :)
@anonymous: dahil sa "one more try" ng "my husband's lover". hehe! :)
ansaveh?! in love pa rin pala sa ex! hahah
@ester yaje: korek. pareho pala sila. :)
sabi nga..... if you really meant to each other, your road will surely meet not matter how strange the ways are....
@arvin u. de la pena: true. thanks, arvin, for dropping by. :)
Sad :( move on na dude iinum natin yan now na
@kulapitot: tara. hehe! :)
Galing mo talagang magsulat Aris. Pero talaga yatang ganyan ang pag-ibig minsan nakakasakit. Move on ka na lang parekoy.
Post a Comment