Saturday, July 6, 2013

Limang Taon

Ngayong araw na ito ay ang ika-limang anibersaryo ng aking blog. 

Hindi ko inakala na ang sinimulan ko bilang isang libangan ay aabot nang ganito katagal. 

Sa loob ng limang taon, ang blog na ito ang aking naging kanlungan. 

Dito ko nagawang magpahayag ng mga saloobin, magbahagi ng mga karanasan at lumikha ng mga kuwentong kathang-isip lamang. 


Dito ako nagkaroon ng maraming kaibigan, mga mambabasa at tagasubaybay na nagpatibay ng tiwala sa aking sarili, nagbigay-inspirasyon upang tuklasin at paghusayin ang kakayahang magsalaysay at makapagbigay-kasiyahan.


Dito ako nagkaroon ng higit na pagkatuto at pagkatanto sa mga bagay-bagay.


*** 


At dahil naging malaking bahagi kayo ng blog na ito sa loob ng nagdaang limang taon, hayaan nin
yo na pati kayo ay batiin ko ng happy anniversary!”. 

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang para sa akin kundi para sa ating lahat, kaakibat ang pag-asam na sana sa susunod na limang taon o higit pa ay magpatuloy ang ating pagsasama-sama.

18 comments:

Anonymous said...

Happy 5th Aris! 5 years narin pala kita binabasa. My fave is ULAM.
Keep it up!

-macky

thecuriouscat said...

congrats! happy 5th sa blog!

Anonymous said...

silent reader here. thank you for sharing your stories with us. more power! --b.

briansgarcia said...

Congratulations! 5 long years and still getting better :-)

dr magsasaka said...

You superb storytelling skills that highlight your mastery of words keep me coming back regularly.
Happy birthday.

Rygel said...

Happy Anniversary! Thanks for the great reads. Lalo na yung Dove :D

Anonymous said...

Congrats, Kuya Aris! Sana huwag kang magsawa sa pagkukwento. Inaabangan ko pa rin ang continuation ng Plantation Resort. =)

Mac Callister said...

gosh tagal na natin blogger hehe ako sa august naman mag 5 years!

im happy na you're still here nasasad ako sa mga blog na nagsasara at binuburo yun mga posts ako nanghihinayang for them i dont know why haha.

happy anniversary aris, and sana ma meet kita sa nov!!! wag ka magtatago! LOL

JM said...

Happy Anniversary sa iyong blog. Kaunti na lang tayo. :)

citybuoy said...

5 years is not easy!!! Happy birthday sa isa sa mga paborito kong blogs! Nawa'y (wow, nawa'y daw haha) biyayaan pa lalo ang author nito para madaming madami pa siyang masulat!!! :)

Anonymous said...

Congratz Aris. Sigurado akong maraming tulad ko ay naging inspirasyon, kanlungan, at kaligayahan ang magbasa ng iyong bloggie. Ang istilo at pag-gamit mo ating wika sa pagsusulat ay kahanga-hanga. Ipagpatuloy mo lang. Pwede bang ituring kitang kaibigan.

Anonymous said...

happy blogniversary!

Aris said...

@macky: pareho tayo ng fave. :)

@thecuriouscat: uy, it has been a long time. missed you. :)

@anonymous: thank you, too, for reading. :)

Aris said...

@briansgarcia: thank you, brian. :)

@dr magsasaka: wow, salamat. nakaka-inspire ka. :)

@rygel: thank you for always being there. :)

Aris said...

@anonymous: di ako magsasawa basta't nariyan kayo at nagbabasa. magugulat ka na lang, isang araw, may naka-post nang continuation ng "plantation". :)

@mac callister: oo nga, tagal na rin natin. sad din ako na yung ibang mga kasabayan natin, tumigil na. sana muli silang bumalik para muli tayong sumigla. one day, we'll meet. :)

@jm: thanks, joms. oo nga. nakaka-miss yung panahon na pagbukas ko ng dashboard, palaging ang daming bagong posts ng mga kaibigan at kapanabayan natin. :)

Aris said...

@citybuoy: paborito talaga at may nawa'y pa? haha! naku, nyl, wala pa ring tatalo sa 8 years mo. at di lang kita paborito, idol pa. :)

@anonymous: oo naman. friends na tayo. at salamat sa ibinahagi mo sa aking inspirasyon. :)

@anonymous: thank you. :)

Senyor Iskwater said...

Happy Anniversary!!! Tagal ah... 5 years...WOW!

Aris said...

@senyor iskwater: oo nga. hindi ko inakala. maraming salamat sa iyong pagbati at sa pagdalaw. :)