Wednesday, January 28, 2009

Secret Love

Napanganga ako pagkakita sa kanya.

Napaka-guwapo niya. Napakaaliwalas at napakaamo ng kanyang mukha.

Halos hindi ako makapagsalita nang ipinakilala siya sa akin nina H at A.

“Aris… James. James… Aris.”

“Hi, James.”

Ngumiti siya. Para akong nawala nang tumingin ako sa mga mata niya.

“Hi, Aris.”

Nagkamay kami. My heart skipped a beat.

Umupo siya sa tabi ko. Kinompose ko ang aking sarili.

It was another Saturday sa Malate. Past midnight. Nakakatatlong bote na ako ng Strong Ice sa Silya.

“Inom lang kami sandali. Tapos sayaw na tayo,” ang sabi ni H.

Umorder siya ng Weng-Weng. Si A, Zombie. San Mig Light naman si James.

Kwentuhan kami nina H at A habang umiinom. Nakikinig lang si James. Pangiti-ngiti at nakikitawa sa mga lokohan namin.

Pero maya-maya, kinakausap niya na ako. Konting chika lang na ikinatuwa ko.

Ang nice niya sa akin. Ang bait-bait. Lalong tumindi ang paghanga ko sa kanya.

Nagpaalam siya sandali para mag-CR.

“Grabe, ang gwapo niya!” ang hindi ko napigilang bulalas kina H at A.

“Huy, huwag mong paglaruan si James,” ang kaagad na sagot ni A.

“Baka mamaya, landi-landiin mo ‘yan sa Bed, ” ang dugtong ni H.

Naging defensive ako.

“Ang sabi ko, gwapo siya. Hindi ko sinabing gusto ko siya.”

Pero deep inside, hindi ko maitatanggi ang totoong nararamdaman ko.

***

H and A filled me in on the details about James.

“Pang-seryosohan si James. Pang-LTR. Hindi siya pang-casual sex,” ang sabi ni A.

Nakikinig lamang ako.

Nagpatuloy siya: “Six years na sila ng boyfriend niya nang maghiwalay sila. Niloko siya. Two years na siyang single. Maraming nanliligaw sa kanya pero wala siyang mapili. Gusto niya kasi kung makikipag-relasyon siya uli, for keeps na.”

“Matino si James,” ang dugtong ni H. “Kahit nagpupunta siya rito sa Malate, never siyang nakikipaglandian. Never siyang nakikipaghalikan sa kung sinu-sino.”

Ouch! Parang tinamaan ako sa sinabi ni H.

“Masuwerte ang magiging boyfriend niya,” si A uli ang nagsalita. “Guwapo siya pero hindi feeling guwapo. Simple lang, hindi mahilig magpapansin. Mabait. Hindi mayabang.”

“Ilang taon na ba siya?” ang tanong ko.

“He is already 29. Hindi halata, noh? Mukha lang siyang 22,” ang sagot ni A.

“At maniniwala ka ba na teacher siya?" ang volunteer ni H. “Sa grade school pa! Kaya very caring and childlike siya. Yung mga bata, they look up to him. Idol siya, kaya he has to set a good example para sa kanila."

“Handsome. Humble. Loving. Faithful. What more can you ask for?”

Hindi alam nina H at A, they have just defined my dream boy.

***

Sumabay si James sa aking mag-CR pagkapasok namin sa Bed.

At dahil pila, pinauna ko siya.

Pagkatapos ko, I was pleasantly surprised nang makita ko siya na naghihintay sa labas.

We joined our friends at the bar. Konting sosyalan muna bago kami tuluyang bumaba sa dancefloor.

Hinila siya nina H at A sa ledge. Nagpaiwan ako.

Pinanood ko sila, particularly si James, habang nagsasayaw.

Dati-rati sa mga ganoong pagkakataon, I would start circulating and connecting. Pero nang mga sandaling iyon, I just stayed where I stood. Nanatili akong nakatingin kay James.

Parang slow motion ang lahat habang pinagmamasdan ko siyang nagsasayaw sa ledge.

