Thursday, August 28, 2008

Between Friends

Ano ang gagawin mo kapag nalaman mo na may relasyon pala ang friend mo at ang guy na dini-date mo?

Hindi inaasahan, ito ang natuklasan ko nang pumunta ako sa bahay ng friend ko. Nakita ko sa bedside table niya ang kwintas na kilala ko kung sino ang nagmamay-ari.

Umamin ang friend ko. “Yes, sa kanya ang kwintas na ‘yan. We have been sleeping together. Hindi ko masabi sa’yo kasi ayokong masaktan ka.”

Hindi ako nakapagsalita. I was stunned. I met the guy through my friend and we started dating. Iyun pala, habang nakikipag-date siya sa akin, he was fucking my friend.

“I am sorry,” ang sabi ng friend ko.

Kasunod ng pagkagulat, nakaramdam ako ng hurt.

“Noong ipinakilala ko siya sa’yo, gusto ko na siya. Kaya lang sabi mo sa akin, gusto mo siya, kaya nagpaubaya ako. Nakahanda naman akong magbigay para maging happy ka. Kaya lang, it turned out, gusto niya rin ako.”

Lalong nag-umigting ang hurt na naramdaman ko.

“I was meaning to tell you. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Hindi ko binalak na lokohin ka. I just don’t know how to do it. Natatakot ako na magalit ka. Ayoko ring masaktan ka. I am sorry.”

Nanatili akong nakatingin sa friend ko. Ang tagal na naming magkaibigan. Ang dami na naming pinagdaanan both happy and sad. Hahayaan ko bang sirain ng pangyayaring ito ang pagkakaibigan namin?

“Kayo na ba?” ang tanong ko.

“Yes.”

Bumuntonghininga ako.

It was hard but I decided to forgive.

***

I started planning a dinner for three.

Ako. My friend. And the guy.

Ako mismo ang magluluto.

Isang bagay na kailangan kong gawin upang ma-ease out ang tension sa sitwasyon. Ito rin ang pagkakataon para maipakita ko sa kanila na hindi ako apektado… na tanggap ko ang pangyayaring ito. Na kahit nagkaroon ng gusot sa relasyon naming tatlo, maaari pa ring maging maayos at normal ang lahat.

Tinawagan ko ang friend ko. “Hi. I am inviting you and him tonight for dinner.”

“Are you cooking?”

“Of course.”

“Won’t miss it for the world. We will be there.”

It was actually therapeutic for me nang magsimula na akong magluto. Nakapag-isip-isip ako… nakapag-sort out… nakapag-rationalize. I was actually feeling good by the time I finished.

I was even humming a tune habang nagse-set-up ng table.

The knock on my door came around 7:00 pm.

Nang buksan ko ang pinto, ang friend ko lang ang naroroon, nakatayo.

“Nasaan siya?” ang tanong ko.

“Fuck him!”

Nagulat ako sa sagot ng friend ko.

“Asan ang mga baso. May dala akong wine,” ang sabi niya.

***

“Ano ang nangyari?” Nasa dinner table kami at umiinom ng wine.

“I caught him in bed with his bestfriend.”

“What???” Nandilat ang mga mata ko.

“Pumunta ako nang maaga to pick him up. Gusto ko siyang sorpresahin. Bukas ang pinto kaya tuluy-tuloy ako. Ako ang nasorpresa. It turned out his bestfriend is also his fuck buddy. ”

“So what did you do?”

“Pinagbabato ko sila ng pigurin.”

“Really? Ginawa mo yun?”

“Kidding. I just walked away.”

We started having dinner.

“Ang sarap mo talagang magluto, friend,” ang sabi niya in-between bites.

“Kumain ka nang marami,” ang sabi ko. “Ikain na lang natin ang sama ng loob sa lalaki.”

“Korek.”

Sandaling katahimikan.

“Friend,” ang sabi niya pagkaraan. “I am sorry.”

“For what?”

“For hurting you… dahil sa nangyari.”

“Wala na sa akin yun. He’s not worth it.”

“That cheating bastard! Pareho niya tayong pinaikot… niloko.”

“Kalimutan na natin yun. Ang importante hindi nasira ang friendship natin dahil dun.”

“Buti na lang.”

“At saka madaling maghanap ng lalaki noh! Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan.”

“Friend, naiiyak ako…”

“Huwag kang madrama, lokah!”

After dinner, we settled in front of the TV. I popped in our favorite movie on the VCR.

Over wine and potato chips, we watched it like it was the first time.

Bette Midler. Barbara Hershey.

Beaches.

6 comments:

Looking For The Source said...

“At saka madaling maghanap ng lalaki noh! Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan.”

>>>> this is so true.

grabe nmn yun guy na yon. sana nga binato nya talaga ng mga figurines yon no.. para maeksena! nyahahah..

Joaqui said...

“At saka madaling maghanap ng lalaki noh! Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan.”

So true. :)

Hope everything is better now. :)

Tristan Tan said...

Ouch. I'm adding you up. ;)

Aris said...

mahirap ding maghanap ng katulad nyo na matiyagang nagbabasa ng blog ko @source and joaqui. you inspire me so much with your comments. salamat. salamat. mwah!

omg! @tristan. it will be a great honor. thank you. :)

joelmcvie said...

Ika nga sa Temptation Island: "What are beaches for? But to beach with other beaches!" HAHAHAHA!

Dapat Temptation Island na lang ang pinanood ninyo. =)

Aris said...

@mcvie: i discovered stan thru your blog. :)

ay, super hanap ako ng temptation island na yan. minsan kasi may nakita akong vcd nyan sa video city, di ko pa binili. ngayon tuloy, wala na akong makita.

"minsan, ang pag-ibig, nakakabusog din" - azenith briones.

hahaha! :)