Kahit panay ang palitan natin ng text messages mula nang magkakilala tayo, hindi pa rin ako nakatitiyak kung saan nga ba tayo patungo.
You are sweet but safe. Pahapyaw kang sumagot sa mga leading questions ko. Hindi mo pinapatulan ang mga pambubuyo ko upang ma-draw out ko ang tunay na damdamin mo.
Medyo nagho-hold back din tuloy ako. Pinipigil kong i-reveal ang tunay na nararamdaman ko dahil baka mapahiya lang ako.
Sabi ko nga sa common friend natin: “Kailangan ko ng encouragement para magpatuloy ako.”
Ang sagot niya: “He has been very encouraging mula nang magkakilala kayo. Huwag kang manhid.”
And so, I decided to pursue. Nagkataon, magbi-birthday ako and I was treating my close friends to dinner. I decided to invite you.
You were hesitant at first but eventually, you said yes.
Pero hindi ka dumating.
I was disappointed.
Sabi ng common friend natin, nagbago raw isip mo. “Gov siya tonight with his friends.”
Mas pinili mo na magpunta ng Gov kesa um-attend ng party ko? You did not even bother to text me.
Since it was a Saturday, we went to Bed after dinner. While dancing and celebrating, naiisip kita. Alam ko na nasa dancefloor ka rin nang mga sandaling iyon, sa Government nga lang. Sino kaya ang kasayaw mo? Naiisip mo rin kaya ako?
I decided to give up on you. Hurt ako sa pagbale-wala mo sa invitation ko. Sana nag-decline ka na lang kesa nang-indian.
Two days after, you texted me. Nagso-sorry ka sa di mo pagsipot sa birthday dinner ko. You were trying to explain yourself.
Hindi ako nag-reply. Inis pa rin ako sa’yo.
Pero bandang gabi, hindi kita natiis. Nag-reply ako sa text mo.
Akala ko, hindi ka sasagot. Kasi antagal kong naghintay hanggang sa makatulog ako.
Pero kinabukasan, paggising ko, may text ka sa akin.
Ang sabi mo: “How about dinner? Just the two of us.”
5 comments:
Hey, how are you?
I'm loving where this is going. :)
Best of luck!
Can't wait to read what happens next. hehehe
Btw, it's Saturday. Will you be in Bed tonight?
ay ang ganda. yun na. ;) goodluck aris! hope something good comes out of this dinner invite. ;)
Proceed with caution. From his actions, he's just not THAT into you. Would you want to spend time, effort and energies to someone who's not THAT into you? For some, it's a gamble and a challenge; for others, it's a waste. It's your decision, your choice. =)
hay.
sana hindi ka nya injanin sa date nyo!
@joaqui, tristan, mcvie & source: friends, i am sorry hindi ako kaagad nakapag-reply sa comments ninyo. nag-emote kasi muna ako hehe! please read my next post. mwah! :)
Post a Comment