Tuesday, August 5, 2008

Rough

Pagdating ko sa Silya na meeting place namin ng mga friends ko every Saturday evening sa Malate, nakita ko kaagad siya. Si RZ, kasama ang mga kaibigan niya at nasa katabing mesa lang sila ng mesang occupied ng mga friends ko. Nakita niya rin ako. Nagkatinginan kami pero hindi nagbatian. Gusto ko sana siyang batiin pero minsan niya na akong inisnab at ayaw ko nang maulit iyon. Nag-join ako sa mga friends ko at habang umiinom ng Strong Ice at nakikipag-kuwentuhan, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Napapatingin din siya sa akin at makailang ulit na nagtama ang aming mga mata pero parehong blangko ang aming mga mukha.

Nagkakilala kami ni RZ sa Bed. It was a slow evening dahil lasing ako. Nahihilo ako kaya hindi ako makapagsayaw. Nakatayo lang ako at nakasandal. Nagulat ako nang lapitan niya ako. He pressed me against the wall and he kissed me hard. Hindi ako nakapalag dahil mas malaki siya sa akin at lasing nga ako, wala akong lakas. He was also drunk. And handsome.

There was something about his kiss na parang lalong nagpahina sa akin. Sabik. Madiin. Rough. Almost painful as it was pleasurable. Lumaban ako, gumanti ako ng halik na marahas din. Gusto kong bumawi sa pagkaka-overpower niya physically sa akin.

We kissed long and hard. When our lips parted, we were both gasping for air. Kaagad na bumaba ang kanyang mga labi sa leeg ko at naramdaman ko ang pagmamarka ng kanyang halik. Nagpaubaya ako hanggang sa bumaba ang kanyang bibig sa aking balikat. Bigla niya akong kinagat. Napapitlag ako. Masakit na masarap ang kagat na iyon. Naitulak ko siya subalit bigla niya rin akong hinatak at nagpatuloy ang aming marahas na paghahalikan.

Muli akong nakipagtunggalian sa kanya ng labi sa labi. Matagal. Maalab.

Nang magbitiw ang aming mga labi, basta na lang siya umalis na parang walang nangyari. Naiwan ako na parang higit na nalasing at nahilo subalit may kahalong masarap na feeling. May kiliti akong nararamdaman sa makirot na kagat niya sa aking balikat. I was too drunk to think and analyze. I dismissed him as just one of those crazy guys around you get entangled with sometimes.

Pero bumalik siya. I braced myself for the continuation. Pero hindi na siya muling nagtangkang halikan ako. Sa halip, nagsalita siya.

“What’s your number?” Inabot niya sa akin ang celfone niya.

I typed my number.

“What’s your name?” ang tanong niya habang sini-save ang number ko.

“Aris.”

Maya-maya tumunog ang celfone ko.

“My number. Save it,” ang sabi niya sa akin.

“What’s your name?”

“RZ.”

And he left without saying goodbye.

***

“Gawa mo?” ang text niya sa akin kinabukasan nang gabi.

Di ko inaasahang magte-text siya.

“Wala. Kaw?” sagot ko.

“Col me. 410XXXX.”

Tinawagan ko siya. Inaasahan ko na astig ang boses na sasagot sa kabilang linya but I heard a soft, gentle voice. I had to ask: “Is this RZ?”

“Yup. Kumusta?”

“Buti. Kagigising ko lang.”

“Ako din. It was your kiss that I thought of pagkagising ko.”

“Really?” Ows, charing.

“Sorry, kinagat kita kagabi…”

Bigla kong naalala ang kagat niya sa aking balikat. Masakit pa rin. Nangingitim. At may nakamarkang mga ngipin.

“Nanggigil lang kasi ako…” ang sabi pa niya.

Naalala ko rin ang ginawa niya sa aking leeg. Humarap ako sa salamin at naroroon nga ang kissmark na naramdaman kong inilagay niya. Shet!

“Nag-iwan ka rin ng marka sa leeg ko…” ang sabi ko.

“Did I? Geez, I’m sorry. I was too drunk”

Nagpatuloy ang aming pag-uusap. Parang hindi ko ma-reconcile ang imahe ng na-meet ko noong gabi na astig, siga, salbahe sa kausap ko ngayon na malumanay, malambing at mabait.

Dami naming napag-usapan. At nagulat ako nang malaman kong 21 lang siya at kaga-graduate niya lang ng college.

