Sunday, February 8, 2009

Hanggang Ngayon

Out of the blue pagkaraan ng mahabang pananahimik, nag-text sa akin si C.

“Hey, Aris, kumusta?”

Natigilan ako. Napag-isip ako sa kahulugan ng simpleng pangungumustang iyon.

Ex ko si C. At aaminin ko, may pagtatangi pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

Nang huling mangumusta ng ganito si C, isang taon na ang nakakaraan, we ended up seeing each other again and sleeping together. After a week, iniwan niya ang boyfriend niya at nakipagbalikan sa akin. Ang sabi niya, mahal niya pa rin ako.

I was happy to have him back. We were together for a few months. Pero nagkahiwalay uli kami dahil sa mga dating problema na naging problema rin namin noong una.

“Mabuti. Ikaw?”

Mula nang magkahiwalay kami sa ikalawang pagkakataon, ngayon lang uli siya nagparamdam. Ang huli kong balita sa kanya, may bago na uli siyang boyfriend.

“Ok lang.”

May problema na naman ba siya sa bago niyang boyfriend kaya heto siya ngayon at nagko-communicate sa akin? Gusto na naman ba niya akong balikan?

“I miss you,” ang dugtong niya.

Sa mga panahong ito na masyado akong vulnerable, magkahalong tuwa at pangamba ang aking nadama. Masaya ako na naalala niya ako in the same way na nangamba ako na muli na namang masaktan.

“Pwede ba tayong magkita?” ang text niya uli.

Para akong kinabahan. Ganitong-ganito ang nangyari noon bago kami nagkabalikan. Mauulit ba muli sa ikatlong pagkakataon ang aming nakaraan?

Si C lang ang tanging nakabalikan ko sa mga naging boyfriend ko. Sa kanya lang talaga ako nagbigay ng second chance sa relasyon. Mahal ko kasi talaga siya. Siya kasi ang sumagip sa akin noong mga panahong nalulunod ako sa lungkot. Siya ang muling nagbigay kulay sa aking mundo noong nagdidilim ito. Siya ang nagbigay dahilan sa akin upang muling ngumiti at maging masaya. Not to mention na compatible kami sa lahat ng bagay, higit lalo sa sex.

Kahit nagkahiwalay kami, hindi na muling nawala ang mga positibong bagay na natutunan ko sa kanya. Naging madali sa akin na tanggapin siyang muli because I have always loved him. I have always longed for him. Getting back together was like coming home.

At ngayon, heto na naman kami at parang nauulit ang mga pangyayari.

“Sure.” Hindi ko nagawang tumanggi.

“I miss you. I really want to see you.”

“I miss you too.” Hindi ko nagawang pigilin ang tunay na saloobin ko.

“Do you still love me?” I was taken aback by his question.

Muli, nanaig ang pagiging honest ko sa aking damdamin. “I have never stopped loving you.”

“Hanggang ngayon?”

“Hanggang ngayon.”

“I am happy to hear that. Ikaw din, mahal pa rin kita hanggang ngayon.”

Natahimik ako. Ano ito? Saan ito patungo? Patuloy ang magkakahalong emosyon sa dibdib ko.

“Kumusta kayo ng boyfriend mo?” ang tanong ko.

“Ok lang.”

Ang inaasahan kong sagot: “Wala na kami.” What’s the point of this conversation kung sila pa rin. Pinaglalaruan niya ba ako?

“I see,” ang sagot ko.

“Naka-destino siya sa Cebu. Mahirap ang long-distance relationship.”

Hindi ako sumagot. Nag-iisip ako.

“Ikaw, kumusta kayo ng boyfriend mo?” ang balik-tanong niya.

“Wala akong boyfriend,” ang reply ko.

“Good.”

Good? Hello. Ang lungkot-lungot ko nga dahil hirap na hirap akong magka-boyfriend tapos sasabihin niya, good?

“Pwede ba tayong magkita?” ang ulit niya.

“Saan? Kelan?” ang tanong ko.

