Thursday, August 21, 2014

Letter To Cee

Hello Cee. Saw a picture of you today. Payat ka na pala uli. Noong huli kasi tayong magkita, tumaba ka na. Nang magyakap nga tayo, nanibago ako. Pero ganoon pa rin ang init na naramdaman ko. Ang saya-saya ko dahil nagkita tayo. Kahit paano’y naibsan ang pangungulila ko. Pero sa bar na iyon, hanggang yakapan lang ang nangyari. Ni hindi kita nahalikan kahit gusto ko. I was with my friends at ikaw, may kasama nang iba. Boyfie, ang pakilala mo pa sa kanya. Pero alam mo, hindi nalingid sa akin ang mga mata mo na tila may ibig sabihin nang lumayo na ako. Sa tuwing susulyap ako sa kinaroroonan mo, nakatingin ka sa akin. Assuming ba? Pero di ba, sabi mo sa akin noon, kahit magkahiwalay tayo at magkaroon ka ng iba, mahal mo pa rin ako at hindi na iyon magbabago? Ako rin naman, hanggang ngayon, mahal pa rin kita at palaging naiisip. Hirap nga akong maghanap ng kapalit mo. Sige, aaminin ko na, umaaasa pa rin kasi ako na magkakabalikan tayo. Ikaw lang kasi ang nakakakilala sa akin nang lubos at sa’yo lang ako kumportable. Hind ko na kailangang magkunwari dahil tanggap mo ang mga kahinaan at kakulangan ko. Remember, nagkakilala tayo noon sa mga panahong ang dami kong insecurities. And yet, pinahalagahan mo ako. You saw right through me at ipinaramdam mo sa akin na espesyal  ako at karapat-dapat mahalin. Ang tagal ko na ring naghihintay mula nang magkita tayo pero hanggang ngayon, kahit isang text, wala pa rin akong natatanggap mula sa’yo. Ay, oo nga pala, nang gabi ring iyon, tumawag ka pero hindi ko nasagot. Sorry, lasing na lasing na kasi ako noon at ang ingay pa ng music. I wonder now: Ano kaya ang sasabihin mo? At bakit hindi ka na tumawag uli? Kung bakit hindi ako nag-return call, well, ayoko naman kasing magmukhang desperado. And, yes, pride na rin siguro (alam mo na isa ‘yan sa mga kapintasan ko). Sa ngayon, naghihintay pa rin ako. Kung tayo pa rin sa bandang huli, eventually, muli tayong magtatagpo. Bahala na. May kasabihan nga tayo: Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy. Sana nga. Kumusta na nga pala kayo ni Boyfie? Kayo pa rin ba?

Tuesday, August 19, 2014

Ang Tambay Sa Village

Palihim, mula sa maliit na siwang ng bintana, pinanood ko siya habang naglalaro ng basketball sa tapat ng bahay namin. Binusog ko ang aking mga mata sa kabuuan niya. Hubad-baro at naka-shorts lang  manipis at maluwag  na sa bawat kilos ay binabakat ang matatambok niyang katangian. Payat lang siya subalit siksik ang kalamnan. Mahaba ang torso at impis ang tiyan. Malaman at bilugan ang kanyang mga hita at binti na sa bawat pagtakbo at pagtalon ay puno ng katatagan. At ang kanyang mga paang nakatsinelas lang ay malinis, mahahaba ang mga daliri at sa aking tantiya’y size 9.

Una siyang tumatak sa aking kamalayan nang madatnan ko siyang nakatambay sa parlor na aking pinagpapagupitan. Pabukaka siyang nakaupo sa sofa at dahil maiksi at maluwag ang kanyang shorts, mula sa salamin na kung saan ako ay nakaharap, siya ay aking nasilipan. Kulay asul ang kanyang brief at ang puti ng kanyang singit. May naramdaman akong excitement pero pasimple lang ako dahil ayokong makahalata ang gumugupit sa akin. Nang siya ay umalis, agad siyang pinagtsismisan ng mga bading. Josh ang pangalan niya. Twenty-two years old. Tambay sa village  kung hindi sa basketbolan o sa internet cafĂ© ay sa parlor ng mga bading. At pahada! Dahil walang trabaho at may mga pangangailangan kaya pumapatol. At higit sa lahat, dakila! Napatili pa ang mga bakla nang mabanggit iyon. At dinescribe pa talaga ang itsura. Tahimik lang ako sa pakikinig pero naging abala ang aking imahinasyon. At dahil doon, naging interesado ako kay Josh.

