The
prequel to “The Love I Lost” originally written in 2008. This is a repost with
minor edits.
Unang kita ko kay Kyle, crush ko na siya.
Pero ako na ang unang sumaway sa sarili ko:
“Huwag kang ilusyunado, napaka-gwapo niyan para magkagusto sa’yo.”
Nakuntento na lamang akong patingin-tingin mula
sa malayo. Pamasid-masid sa kanyang mga kilos, kung paano siya maglakad…
magsalita… tumawa.
Magkatrabaho kami noon ni Kyle sa isang airline.
We were both flight stewards. Two batches ahead ako sa kanya.
Then for the first time, nagkalipad kami. I was
so thrilled. Magka-galley pa kami sa likod ng eroplano.
Habang gumagawa sa masikip na galley,
nagkakabanggaan kami. Langhap ko ang Cool Water sa tuwing kami’y
magkakalapit at magkakadikit. I have never been this close to him.
Pagkatapos ng food service, nagkakuwentuhan kami.
Habang nagsasalita, nakatingin ako sa kanyang mukha. My God, higit pala siyang
gwapo sa malapitan. Ang kinis ng kanyang kutis. Ang kislap ng kanyang mga mata.
“Can I get your number?” ang tanong niya sa akin
nung malapit na kaming lumapag.
“Huh?” Parang hindi ako makapaniwala.
“Let’s go out sometime. Kung ok lang sa’yo.”
Oh. My. God.
Ibinigay ko kaagad ang number ko.
***
At tumawag nga si Kyle. He was inviting me for
dinner. Dinner! Hindi ko ma-contain ang excitement ko.
Napalundag ako pagkababa ko ng telepono.
Sa Malate kami nag-dinner. Pagkatapos, lumipat
kami sa isang bar. Uminom kami at nag-usap.
“Matagal na kitang gustong i-approach sa
Inflight. Kaya lang, laging walang chance. When I see you, you are always with
your friends. Nakakahiyang kausapin ka na kasama mo sila.”
Nakikinig lang ako.
“Remember, nung time na nagkayayaang gumimik ang
mga crew? Gustong-gusto na kitang kausapin noon. Kaya lang, lagi kang nasa
dancefloor. Pinanood na lang kita. Ang cute mo habang nagsasayaw. Sa’yo lang
ako nakatingin the whole time.”
Ramdam ko ang bilis ng heartbeat ko. Parang
hindi ako makahinga.
Nagpatuloy siya: “Nung nagkalipad tayo, hindi ko
naman talaga flight yun, nag-volunteer lang ako. Nakita ko kasi pangalan mo sa
check in. The opportunity was perfect.”
Sobra na ito. Nananaginip ba ako? Gusto kong
kurutin ang sarili ko.
Akala ko uuwi na kami after a few bottles pero
nagyaya pa siyang sumayaw. We went to a club.
Sa sobrang lakas ng music, hindi kami
makapag-usap. Nagsayaw na lang kami. Pawis na pawis kami pareho pero ang bango
pa rin niya.
Bumulong siya sa akin.” Do you wanna see my
place?”
Hindi na ako nag-isip. “Sure.”
Lumabas kami ng club.
At kaagad siyang pumara ng taxi.
***
Nakiki-share si Kyle sa condo ng pinsan niya sa
Makati.
Pagdating namin doon, may hinahanap siya na di
niya makita sa kanyang bulsa.
“Gosh, I don’t have my key,” ang sabi.
“Then, let’s knock. Gisingin natin cousin mo.”
“Maiinis yun.”
“Maybe, we should just go to my place,” ang alok
ko.
“No, wait. I have an idea. Akyat na lang tayo sa
rooftop.”
Bago pa ako nakapagsalita, hinila na niya ako
papunta sa elevator.
Malamig ang simoy ng hangin sa rooftop. Kalmado
ang tubig ng swimming pool. Nahiga kami sa poolside, magkatabi.
“Kakapagod, noh?” ang sabi. Tapos hindi na siya
nagsalita.
Tahimik kami. Nagpapakiramdaman.
I could hear his breathing. I could feel his
warmth.
Pinagmasdan ko ang langit. Napakaganda ng mga
bituin. Napakaningning.
Maya-maya, bumangon siya at padapang humarap sa
akin. Nagtama ang aming mga mata. Nag-usap ang aming mga titig.
Dahan-dahan, inilapit niya ang mukha niya sa
akin. Napapikit ako.
Hinalikan niya ako. Maingat. Banayad.
We held each other. Mahigpit.
At kami’y lumipad.
6 comments:
Hashtag kilig :3
@iamrei: hanggang ngayon hindi ko pa rin nalilimutan ang kilig na idinulot sa akin ng pagkakataong iyon. hehe! :)
kinilig ako..
pero after reading your love story, sumakit dibdib ko..ansakit lang sa puso.
@batang mailap: i just hope na kahit medyo malungkot ang karugtong nitong kuwento, na-enjoy mo pa rin kahit paano. thanks for visiting again. :)
@aris, i am enjoying reading your entries kahit minsan ambigat sa kaloob-looban at may kurot. hahaha.
napapadalas nga pag tambay ko dito.
Congrats on your great entries and keep it up.
@batang mailap: maraming salamat sa pagtitiyaga. hehe! :)
Post a Comment