“Ano ito?” ang tanong ko sabay angat sa takip ng kaserola.
“Ginataang puso,” ang sagot niya. “May sahog na
pagmamahal.”
Napatingin ako sa kanya. May ganoon talaga?
Sinalubong niya ang aking mga mata, nakangiti.
Natigilan ako. Kung dati-rati’y hindi ko siya masyadong napapansin, ngayo’y bigla akong naging aware na guwapo pala siya!
Alam kong Pol ang pangalan niya. Iyon ang naririnig kong tawag sa kanya ng Nanay niya na may-ari
ng karinderya. Tantiya ko’y disinuwebe-bente anyos lang siya.
Ngayong hapon, mag-isa lang siyang nakabantay. Siguro’y dahil Linggo at
walang masyadong parukyano. Konti lang din ang ulam na tinda nila.
Pinagmasdan ko siya. Naka-sando lang siya at shorts.
Bukod sa guwapo, matipuno din ang pangangatawan niya. Malapad ang balikat at makipot ang baywang. Walang kataba-taba sa tiyan.
“Isang order, sir?”
Tumango ako. Inihaw na liempo talaga ang sadya ko na
specialty nila. Ewan ko naman kung bakit napabili ako ng puso. Siguro’y dahil sa binanggit niyang pagmamahal?
Patuloy ko siyang pinagmasdan habang nagtatakal.
Nang mapasulyap siya sa akin, muli niya akong
nginitian.
Ngumiti na rin ako. At umorder ng liempo.
“Tamang-tama,” ang sabi niya. “Bagong ihaw lang.
Malaman. Makatas. Masarap.”
Muli akong natigilan. Hindi ko alam kung overly-perceptive lang ako pero ang mga adjectives niya – parang may ibig ipakahulugan!
“Chuchupain ba?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?”
“Ang sabi ko, kung cha-chop-in
ba?”
I swear, iba ang dinig ko sa una. “Sige. Paki-chop na.”
Pumuwesto siya sa harap ng sangkalan upang i-chop ang
liempo. Subalit bago niya iyon ginawa, inililis niya muna ang kanyang sando.
“Ang init!” ang kanyang sabi bago nagsimulang
mag-chop.
Kunwari nakatingin ako sa kanyang ginagawa. Pero ang
tinitingnan ko talaga ay ang na-expose na bahagi ng katawan niya – ang kanyang dibdib, tiyan, pusod. Sinundan ko rin ang “happy trail” na pababa,
papasok sa kanyang shorts. Mababa at manipis ang kanyang shorts kaya halos
lumabas na ang kanyang bulbol at halos maaninag ko na ang nakabukol doon.
Para akong nawala sa sarili dahil sa tanawing iyon kaya
hindi ko namalayan na tapos na pala siyang mag-chop. Napukaw ako nang
makita ko ang kanyang kamay na dumako sa kanyang bukol at humimas-himas doon.
Nag-angat ako ng mukha. Nagtagpo ang aming mga
mata. Sa kanyang mga labi ay naroroon ang isang pilyo at makahulugang ngiti.
“Talong, sir, gusto mo?”
7 comments:
Ang halay nung bata!!! I love it!
@citybuoy: simple lang pero bastos. hehe! :)
"Tortang talong, sana."
@victor saudad: ay, oo. yung may itlog? hehe! :)
aliw!
@mots: something naughty naman for a change. hehe! :)
What happened next? :)
Post a Comment