Mula noon, inabang-abangan ko na ang pagdaan niya sa tapat ng bahay namin. Lagi na’y may kiliti akong nararamdaman kapag siya’y nakikita. Kiliti sa aking imahinasyon at higit sa lahat sa ibabang bahagi ng aking puson. Ang interes ay naging pagnanasa at ngayon nga habang sinisilip ko siya ay dama ko ang pag-uumigting niyon.

Napapitlag ako nang biglang kumulog at kumidlat. Kanina pa makulimlim at nagbabanta ang ulan. Maya-maya nga’y bigla na itong bumuhos. Lumamig ang paligid subalit hindi iyon sapat upang maibsan ang aking pag-iinit habang pinagmamasdan si Josh. Patuloy siya sa paglalaro ng basketball at dahil basa na sa ulan, humakab na sa katawan ang shorts. Higit na nagmura ang kanyang alindog.

Iniwan ko ang bintana. Naghubad ako ng T-shirt at lumabas ng bahay, shorts lang ang suot. Agad akong nabasa ng ulan. Pumikit ako at nagpaikot-ikot. Dinama ang ginhawang dulot ng malamig na tubig. 

Nang ako’y magmulat, ang kanyang mukha ang aking nasilayan. Nakatingin siya sa akin, pinapanood ako. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ako nagpa-intimidate, sa halip ay pilit kong ipinarating ang aking interes. Maya-maya'y ngumiti siya at lumapit. Sumasal ang tibok ng aking dibdib.

“Gusto mong maglaro?” ang kanyang sabi.

Mabilis niyang pinalipat-lipat ang bola sa kanyang mga palad na tila nagpapa-impress. Nag-igtingan ang kanyang mga masel. 

Magaling akong mag-shoot, ang sabi pa. Gusto mo ba akong subukan? 

Muling kumulog at kumidlat subalit hindi na ako nagulat. Titig na titig ako kay Josh, puspos ng pananabik.

Sure, ang sagot ko. Magaling ka rin bang mag-dribble?

Thursday, August 14, 2014

One Fine Day

Dahil sa nangyari, muli naisip niya, ang hirap maging promdi. Lumuwas siya sa Maynila upang makipagsapalaran. Nakahanap naman siya ng trabaho bilang isang mensahero. Yun nga lang, dahil promdi siya at di pa masyadong maalam sa Maynila, natututunan niya ang lahat sa paraang mahirap. Kagaya ngayon, inutusan siyang maghatid ng mga dokumento sa isang opisina, nagkaligaw-ligaw muna siya bago niya iyon nahanap at nang pauwi na siya, bigla siyang tumawid sa bawal kaya hinuli siya ng pulis. At pinagmumulta siya ng tatlong daan dahil sa jaywalking. Diyos ko naman, two fifty lang nga ang sahod niya sa isang araw, saan naman siya kukuha niyon? Sandaan lang nga ang laman ng bulsa niya at kulang pang pamasahe-pangkain iyon.

Kaya nagmakaawa siya sa pulis. Mangiyak-ngiyak siyang  nag-sorry at nangakong hindi na uulit. Pero matigas ang pulis at ang sabi pa, kung wala siyang pangmulta, dadalhin siya sa presinto at ikukulong siya. Takot na takot siya. Hindi niya alam ang gagawin. Napaupo siya, napayupyop sa mga palad at tuluyan nang napaiyak.

Maya-maya’y may naramdaman siyang kamay na dumantay sa kanyang balikat. Nag-angat siya ng paningin at nakita niya ang isang lalaking maayos ang bihis – mukhang mayaman – na nakatunghay sa kanya, may simpatiya sa mga mata.

“Tumayo ka,” ang sabi nito sa kanya.

Napasunod siya na tila namamalikmata.