Namumukod-tangi siya sa lahat nang naroroon. Ewan ko kung bakit. Hindi naman siya hunk kasi payat siya. At kahit napapaligiran siya ng mga nakahubad na magaganda ang katawan, nangingibabaw pa rin ang presence niya. Hindi rin siya fashionista pero kapansin-pansin ang maayos niyang pagdadala sa kanyang sarili. Siguro dahil matangkad siya at nagko-complement ang height niya sa napakaganda niyang mukha. Ang makinis at maputi niyang kutis ay luminous sa tama ng patay-sinding mga ilaw.

Para siyang isang pangitaing hindi kapani-paniwala.

Para siyang isang pangarap na tinatanaw ko mula sa malayo.

***

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa ledge.

Kaharap si James. Kasayaw sa “I’ll Be Your Light.”

Nakatingin siya sa akin. Nakangiti. Pati mga mata niya, nakangiti rin.

Parang hinahaplos ang puso ko ng mga tingin niya.

And I'll be your light
I'm shining in the darkest night
I'll take you to a higher place burnin' so bright

May pumipigil sa akin upang ilapit ko ang katawan ko sa katawan niya. Sa kabila ng kagustuhan kong magkaroon kami ng physical connection nang mga sandaling iyon, nangangamba ako na masamain niya ang anumang move na gagawin ko upang hawakan siya. Naiisip ko ang mga sinabi sa akin nina H at A: “Iba siya. Hwag mo siyang laruin. Hwag mo siyang landiin.”

Hindi ko magawang maging agresibo. Kung dati-rati, todo-flirt na ako sa mga ganitong pagkakataon, sa kanya ay parang hindi ko magawang mag-initiate ng anumang senswal na hakbang. Siguro dahil iba siya at nirerespeto ko siya. Ayokong magkaroon siya ng hindi magandang impression sa akin. Gusto kong mag-behave para sa kanya.

Patuloy ang pagtatama ng aming mga mata. Hinahanap ko sa mga tingin niya ang kahit kaunting clue na gusto niya rin ako. Subalit parang wala akong makita.

Panay ang ngiti namin sa isa’t isa. May nasilip akong kalungkutan sa likod ng mga ngiti niya. Gusto ko siyang yakapin.

I'll be the song that moves you when all hope is gone
I'll give you strength to carry on
I'm burnin' so bright
I'll be your light

Maya-maya hindi ko inaasahan, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat. Parang may kakaibang init na dumaloy sa aking katawan nang madama ko ang kanyang mga palad.

Humawak ako sa kanyang baywang. Dinama ko ang hubog niyang balingkinitan.

Naglapit ang aming mga katawan. Nagdikit. Patuloy kami sa pagsasayaw.

Sumabog at umulan ng confetti mula sa itaas.

Sa buhos ng pira-piraso, makukulay at nagkikislapang mga papel, titig na titig ako sa mukha niya.

Kung maari ko lang sana siyang hagkan.

***

Sa kabila ng mga bagay na hindi ko nagawa at nasabi, masaya ako.

Sa kabila ng mga pag-aalinlangan at walang katiyakan, kuntento na ako sa kapirasong panahon na ipinagkaloob niya sa akin nang gabing iyon.

Bago kami naghiwalay, niyakap niya ako nang mahigpit. Dinampian niya ako ng maingat na halik sa pisngi. Yumakap din ako sa kanya at pansumandali kong dinama ang init ng kanyang katawan.

Bumulong siya sa akin: “Thanks. I hope to see you again.”

Nagbitiw kami. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang papalayo.

Pinigil ko ang sariling lingunin siya.

Ayaw kong ipaalam sa kanya ang aking damdamin.

Lihim ko na lamang siyang mamahalin.

Wednesday, January 21, 2009

Kirot

“Nasaan ka?”

“Nasa bahay.”

“Nandito si Karlo sa bar. May kasamang iba.”

Kahit dis-oras na nang gabi, napasugod ako sa Malate.

***

Tumutugtog ang “Happy” sa NYC pero hindi ako masaya. In fact, parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan sila.

Si Karlo at si Justin.

