Napanganga ako pagkakita sa kanya.
Napaka-guwapo niya. Napakaaliwalas at napakaamo ng kanyang mukha.
Halos hindi ako makapagsalita nang ipinakilala siya sa akin nina H at A.
“Aris… James. James… Aris.”
“Hi, James.”
Ngumiti siya. Para akong nawala nang tumingin ako sa mga mata niya.
“Hi, Aris.”
Nagkamay kami. My heart skipped a beat.
Umupo siya sa tabi ko. Kinompose ko ang aking sarili.
It was another Saturday sa Malate. Past midnight. Nakakatatlong bote na ako ng Strong Ice sa Silya.
“Inom lang kami sandali. Tapos sayaw na tayo,” ang sabi ni H.
Umorder siya ng Weng-Weng. Si A, Zombie. San Mig Light naman si James.
Kwentuhan kami nina H at A habang umiinom. Nakikinig lang si James. Pangiti-ngiti at nakikitawa sa mga lokohan namin.
Pero maya-maya, kinakausap niya na ako. Konting chika lang na ikinatuwa ko.
Ang nice niya sa akin. Ang bait-bait. Lalong tumindi ang paghanga ko sa kanya.
Nagpaalam siya sandali para mag-CR.
“Grabe, ang gwapo niya!” ang hindi ko napigilang bulalas kina H at A.
“Huy, huwag mong paglaruan si James,” ang kaagad na sagot ni A.
“Baka mamaya, landi-landiin mo ‘yan sa Bed, ” ang dugtong ni H.
Naging defensive ako.
“Ang sabi ko, gwapo siya. Hindi ko sinabing gusto ko siya.”
Pero deep inside, hindi ko maitatanggi ang totoong nararamdaman ko.
***
H and A filled me in on the details about James.
“Pang-seryosohan si James. Pang-LTR. Hindi siya pang-casual sex,” ang sabi ni A.
Nakikinig lamang ako.
Nagpatuloy siya: “Six years na sila ng boyfriend niya nang maghiwalay sila. Niloko siya. Two years na siyang single. Maraming nanliligaw sa kanya pero wala siyang mapili. Gusto niya kasi kung makikipag-relasyon siya uli, for keeps na.”
“Matino si James,” ang dugtong ni H. “Kahit nagpupunta siya rito sa Malate, never siyang nakikipaglandian. Never siyang nakikipaghalikan sa kung sinu-sino.”
Ouch! Parang tinamaan ako sa sinabi ni H.
“Masuwerte ang magiging boyfriend niya,” si A uli ang nagsalita. “Guwapo siya pero hindi feeling guwapo. Simple lang, hindi mahilig magpapansin. Mabait. Hindi mayabang.”
“Ilang taon na ba siya?” ang tanong ko.
“He is already 29. Hindi halata, noh? Mukha lang siyang 22,” ang sagot ni A.
“At maniniwala ka ba na teacher siya?" ang volunteer ni H. “Sa grade school pa! Kaya very caring and childlike siya. Yung mga bata, they look up to him. Idol siya, kaya he has to set a good example para sa kanila."
“Handsome. Humble. Loving. Faithful. What more can you ask for?”
Hindi alam nina H at A, they have just defined my dream boy.
***
Sumabay si James sa aking mag-CR pagkapasok namin sa Bed.
At dahil pila, pinauna ko siya.
Pagkatapos ko, I was pleasantly surprised nang makita ko siya na naghihintay sa labas.
We joined our friends at the bar. Konting sosyalan muna bago kami tuluyang bumaba sa dancefloor.
Hinila siya nina H at A sa ledge. Nagpaiwan ako.
Pinanood ko sila, particularly si James, habang nagsasayaw.
Dati-rati sa mga ganoong pagkakataon, I would start circulating and connecting. Pero nang mga sandaling iyon, I just stayed where I stood. Nanatili akong nakatingin kay James.
Parang slow motion ang lahat habang pinagmamasdan ko siyang nagsasayaw sa ledge.
