Nagsimula akong maghanda sa pagluluto na puno ng antisipasyon sa kanyang pagdating.
“Darating ako nang maaga. Tutulungan kita,” ang pangako niya. At kahit ayokong umasa, naroroon ang pananabik na muli siyang makita at makasama.
Naalala ko noong una kaming magluto. Gusto niyang ipatikim sa akin ang specialty niya. Beef Caldereta. Tinulungan ko siya sa paghahanda pero siya ang nagtimpla. Nag-uumapaw ang pagmamahal namin noon sa isa’t isa. Pagmamahal na naisahog namin sa pagluluto kaya naging napakasarap ng kalderetang iyon. Malinamnam ang sarsa at tamang-tama sa anghang. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malimot-limutan ang lasa.
Napapitlag ako nang tumunog ang doorbell.
Tumayo ako at humakbang patungo sa pinto. Dama ko ang magkahalong kaba at pananabik.
Pinihit ko ang seradura. At pagbukas ng pinto, tumambad siya sa akin.
Si C.
He still has that fresh, innocent face with big, bright eyes and that boyish smile.
“Hi,” ang bati niya.
“Hi,” ang bati ko rin. Hindi maikakaila ng ngiti ko ang labis na kasiyahan sa muli naming pagkikita.
Napansin ko ang bitbit niyang paperbag na kaagad niyang iniabot sa akin. “For you,” ang sabi.
“Thank you. Come in.”
Pagkalapat ng pinto, kaagad niya akong niyakap. Mahigpit.
Yumakap din ako sa kanya. Napapikit ako sa pamilyar na pandama ng kanyang katawan.
Parang saglit na tumigil ang mundo habang magkayakap kami.
Para akong nakalimot hanggang sa magbitiw kami.
“Open it,” ang sabi niya na ang tinutukoy ay ang bigay niya sa akin.
Binuksan ko ang paperbag. Laman nito ang isang CD at isang Teddy Bear.
“Happy Valentine,” ang bati niya sa akin, nakangiti. “Songs I burned for you. And a boyfriend for Pumpkin.”
Napangiti ako. Si Pumpkin ay ang Teddy Bear na regalo niya sa akin noon.
“Do you still have him?” ang tanong niya.
“Oo naman. Nasa Cabinet.” Hindi ko na dinugtungan na niyayakap ko pa rin si Pumpkin kapag nalulungkot ako.
“So, what do we call his boyfriend?” ang tanong niya.
“I don’t know…”
“Let’s call him... Munchkin. You like it?”
“Yeah…sure.”
Habang nag-uusap kami, at the back of my mind andun yung: “Uy, parang kami pa rin. Parang hindi kami nagkahiwalay. Parang hindi kami nagkasakitan in the past.”
Nagtungo kami sa kusina.
“So, what are we cooking?” ang tanong niya.
“Thai,” ang sagot ko.
“Hmm… yummy.”
I was preparing fish cakes, stuffed pechay, garlic prawns in hot sauce, tofu soup and bagoong rice with green mango strips.
“Ang dami naman yata ng lulutuin mo,” ang sabi niya pagkakita sa mga ingredients na nasa mesa.
“Andiyan ka naman eh,” ang sabi ko, nakangiti.
“So, how can I help?” ang tanong niya.
“Bago ka tumulong, magpalit ka muna,” ang sabi ko. “Pasok ka sa kuwarto ko. Find something comfortable. Bahala ka na.”
“Ok,” ang sagot niya at pumasok na siya sa kuwarto ko. Ilang sandali pa lumabas siya na suot ang T-shirt at shorts ko. I have always liked the way he looked in house clothes.
Naalala ko yung mga time na nasa bahay lang kaming dalawa. Ganitong-ganito ang itsura niya habang nagre-relax kami o nagliligpit siya ng kuwarto at nag-aayos ng mga damit sa cabinet. Noong mga panahon na iyon, laging malinis at maayos ang kuwarto ko. I brushed aside the memory of our happy times together.
“I’m ready…” ang sabi niya.
I showed him how to roll the filling – a mixture of ground pork, smoked fish, garlic and onions – in pechay leaves. These rolls are to be arranged in a pot and boiled in coconut milk with chili.
Noong una, medyo hirap siya dahil bumubuka ang dahon ng pechay pero kinalaunan nakuha niya rin ang trick na parang nagbabalot lang ng lumpia.
Ako naman, sinimulan ko nang timplahin ang hinimay na isda sa herbs at spices.
“Wait,” ang sabi niya. Sandali siyang tumigil sa kanyang ginagawa na parang may naalala. “I think we should have some music.”
“Good idea,” ang sabi ko.
“Let's listen to the songs I burned for you.”
Isinalang ko ang CD niya sa player. Nagsimulang tumugtog ang "Maybe This Time".
“Love songs?” I was expecting to hear dance music. He never was this senti noong kami pa. Wala rin akong maalalang pagkakataon noon na nakinig kaming dalawa sa love songs. I even had the impression noon na nakokornihan siya sa ganitong mga kanta.
