Wednesday, January 21, 2009

Kirot

“Nasaan ka?”

“Nasa bahay.”

“Nandito si Karlo sa bar. May kasamang iba.”

Kahit dis-oras na nang gabi, napasugod ako sa Malate.

***

Tumutugtog ang “Happy” sa NYC pero hindi ako masaya. In fact, parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan sila.

Si Karlo at si Justin.

Ang sweet nila. Nagbubulungan. Nagtatawanan. Magka-holding hands. Larawan sila ng isang masayang magkasintahan.

Pero ako ang boyfriend ni Karlo!

At ang nasasaksihan ko ay ang pagtataksil nila ni Justin na bestfriend ang pakilala niya sa akin.

Earlier tinext ko siya: “Malate tonight?

Ang sagot niya: “I can't. Kinda sick.

Sick my ass!

Sa kabila ng galit at sakit na nararamdaman ko, parang wala akong lakas na kumprontahin sila. Nanatili akong nakakubli at nakamasid lamang.

Maya-maya, tumayo na sila at umalis. Sinundan ko ng tingin. Tumawid sila ng Orosa at pumasok sa Bath.

Nagtungo ako sa bar ng NYC at umorder ng beer.

“Nakita mo sila?” ang tanong sa akin ng kaibigan kong bartender.

Tumango ako.

“Kaya nga tinext kaagad kita. Ngayon, alam mo na.”

“Salamat.”

“Ano ang balak mo ngayon?”

“Hindi ko alam.”

Sunud-sunod ang naging pag-inom ko ng beer. Pilit kong nilulunod ang aking sama ng loob. On my third bottle, nagdesisyon ako.

“Pupuntahan ko sila. Kukumprontahin ko.”

“Mabuti,” ang sagot ng kaibigan ko. “Husto na ang pagtatanga-tangahan.”

***

Pumasok ako sa Bath. Ang daming tao sa loob dahil may show nang gabing iyon. Nagsasayawan ang lahat sa “Joyrise” habang hinihintay ang pagsisimula ng palabas.

By instinct alam ko kung saan matatagpuan sina Karlo at Justin.

Umakyat ako sa itaas.

At doon sa darkroom, sa pares-pares at grupo-grupong pagniniig ng mga anino, naaninag ko ang kanilang hubog. Naroroon sila sa isang sulok. Magkayakap. Naghahalikan.

Dahan-dahan ko silang nilapitan. Hinawakan ko sa balikat si Karlo. Hindi siya tuminag. Nanatiling magkalapat ang mga labi nila ni Justin. Hinila niya ako nang hindi tinitingnan at pinasali sa kanilang paghahalikan. Sabay kong nadama ang kanilang mga labi. Nakatutukso ang magpatianod na lamang subalit nanaig ang aking katinuan. Kumalas ako.

At saka lang ako tiningnan ni Karlo. Sinindihan ko ang celfone ko at sa liwanag niyon, kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat. Kaagad siyang bumitiw kay Justin.

Nagulat din si Justin pagkakita sa akin.

Matalim ang aking mga titig.

“It’s not what it seems…” ang sabi ni Karlo.

“Ano pa ba ang kailangan kong makita?” ang sagot ko.

“Pwede ba makinig ka muna sa akin…?”

“Hwag ka nang mag-explain.”

At umalis na ako.

“Wait…” ang pigil niya sa akin.

“Pabayaan mo siya,” ang sabi ni Justin.

Nagmamadali akong bumaba sa spiral staircase. Habol ako ni Karlo.

Nagsisimula na ang show sa ibaba. Gumigiling-giling na ang macho dancer sa “Bring Me To Life". Siksikan ang mga tao sa harap ng stage kaya hirap na hirap akong makadaan. Halos makipagsikuhan ako makarating lang sa pinto.

Sa labas ng Bath, inabutan ako ni Karlo.

“Aris, mag-usap tayo,” ang sabi.

“Ano pa ang pag-uusapan natin? Matagal na akong naghihinala sa inyo ni Justin. At ngayong gabi, napatunayan kong totoo nga ang hinala ko. Sa NYC pa lang, pinagmamasdan ko na kayo.”

“Walang seryosong namamagitan sa amin. Ang seryoso, yung sa atin.”

“Nagpapatawa ka ba?”

“Ok, aaminin ko, we occasionally fuck but it's only for fun. Walang ibig sabihin.”

“Fuck you.”

Biglang sumulpot sa likod niya si Justin.

“Just let him go,” ang sabi. “Huwag kayong mag-iskandalo rito. Nakakahiya.”

Binalingan ko si Justin. “Nahihiya ka sa iskandalo pero hindi ka nahihiya sa ginagawa n'yo.”

Tumalikod na ako at mabilis naglakad palayo.

Nakabibingi ang “Satisfaction” pagdaan ko sa tapat ng Red Banana.

Pero higit na nakabibingi ang “I Love You Goodbye” sa radyo ng taxi na nasakyan ko.

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako.

22 comments:

MkSurf8 said...

bath . those days...

may karugtong ba ito?