Ang inaasahan kong sagot: “Starbucks. Later.” Pero nagulat ako sa reply niya.

“Mag-dinner tayo sa Valentine.”

21 comments:

. said...

Wow, weird siya ha.

At least may valentines ka na!

Luis Batchoy said...

If I may be rude as to prick your bubble but I think this is what I call "Doormat Jowa." Wipe wipe! You know what I mean, Aris.

Yj said...

korak korak.... at least may valentines ka na.....

MkSurf8 said...

just enjoy the date! but don't expect na lang. be cautious ;-)

Anonymous said...

once is enough, twice is too much. three times pa kaya? but i guess kung dinner lang talaga ang habol niya, then it's ok. but if he has other intentions, better think it over. i agree with luis. don't let someone treat you like a toy na binabalikan lang kung kelan niya gusto. you're way better than that. ika nga ni miranda ng sex and the city -- "i love me more". :)

on another note, na-bother ako nung long distance relationship. friend, malalagay ako sa ganito soon and i need help. abangan ang next post ko. :|

Gram Math said...

oi congrats! happy ka na sa valentines day, xur na yan!

Luis Batchoy said...

tama si pao... dapat maki linya ka tulad ni miss marquez. Sabi nya, you can fool me once, you ca fool me twice, and you can even fool me thrice, but you can never fool me Four! Hehehehehe
Seriously... this guy is BS bigtime! That's why he is treating you shabbily because he knows you will always be there for him. What CRAP! I think you know what to do and what's best, kasi, sabi din ulit ni Miss Marquez, you're not a kid anymore, you are a grown up man anymore!

Jinjiruks said...

anu ba yan. gaya gaya. ako rin three times na ring susubukan ulit na kukuha ng bato na ihahampas ng sobrang lakas sa ulo hanggang sa mawalan ng malay.

tama si pao.

"dont let someone be ur priority while your only an option to him"

Yas Jayson said...

sabi nga ni pareng anselmo, love has its reasons which reason it self does not know.


o kay hiwaga nga naman ng pag-ibig. LOL

dumaan sa di malamamang pagkakataon.

mabuhay! haha

Aris said...

mga friends, di muna ako sumagot sa mga comments n'yo kasi may karugtong ang kuwento pero nakikinig ako sa mga sinabi n'yo at nagpapasalamat. :)

gram math and yas.tolentino, welcome to my blog. salamat sa pagbabasa at pagko-comment. sana pasyalan n'yo ako lagi. :)

Luis Batchoy said...

may pabitin effect talaga eh no? Asan ang pista?

Looking For The Source said...

hay naku.

masyado kang nadadala ng feelings mo.

go for the date. but dont go for anything else. baka masaktan ka uli.

Aris said...

@looking for the source: oo nga, kailangan rendahan ang puso. kailangan maging in control. whatever happens, i promise not to hurt myself. :)

Looking For The Source said...

that's the spirit!

you go gurl! este boy! este gay! ah basta! you go! hahaha

Looking For The Source said...

eto ang song ko para sau!

""This is the long goodbye
Somebody tell me why
Two lovers in love can't make it
Just what kind of love keeps breaking a heart?
No matter how hard I try
You're gonna make me cry
Come on, baby, it's over, let's face it
All that's happening here is a long goodbye""

Aris said...

@looking for the source: perfect. kaya lang, heart-wrenching naman!

Looking For The Source said...

heart wrenching that is...

pero i just see it that way eh...

he he. well. basta! dont fall for anything!

Aris said...

@looking for the source: i promise, my friend. sana maging matatag ako. choz! :)

Luis Batchoy said...

ais online ka ba at this very hour? ym nga add mo ko batchoyrepublic

Aris said...

@luis batchoy: nagkasalisi tayo. ala rin akong ym. :)

Kokoi said...

agree ako dito kay pao at kay batchoy. pero lam mo friend, my ex din akong ganito. pag nakita ko siya or pag nagtext e kinakabahan din ako. lumalakas pintig ng puso ko. antagal din bago ako nakamove on... :)