Ang sweet nila. Nagbubulungan. Nagtatawanan. Magka-holding hands. Larawan sila ng isang masayang magkasintahan.

Pero ako ang boyfriend ni Karlo!

At ang nasasaksihan ko ay ang pagtataksil nila ni Justin na bestfriend ang pakilala niya sa akin.

Earlier tinext ko siya: “Malate tonight?

Ang sagot niya: “I can't. Kinda sick.

Sick my ass!

Sa kabila ng galit at sakit na nararamdaman ko, parang wala akong lakas na kumprontahin sila. Nanatili akong nakakubli at nakamasid lamang.

Maya-maya, tumayo na sila at umalis. Sinundan ko ng tingin. Tumawid sila ng Orosa at pumasok sa Bath.

Nagtungo ako sa bar ng NYC at umorder ng beer.

“Nakita mo sila?” ang tanong sa akin ng kaibigan kong bartender.

Tumango ako.

“Kaya nga tinext kaagad kita. Ngayon, alam mo na.”

“Salamat.”

“Ano ang balak mo ngayon?”

“Hindi ko alam.”

Sunud-sunod ang naging pag-inom ko ng beer. Pilit kong nilulunod ang aking sama ng loob. On my third bottle, nagdesisyon ako.

“Pupuntahan ko sila. Kukumprontahin ko.”

“Mabuti,” ang sagot ng kaibigan ko. “Husto na ang pagtatanga-tangahan.”

***

Pumasok ako sa Bath. Ang daming tao sa loob dahil may show nang gabing iyon. Nagsasayawan ang lahat sa “Joyrise” habang hinihintay ang pagsisimula ng palabas.

By instinct alam ko kung saan matatagpuan sina Karlo at Justin.

Umakyat ako sa itaas.

At doon sa darkroom, sa pares-pares at grupo-grupong pagniniig ng mga anino, naaninag ko ang kanilang hubog. Naroroon sila sa isang sulok. Magkayakap. Naghahalikan.

Dahan-dahan ko silang nilapitan. Hinawakan ko sa balikat si Karlo. Hindi siya tuminag. Nanatiling magkalapat ang mga labi nila ni Justin. Hinila niya ako nang hindi tinitingnan at pinasali sa kanilang paghahalikan. Sabay kong nadama ang kanilang mga labi. Nakatutukso ang magpatianod na lamang subalit nanaig ang aking katinuan. Kumalas ako.

At saka lang ako tiningnan ni Karlo. Sinindihan ko ang celfone ko at sa liwanag niyon, kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat. Kaagad siyang bumitiw kay Justin.

Nagulat din si Justin pagkakita sa akin.

Matalim ang aking mga titig.

“It’s not what it seems…” ang sabi ni Karlo.

“Ano pa ba ang kailangan kong makita?” ang sagot ko.

“Pwede ba makinig ka muna sa akin…?”

“Hwag ka nang mag-explain.”

At umalis na ako.

“Wait…” ang pigil niya sa akin.

“Pabayaan mo siya,” ang sabi ni Justin.

Nagmamadali akong bumaba sa spiral staircase. Habol ako ni Karlo.

Nagsisimula na ang show sa ibaba. Gumigiling-giling na ang macho dancer sa “Bring Me To Life". Siksikan ang mga tao sa harap ng stage kaya hirap na hirap akong makadaan. Halos makipagsikuhan ako makarating lang sa pinto.

Sa labas ng Bath, inabutan ako ni Karlo.

“Aris, mag-usap tayo,” ang sabi.

“Ano pa ang pag-uusapan natin? Matagal na akong naghihinala sa inyo ni Justin. At ngayong gabi, napatunayan kong totoo nga ang hinala ko. Sa NYC pa lang, pinagmamasdan ko na kayo.”

“Walang seryosong namamagitan sa amin. Ang seryoso, yung sa atin.”

“Nagpapatawa ka ba?”

“Ok, aaminin ko, we occasionally fuck but it's only for fun. Walang ibig sabihin.”

“Fuck you.”

Biglang sumulpot sa likod niya si Justin.

