Thursday, August 21, 2008

Exes

Three exes in one roof. Ito ang drama sa buhay ko noong Sabado nang gabi sa Bed.

Pagpasok ko, nagkabanggaan kami ni Ex No. 1, si EM. We said hello and we hugged. Sa paglalapit ng aming mga mukha, hindi namin na-resist na mag-kiss sa lips. Sabay usap.

EM: Asan boyfriend mo?

Me: What boyfriend?

Kiss

EM: Sarap mo pa ring humalik…

Me: Talaga?

Kiss

EM: Ang hot mo pa rin…

Me: Ikaw rin…

Kiss

Me: Kumusta na kayo ni KN?

EM: Kami na uli.

Me: I Know.

Kiss

EM: How did you know?

Me: Saw your new pics in Friendster.

Kiss

EM: We shouldn’t be doing this… We shouldn’t be kissing like this…

Me: Why?

EM: Kasi nga… nagkabalikan na kami ni KN.

Kiss (long ang hard)

Me: Ok. See you around. Bye.

Ang fondest memory ko noong kami pa ni EM, dalawang beses niya akong “kinidnap”.

The first time, isang hapon iyon nang Linggo. Nag-text siya sa akin: Papa-carwash ako nr ur haus. Punta ka d2.

Since walking distance lang, pumunta ako na nakapambahay. Shorts, sleeveless, tsinelas.

Pagdating ko, tapos na carwash.

“Sakay na,” sabi niya.

“Saan tayo punta?” tanong ko.

“Kain tayo.”

Off we went. Akala ko, sa malapit lang na McDo or Jollibee kami. Pero lumagpas kami at tuluy-tuloy siya sa pagmamaneho.

“Saan tayo kakain?”

“I’m treating you to dinner.”

“Dinner? Hindi ako nakabihis. At saka ang aga pa kaya.”

“Tamang-tama lang yan. Pagdating natin doon, dinner time na.”

“Saan ba tayo pupunta?”

“Tagaytay."

“Ano?”

“Kain tayo ng bulalo. Don’t worry, walang dress code doon.”

Kamusta naman, nakarating ako sa Tagaytay na naka-shorts, naka-sleeveless at naka-tsinelas. Dapithapon na yun kaya maginaw na!

But we had a very nice dinner. He was very sweet. And on our way back, he kept holding my hand. At panay din ang nakaw niya ng halik habang nagda-drive.

The second time was on a Saturday night. I was attending a reunion of high school classmates in Makati nang mag-text siya sa akin: Punta ako jan. Sundo kita.

Text ko: Dinner pa. Later.

Text niya: On d way.

After a short while, text niya uli: Lobby na.

Text ko: Still having dinner.

Text niya: Baba ka muna. Meet me now.

I had to excuse myself in the middle of dinner.

Pagbaba ko, nakita ko kaagad siya. He was smiling.

“Halika sa kotse,” ang sabi niya.

“Why?” tanong ko.

“I have a surprise for you.”

So we went to his car. Pinasakay niya ako.

Maya-maya nagmamaniobra na siya palabas ng parking.

“Hey, where are we going?” ang tanong ko.

“Itatakas kita!” He was laughing like a little boy.

“Hello? I am attending a reunion…!”

“I miss you and I want us to be together. I can’t wait anymore.”

“Ano ka ba? Magtataka ang mga kaklase ko kung bakit bigla akong nawala.”

“Isip na lang tayo ng excuse…”

Nasa Ayala na kami. Medyo naiinis ako pero wala na akong magawa.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Malate. I know you’d rather be dancing in Bed than talking to your boring, straight high school classmates.”

Napangiti ako. He was right.

He was kissing me on the lips everytime the traffic lights would turn red.

***

Sa dancefloor, I immediately got connected with a tall, lean, chinito guy na pang-koreanovela ang beauty.

“I’m MJ,” ang pakilala niya.

“Ako si Aris,” ang pakilala ko rin. “Are you alone?”

“With friends,” sagot niya.

We started kissing. He had this tongue piercing that turned me on.

Lost na kami sa paghahalikan nang biglang may umakbay sa kanya.