Hinarap ng lalaki ang pulis. “Magkano ba ang multa?” ang tanong nito.

Sumagot ang pulis. Kaagad na bumunot ng pera sa kanyang wallet ang lalaki at iniabot sa pulis.

“You're free to go,” ang sabi nito sa kanya.

Iyon lang at tumalikod na ang lalaki, naglakad palayo. Hindi siya nakapagsalita, gulat sa ginawa nito para sa kanya.

“Hindi ka man lang ba magpapasalamat dun sa lalaki?” ang sabi ng pulis habang ibinubulsa ang pera.

Saka lang siya parang natauhan. Tinanaw niya ang lalaki. Malayo-layo na rin ito sa kanyang kinaroroonan. Mabilis niyang inihakbang ang kanyang mga paa, halos patakbo, upang habulin ito.

At dahil hindi naman kabilisan ang paglalakad ng lalaki, kaagad niya rin itong inabutan.

“Sir. Sir. Sandali po,” ang tawag niya rito.

Huminto ang lalaki at humarap sa kanya.

Nagkatitigan sila at parehong natigilan. Ilang sandali silang nanatiling ganoon, nakatayo sa bangketa, sa gitna ng magkasalubong na hugos ng mga tao.

Saka niya nagawa ang magsalita. “Sir, maraming salamat.”

Ngumiti ang lalaki. “Walang anuman.” 

Ngumiti rin siya.

Nanatili silang magkaharap, nakatingin sa isa’t isa. Waring nag-aantayan sa susunod na sasabihin at gagawin ng bawat isa.

“Ako si Mike,” ang sabi ng lalaki na unang hindi nakatiis sa awkward na sitwasyon nila. “Ikaw, anong pangalan mo?”

“Ronaldo Mapayapa Jr. po.”

“Huwag mo na akong po-poin, Ronaldo. Ano bang palayaw mo? Ronald? Ronnie? Jun?”

“Naldo.”

“Let me call you Ronald, ok?”

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

“Now, Ronald. Gusto mo ba akong samahan magmeryenda?”

Tuesday, August 12, 2014

Last Full Show

Tumayo ako
Hindi dahil naiihi
Kundi dahil nangangati.

Nagtungo ako sa banyo
Pumuwesto sa urinal
Naghintay, nagkunwari.

Bumukas ang pinto
At siya’y pumasok
Lumapit sa akin, tumabi.

Pakiramdaman muna
Bago nagsilipan, nagpakitaan
Ng mga ari.

Naghawakan, nagbayuhan
Hanggang sa sumirit 
Ang mga kiliti.

Nang matapos ang sine
Inabangan ko siya sa lobby
Baka pwede kaming mag-coffee.

Natigilan ako
Nang siya’y lumabas:
May kaakbay na babae.

Iniwasan niya ako, mabilis pa sa alas-dose.

Sunday, August 3, 2014

Foolish

Nagkakilala tayo sa gym. Tapos, nag-coffee tayo. Usap-usap. Getting-to-know-you lang.

Nag-exchange numbers din tayo. At pagkatapos, tinext mo ako. Lumabas tayo uli.

Tatlong ulit iyon. At naipahatid mo ang mensahe na interesado ka sa akin. Good, dahil interesado rin ako sa’yo. Tagal ko na ring naghahanap ng serious relationship at pagkaraang mabigo nang ilang beses, nagkaroon uli ako ng pag-asa dahil sa’yo.

Kahit wala kang sinasabi, in-assume ko na doon tayo papunta. Mukha ka namang pursigido kasi. Seryoso at maalaga pa.

Ipinagpasya kong ipakilala ka sa mga kaibigan ko. Importante kasi sa akin ang approval nila. At saka, proud ako sa’yo. Gusto kitang ipagmalaki kasi guwapo ka, matangkad, maykaya. Good catch, kumbaga.

Winelcome ka naman nang maayos ng mga kaibigan ko. At masasabi kong na-charm mo sila. Umorder ka pa nga ng sisig for everybody and you paid for one round of drinks. Na-appreciate ko yung effort mo na magpalakas sa kanila.

