Thursday, January 8, 2009

Temptation

Para akong nanibago pagpasok ko sa office.

Tahimik. Konti ang tao.

Wala na kasi ang mga temporary employees na hinire namin bago mag-Pasko.

Wala na kasi si Randy.

Si Randy na noong kasagsagan ng peak season ay nagsilbing inspirasyon sa akin.

Si Randy na mapagmasdan ko lamang noon, natatanggal na ang aking pagod.

***

Nang pumasok si Randy sa department ko, napansin ko kaagad ang mga mata niya na kakaiba kung tumitig. Gayundin ang senswalidad ng mga labi niyang tila namamaga.

Napansin ko rin na kumpara sa mga kasamahan niyang bagong pasok, namumukod-tangi si Randy sa pagiging neat at maayos manamit.

Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng atraksyon sa isa sa aking mga empleyado. Isang bagay na pinakaiiwasan ko dahil ayaw ko ng kumplikasyon.

Sumidhi ang atraksyon ko sa kanya nang minsan isang hapon (uwian noon) ay nabungaran ko siya sa banyo ng opisina na nagbibihis. Hubad-baro siya at nagpapalit ng pantalon. Nasulyapan ko ang kanyang puting brief, ang flat niyang tiyan at ang balahibong gumagapang pababa mula sa kanyang pusod.

“May lakad?” ang tanong ko na pilit nagpapaka-normal.

“Yes, sir,” ang sagot. Tila wala siyang pagkapahiya sa kanyang kahubdan.

Deadma ako kunwari na dumiretso sa urinal. Tumayo ako roon pero hindi ako maihi.

Pagharap ko sa salamin, naroroon pa rin siya. Hubad-baro pa rin na nag-aayos ng buhok. Doon ko na-take note ang kanyang swimmer’s body, makinis na balat at pink na nipples. Ngumiti siya sa akin.

Nagmamadali akong lumabas ng banyo dahil ayaw kong ipahalata sa kanya ang aking pagkaantig.

Nag-overtime ako nang araw na iyon pero hindi ako makapag-concentrate sa trabaho dahil maya’t maya ay binabagabag ako ng nakahubad na imahe ni Randy.

Naging pantasya ko siya sa aking pagtulog nang gabing iyon.

***

Palagay ko, aware siya na gusto ko siya dahil madalas niyang mahuli ang mga panakaw na sulyap ko sa kanya. At kapag nangyayari iyon, sinasalubong niya ang tingin ko… matapang siyang nakikipagtitigan… at saka ngingiti nang may kahulugan.

Bago ako tuluyang bumigay, ipinagpasya kong dumistansya sa kanya.

Ngunit isang araw, itinadhana na kami ay magkalapit.

Brontok virus ang dahilan na tumama sa aking computer. Medyo panic ako dahil nagsa-shutdown na ang computer ko at nagsisimula nang masira ang mga files. Nag-volunteer si Randy na siya ang aayos. May alam pala siya sa computer.

Pinapasok ko siya sa aking office. Umupo siya sa harap ng aking computer. Umupo ako sa tabi niya. Hindi dahil gusto kong mapalapit sa kanya kundi dahil nag-aalala ako na baka may mga mabuksan siyang file na hindi dapat. Wala naman akong porn sa computer pero meron akong mga confidential files. Kaagad niyang ni-launch ang AVG Anti-Spyware na hindi ko alam na meron ako. At habang nag-i-scan siya, nagsimula akong maging aware sa proximity naming dalawa. Sa unang pagkakataon, halos magdikit ang aming mga katawan.

Kaming dalawa lang sa loob ng aking opisina at sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, naririnig at nadarama ko ang kanyang paghinga. Naaamoy ko na siya.

Hindi ko alam kung paanong maya-maya’y nagdikit na ang aming mga binti. Gayundin ang aming mga braso. May naramdaman akong init na gumapang sa aking katawan.

Dahan-dahan, nagharap ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga mata. Nagtapat ang aming mga labi. Nagsimulang maglaro sa aking imahinasyon ang pagdampi at paglasap sa mga labi niya na maihahalintulad sa makatas na prutas. Nalanghap ko ang mabango niyang hininga.

Sa buong buhay ko, iyon na ang naging pinakamatinding pakikipaglaban ko sa tukso!

Tumayo ako.

Nakatingin siya sa akin. Nangungusap ang kanyang mga mata.

“Maiwan muna kita,” ang sabi ko.

Lumabas ako ng opisina.

***

Titig na titig ako kay Randy habang gumigiling-giling at umiinda-indayog siya.

Kaakit-akit ang bawat galaw niya sa saliw ng "So Sexy".

Nangingibabaw ang kaseksihan niya kahit medyo patawa ang sayaw nila.

At katulad ng inaasahan, ang grupo ni Randy ang nanalo sa pa-kontes sa Christmas Party namin sa opisina.

