Tuesday, March 25, 2014

Pag-iwas 2

“What are you doing here?” ang paninita ko.

It was a Saturday and he’s not supposed to be in the office.

Napakurap muna siya bago sumagot. “Napadaan lang ako, sir.”

Tinitigan ko siya – masungit – subalit sa halip na tumiklop, sinalubong niya ang aking mga mata.

Nagbaba ako ng tingin. Doon ko napansing naka-shorts siya.

“Your attire is improper,” ang sabi ko.

“Sir, it’s my rest day,” ang sagot niya.

Hindi ko napigilang hagurin ng tingin ang mga binti niya. Maganda ang hugis ng mga iyon, matatag at mabalahibo.

Nagtaas ako ng mukha at muling nagtama ang aming mga mata. May gumuhit na ngiti sa mga labi niya.

Para akong biglang napaso. Mabilis akong tumalikod at lumayo.

“Have a nice day, sir,” ang pahabol niya.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na buntonghininga.

Saturday, March 22, 2014

Pag-iwas

I’m sorry kung nagiging masungit ako. Kung nitong huli’y lagi kitang nasisita. Kanina, nakita ko ang paglalaho ng ningning sa iyong mga mata habang kinokorek na naman kita. May sinusupil kasi ako, hindi sa’yo kundi sa aking sarili. Kung ikaw ay magagalit, mabuti. Nais kong habang maaga’y matigil na ang damdaming sumisibol at nagdudulot ng ligalig sa ating dalawa. Pinagtagpo kasi tayo sa maling panahon. Sana kung hindi, magagawa kong tumugon nang walang takot at pagkukunwari. Subalit sa ngayon, saklaw tayo ng mga panuntunang sumusukat hindi sa lalim ng nararamdaman kundi sa layo ng agwat. Kung gaano kalawak ang pagitan, gayon din dapat ang pag-iwas.

Wednesday, March 12, 2014

Homecoming

Sabay sa pag-uuwian sa Pasko ng mga nasa malalayong lugar ay ang Alumni Homecoming ng alma mater ko sa probinsya. Dalawang araw bago ang Homecoming Night, nagkakaroon muna ng sari-saring mga palaro sa campus na kung saan naglalaban-laban ang mga batch.

“Gusto mo bang manood ng basketball?” ang tanong sa akin ng pinsan kong si Ron. “Batch n’yo at batch namin ang maglalaban.” Schoolmates kami ni Ron at one batch ahead ako sa kanya.

“Sige,” ang sabi ko. Ayoko sana dahil hindi naman ako mahilig sa basketball kaya lang medyo bored na ako sa bakasyon. Kailangan ko ng distraction.

“Kaklase mo si Alvin Alvarez, di ba?” ang sabi ng pinsan ko. “Star player noon sa varsity. Isa siya sa mga maglalaro para sa batch n’yo. Alam mo bang doctor na siya ngayon?”

Natigilan ako. Hindi dahil sa hindi ko maalala si Alvin Alvarez kundi dahil sa isang pangyayari noong kami ay third year high school. Isang pangyayaring nakakagulantang at hanggang ngayon ay hindi ko malilimutan.

***

Absent ang teacher namin kaya ang gulo ng klase.

Grupo-grupo at magkakaumpok ang mga “magkaka-uri”. Matalino. Pasaway. Bading. Tahimik. Bobo. (All-boys school kami, by the way.)

Doon ako sa grupo ng mga tahimik na ang umpukan ay naka-puwesto sa likod ng mga pasaway. Isa sa mga kagrupo ko ay si Jeremy na pinakapormal sa klase.  Nagbabasa lang kami habang ang mga pasaway ay maiingay at magugulo.  Nasa grupong iyon si Alvin Alvarez na tila siyang namumuno.

Naging aware ako sa kung ano ang sanhi ng ingay at pagkakagulo ng grupong Pasaway. May binubuklat silang magasin ng mga hubad na babae. At dahil nasa likod lang nila kami, dinig namin ni Jeremy ang kanilang mga komento.

“Ang laki ng dyoga!”

“Ang puti ng singit!”

“Ang sarap pagdyakulan!”

And with that, napansin kong hindi mapakali ang mga gago. Nag-iinit sila at hindi nila iyon maitago. Pinagdiskitahan nila ang grupo ng mga bading. Nilapitan nila ang mga ito at pilit na nagpapahipo. Tilian ang mga bading at takbuhan. Habol sila ng mga pasaway.

Maya-maya’y tumigil din ang mga pasaway sa pangha-hassle sa mga bading at nagsibalik sa kanilang umpukan. Subalit patuloy pa rin sila sa kanilang kaguluhan. Hindi pa rin binibitawan ang magasin. Umuulan pa rin ng dirty comments habang panay ang kambyo. Napansin ko ang higit na pamumukol ng kanilang mga harapan.