But not until nagkaroon ako ng honest mistake. I don’t know, must have been the beer. Out of the blue, nag-text sa akin ang ex ko (na aaminin ko, may pitak pa rin hanggang ngayon sa puso ko). Ewan ko naman kung bakit sa’yo ko naipadala ang reply ko. Madamdamin pa naman ang mga sinabi ko. At dahil nag-I miss you siya, nag-I miss you too din ako.

At biglang naiba na nga ang timpla mo. Nagselos ka. Kinausap mo ako. Actually, kinumpronta. Quietly lang.

Kahit pasimple tayo, nakahalata ang mga kaibigan ko. At na-shock sila nang pagtaasan mo ako ng boses. Siguro dahil lasing ka na kung kaya nakalimutan mo na nasa harap nila tayo. Maaari ring galit ka na at frustrated dahil hirap na hirap akong mag-explain.

Bago pa lumala ang “away” natin at tuluyan tayong mapahiya, nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at niyaya na kitang umalis.

Napatunayan kong galit ka nga (offended, ang term mo) dahil hindi mo ako tinantanan habang naglalakad tayo. Ang lakas pa ng boses mo. Tahimik lang ako.

Subalit nang nasa taksi na tayo, nag-sorry ka. Bigla, para kang naging maamong tupa. Nag-sorry din ako dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nasira ang gabi natin. Sabi mo pa, gusto mo ring mag-sorry sa mga friends ko dahil sa inasal mo. I texted them na nagso-sorry ka pero wala isa man sa kanila ang nag-reply. Alam ko na ang ibig sabihin niyon, bagsak na ang ratings mo sa kanila. Pero hindi na ako nagkaroon ng panahong alalahanin iyon dahil hinawakan mo na ang kamay ko, dinala iyon sa iyong mga labi at hinagkan.

Nagulat ako nang utusan mo ang driver sa biglang-liko.

Naging sunud-sunuran ako sa’yo. At pagkaraan ng halos tatlong linggo na wala tayong ginawa kundi ang magbolahan at magpa-cute, isinuko ko sa iyo ang sarili ko.

Hindi lang pagsuko kundi pagbibigay nang buong-buo. Ginawa ko ang lahat upang paligayahin ka. I did my best to satisfy you.

I was feeling good afterwards. Dahil na-satisfy mo rin ako. Magaling ka pala sa kama. At kahit parang niluray mo ako, may napunuan ka na pangangailangan ko.

At inisip ko na pagkatapos niyon, mababago na sa atin ang lahat. Inasahan ko na magiging tayo na, na magiging pormal na ang relasyon natin. Handang-handa na akong makipag-commit sa’yo. Dedma na kung nakitaan kita ng masamang ugali dahil sa pagseselos mo. Dedma na kung ayaw sa’yo ng friends ko. Maaari pa namang maituwid ang mga pagkakamali.

But the morning after, hindi ka nag-text. Ako pa ang gumawa ng way upang magkaroon tayo ng komunikasyon.

At ang sabi mo: “You’re very special to me. Nahihiya ako sa inasal ko. Siguro kailangan ko muna ng time upang mapagsisihan ang ginawa ko kasi hiyang-hiya ako sa’yo at sa mga friends mo. Ayoko ring i-pressure ka na mahalin ako because, honestly, right now I don’t feel I am worthy of your love.”

Medyo dumugo ang utak ko sa pag-aanalisa sa tunay na kahulugan ng sinabi mo. At nang hindi ko na makayanan, I forwarded your message to my friends at hiningi ko ang opinyon nila.

Ang kanilang consensus: Ayaw mo na. Hindi mo lang ako madiretso.

Pero ayokong maniwala. Biglang-bigla naman yata. Bakit, na-disappoint ka ba sa performance ko? Ganoon ka ba talaga katinding magselos at hindi mo mapatawad ang wrong send ko. Sinabi ko naman sa’yo, ex ko na yun. May bago na siya. Gusto ko na ring mag-move on at ikaw na ang gusto ko.

Or masyado ba akong naging madaldal sa pag-e-explain ng sarili ko? Masyado ko bang ibinilad sa’yo ang damdamin ko at nakita mo na ang mga kahinaan ko? Nawala na ba ang misteryo ko nang magpakatotoo ako?