“Para maiba naman,” ang sagot niya.
Pilit kong iwinawaksi ang pagbibigay kahulugan sa mga lyrics ng kantang pinapakinig niya sa akin.
I looked at him. Nakatingin din siya sa akin with his big, bright eyes. Mga matang napaka-expressive na capable maglarawan ng emosyon at magpahayag ng damdamin. Sapat na ang mga titig niya upang ako ay manghina at mabalisa.
Nagbaba ako ng paningin. Nagkunwari akong busy sa aking ginagawa.
Kahit hindi ko nakikita, nararamdaman kong patingin-tingin siya sa akin.
Matagal kaming walang imikan habang gumagawa.
Natapos ang kanta. Kasunod na tumugtog ang “If Ever You're In My Arms Again” na, pakiramdam ko, higit na makahulugan kaysa sa nauna.
Hindi ko naiwasang mapatingin uli sa kanya.
At nagsalita na siya.
“Marami akong gustong sabihin sa’yo but I can’t seem to find the right words.”
Nanatili akong nakatingin sa kanya. His eyes were piercing. Nararamdaman ko ang pagtagos hanggang sa aking puso.
“Mahal pa rin kita. Lagi kitang naaalala at naiisip," ang sabi niya. "Hindi na siguro kita magagawang burahin sa isip at puso ko kahit kailan. Sayang, binalewala ko ang mga pagkakataon noon to make our relationship work. Gusto kong mag-sorry sa mga pagkakamali ko… for not valuing you enough… for hurting you twice over...”
“Huwag kang mag-sorry,” ang sagot ko. “May mga pagkakamali rin ako. Hindi ako naging understanding at forgiving.”
“Pasaway kasi ako noon. Impulsive. Reckless.”
“Naiintindihan ko na ngayon.”
“Pasensya ka na, naging mahina ako. Nagpadala ako sa impluwensiya ng mga kaibigan ko at sa tukso.”
"Bata ka pa kasi noon."
"Gusto kong bumawi ngayon."
Katahimikan.
"Do you think we can still make things work if we give it another try?" ang tanong niya pagkaraan.
Nangapa ako ng isasagot.
14 comments:
hassle! hanging!
ingat ka lang lagi Aris ;-) yoko sirain ang moment pero yoko din na ang next title ng post mo 'Hanggang Sa muling Pagluha'
Kailangan pa bang imemorize yan? The vicious cycles we get into, indeed. Remember though that he has a boyfriend right now. I still say, its a doormat thing! Oh and the bagoong rice is a favorite! Potah ginutom ko. makahanap nga ng masarap na thai resto dito sa iloilo. Nyak nyak nyak!
hehe. minsan nagiging tanga talaga tayo when it comes to that. recently nga lang dba. kahit ilang beses na akong tinapon ako eto sige pa rin. pero natuto na rin ako. tama na siguro. pero ayan ka na naman aris. be sure to take "calculated risk" nga lang sa pagpasok ulit sa relasyon.
how true.. ;p
Medyo resilient talaga ang puso sa mga past mistakes...sometimes maybe too resilient.
Still, not saying you should shut down your doors completely. haha.
I guess some old flames never die. Especially the ones that seem great except for some reasons that they never work out. More often than not they leave burning coals that's vulnerable to future reawakening.
Nice trilogy of a story. Where's the prelude? Looking forward to the next one. hehe. :)
ay bitin!!!
aris, turo mo nman sa kin ung stuffed pechay, puhleassseee!
alam mo bang sa tuwing nababasa ako ng post mo, nagkakaroon ako ng pagkakataon na maniwalang totoong may tunay na pag-ibig....?! kahit panandalian lang.....
kakabitin ka naman friend. hmmm..somehow, this entry spoke to me like an old pedler begging for water. natunaw heart ko. maybe because i'm in a relative situation. may iiwan ako, at ikaw naman, may bumabalik sayo. anyway, mukha naman siyang serious, with the teddy bear, cd and all. let's give it to him for being honest to you about his past mistakes and his desire to give the relationship another chance. but i think at this moment, it is you who should be asking him the questions. kung kaya ka ba niyang panindigan muli? kung kaya na ba niyang dalhin ang relasyon? there's also a possibility na maging rebound ka. give some time to test his sincerity. :)
Kilig kilig naman ako. Hanging siya, pero alam ko, isusulat mo rin ang mga nangyari. :)
lalaki ba sya? didnt notice that in your first post on this series.
aris hihiramin ko muna yang pumpkin/munchkin na yan. tawagan namin ngayon ng prospect ko. ahehe.
grabe napakahabang kwento pero mukhang masaya ka naman na maganda ang takbo ng lablayp mo. Godbless sa inyo!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
friend, kinilig ako tapos naalala ko ex ko. para sa akin nakakaiyak 'tong entry mo na to pero ang sarap ng feeling.
Post a Comment