Monday, February 9, 2009

Hanggang Saan

“Mag-dinner tayo sa Valentine.”

Hindi ako makasagot sa text ni C.

Ginawan ko na kasi ng paraan ang Valentine’s Day. Nakapag-imbita na ako ng ilang single friends sa bahay for dinner. Magluluto ako.

“Sorry, I can’t…” Medyo natagalan akong mag-reply.

“May date ka na?” ang tanong niya.

“Wala.”

“Then why?”

“May dinner ako sa bahay with friends,” ang sagot ko.

“I see.”

Alam niya na mahilig akong magluto. Noong kami pa, every Thursday (rest day niya sa work), ipinaghahanda ko ng hapunan sa bahay ang mga friends ko. Tinutulungan niya akong magluto. Isa iyon sa masasayang bonding moments namin ni C.

Kumportable siya sa mga kaibigan ko and they liked him. Kaya nung naghiwalay kami, nalungkot din sila. At nahinto ang weekly dinner namin. Para akong nawalan ng inspirasyon sa pagluluto.

“Why don’t you come over and join us?” ang biglaang imbita ko.

“Gusto ko sana tayong dalawa lang. Para romantic.”

Na-take note ko ang word na “romantic”. Bakit kailangang maging romantic ang aming pagkikita? Gusto ko ang romantic date – in fact, wini-wish ko ito – pero parang make-believe lang ang mangyayari sa amin kasi nga may boyfriend siya.

“Bakit naman?”

“Valentine, di ba?”

Gusto kong sabihin, bakit hindi kayo ng boyfriend mo ang mag-date sa Valentine? Puntahan mo siya sa Cebu o kaya puntahan ka niya sa Manila. Isang oras lang naman by plane. Yun ang romantic.

“Matutuwa sina GN kung pupunta ka. Matagal ka na nilang kinukumusta,” ang paglalayo ko sa tinutumbok ng aming text-conversation.

“Sinu-sino ang pupunta?”

“Yung dating Thursday group, remember?”

“Yeah. Kaka-miss din yun.”

Uy, nostalgia! Siguro naisip niya rin yung magkatulong kaming nagluluto… yung masayang conversation habang kumakain. Siguro naaalala niya rin yung movietime namin after dinner na kung saan we would all be watching my DVD pick for the week habang nakasandal siya sa akin at yakap-yakap ko siya. (Favorite niya pa rin kaya ang “Bishonen”?)

“Nami-miss ko na ang magluto,” ang text ko.

“Nami-miss ko na ang luto mo,” ang text niya.

“Really?”

“Pero mas miss ko ang chef.”

Napangiti ako pero may pumipigil sa akin na paniwalaan siya nang buong-buo.

“So are you coming?” ang tanong ko.

It took a while bago siya sumagot. Medyo na-suspense ako.

“Yup. I will be there,” ang tugon niya.

“Great.”

“Darating ako nang maaga. Tutulungan kitang magluto.”

“You don’t have to.”

“I want to.”

“Just like old times?”

“Just like old times.”

I wondered, hanggang saan hahantong ang muli naming pagkikitang ito?

My heart, be still…

16 comments:

Anonymous said...

abangan ang susunod na kabanata...

good luck sa uli niyong pagkikita

Dabo said...

wow. he misses you terribly. alam mo yung kanta ng Vertical Horizon na Best I've Ever Had..

You really made a footprint in him. Masarap ka siguro magmahal?





may kurot bigla dito sa akin. :(

Anonymous said...

somehow, na-excite ako. huwaat? hehehe...wag mo akong pansinin friend. ang importante, dapat kontrolado mo pa rin ang sitwasyon. you call the shots. wag mo siyang hayaang pasunurin na on your knees. this dinner will be a test on how things will go between you and him. :)

Luis Batchoy said...

alam mo na ang kahahantungan I guess. Mag sesex kayo, magkakabalikan, then me mahahanap nanaman siyang iba, at iiwanan ka ulit.

peripheralviews said...

aaaawwwww....

sana for the better...

happy valentines po!

escape said...

kakatuwa. galing mo palang magsulat ng kuwento.

good luck sa date sa kanya (kahit sa pagluluto nyo lang) at sa barkada. walang wala ako pagdating sa pagluluto.

kwento mo na lang kung anong mangayayari.

A.Dimaano said...

Isa lang masasabi ko friend, be in control. Yun lang =)

punky said...

enjoy basahin post mo! kwento ka ulit sa pagtatagpo ulit ninyo! hehehe!

Yj said...

teh.... huwag mong lagyan ng pagmamahal ang pagluluto mo this time... tignan lang natin ang outcome hehehehehe

enjoy balentayms....

Anonymous said...

cute.may alternative title ako dito (dunung-dunungan lang.hehe) ..Just Like the Old Times.

puro initials naman pero this story is simple yet sweet.sometimes, we really have to let go of the people we love.

patugtugin nyo yung song ni gwen stefanie while cooking, 'Cool.'

Aris said...

@chuck suarez: ako mismo, nag-aabang hehe! salamat, friend. :)

@dabo: masarap lang sigurong magluto. pero hindi ang magmahal hehe! :)

may kurot din sa puso ko kapag naaalala ko ang nakaraan...

@pao pielago: nakaka-excite nga, friend, pero parang kinakabahan din ako. :)

@luis batchoy: waaaah!

@peripheralviews: happy valentine din po. thanks a lot for dropping by. :)

@the dong: salamat. nakakataba naman ng puso ang comment mo. :)

@mr. scheez: friend, i promise, magiging in control ako. uy, balik sa dating screen name. :)

@punky: ikukuwento ko ang susunod na kabanata, pramis. salamat sa pagbisita. :)

@yj: mahirap yun, teh, lalo na katabi ko siya. nai-imagine ko na nga ang mga eksena nina claudine at aga sa "kailangan kita". happy balentayms din sa inyo ni nj. eherm! :)

@flamindevil: hello. welcome to my blog. uy, maganda ang naisip mong title. good idea din ang "cool" backround music. salamat sa pagbisita. pasyal ka uli ha? :)

Looking For The Source said...

hmmm...


gusto ko matikman luto mo! hahaha

Aris said...

@looking for the source: sure hehe! :)

Anonymous said...

oi aris inadd kita sa blogroll ko hehehe! la lang tuwang-tuwa kami ng friend kong si herson sa mga posts mo to the point na seryoso na namin itong pinag-uusapan. btw... kung mahal mo ang isang tao GO FOR IT. ganyan naman talaga ang LIFE diba... masasaktan at masasaktan ka pero kung may tyaga may nilaga. malay mo sa huli kayo pala talaga diba? hehehe!

Aris said...

@dilanmuli: thank you. ikaw rin, nasa blogroll ko na. natutuwa ako na nag-i-enjoy kayo ni herson sa pagbabasa. give my regards to him. i agree with you, minsan bago mo talaga makamit ang isang bagay, maraming hirap ang kailangang pagdaanan hehe! ingatz. :)

Kokoi said...

talgang abangan ang susunud na kabanata hehe... kakaexcite naman itu!