“Are you kidding me?”

“No. I look old for my age.”

Hunky kasi siya, gym toned ang pangangatawan and he must be at least 5’11.

Napag-usapan namin ang music. Mahilig pala siya sa videoke. I jokingly asked him to sing for me. At kinantahan niya nga ako. Sana Kahit Minsan ni Ariel Rivera.

Aba, ganda ng boses niya. Cool. Humahagod.

I was smiling habang nakikinig sa kanya.

***

“I live alone,” patuloy niya sa pagsi-share sa akin over the phone. “I have my own place. Dito na ako nakatira mula nang mag-college ako. My mom got me this apartment kasi nga taga-probinsya kami. And now that I have graduated, my mom told me, ako na bahala sa rent if I want to keep my place. Kaya nga kailangan ko nang magtrabaho.”

“Ano ba course mo?” ang tanong ko.

“HRM.”

“So, you’ve applied na sa mga hotels?”

“Nope. Call center. Kailangan ko na kasing magka-trabaho kaagad or else babalik ako sa probinsya. Ayoko dun. Saka marami pa akong plano kaya kailangan kong mag-stay dito sa Manila.”

“Like anong plano?”

“Plano kong magka-jowa muna haha!”

“Hmmm…At bakit naman nasa priority mo ang magka-jowa?”

“Para inspired ako sa mga gagawin ko!”

“Ah, ok.”

“Ikaw, may jowa ka ba?”

“Wala. Pero ok lang ako.”

“Gusto mo tayo na lang?”

“Huh?”

“Joke! Bakit wala kang jowa?”

“Kakahiwalay lang.”

“Bakit?”

“Nagsawa na siguro sa akin.”

“Ako, di kita pagsasawaan…”

“Talaga lang ha?”

“Seryoso. Bakit nga hindi na lang tayo?”

“Ano? Ang bilis ha!”

“Subukan natin…”

“Saka na. Bahala na…”

***

“Do you like sex?” ang tanong niya.

“Of course, I do,” ang sagot ko.

“Ako, hindi masyado.”

Ows?

“Ayoko ng ordinaryong sex,” ang sabi niya pa. “Nakakapagod.”

Natawa ako. “Nakakapagod?”

“I want sex to be different…”

“Like..?”

“Medyo…extreme. Medyo… may pain. You appreciate pleasure when there is pain.”

“Huh?” Natigilan ako.

“I don’t do it often pero kapag nakipag-sex ako… I make sure it is memorable. Buhos lahat. Kailangan gawin, maramdaman at ma-experience lahat. Yung feeling weak and bruised ka after pero ang sarap ng pakiramdam mo. Do you get what I mean?”

“I am not sure…” ang amin ko.

“Maybe you’ll understand what I mean kapag nag-sex tayo.”

“I surmise, you are kinda adventurous and experimental when it comes to sex…”

“U-huh. I don’t do it the conventional way. It is just… different.”

“Should I be scared?”

“No, you shouldn’t. You should be excited to experience something new, something you will never forget.”

Ewan ko, pero deep inside, may alinlangan ako. And yes, parang natatakot ako sa sinasabi niya.

***

“Saan ka?” Saturday night, I got a text from him.

“Malate”, I replied.

“Meet me now at Giligan’s.”

At nag-meet nga kami. Mas guwapo siya kesa sa huling alala ko sa kanya. At ang tangkad niya talaga. Meron siyang over-powering presence. He kissed me on the cheek nang magkita kami.

“Sino kasama mo?” he asked.

“My friends. Nasa Silya kami. Ikaw, sino kasama mo?”

“My friends. They are inside,” sabay turo sa loob ng Giligan’s. “Umiinom kami.”

“Punta kami Bed later,” ang sabi ko.

“Baka punta rin kami…”

“I’ll see you inside?”

“Yeah.”

***

Our favorite song “Fly Away” was playing nang pumasok ang barkada sa Bed.

When you’re feelin' down
When you feel
You need to get a way
You can just fly away

When you’re feelin' low
When you feel
You need to get a way
You can just fly away

Sayaw kaagad kami. Buhay na buhay kaagad ang feeling namin.

I feel the world
has gone insane
If you feel the sun
You can just fly away

Na sinundan kaagad ng “Touch My Body”.

Akyat kami sa ledge. Todo sayaw kami.

Dami cutie sa ledge. Dami naka-shirtless.

One shirtless guy started dancing with me. He was cute and flirty.