Nagpursige pa rin ako. Tinanong kita kung kailan uli tayo magkikita. (Siguro, isa rin ito sa naka-turn off sayo, ang pagiging makulit ko.)

Ang sagot mo, baka hindi muna kasi medyo magiging busy ka next week. Kailangan mong tulungan ang iyong Tita sa kanyang business, mag-a-out of town ka, etc. etc., yada-yada.

Alam kong alibi na lang ang lahat nang iyon. At unti-unti, nakita kong nag-crumble ang hopes ko na ikaw na nga ang hinahanap ko. Katulad ka rin pala ng iba. Paasa.

Masakit man, tinanggap ko iyon. At sino pa nga ba ang magiging refuge ko, kundi ang mga kaibigan ko.

They were very consoling. May mga “I knew it” and “I told you so” sila sa akin pero dama ko ang kanilang concern. Na nasasaktan din sila para sa akin. Hindi na kasi ako natuto, lagi na lang akong nahuhulog sa mga kagaya mo. Minsan, kulang na lang sabihin nila sa akin na ang tanga-tanga ko.

Ang speaking of sabi, huwag mo nang itanong kung ano ang sabi nila tungkol sa iyo. You wouldn’t want to know.

And so, tuloy ang ikot ng mundo. Sinimulan na kitang kalimutan. Pati ang gym na kung saan una tayong nagtagpo, iniwasan ko na. Marami naman silang branch.

Pero kung kailan okay na ako saka ka naman muling nagparamdam. (Karma ko yata talaga na hindi ako tinitigilan ng aking mga nakaraan.) Akala ko ba, ayaw mo na.

Initially, nangungumusta ka. Na sinagot ko naman nang maayos dahil polite ako.

Pero nauwi iyon sa pag-iimbita mo na manood tayo ng sine. Hindi ako makapaniwala. Bakit, na-miss mo ba ako? Na-realize mo ba na mahal mo na ako? Inisip ko rin na baka nalilibugan ka lang. Kung sakali man, okay lang dahil parang gusto ko ring makipag-do sa'yo.

Muli, pinairal ko na naman ang aking katangahan. O baka likas lang talaga akong romantiko at patuloy na naniniwala sa posibilidad ng love.

Nagkita tayo at nag-sine. Wow, it was like the first time. You were very nice. Nag-holding hands pa tayo. And, yes, we kissed.

Natunaw na naman ang puso ko. Nabura lahat ng mga hinampo ko. Para uli akong teen-ager na na-in love for the first time.

Nag-dinner pa tayo. And you were the sweetest. Nakinig ako at tumawa sa mga kuwento at jokes mo. Ang tingin ko sa’yo, ikaw na uli ang perfect guy for me.

At hindi tayo nag-sex. After dinner, you drove me home. Inuwi mo ako sa bahay ko na katulad ng isang nirerespetong babae.

Higit akong nagulat nang kinabukasan, Sabado, tumawag ka. Iniimbita mo naman akong gumimik. Hindi ako nagdalawang isip. Pumayag kaagad ako. Actually, may lakad na kami ng barkada nang gabing iyon. At nang sinabi ko sa kanila na kasama kita, isa-isa silang nag-cancel out. Alam ko, naiinis na naman sila sa akin. But no worries, lagi naman nila akong naiintindihan. Ang sabi ko na lang sa kanila: “Please, mga ate, gusto ko lang namang maging masaya.”

And so, nag-clubbing tayo na tayong dalawa lang. Ang sweet-sweet natin, para tayong mag-jowa. Buong gabi mo akong isinayaw, niyakap at hinalikan. Ang saya-saya ko. Sabi ko sa sarili ko, this is it. Ito na talaga. Buti na lang pinayagan ko na magkaroon tayo ng second chance.

That night, pinatulog kita sa bahay ko. Mas naging maalab tayo sa kama. Sinaid talaga natin ang lakas ng isa’t isa.

Nakatulog ako sa mga bisig mo na may ngiti sa mga labi.

Sabay tayong nagising. We looked into each other’s eyes. Hindi na natin kailangang magsalita. Naroroon na, nababasa na ang mga mensaheng gusto nating sabihin.