“Just let him go,” ang sabi. “Huwag kayong mag-iskandalo rito. Nakakahiya.”

Binalingan ko si Justin. “Nahihiya ka sa iskandalo pero hindi ka nahihiya sa ginagawa n'yo.”

Tumalikod na ako at mabilis naglakad palayo.

Nakabibingi ang “Satisfaction” pagdaan ko sa tapat ng Red Banana.

Pero higit na nakabibingi ang “I Love You Goodbye” sa radyo ng taxi na nasakyan ko.

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako.

Wednesday, January 14, 2009

Oh Boy!

Pagkaraang mag-perform ng “Waray-waray” at “Where Is My Man” ang mga drag queens as a tribute to Eartha Kitt, balik-hataw sa dancefloor at ledge ang mga tao sa Bed. Kapapasok lang namin dahil napatagal ang inuman at kwentuhan namin sa Silya. Mga 1:30 a.m. na yata yun. Medyo may tama na kami sa beer pero nag-Blue Frog pa kami. Hinay-hinay ako sa pag-sip dahil ayokong tuluyang malasing.

Napasigaw ng “Whoo!” ang marami kabilang na kami sa pagtugtog ng “Single Ladies” na tila pambansang awit ngayon ng mga bading. Napasayaw na rin kami dahil, come to think of it, lahat kami sa barkadahan nang gabing iyon, single! Uso yata ngayon ang pagiging single kaya ang daming nakaka-relate sa kanta ni Beyonce. Pati na rin sa bonggang choreography.

Mukhang in fighting form ang mga kaibigan ko. Kaagad silang nakapag-connect nang gabing iyon. Pagtingin ko, may mga kasayaw at kabulungan na sila. Napag-iwanan ako.

Kaya umakyat na lang ako sa ledge. At least doon, di halatang mag-isa ako. Siksikan at maraming nagsasayaw. (Napansin ko lang, masyado nang maraming umaakyat at nagsasayaw ngayon sa ledge. Hindi katulad dati na kailangan pang mang-entice ng mga Go-Go Boys para may umakyat.) At dahil hindi na according to beauty (choz!) ang accommodation ngayon sa ledge, I had to elbow my way in para makasingit. At doon, nakilala ko si Dax.

Nasa harap ko siya, nakatalikod sa akin. Sa una’y nagba-brush lamang ang likod niya sa dibdib ko habang nagsasayaw pero kinalauna’y naka-lean na siya sa akin. Patingin-tingin siya at pangiti-ngiti. Maya-maya’y hinahalikan ko na siya sa batok at sa leeg. Hindi nagtagal, magkaharap at magkayakap na kami at sa labi ko na siya hinahalikan.

Hindi masyadong matangkad si Dax pero cute siya. Kamukha siya ng crush ko noon sa college. Mukha siyang bagets pero ang sabi niya, 24 na siya. Gustung-gusto ko ang kapilyuhan sa mukha niya na nagpapatingkad sa boyish appeal niya.

Ang sikip sa ledge kaya hinila niya ako sa sulok malapit sa DJ’s booth. At doon, sa pagmamalikot ng aming mga kamay, natuklasan ko ang nagko-compensate sa kanyang kakulangan sa height at naintindihan ko kung bakit Dax ang tawag sa kanya.

Umakyat kami ni Dax sa itaas. At doon sa sofa, ipinagpatuloy namin ang “getting to know you”. Usap. Halik. Yakap. Haplos. Parang déjà vu ang nangyari. Lalong-lalo na nang magtanong siya sa akin ng “Can you be my boyfriend?”

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako. The last time na sinagot ko ang tanong na yun, napaso ako.

Inimbita niya ako sa bahay niya. Doon na raw ako matulog. It was very tempting. Naisip ko ang mga bagay na maaari kong gawin sa kanya, gawin niya sa akin at gawin namin sa isa’t isa habang magkatabi kami sa kama.

May mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi at may anticipation sa kanyang mga mata habang hinihintay niya ang sagot ko.