Touch my body
Put me on the floor
Wrestle me around
Play with me some more
Touch my body
Throw me on the bed
I just wanna make you feel
Like you never did


I danced with him. I was feeling flirty too but I did not want to lose control. At the back of my mind, I was thinking about RZ and that he was around somewhere. I did not want him to see me wild on the ledge. Wala lang, para kasing may potential kami and I did not want to spoil it. I was trying my best na mag-behave. I continued dancing with the shirtless guy but I was keeping my distance.

Touch my body
Let me wrap my thighs
All around your waist
Just a little taste
Touch my body
Know you like my curves
Come on and give me what I deserve
And touch my body.

Another shirtless guy joined us, he was as flirty as the first guy. I still tried my best na magpakatino, magpigil. Aba, pinagsasalikupan ako ng dalawa. One was even attempting a kiss pero pasimpleng umiiwas ako at patuloy lang sa pagsasayaw. Smile smile lang ako. Nasa isip ko si RZ.

Maya-maya, nag-vibrate ang celfone ko sa bulsa. I checked the message.

“I am watching you.” Si RZ.

Luminga-linga ako, trying to find him.

“I don’t like what I am seeing.” Follow-up message.

I texted back. “Saan ka?”

No reply.

Bumaba ako ng ledge. I decided to look for him.

Umikot ako sa ibaba, di ko siya makita. Umakyat ako.

Doon ko siya nakita sa itaas. “Hey,” ang bati ko.

Madilim ang kanyang mukha. Walang ngiti.

Hinawakan niya ako sa braso. Mahigpit. Tapos bigla niya itong pinilipit. Napaigtad ako sa sakit. “Aray! Hey!” ang sabi ko. He pinned me against the wall.

“RZ, nasasaktan ako!”

“You deserve it.” Ang sabi niya. I could not seem to recognize his voice. He was drunk. “You were dancing like a slut down there!”

He was big and overpowering. Sinikap kong kumawala pero mas malakas siya.

“You embarrassed me in front of my friends. You are a slut! Slut!”

“What are you saying? Let me go!” Nagpupumiglas ako.

Bigla niya akong hinalikan. His lips crushed mine. It was a rough, angry kiss! Hindi ako makahinga! Patuloy ako sa pagpupumiglas.

Then he bit my lip. Napaigtad ako sa sakit. Itinulak ko siya nang ubos-lakas. Nakawala ako sa grip niya. I tasted blood. Shit!

I looked at him. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakatingin sa akin.

“Fuck you!” I said.

At nagmamadali akong bumaba.

I went up the ledge. Slut pala ha? I will show you what a real slut is!

I took my shirt off and danced wildly with the two shirtless guys. Hindi na ako umiwas sa kanilang mga halik. Instead, pinagsabay ko pa silang halikan.

****

He texted me the following day. “Don’t ever text or call me again.”

Fine. I did not reply.

Two Saturdays after that, I saw him habang papasok ako ng Bed. Binati ko siya, thinking na maaari pa rin kaming maging magkaibigan.

He ignored me.

***

That evening I saw him again in Bed. He was kissing somebody while pinning him against the wall. I could see him kissing hard and rough. He was drunk. And handsome.

I just danced to Leona Lewis.

But I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open.

7 comments:

joaqui_miguel said...

"hard and rough"

I like it hard and rough, too.

:) lol

Looking For The Source said...

i can just imagine how RZ kisses. hmmm... sarap. wahaha..

grabe nmn magreact ung guy. too much.

ayun lng..

joelmcvie said...

Buti na yun, Aris. Hindi mo gugustuhin maging candidate for buttered... este, battered wife. =)

Aris said...

i like it hard and rough too @ joaqui. pero mahina ang tolerance ko sa pain hehe!

masarap nga siyang humalik @ lfts. kaya lang masakit. aaw!

cocoa buttered wife, i like @ mcvie. for softer, smoother skin hahaha!

adonis said...

walang katapusan ang mga kwento.... kakabitin....

Sephy Ganzon said...

ay sorry, alam ko na yung sagot sa comment ko sa isa mong entry entitled "the one that got away". metaphor lang pala yung mga yun. silya, bed. haha :D

Aris said...

@sephy ganzon: actually yung silya at bed ay mga totoong lugar na puntahan ng mga plu sa malate. although, come to think of it, maganda ngang metaphor ang kanilang mg pangalan. :)