“What are you doing here?” ang paninita ko.
It was a Saturday and he’s not supposed to be in the
office.
Napakurap muna siya bago sumagot. “Napadaan lang ako,
sir.”
Tinitigan ko siya – masungit – subalit sa halip na
tumiklop, sinalubong niya ang aking mga mata.
Nagbaba ako ng tingin. Doon ko napansing naka-shorts
siya.
“Your attire is improper,” ang sabi ko.
“Sir, it’s my rest day,” ang sagot niya.
Hindi ko napigilang hagurin ng tingin ang mga binti niya.
Maganda ang hugis ng mga iyon, matatag at mabalahibo.
Nagtaas ako ng mukha at muling nagtama ang aming mga mata. May gumuhit na ngiti sa mga labi niya.
Para akong biglang napaso. Mabilis akong tumalikod at lumayo.
“Have a nice day, sir,” ang pahabol niya.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na buntonghininga.
12 comments:
He did not deserve that. :D
Ahahaha!!! Natawa ako dito kasi kanina lang nangyari sa akin ito pero sa kaklase naman, relate-relate! Hayyy...
@kiko: yeah, i know. wala sa kanya ang problema. :)
@jay calicdan: madalas yatang mangyari ang ganito. kunwari inis but deep inside, kabaliktaran ang nararamdaman. hehe! :)
Gaano kaikli yung shorts? pekpek shorts level ba loljk
@glentot: hahaha! hindi naman. walking shorts pero sexy pa rin. :)
uy, by the way, congrats sa pagiging bestseller ng libro mo. i really, really enjoyed it! ngayon pa lang, looking forward na ako sa ikalawang putok. cheers, my friend! :)
ha...ha....ha.....! na miss ka lang, kaya nagpakita kahit rest day nya.
hay! love. nakakabaliw Hindi kayong pigilan.....
red08
@red08: nakakabaliw nga. lalo na at hindi dapat. *sigh!* haha!
boom. And the ship just sailed.
@simon: a lost opportunity indeed. or is it? hehe! :)
Away it happened :) I wanna read something naughty in your next post haha :)
@cheng: something naughty? sure. hehe! if not in my next post, in my next next post. :)
Post a Comment