Kahit nag-iinit ako sa lambingan (okay, lampungan) naming dalawa, hindi ko alam kung bakit tumanggi ako sa imbitasyon niya. Self-preservation maybe?

Akala ko, tatayo na siya at iiwan ako pero nag-stay siya. Ipinagpatuloy namin ang exploration. We made the most of our limited opportunity. The more I touched him, the more I liked him. (Aaminin ko, I had thoughts of reconsidering his offer.)

Ang bilis ng oras. Bago namin namalayan, nag-uumaga na pala. Nahanap na rin ako ng aking mga friends na nagyayaya nang lumabas.

He joined us for breakfast. Magkadikit kami habang kumakain. Paakbay-akbay at payakap-yakap siya sa akin. Para kaming mag-boyfriend. Sumailalim siya sa interrogation ng aking mga friends na kaagad na nag-assume na nakipag-on na naman ako overnight. Dax answered and acted as if kami na nga. Sumakay naman ako.

Bago kami naghiwalay, he kissed me on the cheek at pinisil niya ang kamay ko.

“Text-text,” ang sabi niya.

“Yup,” ang sagot ko.

Nang makalayo na ang taksing sinakyan niya, saka ko lang na-realize na hindi kami nakapag-exchange numbers.

Thursday, January 8, 2009

Temptation

Para akong nanibago pagpasok ko sa office.

Tahimik. Konti ang tao.

Wala na kasi ang mga temporary employees na hinire namin bago mag-Pasko.

Wala na kasi si Randy.

Si Randy na noong kasagsagan ng peak season ay nagsilbing inspirasyon sa akin.

Si Randy na mapagmasdan ko lamang noon, natatanggal na ang aking pagod.

***

Nang pumasok si Randy sa department ko, napansin ko kaagad ang mga mata niya na kakaiba kung tumitig. Gayundin ang senswalidad ng mga labi niyang tila namamaga.

Napansin ko rin na kumpara sa mga kasamahan niyang bagong pasok, namumukod-tangi si Randy sa pagiging neat at maayos manamit.

Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng atraksyon sa isa sa aking mga empleyado. Isang bagay na pinakaiiwasan ko dahil ayaw ko ng kumplikasyon.

Sumidhi ang atraksyon ko sa kanya nang minsan isang hapon (uwian noon) ay nabungaran ko siya sa banyo ng opisina na nagbibihis. Hubad-baro siya at nagpapalit ng pantalon. Nasulyapan ko ang kanyang puting brief, ang flat niyang tiyan at ang balahibong gumagapang pababa mula sa kanyang pusod.

“May lakad?” ang tanong ko na pilit nagpapaka-normal.

“Yes, sir,” ang sagot. Tila wala siyang pagkapahiya sa kanyang kahubdan.

Deadma ako kunwari na dumiretso sa urinal. Tumayo ako roon pero hindi ako maihi.

Pagharap ko sa salamin, naroroon pa rin siya. Hubad-baro pa rin na nag-aayos ng buhok. Doon ko na-take note ang kanyang swimmer’s body, makinis na balat at pink na nipples. Ngumiti siya sa akin.

Nagmamadali akong lumabas ng banyo dahil ayaw kong ipahalata sa kanya ang aking pagkaantig.

Nag-overtime ako nang araw na iyon pero hindi ako makapag-concentrate sa trabaho dahil maya’t maya ay binabagabag ako ng nakahubad na imahe ni Randy.

Naging pantasya ko siya sa aking pagtulog nang gabing iyon.

***

Palagay ko, aware siya na gusto ko siya dahil madalas niyang mahuli ang mga panakaw na sulyap ko sa kanya. At kapag nangyayari iyon, sinasalubong niya ang tingin ko… matapang siyang nakikipagtitigan… at saka ngingiti nang may kahulugan.

Bago ako tuluyang bumigay, ipinagpasya kong dumistansya sa kanya.

Ngunit isang araw, itinadhana na kami ay magkalapit.

Brontok virus ang dahilan na tumama sa aking computer. Medyo panic ako dahil nagsa-shutdown na ang computer ko at nagsisimula nang masira ang mga files. Nag-volunteer si Randy na siya ang aayos. May alam pala siya sa computer.

