Wednesday, February 25, 2009

Hangganan

Inilagay ko ang hinimay na isda at ang mga sahog sa blender. Ang ingay na likha ng blender ay nagsilbing excuse upang hindi ko muna sagutin ang tanong ni C.

“Kung susubukan nating muli, magiging successful na kaya ang relationship natin?” ang ulit niya nang tumahimik ang blender.

“Dalawang beses na nating sinubukan…” ang tanging naisagot ko habang inililipat ang mixture sa bowl.

“Hindi na ba pwede sa ikatlong pagkakataon?”

“You are in a relationship, C. May boyfriend ka,” ang sabi ko.

Hindi siya sumagot.

Sinimulan kong hulmahin ang fish cake.

As if on cue, “Be My Number 2” played from his CD.

Won’t you be my number two
Me and number one are through
There won’t be too much to do
Just smile when I feel blue.


Makahulugan ang tingin niya sa akin.

Napagtanto ko na relevant ang kanta sa pag-uusap namin.

“Hiwalay na ba kayo ng boyfriend mo?” ang tanong ko.

“Hindi.”

“I cannot be number two,” ang sabi ko.

“Number one ka pa rin sa puso ko,” ang sagot niya.

“Mahal mo ba siya?”

“Oo.”

“Siya ang dapat maging number one sa puso mo. At hindi ka rin dapat magkaroon ng number two.”

“Pero mas mahal kita kaysa sa kanya.”

“Hindi mo siya dapat saktan kung mahal mo siya. At sa tanong mo kung this time, magiging successful na tayo… ang sagot ay lalong hindi.”

“Akala ko ba… mahal mo pa rin ako?”

“Huwag mong gawing kumplikado ang buhay mo.”

“I just want to make it up to you.”

“Lalo mo lang akong sasaktan.”

“Mamahalin kita at hindi sasaktan.”

“Masasaktan siya kung mamahalin mo ako.”

“Hindi siya masasaktan dahil mamahalin ko rin siya.”

“Ayokong makihati sa kanya.”

“Buo pa rin ang pagmamahal ko sa’yo.”

“Bawas na dahil mahal mo rin siya.”

“Maaari akong magmahal nang sabay.”

“Hindi ka maaaring magmahal nang pantay.”

Tumayo ako at hinagilap ko ang kinudkod na niyog. Nagpiga ako ng gata na parang nagpipiga ng konting pagpapahalaga para sa aking sarili.

Pagkatapos kong maitabi ang kakang gata, piniga kong muli ang niyog sa ikalawang pagkakataon. Hindi na puro ang nakatas kong gata. Parang pagmamahal na inaalok sa akin ni C, malabnaw na.

Sinala ko ang gata na parang nagsasala ng mali at tama sa aking kalooban.

Ibinuhos ko ang gata sa mga rolyo ng pechay sa kaldero. Binudburan ko ng sili at isinalang sa mahinang apoy. Hinintay kong kumulo bago ko inilagay ang kakang gata. Kung wala ang kakang gata, hindi magiging malinamnam.

Parang pag-ibig. Kung wala ang katapatan, hindi magiging ganap ang kaligayahan.

Pinatay ko ang apoy bago makulta ang niluluto ko.

Iyon na ang hangganan.

17 comments:

. said...

Ang galing ng metaphor ah! Hehehe. :)

Kahit noong nasasadlak sa krisis ang relasyon ko, hindi ko binalak magkaroon ng pangalawa. Nagawa ko yun noon, sa hinaharap ay gagawin ko ulit.

joelmcvie said...

Dapat sinagot mo na lang siya ng, "Cooking ng ina mo!" LOL =)

Luis Batchoy said...

AY! ANG GANDANG POETIC IMAGE! KAKANG GATA! I SWEAR NA INSPIRE AKO! PAHINTULUTAN MONG GAWAN KO NG TULA TO! GIVE ME A NIGHT> POPOST KO SA BLOG KO!

IM PROUD OF YOU ARIS!

