No, hindi dumating si James noong Sabado.
Tinitext siya ni A. Hindi sumasagot.
Ang excitement at anticipation ko, nauwi sa matinding disappointment. Gustong-gusto ko pa naman siyang makita.
Pinangarap ko siya buong linggo. Pero wala talaga, kahit paramdam.
Bagong gupit pa naman ako. (Yes, Pao, ginaya kita at sinunod ko ang beauty tip mo!) Sabi ng bestfriend ko, ang ganda ko raw (pagbigyan n'yo na ako please!) pero dahil wala si James, ang pangit ng pakiramdam ko.
Napagbalingan ko ang Strong Ice. At ako ay nagkunwari sa harap ng aking mga kaibigan. Nagkunwari akong masaya. Itinago ko ang aking pagkabigo.
Nalasing ako pero nasa katinuan pa rin naman. Kaya pagpasok sa Bed, aware pa rin ako sa aking kapaligiran.
Nalasing din si H. Naghubad at nakipag-sexy dance sa akin. Walang malisya, katuwaan lang. Pilit niyang tinatanggal ang aking damit pero nag-resist ako. Mataba kasi ako ngayon. (Kelan ba ako huling naghubad sa Bed? Matagal na. Isang gabi iyon na pulos nakahubad ang nagsasayaw sa ledge. Bawal ang naka-damit. Pag-akyat ko, hinubaran nila ako.)
Speaking of ledge-dancing, umakyat kami ni H sa square table na patungan ng drinks. Doon kami nagsayaw. May friend siya (na noon ko lang nakilala) na nag-join sa amin. Nagkaroon ng malisya ang sexy dance namin ng friend niya. Ang holding hands ay nauwi sa paggapang ng mga kamay sa kung saan-saan. I had to detach.
I joined my other friends. At dahil panay din ang inom nila, medyo naging rowdy kami. Naka-imbento kami ng game. Mahirap i-explain, pero may accidental kissing and crotch grabbing. Nakakapikon pero nakakatuwa, parang laro ng mga salbaheng bata.
Nagkabanggaan kami ng isang tao na kinabaliwan ko dati. Mr. Right pa nga ang codename ko sa kanya noon. Nagkatinginan kami pero hindi nagbatian. Hindi ko alam kung nagkahiyaan lang kami kasi wala naman talaga kaming pinag-awayan. Very attractive pa rin siya. Pero si Mr. Wrong na siya para sa akin ngayon. (Oh well, that’s another story!)
Nagkita rin nga pala kami ni McVie. I hugged him kasi antagal ko na siyang hindi nakikita. I asked him kung sino ang kasama niya. Ang sagot niya: si Lord! (Friend, nakakaloka ka!)
Later on, three of my friends got connected. Magkakabarkada ang naka-connect nila. Ibinuyo sa akin ang isa pang kabarkada. Para nga naman mas masaya, di ba? (Ok, jumoin ako pero, for the record, hindi ako nakipaghalikan.)
Pakiramdam ko nagpapatianod lang ako nang gabing iyon. Pinipilit kong maging masaya at magmukhang masaya. In denial ako sa lungkot habang sinasabayan ko ang “Just Fine”.
I skipped breakfast. Maaga akong umuwi.
Nakapag-desisyon na ako.
Magpapahinga muna ako sa party scene.
Nakakapagod na kasi. Hindi lang physically. Kundi emotionally.
Nakakasawa na rin. Parang pare-pareho na lang ang nangyayari.
Masaya pa rin naman kaya lang parang nawala na ang dating excitement.
Aayusin ko muna ang sarili ko. Gusto kong maging worthy sa mamahalin ko at magmamahal din sa akin.
13 comments:
Basta sayaw sayaw lang ang lahat ng ka-bullshitan ng mundo. Dalawang buwan lang ako tumigil, ngayon balik ulit. Hahaha.
ramdam ko nga ang pagod sa post na itoh....
nakakasira ng buhay ang BED. joke. ok lang aris. dba sabi ko nman sa iyo umiwas ka na sa mga lugar na nagpapahamak sa iyo.
hala. san na kaya si james? umasa pa naman ako na magkikita kayo ulit.
wag ka muna tumigil. di man lang tayo nagkita pa sa BED. hehe
sayang wala na si james.
siya pa naman ang mr.dreamboy mo
Actually the reason why matagal akong hindi nag-Bed ay dahil gusto kong mas madalang ang appearance ko doon. Kasi kahit na ba nawala ako, pagbalik ko ay parang walang nagbago. Bokya ako that night at umuwi pa rin ako na mag-isa, hahaha.
ayos lang yan kapatid. maganda naman ang buhok mo! kebs ba kung kasehodang magpaka-patapon ka, basta maganda ka pa rin, yung ang importante. :)
maiba tayo..may balak pa naman akong pumunta ng bed this saturday with a friend (pero kailangan ko muna ng blessing ni hubby). saka ka naman mawawala sa party scene. tagal na kasi akong hindi nakapunta dun...last time kung pumunta ng malate, nag-inuman lang kami ni mcvie sa o-bar. hehe...
Okay lang yan friend. Wag mo na pagaksayahan ng panahon si J, baka isipin pa nya importante sya. Tse! Hehehe =)
P.S. Di pa ako nakakapunta ng BED. Hehehe =)
@mugen: baka dalawang buwan din lang ang itagal ko hahaha!
@yj: pahinga lang. recharge muna. :)
@jinjiruks: iwas iwas muna sa kapahamakan hehe! :)
@kokoi: somewhere down the road...
our paths are gonna cross again.
ay, kanta yata yun! :)
@mksurf8: magkikita rin tayo dun. in time. :)
@chuck suarez: umaasa pa rin ako na pagtatagpuin uli kami sa tamang panahon. ay, andrama hehe! :)
@joelmcvie: feeling ko nasobrahan na rin ako sa bed. nawala na ang excitement. bokya rin ako nang gabing iyon hehe! :)
@pao pielago: ay sayang naman, friend. di bale may iba pa namang pagkakataon. isama mo na rin si hubby. :)
@jet'aime: punta ka, friend. masaya, promise. nasobrahan lang ako kaya pahinga muna. pero magbabalik din hehe! :)
ano ba kasi meron jan sa BED na yan. Senxa na promdi eh...hehehehe,,, pag nagmanila ako dalhin mo ko jan ha, aris?
@luis batchoy: siguradong mag-e-enjoy ka hehe! oo bah! :)
parang alam mo kung ano ang magpapaenjoy sa akin ah! Hehehehe! Tingnan natin!
Post a Comment