Saturday, March 22, 2014

Pag-iwas

I’m sorry kung nagiging masungit ako. Kung nitong huli’y lagi kitang nasisita. Kanina, nakita ko ang paglalaho ng ningning sa iyong mga mata habang kinokorek na naman kita. May sinusupil kasi ako, hindi sa’yo kundi sa aking sarili. Kung ikaw ay magagalit, mabuti. Nais kong habang maaga’y matigil na ang damdaming sumisibol at nagdudulot ng ligalig sa ating dalawa. Pinagtagpo kasi tayo sa maling panahon. Sana kung hindi, magagawa kong tumugon nang walang takot at pagkukunwari. Subalit sa ngayon, saklaw tayo ng mga panuntunang sumusukat hindi sa lalim ng nararamdaman kundi sa layo ng agwat. Kung gaano kalawak ang pagitan, gayon din dapat ang pag-iwas.

12 comments:

mots said...

may naaalala ko rito:) gusto ko tong post mo! maikli pero punong-puno :)ang lakas maka-makata

Aris said...

@mots: makata talaga? hehe! well, sabi nga ni charles baudelaire: "always be a poet, even in prose." :)

Mac Callister said...

Langit at lupa ba ang agwat?

sayang naman, pag usapan nyo, baka makahanap kyo ng tamang set up at mag work :-)

Anonymous said...

hanep sa Banat ang lalim ng pinaghuhugutan!
Pero tinaman ako dun ah!... ha.. ha....ha....
thnx... arid...
red 08

Jay Calicdan said...

hay... ang lalim nun ah,ahehehe... nice one. naaadik na ako sa kababasa dito :D anyway, it's a good story aris. very promising for me, really!

Aris said...

@mac callister: hindi naman langit at lupa. hehe! hinihingi lang ng pagkakataon na magpaka-propesyonal. :)

Aris said...

@red 08: thanks, red. may tama ba? hehe! :)

Aris said...

@jay calicdan: maraming salamat, jay. glad you liked it. :)

Neneng Kilabot said...

ngayon na lang ulit nkadaan dito. la paring kupas, may libro ka na rin po ba? nkakamiss naman to.. :)

haay nakarelate na naman ako sa post..

Aris said...

@neneng kilabot: hello. hello. nice to see you again. libro? meron na rin pero coming soon pa lang yung mas bongga. hehe! thanks neneng. sana daan daan ka lang pag may time. :)

Unknown said...

Ang gaganda ng mga blogs mo Aris..continue mo po yan..it helps a lot..sobrang nakaka relate ako...thanks..

Aris said...

@jaypee servo: hi jaypee. welcome to my blog and thank you very much for your appreciation. sana ay lagi kang dumalaw at mag-enjoy. :)