Nag-breakfast pa tayo together. At bago ka umalis, niyakap mo ako nang mahigpit.

Heaven ang pakiramdam ko nang bumalik ako sa pagkakahiga sa kama. Ang saya-saya ko. Sinasabi ko na nga ba, mali na hinusgahan kita noong una. I was tempted to text my friends. Gusto kong sabihin sa kanila: “Gurls, buti na lang binigyan ko uli siya ng pagkakataon dahil kung hindi, hindi ko sana mae-experience ang ganito kasaya.” But I decided against it. Ayokong muli ay magtaasan ang mga kilay nila. Sa akin na lang muna ang masarap na feeling na ipinagkaloob mo sa akin.

I was almost sure na pagdating mo sa bahay, magte-text ka kaagad sa akin o tatawag. Ina-anticipate ko na iyon.

Naghintay ako. Tik tak. Tik tak.

Subalit nakatulog na ako at nagising… nakapagsimba na ako at nakapag-gym… tahimik ka pa rin.

Hindi na ako mapakali. Tinawagan ko ang pinaka-close ko sa barkada. Kumonsulta na ako.

Nakikinig lang siya habang naglilitanya ako tungkol sa confusion ko sa behavior mo. I was just hoping na sana hindi nadagdagan ang dislike niya sa’yo.

“Call him,” ang sabi niya. “Once and for all, kailangan malaman mo, ano ba talaga?”

And so I did.

Ang tagal nag-ring ng phone mo, parang ayaw mong sagutin. At nang mag-hello ka, parang may alinlangan pa. Gayunpaman, lumukso pa rin ang puso ko pagkarinig sa boses mo.

“Hi,” ang sabi ko. Unsure pa ako kung paano sisimulan ang pagtatanong tungkol sa ating dalawa. “Hindi ka na tumawag or nag-text…”

“Uhm, nakatulog kasi ako,” ang sabi mo. “Tapos, inutusan ako ng Tita ko. May ipinagawa siya sa aking trabaho.”

“On a Sunday?” ang tanong ko.

“Yeah. Sa computer lang naman. Dito sa bahay. Pressure nga eh kasi minamadali niya ako.”

“Oh, I see.”

Pause sandali.

“About last night…” ang sabi ko pagkaraan, wanting to go straight to the point.

“Yeah, it was great,” you interrupted me.

Diniretso na kita. “ May ibig na bang sabihin iyon? Ano na ba tayo ngayon? Ano na ang status natin?”

Saglit kang natigilan. You cleared your throat bago ka sumagot.

“You are very special to me.” Mukhang narinig ko na yata ang linya mong yan.“You are a great person and I am not really sure if I deserve you. Natatakot ako na baka masaktan lang kita. Ayokong mangyari yun. You see, in six months time, I will be leaving for the States. Na-approve na kasi ang petition ko. If we are going to have a relationship now, masasaktan lang kita pag-alis ko.”

“Mahal mo ba ako?” Alam ko, hindi ko dapat itinanong iyon pero hindi ko na kasi mapigilan ang damdamin ko. I just had to know.

“Uhm, yeah. Precisely the reason why it is hard for me. Gustuhin ko mang makipagrelasyon, I really cannot kasi nga I am leaving. We can be really good friends, though. The love will always be there kahit magkalayo tayo. Yun na lang ang consolation natin. You get what I mean?”

No, I don’t.

“Nasa akin talaga ang problema. Magulo ang buhay ko. Hindi ako stable.” Blah blah blah.

The classic “It’s not you, it’s me.”

Pinatay ko ang telepono. Ayoko nang makinig sa mga bullshit mo.

Napayupyop na lamang ako at napaiyak. Ang sakit-sakit lang kasi ng loob ko. Feeling ko, pinaglaruan mo lang ako. Pinaasa. Twice over.

Isa kang malaking palaisipan. Higit lang akong mahihirapan at masasaktan kung iso-solve pa kita. I am giving up on you.

At bago pa ako muling bumigay dahil sadya nga akong tanga at mahina, just get out of my life, will you?

=== 

A friend's story retold. Originally posted in 2010.