“Tigas na tigas na ako, mga pare!” ang bulalas ni Alvin Alvarez.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit parang na-excite ako pagkarinig sa tinurang iyon ni Alvin. Maging si Jeremy ay nasulyapan kong nag-angat din ng tingin.

At nagulantang ako sa sumunod na ginawa ni Alvin. Bigla niyang inilabas ang kanyang ari!

Napasinghap ako. It was the most gorgeous thing I have ever seen! Pink at napakaganda ng hugis. Totoo ngang tigas na tigas siya!

Parang hindi ako makahinga. Naramdaman ko ang biglaang guhit ng kung anong mainit sa aking loob. Sumikip ang brief ko. Parang sinabunutan ang pubes ko dahil sa biglaang erection.

Maging ang ibang mga pasaway ay nagulat at namangha. Natigilan din sila at pagkatapos ay napatawa.

Agad din namang itinago ni Alvin ang ari niya.

Napatingin ako kay Jeremy. Nakamulagat ito. Nakanganga at namumula.

Nagtama ang aming mga mata at agad na nabulgar ang sikreto ng pagkatao namin sa isa’t isa.

Mula noon, si Alvin na ang laging laman ng aking pantasya.

And I assume, gayundin si  Jeremy. At ang iba pang mga klosetang nakasaksi sa pagiging exhibitionist ng star player ng aming varsity.

***

Punumpuno na ang gymnasium nang dumating kami ni Ron. At dahil maglalaro siya para sa batch nila, naiwan akong mag-isa. Okay lang naman dahil homecoming nga, marami akong kakilala. Nakipagkumustuhan ako sa mga nakakasalubong at nadaraanan pero hindi ako nag-stay o nakiumpok sa kanila. Tuluy-tuloy ako sa paglalakad paakyat sa bleachers. Mas gusto kong doon pumuwesto, sa lugar na kung saan naka-assign ang aming klase sa tuwing may assembly kami noong hayskul. Nang marating ko iyon, tumayo muna ako at iginala ang paningin. Nasa mataas na bahagi ako ng bleachers. Kitang-kita ko ang buong court at ang buong gymnasium. Ang daming tao na kung hindi man alumni ay mga kasalukuyang estudyante siguro. Masigla ang amosphere. Lahat masaya. Parang piyesta.

Nasa court na ang mga maglalaro ng basketball at nagwa-warm up. Hindi ko na siya kinailangang hanapin pa. Si Alvin Alvarez. Naroroon siya na kaagad na umagaw sa aking pansin dahil sa kanyang katangkaran at maliksing mga galaw. After all these years – nagkaedad na kami at lahat – namumukod-tangi pa rin ang kakisigan niya. Kakaiba pa rin ang dating. Parang artista. Siguro’y dahil maputi siya at makinis. Ang pangangatawan ay dati pa rin at walang naiba. Muling nanumbalik sa aking alaala ang pagkakataong iyon na gumulo sa aking isip at kumumpirma sa aking kasarian. Siya ang secret love ko noon. So secret na hanggang sa gumradweyt kami, walang ibang nakaalam. Maliban na lang siguro kay Jeremy.

And speaking of Jeremy, namataan ko siyang nakaupo sa di-kalayuan. Nakatutok din ang mga mata sa court. Alam ko kung sino ang sinusundan ng kanyang tingin. Si Alvin, but of course!  Pinagmasdan ko ang aking “karibal” at ako’y nangiti na lamang. 

Simpleng-simple si Jeremy. Naka-white polo at black pants. Naka-leather shoes pa. Samantalang ako – naka-fit na T-shirt, skinny jeans at rubber shoes. Naka-spikes pa ang buhok. Kung siya’y nagtatago pa rin hanggang ngayon, ako hindi na.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan at nang ako’y nasa tabi na niya, saka niya lang ako napansin. Kaagad niya akong nginitian.

Sandaling bumalik ang tingin niya sa court – kay Alvin – at pagkatapos, sa akin uli.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata at muling nanariwa ang lihim na hanggang ngayo’y pinakaiingatan namin.

Ngumiti ako at inabot ko ang kanyang kamay.

Nagmano ako sa kanya bago umupo.

“Congratulations, ” ang sabi ko.

“Para saan?” ang tanong niya.

“Para sa ‘yong appointment,” ang sagot ko.

Nabalitaan ko kasi, si Jeremy na ang bagong Kura Paroko ng aming simbahan.

