Tuesday, August 19, 2014

Ang Tambay Sa Village

Palihim, mula sa maliit na siwang ng bintana, pinanood ko siya habang naglalaro ng basketball sa tapat ng bahay namin. Binusog ko ang aking mga mata sa kabuuan niya. Hubad-baro at naka-shorts lang  manipis at maluwag  na sa bawat kilos ay binabakat ang matatambok niyang katangian. Payat lang siya subalit siksik ang kalamnan. Mahaba ang torso at impis ang tiyan. Malaman at bilugan ang kanyang mga hita at binti na sa bawat pagtakbo at pagtalon ay puno ng katatagan. At ang kanyang mga paang nakatsinelas lang ay malinis, mahahaba ang mga daliri at sa aking tantiya’y size 9.

Una siyang tumatak sa aking kamalayan nang madatnan ko siyang nakatambay sa parlor na aking pinagpapagupitan. Pabukaka siyang nakaupo sa sofa at dahil maiksi at maluwag ang kanyang shorts, mula sa salamin na kung saan ako ay nakaharap, siya ay aking nasilipan. Kulay asul ang kanyang brief at ang puti ng kanyang singit. May naramdaman akong excitement pero pasimple lang ako dahil ayokong makahalata ang gumugupit sa akin. Nang siya ay umalis, agad siyang pinagtsismisan ng mga bading. Josh ang pangalan niya. Twenty-two years old. Tambay sa village  kung hindi sa basketbolan o sa internet cafĂ© ay sa parlor ng mga bading. At pahada! Dahil walang trabaho at may mga pangangailangan kaya pumapatol. At higit sa lahat, dakila! Napatili pa ang mga bakla nang mabanggit iyon. At dinescribe pa talaga ang itsura. Tahimik lang ako sa pakikinig pero naging abala ang aking imahinasyon. At dahil doon, naging interesado ako kay Josh.

Mula noon, inabang-abangan ko na ang pagdaan niya sa tapat ng bahay namin. Lagi na’y may kiliti akong nararamdaman kapag siya’y nakikita. Kiliti sa aking imahinasyon at higit sa lahat sa ibabang bahagi ng aking puson. Ang interes ay naging pagnanasa at ngayon nga habang sinisilip ko siya ay dama ko ang pag-uumigting niyon.

Napapitlag ako nang biglang kumulog at kumidlat. Kanina pa makulimlim at nagbabanta ang ulan. Maya-maya nga’y bigla na itong bumuhos. Lumamig ang paligid subalit hindi iyon sapat upang maibsan ang aking pag-iinit habang pinagmamasdan si Josh. Patuloy siya sa paglalaro ng basketball at dahil basa na sa ulan, humakab na sa katawan ang shorts. Higit na nagmura ang kanyang alindog.

Iniwan ko ang bintana. Naghubad ako ng T-shirt at lumabas ng bahay, shorts lang ang suot. Agad akong nabasa ng ulan. Pumikit ako at nagpaikot-ikot. Dinama ang ginhawang dulot ng malamig na tubig. 

Nang ako’y magmulat, ang kanyang mukha ang aking nasilayan. Nakatingin siya sa akin, pinapanood ako. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ako nagpa-intimidate, sa halip ay pilit kong ipinarating ang aking interes. Maya-maya'y ngumiti siya at lumapit. Sumasal ang tibok ng aking dibdib.

“Gusto mong maglaro?” ang kanyang sabi.

Mabilis niyang pinalipat-lipat ang bola sa kanyang mga palad na tila nagpapa-impress. Nag-igtingan ang kanyang mga masel. 

Magaling akong mag-shoot, ang sabi pa. Gusto mo ba akong subukan? 

Muling kumulog at kumidlat subalit hindi na ako nagulat. Titig na titig ako kay Josh, puspos ng pananabik.

Sure, ang sagot ko. Magaling ka rin bang mag-dribble?

9 comments:

Anonymous said...

Uy, teka, kakaibang 'dribble' yata yung naiisip ko ah, ahahaha!!!!!

rei said...

Ang landi. Hahahaha. Push lang!

Anonymous said...

hala! ha...ha...ha.... shit! naman oh!
Hindi ko talaga maiwasan ang Hindi mag comment kasi naman aris!
ah! Ewan ko talaga Hindi ko masabi BASTA SHIT!
ha....ha...ha...

red 08

Anonymous said...

San po to pede mabasa ng buo? Ty

Aris said...

@anonymous: kung anuman yang naiisip mo, tama ka. hehe! :)

@iamrei: malandi kaagad? hindi ba pwedeng friendly lang? hahaha!

@red08: basta, yun na! hahaha!

@anonymous: buo na po ito. minsan ganyan talaga ako magkuwento. bitin. hehe! :)

Jay Calicdan said...

Oy, ako yung unang anonymous aris. di ako nakapag-log in eh.

Sabi na nga ba eh. Aris, natumpok ko iniisip mooo ~ ahahaha!!!!

Aris said...

@jay calicdan: ganoon ba? hehe! basta, yun na yun! :)

Unknown said...

Hahahhaha push mulang yan!:)

Anonymous said...

Nasan na yung karugtong?