Saturday, August 17, 2013

Messed Up

Break na tayo pero nag-insist ka pa ring sumama sa outing namin ng barkada. Inisip ko, marahil iyon ay dahil gusto mong magkaayos tayo. Pumayag ako dahil iyon din ang gusto ko.

Masaya ako na sweet ka sa akin noong una. Pero tila biglang nagbago ang ihip ng hangin nang ipakilala kita sa friend ko.

Napansin ko na naging magiliw ka sa kanya. May mga pagkakataong nasa balkonahe ako ng cottage, mag-isa, subalit sa halip na samahan mo ako, nasa loob ka, kayo ni friend at nag-uusap. O kaya’y nasa labas kayo at namamasyal.

Nagkainuman tayo noong gabi – ikaw, ako, si friend at ang buong barkada. Sa inumang iyon, sinubukan nila tayong pag-ayusin. Subalit nagtaka ako dahil sa halip na maging responsive, ikaw ay naging malamig. Na para bang okay lang sa’yo kahit hindi na tayo magkabalikan. Napansin ko rin, panay ang sulyap mo kay friend.

Pilit kong ikinubli ang disappointment. Uminom na lang ako nang uminom hanggang sa malasing. At dahil wala na sa sarili, pinagtulungan ninyo akong dalhin sa kama – ikaw at si friend. In fairness, hindi ninyo ako pinabayaan. Tinabihan n’yo pa ako. At niyakap mo ako. Dahil doon, kahit paano’y naibsan ang sama ng loob ko.

At nakatulog na ako.

Subalit sa kalaliman nang gabi, ako ay nagising. At nagulat sa tanawing tumambad sa akin. Naroroon ka pa rin sa aking tabi, kayo ni friend. Iyon nga lang, kayo na ang magkayakap at magka-holding hands!

Napabalikwas ako. Napatayo. Sabay kayong nagising at kaagad na nagbitiw. Kinumpronta ko kayo. Naalimpungatan ang barkada sa ating gulo.

Bigla akong nahilo at nasuka. Napatakbo ako sa banyo. Sinundan mo ako pero galit na galit ako sa’yo kaya ipinagtabuyan kita.

Paglabas ko, nag-sorry sa akin si friend. Hinihintay din kitang mag-sorry pero tahimik ka na, ni hindi tumitingin sa akin.

Tahimik din ang buong barkada, nakikiramdam sa susunod na mangyayari.

Tumalikod ako at umalis. Ibinalibag ko ang pinto.

Naglakad-lakad ako sa beach upang i-compose ang sarili. 

At pagkatapos, nagwala ako sa Mikko's.

4 comments:

Geosef Garcia said...

Nakakalungkot. I can feel the pain. Paano nagawa yun nung friend kung talagang kaibigan nga siya? Tsk tsk

Mamon said...

jeez, biglang nagbago isip niya nung nakahanap ng prospect.

Gaston Francisco said...

"Paglabas ko, nag-sorry sa akin si friend. Hinihintay din kitang mag-sorry pero tahimik ka na, ni hindi tumitingin sa akin."

Pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang nagmamahal. Yung asa ka pa pero sa kanya talagang wala na. Gusto mo man gumanti, wala ring kwenta, kasi kahit bumalik pa siya sa iyo, ikaw mismo, alam mo, awa na lang yun, hindi na pagmamahal.

Larry said...

Good sharre