Saturday, March 8, 2014

Blangko

Nakaharap ako ngayon sa isang blangkong papel kaya heto, magsusulat ako. Ano nga ba ang maaari kong i-share bukod sa pagiging sobrang busy ko sa trabaho? No, I don’t wanna talk about it. Mabo-bore lang kayo dahil wala namang entertainment value ang tungkol sa araw-araw na ginagawa ko. Just orders to fill and impossible deadlines to meet kaya occupied akong masyado. Usap na lang tayo tungkol sa ibang bagay. Katulad halimbawa ng relationships. O di ba parang mas interesting ‘yun? But then, wala yata akong maikukuwento ngayon tungkol sa “relationship” ko. Tumigil na kasi siya sa pakikipag-communicate sa akin. Oo naman, may interesado pa rin sa akin na nitong nakaraang tatlong linggo ay panay ang text at tawag. Nagyayayang magkita kami, lumabas. Kaya lang wala nga akong time dahil sa work kaya panay ang tanggi ko. Hanggang sa nagsawa na siguro at hindi na naniwala sa palagi kong sagot na: “Sure, not now but soon.” Kaya isang araw, hindi na lang siya nag-text at isang linggo na siya ngayong tahimik. Do I miss him? Um, yes. Ngayon ko lang na-notice na aba, gumive-up na yata ang nag-iisa kong admirer. Iisa na lang nga, nawala pa. Wala na rin kasi akong time ngayon mag-socialize. As in, I haven’t been to a bar or a club in what, two months? At pati gumala sa mall, hindi ko na magawa. Yung mga barkada ko nga, natuto nang lumakad nang hindi ako kasama. Looking forward na lang ako sa pagpunta namin sa beach ngayong Holy Week dahil iyon lang talaga ang pagkakataong makakasama ko sila at makakapagbakasyon ako sa napaka-demanding kong trabaho. Opps, balik tayo kay admirer. Actually, matagal ko na siyang nakilala. At hindi sa club kundi sa isang… medyo geeky na okasyon. Geeky siya but goodlooking. I find his glasses and braces sexy. Ang maganda sa kanya, hindi siya aware na attractive siya at hindi siya nag-e-effort pumorma pero, wow, kakaiba ang dating niya! At brainy. Maraming alam. Hindi siya nao-OP sa usapan dahil palabasa siya at mahilig sa tv at sine. May pagka-techie rin at updated ang kaalaman sa gadgets na for me ay attractive dahil pagdating sa bagong technology, medyo nangangapa ako. Actually, sa mga naging pag-uusap namin sa maiksing panahon, ang dami ko sa kanyang natutunan. May pagkakataon na napag-usapan namin ang books at nagulat ako, halos lahat ng mga nabasa ko ay nabasa niya na rin at nagbigay pa siya ng mga recommendation on what I should read next. Once, I told my best friend: “Alam mo, type kong magka-boyfriend ng sexy geek.” na tinawanan lang niya. “Walang ganoon,” ang sabi pa. “It’s either geek lang siya o sexy.” I insisted na meron at hindi nga ako nagkamali. Napatunayan ko iyon nang ma-meet ko siya. At na-excite ako nang magpakita siya ng interes. Siguro naman hindi ko na dapat sabihin na gusto ko rin siya dahil obvious naman, di ba? Or nasabi ko na ba kanina? Anyway, nasaan na ba ako? Ah okay, doon sa part na tumigil na siya sa pakikipag-communciate sa akin. Napagod na siguro at nagsawa. Nagkataon naman kasing ito ang naging kasagsagan ng pagiging abala ko sa trabaho (As in, sobraaang busy na mahirap i-explain na baka isipin n’yo nag-a-alibi lang ako. Pero hindi nga, grabe talaga. Sabi ko nga sa friends ko, I have never been this busy in my life!). Na sana kung nangyari lang ito sa panahong medyo maluwag ako, napagtuunan ko sana siya ng pansin. But no, it happened ngayon na kailangan kong mamili sa pagitan ng career at relasyon. At obvious ba kung ano ang pinili ko, dahil ipinagpaliban ko siya at mas inuna ko nga ang trabaho?  Kaya ngayon, habang nakatingin ako sa blangkong papel na ito (hindi na pala blanko kasi napuno na ng sulat ko) at siya ang nasa isip ko, aaminin ko, may nararamdaman akong panghihinayang dahil hindi ko siya naasikaso at hayan tuloy, mukhang na-discourage na. Sabi ng best friend ko kanina (saglit kaming nag-usap sa phone), bakit hindi raw ako ang mag-text at gumawa ng paraan upang huwag siyang tuluyang mawala. I just did. At hanggang ngayon, wala siyang reply. Kaya heto ako, nagbubuhos ngayon ng “sama ng loob” sa “blangkong” papel na ito. Nakakainis, minsan kasi talaga parang ang daming stumbling blocks sa buhay. Kapag naghihintay ka, walang dumarating. At kapag may dumating na, may iba ka nang priority. Kelan kaya mangyayari iyong magtutugma ang takbo ng mga pangyayari sa gusto mo so that you’ll be able to make things work? I just hope na magre-reply pa rin siya (maghihintay ako hanggang mamaya) and if he does, maybe I’ll try to explain myself. Or maybe I’ll just keep quiet about what I feel. Or go straight to the point – tell him I like him and invite him to meet. Maybe tomorrow? But meanwhile, back to work dahil OT ako ngayon hanggang alas-diyes.