Namumukod-tangi siya sa lahat nang naroroon. Ewan ko kung bakit. Hindi naman siya hunk kasi payat siya. At kahit napapaligiran siya ng mga nakahubad na magaganda ang katawan, nangingibabaw pa rin ang presence niya. Hindi rin siya fashionista pero kapansin-pansin ang maayos niyang pagdadala sa kanyang sarili. Siguro dahil matangkad siya at nagko-complement ang height niya sa napakaganda niyang mukha. Ang makinis at maputi niyang kutis ay luminous sa tama ng patay-sinding mga ilaw.
Para siyang isang pangitaing hindi kapani-paniwala.
Para siyang isang pangarap na tinatanaw ko mula sa malayo.
***
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa ledge.
Kaharap si James. Kasayaw sa “I’ll Be Your Light.”
Nakatingin siya sa akin. Nakangiti. Pati mga mata niya, nakangiti rin.
Parang hinahaplos ang puso ko ng mga tingin niya.
And I'll be your light
I'm shining in the darkest night
I'll take you to a higher place burnin' so bright
May pumipigil sa akin upang ilapit ko ang katawan ko sa katawan niya. Sa kabila ng kagustuhan kong magkaroon kami ng physical connection nang mga sandaling iyon, nangangamba ako na masamain niya ang anumang move na gagawin ko upang hawakan siya. Naiisip ko ang mga sinabi sa akin nina H at A: “Iba siya. Hwag mo siyang laruin. Hwag mo siyang landiin.”
Hindi ko magawang maging agresibo. Kung dati-rati, todo-flirt na ako sa mga ganitong pagkakataon, sa kanya ay parang hindi ko magawang mag-initiate ng anumang senswal na hakbang. Siguro dahil iba siya at nirerespeto ko siya. Ayokong magkaroon siya ng hindi magandang impression sa akin. Gusto kong mag-behave para sa kanya.
Patuloy ang pagtatama ng aming mga mata. Hinahanap ko sa mga tingin niya ang kahit kaunting clue na gusto niya rin ako. Subalit parang wala akong makita.
Panay ang ngiti namin sa isa’t isa. May nasilip akong kalungkutan sa likod ng mga ngiti niya. Gusto ko siyang yakapin.
I'll be the song that moves you when all hope is gone
I'll give you strength to carry on
I'm burnin' so bright
I'll be your light
Maya-maya hindi ko inaasahan, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat. Parang may kakaibang init na dumaloy sa aking katawan nang madama ko ang kanyang mga palad.
Humawak ako sa kanyang baywang. Dinama ko ang hubog niyang balingkinitan.
Naglapit ang aming mga katawan. Nagdikit. Patuloy kami sa pagsasayaw.
Sumabog at umulan ng confetti mula sa itaas.
Sa buhos ng pira-piraso, makukulay at nagkikislapang mga papel, titig na titig ako sa mukha niya.
Kung maari ko lang sana siyang hagkan.
***
Sa kabila ng mga bagay na hindi ko nagawa at nasabi, masaya ako.
Sa kabila ng mga pag-aalinlangan at walang katiyakan, kuntento na ako sa kapirasong panahon na ipinagkaloob niya sa akin nang gabing iyon.
Bago kami naghiwalay, niyakap niya ako nang mahigpit. Dinampian niya ako ng maingat na halik sa pisngi. Yumakap din ako sa kanya at pansumandali kong dinama ang init ng kanyang katawan.
Bumulong siya sa akin: “Thanks. I hope to see you again.”
Nagbitiw kami. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang papalayo.
Pinigil ko ang sariling lingunin siya.
Ayaw kong ipaalam sa kanya ang aking damdamin.
Lihim ko na lamang siyang mamahalin.