Masayang-malungkot ang mga temps nang araw na iyon dahil last day na nila. Pero nabuhayan sila ng pag-asa nang ianunsyo na sila ay ipatatawag muli for possible regular employment dahil magkakaroon ng expansion ang kumpanya.

Habang nagkakainan, lumapit sa akin si Randy.

“Sir, picture tayo.”

At bago pa ako nakasagot, piniktyuran niya na kaming dalawa sa celfone niya.

“Sir, hihintayin ko ang tawag ninyo,” ang sabi bago umalis.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil iyon na ang huli naming pagkikita.

***

Pag-upo ko sa harap ng computer, hindi email ang una kong binuksan kundi Friendster.

Sa nagdaang mahabang bakasyon, may na-miss ako.

Nagbakasakali akong may account si Randy.

Na-excite ako nang lumabas siya sa search.

Binasa ko ang profile niya.

Inisa-isa ko ang mga pictures sa album niya.

At doon ko nakita, naka-post ang picture naming dalawa.

20 comments:

. said...

Naantig ako sa huling linya ng entry mo. Lubhang malungkot nga ang ending niyo, subalit, maari mo pa naman siya ma-contact diba?

O sadyang hangad mo ang lumayo?

Luis Batchoy said...

I hear Lola Kylie in the background singing "Na na na, na na na na na...I just can't get you out of my head..." Pero ingat... baka naman pumapapel lang para magka regular job... alam mo na.

Aris said...

@mugen: nakalulungkot subalit napag-isip-isip ko na isang malaking pagkakamali kung ipagpapatuloy ko ang aking kahibangan. :)

@luis batchoy: sinasayawan ko pa ang kanta ni kylie hehe! pero nakapagpasya na akong lumayo. :)

Jinjiruks said...

aww kakalungkot naman aris. dapat kasi kagaya ng ginagawa mo sa ibang naka meet mo na me crush ko naging matapang ka at nagtapat ng iyong nararamdaman sa kanya. pero kung ako iyon pareho lang tayo ng ginawa na hanggat maaari walang relasyon sa loob ng office kasi mahirap na. mukhang puro sad entries nababasa ko sa iyo. hope ur ok over there.

Anonymous said...

nakakatuwa, na nakakakilig, na nakakaiyak naman itoh..... pero bonggang bongga mag-isip si Luis.... pag experienced ka nga naman hehehe......

Aris said...

@jinjiruks: mahirap kasing paghaluin ang propesyonal at personal na buhay. hindi naman po ako malungkot. ok lang ako. sana ikaw din. :)

@yj: hello. welcome sa blog ko.

oo nga, mukhang ang dami nang karanasan ni luis hehe! (peace, luis, my dear. mwah!)

salamat sa comment. sana lagi kang bumisita. :)

Dabo said...

hay hindi dapat ko binasa..

Aris said...

@dabo: ay, bakit naman? :)

Luis Batchoy said...

yj and aris: hindi ko ipagkakaila na madami na nga po akong karansan... seasoned by time and tempered by heartbreaks kumbaga, but I don't let it get to me. I treat everyone clean-slate. Kaya nga nakakapagod na eh.

Jinjiruks said...

ako. ewan ko. manhid na siguro ako. dapat maging immune na ako sa mga ganitong sitwasyon. kasi ako rin naman ang talo pag nagpadala ako sa emosyon. hehe.

MkSurf8 said...

tama lang ginawa mo na umiwas noon kasi ka-trabaho mo siya.

pero ngayon, GO na. mag comment ka na sa friendster pic nyo. ;-)

Jinjiruks said...

hehe gusto ko rin makita pic nyo. dapat i add mo na rin ako sa friendster. alam mo naman email ko. ^^;

Kosa said...

hello hello dito!

pasyal pasyal lang po!

Aris said...

@luis batchoy: ang sabi nga, ang mga karanasan natin ang humuhubog sa ating pagkatao at nagpapaganda sa ating karakter. :)

@mksurf8: lalayo na lang ako para hindi maging magulo ang buhay ko. charing! :)

@jinjiruks: in time hehe! :)

@kosa: hello. salamat sa pagbisita. sana maging madalas. :)

Anonymous said...

sayang kaka-cancel ko lang ng friendster account ko. di ko na kasi ginagamit e. hehehe. :)

Anonymous said...

awnesss.... para dun sa nakita mong pic... hay

Looking For The Source said...

nakakasad nmn toh. hay.

Anonymous said...

dapat di ka gawa ng story like that kc ang lalake para lang sa girl ang girl para lang sa boy...ewan ko lang kung pwede fantasy?

luis batchoy said...

kay anonymous... dapat hindi ka nagpapasok sa mga blogs na gaya nito dahil ang blog na to parang lang sa nakakaintindi, at may laman ang kukote...ewan ko lang din kung fantasy mo lang din na meron ka

Aris said...

@luis batchoy: thanks, sweetie hehe!

eto sana ang sagot ko: "Ay, BED po ito. Doon po sa kabila ang Bistro RJ." lol!

*hugs and kisses* my friend! :)