Wednesday, January 14, 2009

Oh Boy!

Pagkaraang mag-perform ng “Waray-waray” at “Where Is My Man” ang mga drag queens as a tribute to Eartha Kitt, balik-hataw sa dancefloor at ledge ang mga tao sa Bed. Kapapasok lang namin dahil napatagal ang inuman at kwentuhan namin sa Silya. Mga 1:30 a.m. na yata yun. Medyo may tama na kami sa beer pero nag-Blue Frog pa kami. Hinay-hinay ako sa pag-sip dahil ayokong tuluyang malasing.

Napasigaw ng “Whoo!” ang marami kabilang na kami sa pagtugtog ng “Single Ladies” na tila pambansang awit ngayon ng mga bading. Napasayaw na rin kami dahil, come to think of it, lahat kami sa barkadahan nang gabing iyon, single! Uso yata ngayon ang pagiging single kaya ang daming nakaka-relate sa kanta ni Beyonce. Pati na rin sa bonggang choreography.

Mukhang in fighting form ang mga kaibigan ko. Kaagad silang nakapag-connect nang gabing iyon. Pagtingin ko, may mga kasayaw at kabulungan na sila. Napag-iwanan ako.

Kaya umakyat na lang ako sa ledge. At least doon, di halatang mag-isa ako. Siksikan at maraming nagsasayaw. (Napansin ko lang, masyado nang maraming umaakyat at nagsasayaw ngayon sa ledge. Hindi katulad dati na kailangan pang mang-entice ng mga Go-Go Boys para may umakyat.) At dahil hindi na according to beauty (choz!) ang accommodation ngayon sa ledge, I had to elbow my way in para makasingit. At doon, nakilala ko si Dax.

Nasa harap ko siya, nakatalikod sa akin. Sa una’y nagba-brush lamang ang likod niya sa dibdib ko habang nagsasayaw pero kinalauna’y naka-lean na siya sa akin. Patingin-tingin siya at pangiti-ngiti. Maya-maya’y hinahalikan ko na siya sa batok at sa leeg. Hindi nagtagal, magkaharap at magkayakap na kami at sa labi ko na siya hinahalikan.

Hindi masyadong matangkad si Dax pero cute siya. Kamukha siya ng crush ko noon sa college. Mukha siyang bagets pero ang sabi niya, 24 na siya. Gustung-gusto ko ang kapilyuhan sa mukha niya na nagpapatingkad sa boyish appeal niya.

Ang sikip sa ledge kaya hinila niya ako sa sulok malapit sa DJ’s booth. At doon, sa pagmamalikot ng aming mga kamay, natuklasan ko ang nagko-compensate sa kanyang kakulangan sa height at naintindihan ko kung bakit Dax ang tawag sa kanya.

Umakyat kami ni Dax sa itaas. At doon sa sofa, ipinagpatuloy namin ang “getting to know you”. Usap. Halik. Yakap. Haplos. Parang déjà vu ang nangyari. Lalong-lalo na nang magtanong siya sa akin ng “Can you be my boyfriend?”

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako. The last time na sinagot ko ang tanong na yun, napaso ako.

Inimbita niya ako sa bahay niya. Doon na raw ako matulog. It was very tempting. Naisip ko ang mga bagay na maaari kong gawin sa kanya, gawin niya sa akin at gawin namin sa isa’t isa habang magkatabi kami sa kama.

May mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi at may anticipation sa kanyang mga mata habang hinihintay niya ang sagot ko.

Kahit nag-iinit ako sa lambingan (okay, lampungan) naming dalawa, hindi ko alam kung bakit tumanggi ako sa imbitasyon niya. Self-preservation maybe?

Akala ko, tatayo na siya at iiwan ako pero nag-stay siya. Ipinagpatuloy namin ang exploration. We made the most of our limited opportunity. The more I touched him, the more I liked him. (Aaminin ko, I had thoughts of reconsidering his offer.)

Ang bilis ng oras. Bago namin namalayan, nag-uumaga na pala. Nahanap na rin ako ng aking mga friends na nagyayaya nang lumabas.

He joined us for breakfast. Magkadikit kami habang kumakain. Paakbay-akbay at payakap-yakap siya sa akin. Para kaming mag-boyfriend. Sumailalim siya sa interrogation ng aking mga friends na kaagad na nag-assume na nakipag-on na naman ako overnight. Dax answered and acted as if kami na nga. Sumakay naman ako.

Bago kami naghiwalay, he kissed me on the cheek at pinisil niya ang kamay ko.

“Text-text,” ang sabi niya.

“Yup,” ang sagot ko.

Nang makalayo na ang taksing sinakyan niya, saka ko lang na-realize na hindi kami nakapag-exchange numbers.

13 comments:

MkSurf8 said...

masyado kayong na excite or masyadong lasing?

i will be BED-ridden again next week. ;-)

Aris said...

@mksurf8: masyadong naging busy hehe!

see you in bed! :)

Anonymous said...

"Nang makalayo na ang taksing sinakyan niya, saka ko lang na-realize na hindi kami nakapag-exchange numbers."

-- this is a sign friend na malabong maging kayo. hehe. but who knows, you might see him again in bed next time. :)

Yj said...

bigla naman akong natawa....

sa susunod na punta ka at nakita mo sya, wag mong lapitan teh... hintayin mong siya makakita sayo at alamin natin kung pano niya sasabihing... hinanap ka niya... hehehe para may kilig factor...

pero pag wit mo na nasight yan, hindi pa daw SIYA!

lucas said...

thanks :) you're on my roll for ages now.

Anonymous said...

sayang naman. "dax" pa naman kamo, hehehe (evil grin!).

off topic: thanks for visiting my little corner.

Kosa said...

pasyal pasyal.. napadaan na ba ako dito nuon?
kasali kase ako sa links mo..
sali din kita sa bloglist ko!
salamat pareko!

sige sige kitakits!

Anonymous said...

i like how you write.

Aris said...

@pao pielago: kapag nakita ko uli siya, sasama na ako sa bahay niya! char lang hehe! :)

@yj: ay, sana nga may ganong eksena para medyo madrama. at sana cherry pie picache ang mga linya ko. hindi jacklyn jose hehe! :)

@lucas: thanks, ron. :)

@john stanley: sana next time, si "Dax II" naman ang makilala ko hehe! i love your blog! :)

@kosa: oo naman. maraming salamat, pare. :)

@ouraborus: thank you very much. nakakataba naman ng puso. sana bisita ka madalas. :)

M A Y A said...

single?? u're single ule? teka, need ko yata mag-back read ng blog mo, tagal ko nawala sa blogosphere since i had a miscarriage, di tuloy ako updated. soWeeee aris!

anyways, tnx sa francism shirt info ha!

mwah!

Aris said...

@maya: i am sorry to hear about your miscarriage. i hope you're feeling ok now.

i just added "links" to my blog. siyempre, andun ka.

take care always, sistah. mwah! :)

Anonymous said...

baka magkita kayo ulit. hehe.

Looking For The Source said...

after ive read the last statement, all i could say was.. and excuse me for saying this..

"potah naman oh!"

hahaha