Pinapasok ko siya sa aking office. Umupo siya sa harap ng aking computer. Umupo ako sa tabi niya. Hindi dahil gusto kong mapalapit sa kanya kundi dahil nag-aalala ako na baka may mga mabuksan siyang file na hindi dapat. Wala naman akong porn sa computer pero meron akong mga confidential files. Kaagad niyang ni-launch ang AVG Anti-Spyware na hindi ko alam na meron ako. At habang nag-i-scan siya, nagsimula akong maging aware sa proximity naming dalawa. Sa unang pagkakataon, halos magdikit ang aming mga katawan.

Kaming dalawa lang sa loob ng aking opisina at sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, naririnig at nadarama ko ang kanyang paghinga. Naaamoy ko na siya.

Hindi ko alam kung paanong maya-maya’y nagdikit na ang aming mga binti. Gayundin ang aming mga braso. May naramdaman akong init na gumapang sa aking katawan.

Dahan-dahan, nagharap ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga mata. Nagtapat ang aming mga labi. Nagsimulang maglaro sa aking imahinasyon ang pagdampi at paglasap sa mga labi niya na maihahalintulad sa makatas na prutas. Nalanghap ko ang mabango niyang hininga.

Sa buong buhay ko, iyon na ang naging pinakamatinding pakikipaglaban ko sa tukso!

Tumayo ako.

Nakatingin siya sa akin. Nangungusap ang kanyang mga mata.

“Maiwan muna kita,” ang sabi ko.

Lumabas ako ng opisina.

***

Titig na titig ako kay Randy habang gumigiling-giling at umiinda-indayog siya.

Kaakit-akit ang bawat galaw niya sa saliw ng "So Sexy".

Nangingibabaw ang kaseksihan niya kahit medyo patawa ang sayaw nila.

At katulad ng inaasahan, ang grupo ni Randy ang nanalo sa pa-kontes sa Christmas Party namin sa opisina.

Masayang-malungkot ang mga temps nang araw na iyon dahil last day na nila. Pero nabuhayan sila ng pag-asa nang ianunsyo na sila ay ipatatawag muli for possible regular employment dahil magkakaroon ng expansion ang kumpanya.

Habang nagkakainan, lumapit sa akin si Randy.

“Sir, picture tayo.”

At bago pa ako nakasagot, piniktyuran niya na kaming dalawa sa celfone niya.

“Sir, hihintayin ko ang tawag ninyo,” ang sabi bago umalis.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil iyon na ang huli naming pagkikita.

***

Pag-upo ko sa harap ng computer, hindi email ang una kong binuksan kundi Friendster.

Sa nagdaang mahabang bakasyon, may na-miss ako.

Nagbakasakali akong may account si Randy.

Na-excite ako nang lumabas siya sa search.

Binasa ko ang profile niya.

Inisa-isa ko ang mga pictures sa album niya.

At doon ko nakita, naka-post ang picture naming dalawa.

Tuesday, January 6, 2009

Big Bang

Sa huling gabi ng bakasyon ko sa probinsiya, nayaya akong gumimik ng mga dati kong kaklase. Nagpunta kami sa bar ng isang hotel na kung saan may dalawang banda na salitang tumutugtog. Imported ang mga banda galing Manila at ang ambiance ng lugar ay very Manila rin. At dahil Friday, punumpuno ang bar. Mixed ang crowd – mga bakasyonista at locals, mga bata at matanda.

Kasalukuyang tumutugtog ang Band X nang pumasok kami. Maraming nagsasayaw sa dance floor habang kinakanta ng banda ang “Closer”. Kating-kati akong magsayaw kaya lang I was in the company of straight friends and it was a straight place kaya kailangan kong mag-behave. Umupo kami sa isang reserved table malapit sa stage at umorder ng beer at pulutan. Pinanood ko ang banda sa stage. Hindi sa bokalista napako ang aking tingin kundi sa gitarista. Good looking siya and there was something familiar about him.