Looking For The Source said...

ouch!

you just did the right thing. at least youve known na. kesa naman niloko ka pa nya ng mas matagal..

:)

waaah. NYC. i remember my days. nyahaha..

Anonymous said...

it's not worth every inch of that guy. they were having fun yet he replied he sick at home... but he made you cry.


take care.


-dabo

Anonymous said...

di na nahiya yung dalawa. tama ginawa mo friend. sometimes, you just have to confront them head on.

Jinjiruks said...

err. wag ka sana magalit pero nde kpba nadadala. me matino pbang makikita sa mga ganyan. mas maganda wag mo muna ibigay ang lahat kasi pag nawala masakita talaga pag walang natira.

Anonymous said...

what hurts the most is that he lied to you, as if you can't handle and undeserving of the truth. :|

Anonymous said...

Friend ang bait mo. Kung ako yun kinalbo ko silang dalawa. Or kung kalbo sila, paguumpugin ko sila.

-- Mr. Scheez

Yj said...

since marami na ang nagcomment at isang malaking CHEK sa lahat ng sinabi nila... eto lang masasabi ko...


nakakabwisit ang mga istasyon na pinakikinggan ng mga taxi driver noh? hihihihi

Aris said...

@mksurf8: makasaysayan ang bath noon...

gusto ko uling magkuwento ng mga pangyayari doon. :)

@source: i miss NYC. it was just so...different! andami kong beautiful memories doon. :)

@dabo: ang hirap talagang tanggapin ng kasinungalingan. masakit sa dibdib.

you take care too. :)

@pao: restrained pa nga ako noon, friend. mala-jacklyn jose lang. ayoko kasing magdrama sa kalye. but looking back, sana nagpaka-hysterical ako, mala-cherry pie picache, para mas eksena di ba? :)

*air kiss*

@jinjiruks: natuto na ako sa mga pangyayari noon kaya ngayon wala na akong masyadong expectations at hindi na ako masyadong buhos. :)

@ouraborus: yun talaga ang pinakamasakit. ang hirap na uling mag-trust kapag nagsinungaling na siya sayo at nahuli mo.

salamat uli sa pagbabasa at sa pagko-comment. :)

@mr. scheez: hay naku, friend, nagsisi nga ako kung bakit di ko yun ginawa sa kanila noon. sana nga inginudngod ko pa sila sa kalsada! :)

@yj: hahaha! napatawa mo ako sa comment mo teh! kalokang istasyon na paborito ng mga taxi driver! :)

. said...

Sa mga panahong ito marahil naroon ako sa BED, nagsasayaw sa ledge, taken ngunit dahil matindi ang kapit ko sa relasyon, hanggang sayaw lang ako.

Those were the days. And looking back now, ang tindi pala ng pinagdadaanan mo nun.

Mac Callister said...

bath house ive never been to one hehe.is this a true story i thought nung una nagbabasa lang ako ng fiction story mo

Kokoi said...

sakit naman ngyari! at least you know na. sana di n to mangyari sa future!

Aris said...

@mugen: masakit nga ang karanasan na iyon. but it made me wiser.

after that, i started going to bed more often. siguro minsan nagkabanggaan na tayo roon hindi lang natin alam. :)

@mac callister: hello mac.

bath was actually a bar/dance club na may darkroom sa itaas.

yup, these are stories of my life hehe!

thank you for visiting. :)

@kokoi: natuto ako sa karanasang iyon. pero sana nga huwag nang maulit muli. :)

Anonymous said...

Aba naman ang palusot, just for fun?! Ano yun?! Past time nia hehehe Hay Aris ok lang yan, next pls... hehehe Im going to Bed this sat! Chinese New Year... Kung Hei Fat choi... makapag chinese outfit nga para free entrance nyahahaha

Aris said...

@benzgasm: ay, ako rin, punta ng bed this sat! kitakits! kung hei fat choi, my friend! :)

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

haaaaay!

Aris said...

@mandaya moore: hello miss mandaya. salamat sa pagbisita. :)

Byron Ferolin said...

Very well crafted. Magaling ang pagkakasulat mo. Oo, masakit. Pero marami na ata talagang ganyang lalaki ngayon. I hope you'll be fine.

Aris said...

@byron ferolin: hello byron. thanks for dropping by. salamat sa comment. nakaka-inspire naman. :)

matagal nang nangyari ito. i'm doing ok now. tc. :)

Yffar (^^,) said...

kapatid...

i'll be changing my domain name..

www.rainbowhalohalo.tk
instead of rainbowhalohalo.blogspit.com

pabago na lang po..

add kita ulit sa blog roll ko kasi nagbago ako ng lay out kaya nawala mga blog lists ko..

ano email add mo para kunin kitang author ng Rainbow bloggers..

-yffar-

Yffar (^^,) said...

NYC?

di ba matagal nang wala yun??

i think that was 3 years ago..

Aris said...

@yffar: matagal nang nangyari ang kwentong ito. balik-tanaw lang, kapatid. updated na ang domain name mo sa link ko. thanks. mwah! :)