Friday, August 29, 2008

Panakip-Butas

Inamin niya sa akin: May mahal siyang iba.

Pagkatapos niya akong i-text araw-araw, tawag-tawagan sa gabi at i-coffee-coffee sa Starbucks...

Pagkatapos niya akong paamuin at papaniwalain… kung kelan may feelings na ako sa kanya…

Sasabihin niya, in-love siya sa iba?

Ano ba yun?

Nang magkakilala kami sa Bed, inisip ko na pang-isang gabi lang siya.

But he pursued. He wanted a relationship, sabi niya. Ako rin, gusto ko. That was when I started taking him seriously.

And so I was made to believe na doon na kami papunta. Konting-konti na lang, magiging kami na.

Pero, isang gabi, nag-text siya sa akin. He was meeting a friend daw. Paalis na kasi, papuntang London. Despedida raw.

Medyo late na ah, sagot ko. I was concerned.

Huwag daw akong mag-alala dahil malapit lang daw sa bahay nila ang meeting place.

Ingat, sabi ko. Nag-luvyah pa ako.

But he did not reply.

My celfone was silent until I was ready to sleep.

Nag-gudnyt ako. No reply.

It was strange.

The following morning, I was expecting his usual gud morning. But there was none. Ako ang nag-gud morning. No reply. Nag-text pa ako ng: How was last nyt? Wala pa ring reply.

Bandang tanghali na ako nakatanggap ng text mula sa kanya: Can I call you?

At nag-usap kami sa phone during my lunchbreak. Hindi na ako nakakain sa ipinagtapat niya sa akin.

The guy he met last night was not a friend. He was somebody he is in love with. He slept over. They had sex.

Kaya pala hindi siya nagre-reply sa mga text ko.

The guy was actually leaving for London at may stuffed toy pa itong iniwan sa kanya bilang remembrance.

I said goodbye. Ayoko nang marinig ang iba niya pang sasabihin. Ibinaba ko ang telepono.

He texted me: I am sorry. I love you.

Ano kaya yun?

I took a deep breath. Hindi ko pala talaga siya dapat sineryoso. Pang-one night stand lang pala talaga siya.

***

It was the usual Saturday night in Bed. Matao. Masaya. Maharot.

Pagpasok ko, siya kaagad ang nakita ko. Sinubukan kong umiwas pero pinigilan niya ako.

“Pwede ba tayong mag-usap?” ang sabi niya.

“About what?” ang sagot ko.

“About us. Gusto kong mag-explain.”

Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako nagsalita.

“Please?”

Lumabas kami. We went to Silya.

Over Strong Ice and Red Horse, nakinig ako sa sasabihin niya.

“Nakilala ko siya bago pa man tayo nagkakilala,” ang panimula niya. “Gym mates kami. We dated. He was so sweet and caring. Akala ko magiging kami na. Pero bigla siyang nanlamig pagkatapos naming mag-sex…”

I was just listening.

“I had to ask him why? Sabi niya, hindi siya ready for a relationship. Sex lang ang gusto niya, no commitment. I went along dahil nga nag-fall na ako sa kanya. Umasa ako na mamahalin niya rin ako. I was so hurt nang minsang tinext ko siya. Sabi ko: I think I am in love with you. Ang sagot niya: I know but I am sorry. Makasarili siya.”

Mixed ang feelings ko habang nagkukuwento siya. Panay lang ang yosi ko at inom ng Strong Ice.

“I decided to let go… to forget him kahit mahal ko na siya. I was smarting from my hurt nang magkakilala tayo. Kaya nakipagsayaw ako sayo… nakipag-flirt. Wala akong inaasahan mula sa iyo pagkatapos ng gabing iyon. But I can’t get you out of my mind. Kaya tinext kita. Niyayang lumabas. The more I knew you, the more I liked you. You made me happy. Ikaw na ang iniisip ko at hindi na siya. Ikaw na ang gusto ko.”

“Panakip-butas? The next best thing?” Hindi ko naiwasang manumbat.

“No, it’s not like that,” ang tutol niya. “ Nang sinabi ko sayo noon na I love you, I really meant it. Mahal na kita. Gusto ko maging tayo na.”

“Pero mahal mo rin siya…”

“Mahal ko kayong dalawa.”

Gusto kong matawa. Ano ito, lokohan?

Nagpatuloy siya: “Tahimik na sana ang mundo ko. Masaya na sana ako dahil sa’yo. Kaya lang, muli siyang nagparamdam. Tumawag siya nung gabi. Gusto niya lang daw magpaalam kasi aalis na siya. Nakipagkita ako to say goodbye… parang closure na rin para makapag-move on na ako. Pero naging marupok ako. Bumigay ako…”

Makailang beses siyang lumagok ng Red Horse bago muling nagsalita.

“Pinagsisisihan ko ang nangyari. Nagi-guilty ako sa’yo kaya nagtapat ako. Inamin ko sa’yo ang totoo. Alam ko nasaktan kita pero sana maintindihan mo ako. Sana matanggap mo ako pati na ang mga kahinaan ko.”

Nanatili akong nakatingin sa kanya.

“I am sorry. Please forgive me. I love you and I don’t want to lose you.”

I had nothing to say.

***

“Umalis na siya kahapon. Wala na siya. Tapos na kami. Maaari ba tayong magpatuloy?” ang tanong niya.

Sinaid ko ang laman ng bote ng Strong Ice ko. Tumayo ako.

“Bumalik na tayo sa loob,” ang sabi ko.

Mabilis ang aking mga hakbang. Kasunod ko siya. Tahimik akong nag-iisip habang naglalakad sa Nakpil pabalik sa Orosa courtyard.

Pagpasok namin sa Bed, “Let Me Think About It” was playing. How appropriate.

I saw my friends on the ledge. I joined them. Nagsayaw ako na parang may gusto akong kalimutan... iwaksi sa aking puso at isipan.

Naiwan siya sa dancefloor. Nakatayo. Nakatingin lang.

10 comments:

Stan™ said...

whew.. that was a quite long post. just like mine. heheh.

thanks for droppin by my site.
oh, kailangan palang pasalamatan ko si kuya mcvie.

well, salmat din sayo.
i do appreciate the comment.

keep posting,

just like the others, your life is interesting too.

take care!

joaqui_miguel said...

What's up with people like that? I just don't get it why some people are like that.

Again, you deserve someone better. Not your loss. :)

basted said...

ei tol..maraming babae dyan...wag mong isipin mga yan ok....para sa ibang babae ikaw na ang hari ng buhay nila

Aris said...

thanks @stan. you take care too. :)

hirap talagang hanapin ng the one @joaqui. matagpuan ko pa kaya?

sana nga tol straight ako @basted. natutuwa ako na na-e-entertain ka ng mga kwento ko kahit straight ka. salamat sa pagbabasa, pare. :)

yffar said...

added u up in my links

Aris said...

thank you very much po @yffar. it is a great honor. i love your "larawan" series. :)

Looking For The Source said...

badtrip nmn yun!

isa lang ang sagot dyan..

"next!"

joelmcvie said...

@STAN: Er... you're welcome. (But for what?) =)

@ARIS: Okay, repeat after me: "If you cannot be my boyfriend, then I cannot be your friend!" =)

Aris said...

"If you cannot be my boyfriend, then I cannot be your friend!"

"If you cannot be my boyfriend, then I cannot be your friend!"

"If you cannot be my boyfriend, then I cannot be your friend!"

hahaha! @mcvie. :)

joaqui_miguel said...

Let's remain positive. I hope that you find yours as I also hope I find mine. :)