Thursday, March 6, 2014

Take Off

The prequel to “The Love I Lost” originally written in 2008. This is a repost with minor edits.


Unang kita ko kay Kyle, crush ko na siya.

Pero ako na ang unang sumaway sa sarili ko: “Huwag kang ilusyunado, napaka-gwapo niyan para magkagusto sa’yo.”

Nakuntento na lamang akong patingin-tingin mula sa malayo. Pamasid-masid sa kanyang mga kilos, kung paano siya maglakad… magsalita… tumawa.

Magkatrabaho kami noon ni Kyle sa isang airline. We were both flight stewards. Two batches ahead ako sa kanya.

Then for the first time, nagkalipad kami. I was so thrilled. Magka-galley pa kami sa likod ng eroplano.

Habang gumagawa sa masikip na galley, nagkakabanggaan kami. Langhap ko ang Cool Water sa tuwing kami’y magkakalapit at magkakadikit. I have never been this close to him.

Pagkatapos ng food service, nagkakuwentuhan kami. Habang nagsasalita, nakatingin ako sa kanyang mukha. My God, higit pala siyang gwapo sa malapitan. Ang kinis ng kanyang kutis. Ang kislap ng kanyang mga mata.

“Can I get your number?” ang tanong niya sa akin nung malapit na kaming lumapag.

“Huh?” Parang hindi ako makapaniwala.

“Let’s go out sometime. Kung ok lang sa’yo.”

Oh. My. God.

Ibinigay ko kaagad ang number ko.

*** 

At tumawag nga si Kyle. He was inviting me for dinner. Dinner! Hindi ko ma-contain ang excitement ko. Napalundag ako pagkababa ko ng telepono.

Sa Malate kami nag-dinner. Pagkatapos, lumipat kami sa isang bar. Uminom kami at nag-usap.

“Matagal na kitang gustong i-approach sa Inflight. Kaya lang, laging walang chance. When I see you, you are always with your friends. Nakakahiyang kausapin ka na kasama mo sila.”

Nakikinig lang ako.

“Remember, nung time na nagkayayaang gumimik ang mga crew? Gustong-gusto na kitang kausapin noon. Kaya lang, lagi kang nasa dancefloor. Pinanood na lang kita. Ang cute mo habang nagsasayaw. Sa’yo lang ako nakatingin the whole time.”

Ramdam ko ang bilis ng heartbeat ko. Parang hindi ako makahinga.

Nagpatuloy siya: “Nung nagkalipad tayo, hindi ko naman talaga flight yun, nag-volunteer lang ako. Nakita ko kasi pangalan mo sa check in. The opportunity was perfect.”

Sobra na ito. Nananaginip ba ako? Gusto kong kurutin ang sarili ko.

Akala ko uuwi na kami after a few bottles pero nagyaya pa siyang sumayaw. We went to a club.

Sa sobrang lakas ng music, hindi kami makapag-usap. Nagsayaw na lang kami. Pawis na pawis kami pareho pero ang bango pa rin niya.

Bumulong siya sa akin.” Do you wanna see my place?”

Hindi na ako nag-isip. “Sure.”

Lumabas kami ng club.

At kaagad siyang pumara ng taxi.

*** 

Nakiki-share si Kyle sa condo ng pinsan niya sa Makati.

Pagdating namin doon, may hinahanap siya na di niya makita sa kanyang bulsa.

“Gosh, I don’t have my key,” ang sabi.

“Then, let’s knock. Gisingin natin cousin mo.”

“Maiinis yun.”

“Maybe, we should just go to my place,” ang alok ko.

“No, wait. I have an idea. Akyat na lang tayo sa rooftop.”

Bago pa ako nakapagsalita, hinila na niya ako papunta sa elevator.

Malamig ang simoy ng hangin sa rooftop. Kalmado ang tubig ng swimming pool. Nahiga kami sa poolside, magkatabi.

“Kakapagod, noh?” ang sabi. Tapos hindi na siya nagsalita.

Tahimik kami. Nagpapakiramdaman.

I could hear his breathing. I could feel his warmth.

Pinagmasdan ko ang langit. Napakaganda ng mga bituin. Napakaningning.

Maya-maya, bumangon siya at padapang humarap sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Nag-usap ang aming mga titig.

Dahan-dahan, inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapikit ako.

Hinalikan niya ako. Maingat. Banayad.

We held each other. Mahigpit.

At kami’y lumipad.