17 comments:
aris kinilig naman ako sa entry na ito. ayan na naman si mr. true good to be true. sana nga lalo pa kayong magkakilala. ang galing naman grade school teacher pa siya pero mahirap pa ring manigurado kung talagang "matino" siya unless makilala mo nang lubusan. baka naman may kapatid pa yan pakilala mo ako. joke ^^; keep smiling.
sana siya na nga ang inaantay mo! good luck =)
Hi Aris!
Good luck with this one! :)
Btw, when was this? I was in Bed last weekend (01/24). Were you there?
hala. ang sarap naman ng pakiramdam! habang binabasa ko tong entry na to e kinikilig ako. hehehhe... sana maging kayo!
Wow Aris, ang tindi ng self-control mo. Bihira lang yan sa iba ngayon..
Uhm, teka, nakalimutan ko na yung ibang sasabihin ko, hehe.. Na-enjoy ko ang kwento mo.. Kilig moments ito, pero parang bato ata ako ngayon ah.. hmm.
Sana manatili syang makapag-pangiti sayo..
cheers!
sino ba may sabing lalaruin mo lang sya? Di ba seryoso ka naman? Oh go! Ayaw mo? PAkisabing antayin nya ako jan sa manila. =)
@jinjiruks: i wish magkaroon uli ako ng pagkakataon na makilala ko siya nang lubusan. ask ko na rin siya kung may younger brother siya, para sa'yo hehe! :)
@charles suarez: sana nga. pero sa ngayon, mamahalin ko na lang muna siya na hindi umaasa na mamahalin niya rin ako. kabog, di ba? :)
@joaqui_miguel: joaqui!!! i miss you, my friend! yup, i was there last sat. punta uli ako this sat kasi sabi ng secret love ko, baka punta raw uli siya hehe! will you be there? :)
@kokoi: sarap magmahal lalo na siguro kung mahal niya rin ako. sa ngayon, mamahalin ko na lang muna siya nang walang hinihintay na kapalit. pero sana, magdilang-anghel ka. :)
@dylan dimaubusan: gusto ko na kasing magbago para sa kanya. gusto kong maging worthy kaya magpapakatino na ako hehe! thanks for dropping by, sistah. take care. :)
@luis batchoy: seryoso ako sa kanya. kung hindi lang, bigay ko siya sa'yo hehe! uy, lapit na concert ng eraserheads. lapit na rin pagpunta mo rito sa manila. :)
Kahit nagpupunta siya rito sa Malate, never siyang nakikipaglandian. Never siyang nakikipaghalikan sa kung sinu-sino.”
Borderline, tinamaan ako dito.
Haha minsan nga sasadyain ko maligaw sa BED. Baka maaring magtagpo tayo dun.
@mugen: nasapol din ako nun hehe! go ako sa bed this sat. sana maligaw ka at magkabanggaan tayo. :)
nasa bed din ako last saturday. may nakilala akong Aris. Di kaya ikaw yun? ;-)
@mksurf8: hmmm... ako kaya yun? hehe! :)
I'm not sure! I might! hehehe
Nyaiks, you could be the guy dancing a few steps away yet we still have not met. hehehe
I'd like to say see you there but then it never happens. lol
Good luck with James! :)
Miss you too, Aris. :)
automatic ba agad un pag nasa BED ka. haha. puro temptations.
younger brother? hmm. asa!
pero sana nga makilala mo pa siya nang lubusan. aukong makita na malungkot ka na naman
tama na ako lang ang depressed sa blogosphere wag ka na sumama dun
@joaqui_miguel: still looking forward to meet you someday. :)
@jinjiruks: huwag kang malungkot, friend. dami pang ibang bagay na pwedeng magpasaya sa atin. just keep on smiling. :)
hindi ko na inisiip iyon Aris. bahala na kung darating siya o hindi.
it's like you found the needle in a hay stack. rare jewel ito friend. sana it works out.
ang haba na naman ng buhok mo! :)
@jinjiruks: kailangan lang maging optimistic. :)
@pao: friend, di nga ako sure kung like niya rin ako. kaya ingat na ingat ako sa next move ko hehe! :)
Post a Comment