Nasa late twenties na siya sa palagay ko. Mahaba ang buhok. Smokey ang mga mata. Matangkad at slim ang pangangatawan. Sexy siya sa suot na low-rise tattered jeans at nakabukas na vest -- kita ang kanyang tiyan at pusod. Maputi ang kanyang balat at matingkad ang kanyang aura sa tama ng spotlight. And yes, uulitin ko, pamilyar siya sa akin. Parang kilala ko siya.

Pero dahil nasa stage siya at nasa baba naman ako, hindi ako sigurado. Baka may kamukha lang siya na kakilala ko.

Hindi ko maialis-alis ang mga mata ko kay gitarista. Guwapong-guwapo ako sa kanya. Parang may nararamdaman akong kiliti habang pinagmamasdan ko ang kanyang mahahaba at matatabang daliri na kumakalabit sa mga kuwerdas ng kanyang gitara.

Naging mabilis ang pag-inom ko ng beer kasabay ng manaka-nakang pakikipagkuwentuhan sa aking mga kasama. Pero pabalik-balik ang mga mata ko kay gitarista. At habang nalalasing, higit na nadaragdagan ang atraksyon ko sa kanya. At parang higit akong nakatitiyak na kilala ko siya.

Patuloy ang Band X sa pagtugtog. Patuloy ang sayawan. Naghihintay ako na may magyaya sa aking mga kasama na magsayaw dahil magaling ang banda at sayaw na sayaw ako. Gusto ko ring mapalapit sa stage at higit na mapagmasdan si gitarista pero, sad to say, wala yatang balak humataw sa dancefloor ang mga straight kong kasama. Kuntento na sila sa pag-inom at pagkukuwentuhan.

Gusto kong magyosi at mag-CR na rin. Pero no smoking ang buong bar. Sa lobby lang ng hotel maaaring mag-yosi. At naroroon din malapit ang restroom. Tumayo ako at nagpaalam sa aking mga kasama. Habang patungo ako sa exit, narinig ko ang pamamaalam ng Band X sa pagtatapos ng kanilang set. Babalik sila pagkatapos mag-perform ng ka-back-to-back nilang Band Y.

Nagsindi ako ng yosi sa lobby ng hotel habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid. Matao ang coffee shop sa lobby. May ilang familiar faces akong nginitian. Mga schoolmates na hindi ko maalala ang mga pangalan.

I was enjoying my cigarette nang makita ko siyang papalabas ng bar. Si gitarista. Na-excite ako. Napatitig ako sa kanya.

Napatingin din siya sa akin. And for a moment we held our glances.

Nginitian niya ako.

Sa pagkabigla, hindi ako sure kung nagawa ko ring gumanti ng ngiti. Pero may natiyak ako sa aking sarili: kilala ko nga siya. At kasabay ng pagkatiyak ay ang pagbabalik sa aking alaala kung kailan, saan at paano ko siya nakilala.

Years ago sa isang hotel sa Bacolod na kung saan tumutugtog din ang kanilang banda. Pero hindi ko matandaan ang kanyang pangalan.

Tuluy-tuloy siya sa restroom. Dali-dali kong pinatay ang aking yosi at sinundan ko siya.

Nasa urinal siya at nakatalikod pagpasok ko ng restroom. Kaming dalawa lang ang nasa loob. Humarap ako sa salamin at hinintay ko siyang matapos. Pagharap niya sa salamin, kaagad ko siyang nginitian.

“Hey,” ang bati ko.

“Hey.” Nakangiti rin siya. “I know you,” ang sabi.

“Kilala rin kita,” ang sagot ko. “We met in Bacolod. Matagal na.”

“Yeah, I remember. Pero, sorry, makakalimutin ako sa pangalan.”

“Aris,” ang sabi ko. “Ako rin, di ko maalala ang name mo.”

“Brian.”

Awkwardly, we shook hands.

“Kumusta ka na?” ang tanong ko.

“Eto, tumutugtog pa rin. Kagagaling lang namin sa Singapore. At kapag ganitong naghihintay kami ng susunod na booking abroad, paikot-ikot muna kami dito sa atin. Ikaw, kumusta?”

