Umorder ako ng french fries at squid balls. At habang
naghihintay na maluto iyon, naagaw ang pansin ko ng isang binatang paparating. Pamilyar
na siya sa akin dahil minsan ko na siyang na-take note nang makita kong
dumaraan sa tapat ng bahay namin. Na-take note dahil may itsura siya – pilyong
guwapo na bagama’t may pagka-tambay ang dating ay makinis at maayos manamit.
Ang ganda rin ng kanyang buhok – mahaba na wavy na glossy – na kapag naglalakad
siya ay nagba-bounce sa hangin. Actually, sa buhok niya ako unang na-attract at
higit na naakit nang makita kong, aba, may ka-match palang magandang mukha ang
magandang buhok na iyon! At maganda rin ang kanyang tindig – lalaking-lalaki –
na nang makita ko siya sa unang pagkakataon ay hindi ko naiwasang mapa-hmmm…
Ang tagal ko siyang hindi nakita na nagdaraan sa tapat ng
bahay namin. Kaya nang makalapit na
siya, hindi ko naiwasang hagurin siya ng tingin. Mas guwapo pala siya sa
malapitan. Mas maganda ang skin – walang pores – at matipuno, malaman ang mga
braso’t dibdib. Mukha siyang bagong shower dahil mamasa-masa pa ang buhok na
nang umihip ang hangin ay humalimuyak ang mabango niyang shampoo – Vaseline? – at sabong Irish Spring. So very fresh na kaysarap langhapin! At dahil doon, nakadama ako ng pagkaantig.
Tinapunan niya ako ng sulyap at ako’y na-conscious subalit hindi ako naglayo
ng tingin. At nang magtama ang aming mga mata’y tumango siya na parang pagbati at pag-acknowledge na ako’y kakilala niya. At siya’y ngumiti. Nginitian
ko rin siya – kahit hindi talaga kami magkakilala – dahil hindi naman yata
proper kung dededmahin ko siya.
“Kumusta?” ang sabi pa.
Aba, chumichika. “Mabuti,” ang sagot ko. “Ikaw?”
“Ok lang.” Muli siyang ngumiti.
Naramdaman ko na parang hindi ako makahinga dahil
sa biglaang pagbilis ng aking heartbeat. Buti na lang at sumingit sa eksena si
Kuya na nagtitinda ng pica-pica.
“Ano sa’yo, Darwin?” ang sabi.
Darwin! Iyon ang name niya. At close sila ni Kuya dahil pagkatapos niyang umorder – kikiam at
cheese sticks – ay nag-chikahan na sila. Nakatayo lang ako sa tabi at pasimpleng nakinig.
“Ang tagal mong nawala ah.” Si Kuya.
“Nagbakasyon lang.” Siya.
“Saan?”
“Sa probinsya.”
“Buti nakapagpaalam ka sa trabaho.”
Uy, hindi naman
pala tambay. May trabaho naman pala.
“Kaya ako nakapagbakasyon, na-raid kami.”
Ano daw? Na-raid? Bakit? Kahit sa palagay ko’y luto na ang squid balls ko,
tumahimik lang ako dahil sa curiosity.
“E di hindi ka muna ngayon nagsasayaw?” Si Kuya uli na
nakalimutan na ang niluluto dahil sa pakikipagkuwentuhan.
“Hindi muna. Pero magbubukas daw uli ang bar.”
“E di habang naghihintay ka, wala munang kita?”
“Pa-booking-booking muna.”
Sumulyap siya sa akin at saka ngumiti. Nahuli ko sa kanyang mga mata ang obvious na pahiwatig.
Nagbaba ako ng tingin – at napapitlag. Nasusunog na sa kawali ang squid balls ko!
“Kuya, ang niluluto mo!” ang bulalas ko.
Nataranta si Kuya sa paghahango. Pagkaabot sa akin ng
sunog na squid balls, hindi na ako nag-abalang maglagay pa ng sauce. Nagbayad ako at kaagad
na umalis. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang marinig ko ang kanyang
tinig.
“Sandali.”
Napahinto ako at napalingon.
Nasa likuran ko lang siya at iniaabot sa akin ang french fries na
nakalimutan kong damputin – siguro’y ipinahabol sa kanya ni Kuya.
“Salamat,” ang sabi ko sabay kuha sa french fries. Hindi naiwasang magdikit ang mga kamay namin at ako'y dinaluyan ng kilig.
“Ako nga pala si Darwin. Diyan ka nakatira sa malaking
bahay, di ba? Diyan ako sa yellow house. Magkapitbahay lang tayo. Imbitahin mo naman ako minsan sa inyo. Mag-inuman tayo."
Saglit akong natigilan bago nakasagot. “Um... sure.”
“Ano nga pala’ng pangalan mo?”
Saglit akong natigilan bago nakasagot. “Um... sure.”
“Ano nga pala’ng pangalan mo?”
“Angelo.”
Nag-hold sandali ang mga mata namin at siya’y ngumiti. Pagkatamis-tamis
na parang nangse-seduce.
Hindi ko iyon ma-contain at bago pa ako mawala sa sarili, dali-dali na akong nagpaalam at tumalikod.
Hindi ko iyon ma-contain at bago pa ako mawala sa sarili, dali-dali na akong nagpaalam at tumalikod.
Nang nasa tapat na ako ng gate namin, hindi ko napigilang
siya ay lingunin. Nakabalik na siya sa kariton ni Kuya, nakatalikod sa akin.
Na-take note ko ang makipot niyang baywang at matambok na puwet.
Raid… bar… sayaw… booking...
Lihim akong napangiti. Sa aking imahinasyon ay muling
pumasada ang kanyang kaakit-akit na itsura at naisip ko ang mga possibilities.
My life is boring. Maybe I should start living dangerously.
6 comments:
so hot very hot! :)
@simon: kainggit siya, di ba? makapanindahan din nga. hehehe! :)
Teh post mo dito agad pag may nangyari na, I mean pag mas naging close pa kayo.
'Bat parang ang init, malamig naman ah? Ahahaha!!! Pasensya na pero parang may maghi'higad'-syndrome tendency! Ahahaha!!!
peace :D
@anonymousbeki: teh, kathang isip lang hehe! hayaan mo, gagawan ko na lang ng sequel.:)
@jay calicdan: si angelo ang naghihigad, hindi ako. haha! :)
Huy Aris hindi ikaw! Nalalandian lang ako sa kanya kasi nanindahan lang, meron nang nadedekwat! Kung ganyan lang sana ang labanan dito sa mundo for sure HAYAHAY ang life kasi meron na din ako just in case! Ahahaha!!!
Post a Comment