MkSurf8 said...

galing nito! at ang galing mo't tinapos mo rin. congrats!

habang binabasa ko to naalala ko yung "Like water for Chocolate". i wonder ano lasa ng niluto mo

word verif: pecho

may chicken ba sa recipe? ;-)

Aris said...

@mugen: coming from you, isang malaking bagay ang papuri mo sa aking panulat. isa ka sa malabis kong hinahangaan sa pagsusulat. maraming salamat. :)

@joelmcvie: i should have said that!

*hugs* :)

@luis batchoy: isang malaking karangalan! aabangan ko yan.

flattered naman ako na gagawan mo ng tula ang "kakang-gata" ko.

i am not worthy! :)

@mksurf8: salamat, my friend. nakakataba naman ng puso.

unlike tita's wedding cake, hindi naman naiyak sa luto ko ang mga bisita ko hehe!

ang ganda ng word verif. how appropriate.

gusto ko mang magluto ng manok, iniiwasan ko. nagkaka-allergy kasi ako. :)

Anonymous said...

“Ayokong makihati sa kanya.”

-- very good point friend! i'm glad you ended it in a non-condemning way. fair at concern ka pa rin sa kapakanan niya kahit papano. for me, that's a measure of strength. :)

at mukhang masarap yung niluto mo. patikim naman! hehe...

*hugs*

Mac Callister said...

mahirap nga yan.kahit mahal ka niya pero di pa din sapat dapat ika wlang at kaya niya iwan yun isa for you.at tama ka din na ayw mo makasakit ng iba.

you deserves someone na ikaw lang la number two

Gram Math said...

nice love story. kinilig ako. hehehe

Aris said...

@pao pielago: pinilit ko talagang magpaka-strong kasi ayokong mawalan ng pagpapahalaga sa sarili ko.

sure, basta ikaw, friend. ipagluluto kita hehe.

*hugs* :)

@mac callister: mahirap pumasok sa magulong sitwasyon. mas madali na ang umiwas. hindi ka na masasaktan. hindi ka pa makakasakit. :)

@gram math: medyo sad nga lang ang kinauwian hehe. :)

Anonymous said...

ganda nito!
mahirap talaga ang meorn kahati. good luck Aris

Jinjiruks said...

parang nanonood lang ako ng pelikula ah. parang Isabella na nagluluto kasabay ng drama. pero tama ka. hindi posibleng magmahal ng sabay ang isang tao. kailangang may i-scarifice to gain another. ang drama ng entry na ito.

escape said...

hirap nga nun. pwede bang dalawa ang number one.

pusangkalye said...

hmmm----ang kulit naman ng kantang yan? at the end of the day---C has to choose. uo---pwede tayo magmahal ng 2 o higit pa na tao pero pagdating sa commitment isa lang. maybe she is still confused kung sinu ba dapat---but eventually she needs to choose and when she decide to choose the other, don't settle for anything less---not even number two---nakiaalam no? sowi---keke

Aris said...

@chuck suarez: kapag may kahati, lagi kang maghahanap ng pampuno sa kakulangan.

salamat, friend. :)

@jinjiruks: ang buhay talaga ay parang isang telenovela. ang pagiging makulay ay nasa drama hehe! :)

@the dong: naalala ko yung kantang "sana dalawa ang puso ko." hirap nun. para kang laging nagpa-palpitate kasi dalawa ang sabay na tumitibok hehe! :)

@pusang-gala: i agree with you. higit na malalim ang commitment. hindi lang pagmamahal ang involved kundi pati responsibilidad. salamat sa comment. :)

Kokoi said...

lam mo friend, galing ng gnwa mo. bilib ako sayo.

two thumbs up ako sayu.

d('.')b

penge naman ng kumpletong list ng mga kanta sa cd na binigay ni C. hehehe

Yj said...

kelan ba mapapa-publish ang mga post mo?

invite mo ako sa book launching ha.... hehehehe

The Golden Man from Manila said...

Dati sabi ko sa sarili ko... Maari din ako magmahal ng pantay.

Hindi tutoo yan. at tama ka.

I learned it the hard way.