Tuesday, July 30, 2013

Alinlangan


Buhol-buhol ang mga salitang hindi mahugot sa aking diwa at maipahayag ng aking bibig. Subukan ko mang kalasin sa pamamagitan ng pluma, hindi pa rin maiguhit sa papel ang nilalaman nitong dibdib. 

Marahil sa pamamagitan ng luha ay magagawa ko sa iyong ipadama ang hindi mabigkas o maisatitik. 

Subalit ako ay nangangamba na sa halip na makaunawa, ako ay hagupitin lamang ng iyong lupit dahil minsan nasabi mo na, walang puwang sa iyo ang pag-ibig.

7 comments:

Mac Callister said...

Aray ko naman. Bakit naman ganyan :-)

Aris said...

@mac callister: sex and friendship lang daw kasi. hehe! :)

Anonymous said...

Aray...lupet....tindi...lalim..Sakit naman.

Anonymous said...

Awwww. :(

Aris said...

@anonymous and anonymous: hehehe! :)

Geosef Garcia said...

May mga bagay talagang mahirap i-express sa kahit anong form.

At tama, minsan maiiyak ka na lang.

Hubert said...

Gorgeous!