Nagbitiw kami. Kilala ni MJ ang umakbay sa kanya.

“Aris, this is my friend JD,” ang pakilala niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita.

Gulat din si JD nang makita ako.

Si JD ang aking Ex No. 2. At kaibigan niya ang kahalikan ko!

“Hi,” we both managed to say.

We pretended for MJ’s sake na noon lang kami nagkakilala.

Hindi ko na magawang halikan si MJ habang nakatingin si JD. Awkward masyado. And so nagpaalam ako na magsasayaw muna sa ledge.

Nagkakilala kami ni JD sa chatroom. Naging chatmates and textmates kami for months.

Nag-EB kami sa Malate. We both liked each other.

Naging kami.

At nagsimula kaming mag-bastusan. Sa YM, sa text, sa phone.

Usap kami ng mga nakaka-L… ng mga fantasy namin sa sex… ng mga bagay na gagawin namin sa isa’t isa kapag nag-sex kami.

Ilang beses din kaming nag-SOP.

Then finally, we did it. We had sex.

It was bad. Lousy.

Maybe we have talked so much about it… masyado naming na-describe… masyado naming napagpantasyahan… Kaya when we did the real thing, sobrang taas ng expectations namin (o na-diffuse na ang sexual energy) kaya we were disappointed.

Sinubukan namin uli sa ibang pagkakataon. Pero wala talaga. Incompatible talaga kami sa sex. Mas masarap pang pag-usapan kesa gawin.

We slowly drifted. We stopped communicating.

We just ended na walang closure.

***

I was on the ledge nang makita ko si H. He was dancing with a shirtless guy. Sino ang kasayaw niya? Asan si J?

Si H ang aking Ex No. 3. We have remained friends. Si J ang kanyang boyfriend na ipinakilala niya sa akin noon over Strong Ice sa Silya.

Bigay na bigay si H sa pakikipagsayaw. May pahawak-hawak pa siya sa hubad na katawan ng kasayaw. Maya-maya, naghahalikan na sila. Break na ba sila ni J?

Later, nagkasabay kami ni H sa restroom. We hugged and he kissed me on the cheek.

Kaagad ko siyang sinita. “Who are you dancing with?”

“A friend.”

“I saw you kissing…”

Tumawa lang siya.

“Asan si J?” ang tanong ko.

“I don’t know.”

Napataas ang kilay ko. “Wala na ba kayo?’

“Kami pa rin…”

“Bakit hindi mo siya kasama? Bakit nakikipaghalikan ka sa iba?”

“Nag-away kami.”

“Oh, I see.”

“Nagpapalipas lang ako ng sama ng loob.” He gave me another kiss on the cheek. “Gotta go. Balik na ako sa friend ko.”

Napailing na lamang ako.

I went to the bar. Nag-yosi ako at uminom ng tatlong bote ng beer. One for each of my ex?

Nalasing ako.

Muli akong umakyat sa ledge. Sinuyod ko ng tingin ang Bed. Hindi ko na makita isa man sa aking mga ex.

Tumugtog ang "Sorry". Sumayaw ako.

Mag-isa.

5 comments:

Looking For The Source said...

hmmm..

panalo ka!

nyahahha!

joaqui_miguel said...

Wow! 3 exes in a night? It must have been tough. Good, thing you didn't see them all with their partners, dancing happily. It will be such a heartache to see all of them with partners and you alone.

But I know in time you will find your one true love. And he will be far better than all 3 combined. lol

joelmcvie said...

"Sumayaw ako. Mag-isa."

Uso yan these days. =)

Anonymous said...

Hi Aris,
Bakit mo nawala na yung "insekyora"? ;-)

Adik na ako sayo.

Mark

Aris said...

sad pa rin ako @ source. sana ma-meet ko na ang present and future. :)

sana nga @ joaqui_miguel. para maiba naman ang kwento ng buhay ko hehe! :)

ay, oo! @ mcvie. masaya rin magsayaw mag-isa. minsan masosorpresa ka na lang, biglang may papartner sayong maganda lol! :)

ibinabalik ko na po @ mark. nag-edit lang ng konti. salamat sa pagbabasa. you inspire me to keep on writing.:)