“Bakasyon lang. Sa Manila ako nakapirmi.”

Muli, nagkatitigan kami. Matagal. At sabay napangiti. Pareho siguro kami ng naiisip. At naaalala. Ang maiksi subalit maiinit naming mga sandali noong una kaming nagkakilala.

“It was great to see you again,” ang sabi niya. “I may have forgotten your name pero hindi ang nangyari sa atin.”

“Ako rin.”

Dahan-dahan, naglapit ang aming mga mukha. At dahil kanina ko pa siya pinagnanasahan sa stage, ako na ang nag-initiate ng paglalapat ng aming mga labi. Naghalikan kami at nagyakap na punumpuno ng pagkasabik na parang nakalimutan namin kung nasaan kami.

Biglang bumukas ang pinto ng restroom. Kaagad kaming nagbitiw. Isang lalaki ang pumasok na bagama’t may nakita akong pagkagulat sa mukha ay deadma lang itong nagtungo sa urinal.

Kaagad kaming lumabas ng restroom ni Brian.

“Dito kami tumutuloy sa hotel,” ang sabi ni Brian. “Do you want to see my room?”

“But you’re performing…”

“I still have time before our next set,” ang sagot niya.

“Of course.” Nang mga sandaling iyon masyado na akong consumed ng passion kaya hindi ko na kailangang mag-isip. I just wanted to have a private moment with him.

Hinawakan niya ako sa kamay at ginabayan papaakyat sa hotel. May nasalubong kaming roomboy na napatingin sa amin pero hindi binitiwan ni Brian ang kamay ko. Sa halip ay binati niya pa ang roomboy na parang walang anuman.

Pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto niya ay kaagad kaming naghubad. Halos hablutin namin ang mga damit sa aming katawan. Nagtunggalian ang aming mga labi. Naglingkisan ang aming mga bisig at naglapat ang aming kahubdan. Naging malikot ang aming mga kamay.

Mabilis naming binigyan ng kaganapan ang nag-uumapaw na init sa aming katawan.

Para kaming mga kuwitis na sinindihan, ginapangan ng apoy, naglagablab at tinupok ang mga mitsa bago tuluyang pumulandit at sumabog nang buong igting at ningning.

Katahimikan pagkatapos ng big bang.

Maya-maya bumangon si Brian at nagsindi ng dalawang yosi. Iniabot niya sa akin ang isa.

Sandali kaming nag-yosi. Wala pa ring imikan.

Pagkatapos, tuluyan nang tumayo si Brian. “We need to go,” ang sabi. “Malapit na kaming tumugtog uli.”

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ko ang kahubdan ni Brian habang isa-isa niyang pinupulot ang mga damit namin sa lapag.

“Hinintay kita noon…” ang sabi niya habang nagbibihis.

“Huh?” Napakunot-noo ako, nagtatanong.

“Sa Bacolod. Nang sumunod na gabi, hinintay kita noon sa bar pero hindi ka na nagpakita. Basta nawala ka na lang sa hotel.”

“Biglaan ang naging pagbalik ko sa Manila.”

“Who would ever think na pagkaraan ng mahabang panahon, magkikita tayo uli… at mangyayari uli ang nangyari sa atin noon.”

I just smiled.

“Sana this time, we can continue to keep in touch. Kahit friends lang.”

“Sure. We can exchange numbers.”

Pagkabihis kaagad na kaming bumaba at bumalik sa bar. Naunang pumasok si Brian. Nagpaiwan muna ako sa lobby ng hotel at nagyosi. I was feeling great. Sino ang mag-aakala na sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, I would get laid. Haha!

Pagpasok ko sa bar, nakasalang na uli ang banda ni Brian. At dinig na dinig ko ang spiel ng bokalista: “Welcome to our second set. By special request, our first song is dedicated to Aris. Aris, this is for you. From someone.”

Napatingin ako kay Brian. Nakatingin din siya sa akin at nakangiti habang pumapasakalye ang kanyang gitara.

At kinanta ng banda ang “Always Be My Baby”.