Nakatingin lang ako sa kanya nang sabihin niyang
nakikipaghiwalay na siya. Walang emosyon sa aking mukha. Walang lungkot o
pagkabigla. Nagsimula siyang magpaliwanag kung bakit subalit wala akong
naririnig. Tumitig ako sa kanyang mga mata, sinalubong ako ng kanyang tingin at
ang lamig na naroroo’y unti-unting sumigid sa akin.
***
I started losing myself when I found him. Nagkakilala kami sa aiport na kung saan ground steward ako. Papunta siya noon sa Singapore on business at in-assist ko dahil nagkaproblema sa booking. Sa
kanyang pagbabalik, inimbita niya akong mag-dinner.
He was ten years older, rich, successful and well-connected. Dahil
sa kanya, napuntahan ko ang mga lugar na naririnig
o nababasa ko lamang – bars, clubs, restaurants. Isinama niya ako sa mga sosyalan. Ipinakilala sa
kanyang mga kaibigan. Nakapagsuot ng magagara at mamahaling damit. Naranasan ko ang lifestyle na noong nasa probinsya ako’y pinangarap ko lamang.
Inalok niya ako ng live-in. Hindi ako nagdalawang-isip.
Pinag-resign niya ako sa trabaho. Huwag daw akong mag-alala, siya ang bahala sa akin.
Naging sunud-sunuran ako sa lahat ng kanyang gusto.
***
As his kept boy, I
kept house for him. Inasikaso ko siya – ipinagluto, ipinaglaba. Naging
mapagpaubaya ako sa kama. Ano man ang aking magagawa, ginawa ko upang ma-please
siya. Inalagaan niya naman ako katulad ng kanyang pangako. Naging sagana ako sa
mga materyal na bagay at sa atensyon na itinuring kong pagmamahal.
Subalit nang maglaon, nagkaroon ng mga pagbabago sa takbo ng aming relasyon. For one, naging irregular na ang oras ng kanyang pag-uwi.
Lagi na lamang akong naghihintay sa gabi. Naging honest naman siya sa
pagsasabing lumalabas daw kasi siya with his friends. Mula raw kasi nang maging
kami, na-neglect na niya ang mga ito at kailangan niyang bumawi.
Naisip ko, okay lang siguro kung lumabas-labas din ako.
One afternoon, namasyal ako sa Greenbelt. May nakilala ako sa bookstore – a nice
guy na mahilig din sa libro. Ang nasimulan naming conversation tungkol kay
Murakami ay ipinagpatuloy namin sa isang coffee shop. Nalibang kami at
nakalimot. Inabot kami ng gabi.
Pag-uwi ko, sampal ang sumalubong sa akin.
May nakakita sa amin sa coffee shop – isa sa mga kaibigan
niya – at itinawag sa kanya.
Galit na galit siya. Malandi raw ako.
From then on, nagmistula na akong bilanggo sa kanyang
condo.
***
Ano ba ang tawag sa extreme sadness? Iyong naiiyak ka kahit na ang pinapanood mo ay “The Ryzza Mae Show”.
***
Isang laruang de-susi ang pasalubong niya sa
akin nang bumiyahe siya sa Japan. Marahil ay nadampot niya iyon sa isang souvenir
shop sa airport. Medyo walang katuturan but still, I kept it in my drawer. Well, it was also
a sharpener. Siguro
iyon ang dahilan kung bakit iyon ang ipinasalubong niya sa akin. Mula kasi nang
magkulong na lang ako sa bahay, I took up sketching.
Hindi ko na kinailangang maghintay sa kanyang pag-uwi dahil madalas hindi na siya umuuwi. Halos hindi na rin kami nag-uusap.
Ginugol ko na lamang ang aking mga araw at gabi sa
pag-i-sketch. At pagtatasa ng mga napudpod na lapis.
***
“So when are you leaving?” ang panunuot sa aking
kamalayan ng kanyang tinig.
“Today,” ang nagawa kong isagot.
“Hindi kita minamadali,” ang kanyang sabi. “Take a few
days to pack your things and find an apartment.”
“No. I’m leaving today. Pag-uwi mo mamaya, wala na ako.”
Saglit niya akong hinagod ng tingin bago tumayo.
“I’m sorry,” ang kanyang bulong.
I watched him leave at pagkasarang-pagkasara ng pinto,
muli, naramdaman ko ang paninigid ng lamig.
***
“The Ryzza Mae Show” was on at kagaya ng dati, naiiyak ako.
Hawak-hawak
ko ang laruang de-susi na naging karamay ko sa lahat ng malulungkot na sandali.
Sinusian ko iyon at pinatakbo. Naging sunud-sunuran
ang laruan sa direksyong gusto ko.
Dinampot ko ang laruan at nagtungo ako sa veranda ng condo. Mula sa pasamano, dumungaw ako at tinanaw ang bangketa 18 floors below.
Mula sa veranda, pumailanlang sa hangin ang laruang
de-susi. Pagbagsak sa semento, nawasak ito at nagkapira-piraso.
Wind-up, November 2014
Wind-up, November 2014
11 comments:
Maganda! magaling! :)
---Rye
brilliant and sad. =/
I'm so happy you joined! Grabe, ang lakas makadala nitong sinulat mo. It took me a few reads before I could really sit down and leave feedback.
Medyo di ko lang gets yung Ryzza angle. Anong meron?
Ma-senti. Tulad sa kuwento, parang kailangan niyang magsunud-sunuran sa tuwing sususian siya, tsss...
Uy, Haruki Murakami or Ryu Murakami? I love both!
I was supposed to say that this is sad but I can't help but see the possibilities of greatness ahead of you. This is a good thing, being in such a miserable state, it'll serve as a reminder in the future that you deserve better. Kudos sir!
dear aris
M A G A N D A!
@rye: maraming salamat. :)
@lof: happy to see your comment. thanks. :)
@citybuoy: salamat sa imbitasyon. kaka-pressure naman hehe!
about ryzza, lagi niyang sinasabi "bawal ang sad, dapat happy" and yet kapag pinapanood siya ng ating bida, nalulungkot siya. masaya ang show ni ryzza pero bakit siya naiiyak? ayun, i was just hinting at depression. at si ryzza, noong una ko siyang napanood, ang naisip ko kaagad, para siyang manikang de-susi. kaya ayun, ginawa ko na rin siyang simbolo. and yes, fan niya ako hehe! :)
@jay calicdan: haruki. hindi ko pa nasusubukang basahin si ryu. :)
@dindin magada: thank you, dindin, for dropping by. maraming salamat din sa comment. :)
@anonymous: wow naman! S A L A M A T! hehe! :)
Kuya Aris,
I read this 3x, gnun pa rin ang pakiramdam, maganda yung paggamit ng mga paglalarawan at pagsasatao ng mga simbolo. Hindi man nakaka-relate ang lahat, but i bet, the feelings behind this article are the same. Dito ako sa blog mo nakatmbay kapag malungkot ako eh. then i realized, hindi rin pala nalalayo yung kabanata ng buhay ko sa mga story mo. :) keep it up Aris. :) Keep safe. ---rye
"I started losing myself when I found him."
This line got me. How it set the tone, cast the cards for this story. In that single line - it spelled the inevitable; how the rest of the story unfolded as a foil to this. Well-framed foreshadowing. Beautifully-paced.
@rye: wow naman, touched ako. salamat uli sa'yo. :)
@red the mod: so happy to know na na-appreciate mo ang gawa ko. nakakadagdag ng confidence. thank you. :)
Post a Comment