“Hi. Musta?”
Surprised
ako sa text mo. Lumukso ang puso ko. It has been ages since I last heard
from you.
Kahit
nasa gitna ako ng sobrang ka-busy-han, nag-reply ako: “Buti. May exhibit ako ngayon.”
The
last time I participated in an exhibit, you attended. Kaka-break lang natin
noon pero dumating ka. Mas na-surprise ako noon.
Ikaw: Bakit
di mo ako inimbita?
Ako: Baka
kasi di ka pumunta.
Ikaw: Siyempre,
pupunta ako kung invited mo.
Ako: Talaga?
Ikaw: Akala
ko nasa house ka.
Ako: Why?
Ikaw: Am
here near your house. Sunduin sana kita. Coffee tayo.
Huh?
Bakit? Antagal-tagal na nating wala. May jowa ka na. Antagal-tagal mo na ring
walang paramdam. Nakalimutan na kita. Tapos, heto ka na naman.
Ikaw: What
time ka uwi?
Ako: Mga
10pm siguro.
Ikaw: Text
me. Maybe we can still meet.
Why oh
why? Kailangan pa ba talaga? Kahit isipin ko man na friends na lang tayo at
wala nang ibang kahulugan ang mga ganitong pagkikita, heto, bumabalik na naman
sa akin ang ating nakaraan. Ikaw talaga, bakit parang hindi mo magawang tuluyan
na akong iwanan at pabayaan? Mahirap ito para sa akin, alam mo ba, kasi parang
pinag-iisip mo ako… pinapaasa mo ako… na may pag-asa pa rin tayong magpatuloy
na dalawa.
Pero
kapag ganito, nakakadama rin ako ng excitement. Excited ako na andyan ka na
naman at gusto mo akong makita. Sa totoo lang, gusto rin kitang makita…
makausap… makumusta. Pero kadalasan kapag ganito, pagkatapos nating magkita,
nalulungkot lang ako. Kaya as much as possible, ayaw ko na sana ng ganito.
Ewan
ko ba, what’s with you. Bakit kaya kahit nakakalimutan na kita… kapag
nagparamdam ka, balik na naman ang feelings ko sa’yo na parang hindi nawala.
Isang text mo lang parang napindot na naman ang switch ng puso ko at muling
magsisindi ang pagmamahal ko sa’yo.
Siguro
dahil iba ka at iba ang naging pagmamahal ko sa’yo. Kahit sinaktan mo ako noon,
naroroon pa rin, hindi nawawala ang pagtatangi ko sa’yo. Siguro dahil din sa
mga maliliit na bagay na patuloy mo pa ring ginagawa para sa akin na
nagpapakitang mahalaga pa rin ako sa’yo… na naaalala mo pa rin ako… na ayaw
mong maputol ang ating connection… na gusto mo pa rin akong i-keep sa buhay mo…
kahit bilang isang kaibigan na lang. Katulad ngayon, nagparamdam ka na naman…
nangungumusta… nag-iimbita after a long, long time na wala akong balita sa’yo.
Pero
mahirap sa akin ito. Minsan nga, pakiramdam ko, parang pinaglalaruan mo lang
ako. Magkikita tayo… mag-uusap… mag-e-enjoy ako sa company mo. Tapos, balik ka
uli sa jowa mo. Malulungkot ako at mami-miss kita.
Effort
na naman ang gagawin kong paglimot sa’yo. And back to square one ako.
Ewan
ko ba sa sarili ko, parang hindi na ako natuto. Makailang beses nang nangyari
ito pero parang wala akong kadala-dala. Kahit alam kong masasaktan ako
pagkatapos, sige pa rin ako.
Katulad
ngayon, pagdating ko, tinext kaagad kita: “Home na.” kahit kaninang nasa
sasakyan ako, paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na “No. No. No.”
“Will
pick you up. Wait lang po,” sagot mo.
Nakapagpalit
na ako ng damit. Nakapag-ayos na. At naghihintay sa’yo, excited na makita kang
muli.
Sabado
ngayon. Who knows, baka after coffee, yayain mo ako sa Malate. Kahit hindi ako
dapat magpuyat ngayong gabi, sasama ako sa’yo sa Bed.
Gusto
kong magsayaw tayo katulad ng dati.
I just
want to hold you close to me.
Kahit
sandali.
===
A repost. Originally published as MULI in 2008.
3 comments:
Hi aris,
Sana ay mapagpayuhan mko sa aking dinaramdam ngayon. Galing ako sa isang matagal na relasyon, at kasalukuyan naghihilom ang sugat ng nakaraan hangang sa may makilala ako na isa din galing ka break-up. Sinabihan nya ko ng i like you, pero minsan hindi ko maramdaman, lalo na sa txt ayaw nya ng palatxt ayaw nya na sunod sunod nasanay daw kase sya na isang txt lang okay na. Kase sya din daw ganun. Iniisip ko nga kung like mo isang tao palagi mo sya iisipin at immsge tama dba? Hindi padaw sya handa makipagrelasyon at ako din naman, gusto ko lang naman na kung ano sinabi nya na he like me maramdaman ko man lang yun. Kase pakiramdam ko muka nako tanga na naghahabol. Ayoko na kase umasa, gusto ko na sya iwasan sa totoo lang. Sinasabihan nya pako na irereto nya ko sa iba kaya lalo ako naguluhan sa kanya. Kailangan ko naba sya kalimutan muna at magpakita nalang ako kapag wala na yung feelings ko sa kanya. Although mabait naman sya at sinabi nyang ayaw nya na iwasan ko sya kaso yun lang ang naiisip kong paraan para mawala yung feelings ko. Yung hindi ko na sya muna makita. Hangang sa kapag okay nako, yung kaya ko na makipagkita na frends nalang talaga kami. Mejo may sakit sa puso moment kase kapag naiisip ko na nakaonline naman sya at hindi nagmmsge. Nagawa ko na kase yun madalas sa iba. Kaya iniisip kong ganun din sya. Please aris kailangan ko ang payo mo... Itutuloy ko paba kabaliwan ko?
@anonymous: sasagutin kita sa pamamagitan ng isang post. paki-abangan na lang. :)
Hi Aris,
Hinanap ko talaga tong msge na to, ako nga pala yun anonymous dito, gusto ko lang bigyan ka ng update after 7yrs. Naging kami ng guy na kinuwento ko dito, yun nga lang one yr na din kami break, naging matagal din ang relasyon namin 2013 to 2019. At nakakahiya man aminin ay ako ang naginitiate ng break up, naging happy naman kami sa almost 6yrs namin na pagsasama. Ilan beses ko din sya niloko nagkasala pero pinatawad nya ko, d din sya perfect nagkasala din sya at pinatawad ko din sya. Sobrang dami nangyari sa 6yrs namin pagsasama, masaya malungkot travels at lahat ng yun dko makakalimutan. Sana maging masaya sya at sana napatawad na nya ko. Salamat Aris, binasa ko ulit yun ginawa mong kwento para sa amin. Sobrang npapangiti padin ako habang inaalala yun mga panahon na una kami nagkita, yung panahon na naging kami. Sana makatagpo sya ng taong magmamahal sa kanya ng habang buhay at makakapagbigay saya sa kanya, yun hindi sya lolokohin kagaya ng panloloko ko sa kanya kase deserve nya maging masaya at sobrang bait nyang partner. Palagi ko pinagppray na sana matagpuan nya yun. Sana din hindi na sya galit sa akin.
Post a Comment