Saturday, March 8, 2014

Blangko

Nakaharap ako ngayon sa isang blangkong papel kaya heto, magsusulat ako. Ano nga ba ang maaari kong i-share bukod sa pagiging sobrang busy ko sa trabaho? No, I don’t wanna talk about it. Mabo-bore lang kayo dahil wala namang entertainment value ang tungkol sa araw-araw na ginagawa ko. Just orders to fill and impossible deadlines to meet kaya occupied akong masyado. Usap na lang tayo tungkol sa ibang bagay. Katulad halimbawa ng relationships. O di ba parang mas interesting ‘yun? But then, wala yata akong maikukuwento ngayon tungkol sa “relationship” ko. Tumigil na kasi siya sa pakikipag-communicate sa akin. Oo naman, may interesado pa rin sa akin na nitong nakaraang tatlong linggo ay panay ang text at tawag. Nagyayayang magkita kami, lumabas. Kaya lang wala nga akong time dahil sa work kaya panay ang tanggi ko. Hanggang sa nagsawa na siguro at hindi na naniwala sa palagi kong sagot na: “Sure, not now but soon.” Kaya isang araw, hindi na lang siya nag-text at isang linggo na siya ngayong tahimik. Do I miss him? Um, yes. Ngayon ko lang na-notice na aba, gumive-up na yata ang nag-iisa kong admirer. Iisa na lang nga, nawala pa. Wala na rin kasi akong time ngayon mag-socialize. As in, I haven’t been to a bar or a club in what, two months? At pati gumala sa mall, hindi ko na magawa. Yung mga barkada ko nga, natuto nang lumakad nang hindi ako kasama. Looking forward na lang ako sa pagpunta namin sa beach ngayong Holy Week dahil iyon lang talaga ang pagkakataong makakasama ko sila at makakapagbakasyon ako sa napaka-demanding kong trabaho. Opps, balik tayo kay admirer. Actually, matagal ko na siyang nakilala. At hindi sa club kundi sa isang… medyo geeky na okasyon. Geeky siya but goodlooking. I find his glasses and braces sexy. Ang maganda sa kanya, hindi siya aware na attractive siya at hindi siya nag-e-effort pumorma pero, wow, kakaiba ang dating niya! At brainy. Maraming alam. Hindi siya nao-OP sa usapan dahil palabasa siya at mahilig sa tv at sine. May pagka-techie rin at updated ang kaalaman sa gadgets na for me ay attractive dahil pagdating sa bagong technology, medyo nangangapa ako. Actually, sa mga naging pag-uusap namin sa maiksing panahon, ang dami ko sa kanyang natutunan. May pagkakataon na napag-usapan namin ang books at nagulat ako, halos lahat ng mga nabasa ko ay nabasa niya na rin at nagbigay pa siya ng mga recommendation on what I should read next. Once, I told my best friend: “Alam mo, type kong magka-boyfriend ng sexy geek.” na tinawanan lang niya. “Walang ganoon,” ang sabi pa. “It’s either geek lang siya o sexy.” I insisted na meron at hindi nga ako nagkamali. Napatunayan ko iyon nang ma-meet ko siya. At na-excite ako nang magpakita siya ng interes. Siguro naman hindi ko na dapat sabihin na gusto ko rin siya dahil obvious naman, di ba? Or nasabi ko na ba kanina? Anyway, nasaan na ba ako? Ah okay, doon sa part na tumigil na siya sa pakikipag-communciate sa akin. Napagod na siguro at nagsawa. Nagkataon naman kasing ito ang naging kasagsagan ng pagiging abala ko sa trabaho (As in, sobraaang busy na mahirap i-explain na baka isipin n’yo nag-a-alibi lang ako. Pero hindi nga, grabe talaga. Sabi ko nga sa friends ko, I have never been this busy in my life!). Na sana kung nangyari lang ito sa panahong medyo maluwag ako, napagtuunan ko sana siya ng pansin. But no, it happened ngayon na kailangan kong mamili sa pagitan ng career at relasyon. At obvious ba kung ano ang pinili ko, dahil ipinagpaliban ko siya at mas inuna ko nga ang trabaho?  Kaya ngayon, habang nakatingin ako sa blangkong papel na ito (hindi na pala blanko kasi napuno na ng sulat ko) at siya ang nasa isip ko, aaminin ko, may nararamdaman akong panghihinayang dahil hindi ko siya naasikaso at hayan tuloy, mukhang na-discourage na. Sabi ng best friend ko kanina (saglit kaming nag-usap sa phone), bakit hindi raw ako ang mag-text at gumawa ng paraan upang huwag siyang tuluyang mawala. I just did. At hanggang ngayon, wala siyang reply. Kaya heto ako, nagbubuhos ngayon ng “sama ng loob” sa “blangkong” papel na ito. Nakakainis, minsan kasi talaga parang ang daming stumbling blocks sa buhay. Kapag naghihintay ka, walang dumarating. At kapag may dumating na, may iba ka nang priority. Kelan kaya mangyayari iyong magtutugma ang takbo ng mga pangyayari sa gusto mo so that you’ll be able to make things work? I just hope na magre-reply pa rin siya (maghihintay ako hanggang mamaya) and if he does, maybe I’ll try to explain myself. Or maybe I’ll just keep quiet about what I feel. Or go straight to the point – tell him I like him and invite him to meet. Maybe tomorrow? But meanwhile, back to work dahil OT ako ngayon hanggang alas-diyes.

10 comments:

rei said...

Try to balance things honey. Magrelax ka rin. Nakakapangit ang wrinkles :D

Aris said...

@iamrei: medyo hirap akong bumalanse ngayon pero pipilitin ko. at totoo, nadagdagan ang wrinkles ko dahil sa stress. hehe!

Unknown said...

Work-Life Balance.
*hugs*

Aris said...

@christopher allan: 'yan ang kailangan kong magkaroon sa ngayon. thanks. *hugs back*

Mugen said...

Matagal tagal na rin nang huli ka magkuwento tungkol sa iyong sariling estado.

Sana nga magtext siya. At magkaroon kayo ng ugnayan muli.

Aris said...

@jm: hello, joms. kumusta ka na? oo nga. medyo naiba kasi ang takbo ng buhay ko ngayon. di na katulad ng dati na marami laging nangyayari. hehe! miss ko ang mga panahong iyon. :)

Angel said...

Aaawww... Na-sad naman ako bigla... :(

Geosef Garcia said...

I think pwede pa iyang idaan sa maganda at maayos na usapan. Sana bigyan ka pa niya ng chance. :)

Aris said...

@angel: sorry. napa-share lang bigla. hehe! :)

Aris said...

@geosef: sana nga. sayang naman kasi. :)