Tuesday, November 18, 2014

Fallin’ (Throwback)

Asan ka?

Silya. Breakfast kami. Ikaw?

Chelu. Puntahan kita.

Akala ko, matatapos ang gabi (umaga na pala kasi alas-singko na) na hindi nagpaparamdam si Gian. I had a feeling na nasa Malate rin siya at hindi nga ako nagkamali.

Dumating siya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko. It turned out na magkakilala na pala sila ni Basil kasi classmates sila sa college. Small world.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Katulad ng dati niyang ginagawa, hinalikan niya ito. Tapos bumulong siya sa akin: “I missed you.”

Smile lang ako, pa-demure.

Dedma kunwari ang mga kasama ko na sina Basil at Axel pero alam ko, nakikiramdam sila.

Inakbayan ako ni Gian tapos kiniss ako sa lips.

“Lasang… corned beef,” ang sabi niya pagkaraan.

Na-conscious ako. “As you can see, I am having corned beef for breakfast. Turn off ba?”

“No,” ang kaagad niyang sabi. Tapos kiniss niya akong muli as if to reassure me. “Ok lang, kahit ano pa ang lasa ng bibig mo.”

“Mag-breakfast ka na nga,” ang sabi ko. “Ano ba gusto mo?”

“Ayoko mag-breakfast. Gusto lang kitang makita.”

Hindi na nakatiis si Basil. “Ang sweet naman. Kayo na ba?” ang tanong niya, directed sa aming dalawa.

Nakangiting tumingin sa akin si Gian na parang ako ang pinasasagot niya.

Tumingin din ako sa kanya pero hindi nagsalita. Di ko kasi alam. Wala naman kaming pormal na pinag-uusapan.

“Tayo na ba?” Ako ang tinanong niya.

“Ewan ko sa’yo,” ang sagot ko.

“Oo lang o hindi,” ang singit ni Axel.

“Hindi,” ang sagot ni Gian.

“Ay, bakit?” ang react ni Basil.

“Hindi niya pa ako sinasagot,” ang sabi niya.

“Hindi ka naman nanliligaw ah,” ang sabi ko.

“Sabi mo, ayaw mo.”

“Sabi mo, di ka ready kasi kaka-break mo lang.”

“Ang gulo n’yo ha!” ang sabi ni Axel.

“Pag-usapan n’yo nga yan,” ang sabi naman ni Basil.

Hinug ako ni Gian. “MU lang kami.”

“Oo nga,” ang sang-ayon ko.

“Libre siyang gawin ang gusto niya. Walang expectations o pagbabawal sa akin. Ganito na lang muna until pareho na kaming ready,” ang sabi pa ni Gian.

I just smiled. Then he kissed me again.

Quiet na lang sina Basil at Axel habang naglalambingan kami. I was enjoying it actually kahit ako mismo, parang hindi ko maintindihan ang set-up namin.

***

Nitong nakaraang Sabado, lumabas ako with my friends. We finalized our Galera plans tapos diretso gimik. (I invited Gian na sumama sa Galera pero may work daw siya.) I did not text him na lalabas ako. Actually, I was waiting for him to text me na lalabas siya.

Sa gitna ng kasiyahan namin, I was constantly checking my phone, half-expecting na magte-text siya o tatawag. Pero wala.

Hanggang breakfast, inaasahan ko pa rin na magpapakita siya. Pero wala talaga.

Medyo disappointed ako. Aaminin ko na may mga nakilala ako nang gabing iyon, pero siya ang nasa isip ko. Miss ko siya habang nagsasayaw ako. Miss ko ang mga paglalambing niya. Miss ko ang kiss niya.

Naisip ko tuloy, baka ayaw niya na. Baka nagsawa na. Baka may nakilala siya sa Chelu. Baka nang mga sandaling iyon na hinahanap-hanap ko siya, sumama na pala sa iba.

Pero wala naman kaming relasyon. Sabi niya nga, libre ako at libre siya. Kaya dapat walang expectations.

Pilit ko siyang iwinaksi sa aking isip.

Umuwi ako na parang may mabigat sa aking dibdib.

***

Ngayong umaga, nag-text siya.

Lumabas ka ba nung Sabado? Hinihintay ko ang text mo kasi kung yayayain mo ako, sasama sana ako. But I guess, may iba kang plano.


Nag-reply ako. 


Yup. Akala ko nga magkikita tayo. Pero hindi ka rin nag-text. Wala akong ibang plano, ayoko lang magmukhang makulit sa’yo.

Miss na miss kita.

I miss you too.

Palagay ko, ready na ako.

Saan?

To fall in love again.


Hindi ako sumagot.

Palagay ko, mahal na kita.

Lalo akong hindi nakasagot.

Sana mahal mo na rin ako.


 

===

Originally posted in 2010. 

5 comments:

Unknown said...

Hi sir Aries. I accidentally discovered your blog nd curiosity strikes me. After reading one post i discovered that i keep on clicking the next unmindful of the time. Guess wat... Nag start tlaga ko sa 1st ever post mo so i cud read everything. I love plantation resort nd black party.
Sana me next post na ulet... I am now on your October 24 2008 post Lil Bro.. Am now your fan. Keep on writing.. You are one hell of a good writer.. Hope to meet some time. Take care..

citybuoy said...

In fairness, naalala ko ata to! haha mahusay parin kahit 4 years later. :p

Aris said...

@gabriel escala: wow, pinagtiyagaan mo talaga? hehe! maraming salamat sa appreciation. nakakataba naman ng puso ang iyong comment. sana ma-enjoy mo pa ang iba kong posts. you take care too. :)

@citybuoy: 4 years ago, parang ang landi ko lang. haha!

Anonymous said...

Nabitin ako! LOL
A friend of mine recommended me this site and now I couldn't stop reading.
Na-curious ako sa ano ang isasagot niya. ^_^

Aris said...

@anonymous: thank you for your appreciation. nakakatuwa naman na nagustuhan mo ang mga nabasa mo. salamat sa iyong kaibigan at pakikumusta na rin ako. :)