Thursday, March 19, 2009

Friends And Lovers

Late na nga ako sa napag-usapang oras, ako pa rin ang naunang dumating sa tagpuan. May usapan kami ni AC na magkikita nang maaga. Si AC ang bestfriend ko at katulad ng ipinangako niya sa akin, join siya sa gimik ng barkada ngayong gabi.

Bihira na naming makasama si AC dahil mula nang magka-jowa, umiwas na siya sa anumang maaaring makasira sa kanilang relasyon. Nilayuan niya na ang Malate na mistulang isang pugad ng tukso. Ang kaso, ang bestfriend niya ay isang dakilang temptress (choz!) kaya natukso ko siya ngayong gabi. Masaya ako na katulad ng dati, makakasama namin siya.

Habang umiinom ng una kong bote, pinagte-text ko ang mga kaibigan ko.

“And2 na me. Wer na u?” (Joke. Hindi ako ganito mag-text hehe!)

Kaagad naman silang nag-reply na papunta na.

Isang text ang pumasok na hindi reply dahil hindi siya kasama sa mga tinext ko.

“Malate tonite? Am on my way. San ka?” Si James.

“Here na,” ang reply ko sans any emotion.

“See you.”

“Ok.”

Ilang sandali pa, humahangos na dumating si AC. Napansin ko kaagad how fashionable his outfit was.

“You’re late,” I snapped at him jokingly. I didn’t really mind kung late siya. Ang importante, dumating siya.

“Sorry. Sorry,” ang sabi niya.

“You owe me a beer.”

“You bribed me with beer kaya ako pumunta.”

Beso-beso.

“You look great. I love your outfit.”

“Thanks. You look great yourself.”

Nakaramdam ako hindi lamang ng saya kundi ng sigla sa pagdating ni AC. Miss ko na siyang makasama. Nanumbalik sa aking alaala ang mga escapades namin sa Malate noong single pa siya.

Over bottles of beer, nagsimula kaming magkuwentuhan.

Si James ang inaasahan niyang pag-uusapan namin. Nitong mga nakaraang araw, ilang beses ko rin siyang ginulo sa telepono para lang mag-share tungkol kay James.

"Ayaw ko na siyang pag-usapan," ang sabi ko.

“Bakit?” ang tanong niya.

“I’m over him,” ang sagot ko.

He shrugged his shoulders. Alam na ni AC na mabilis akong bumawi. Baliw man ako sa una, kaagad akong nakababalik sa katinuan.

And we moved on to other topics.

***

Isa-isa nang nagdatingan ang lahat. Everybody was smiling and looking good. Aba, ang dami namin nang gabing iyon. Almost complete maliban kay AX na nalipat ng shift sa call center at kay H na nagmamaganda pa rin at ayaw makasama ang nakaaway na si A. Dumating si A na kasama ang bagong jowa (na pipi yata at hindi nagsasalita; no good housekeeping seal for this one). In the company of my friends, higit akong sumigla. Umaatikabong kwentuhan, lokohan, tawanan, harutan. Good mood lahat at masaya. Buhay na buhay ang barkada.

Ibinuking ni James si M na may jowa na! Inulan ng kantiyaw si M. Bilang ganti, ibinuking din ni M si James na nakipag-date kay Arvie sa Gateway!

“Di ba may jowa si Arvie?” ang tanong ni AC kay M.

“Willing maging number 2 si James. At saka babalik na sa Australia yung jowa ni Arvie,” ang sagot ni M.

Akala ko ba he is not into games at pang-seryosohan siya?

If ever may naramdaman ako nang mga sandaling iyon, disappointment. Mali yata ang naging pagkakakilala ko kay James.

Nagkatinginan na lang kami ni AC.

Que ver.

***

We trooped to the club. I was feeling great. I was feeling free.

We immediately got into the groove pagtapak namin sa dancefloor. We danced to “Poker Face”.

Pakiramdam ko, I was back to my old self. Masaya. Walang drama.

At dahil malaya ang pakiramdam, nagawa ko kaagad na umugnay sa isang napakagandang nilalang.

He looked mediterranean. Deep-set eyes. Long lashes. Thick eyebrows. Matangos na ilong. Luscious lips. Olive skin. At matipunong pangangatawan.

PJ ang kanyang pangalan and he is only 20.

Noong una’y medyo mahiyain pa siya. Akala ko nga hindi siya game. Sinayawan ko siya at nilandi-landi pero hindi siya tumitinag. Just when I was about to give up, bigla niya akong hinalikan sa lips.

Napangiti ako. Ngumiti rin siya. Nagtitigan ang aming mga mata. Niyakap ko siya. At yumakap din siya.

We shared long, lingering kisses. He was aggressive and I was hungry.

Ang sabi niya, it was his first time.

I believed him.

***

Natagpuan ko ang sarili ko na mag-isang umiinom sa Silya.

Kanina lang, kasama ko si PJ. Nag-uusap kami. I wanted to know him better kaya nagyaya akong lumabas. Ok naman siya kaya lang hindi siya masyadong masalita. Maya-maya, tinanong niya ako kung pwede na raw kaming bumalik sa Bed. Hinahanap na raw kasi siya ng mga friends niya.

Nagpaiwan ako. Wala lang, I just realized na kahit attracted ako kay PJ, ayoko na siyang i-pursue. Masyado siyang bata at parang kulang kami sa vibes.

I texted AC para magpasama. Pero hindi siya nagre-reply.

Patuloy ako sa pag-inom. Mag-a-alas-tres na yata nang umaga at punumpuno ng mga gimikero ang bar. Umiinom…nag-uusap… nagkakatuwaan. May kumakanta ng "I Don't Wanna Miss A Thing" sa videoke. I felt right at home.

Iginala ko ang aking paningin.

Natigilan ako sa aking nakita three tables away from me.

***

Pagkakita ko sa kanya, kaagad na nanumbalik ang mga sama ng loob na naranasan ko noong kami pa.

Si FR. My ex from way, way back.

Nandoon siya three tables away from me. At may kasama.

Pilit kong iwinaksi sa aking isipan ang hindi namin magandang nakaraan. Pilit kong sinupil ang anumang emosyon sa aking kalooban.

Pinagmasdan ko siya.

Hindi na siya kasinggwapo na katulad ng aking naaalala. Dati pa rin ang ayos ng buhok niya pero dumami na ang white hair niya. Maganda pa rin ang eyes niya pero may eyebags at dark circles na siya. Payat pa rin siya pero lumaki na ang tiyan niya.

Gusto ko na sanang umalis kaya lang walang ibang daan pabalik sa Bed. Kailangan kong dumaan sa tapat ng mesa niya.

Kailangan ko ng saklolo. Tinext ko uli si AC. No reply.

Nagsindi ako ng sigarilyo. At habang inuubos ko ang beer, nakapag-isip-isip ako. Bakit ko ba siya iiwasan? Ano ba ang dapat kong ikahiya? He has to see me because I feel so good about myself now.

Tumayo ako. Humakbang ako patungo sa kinaroroonan niya.

Bahagya akong tumigil pagtapat sa kanya. Napatingin siya. Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

Look at me now
The girl you once loved
Look at me now
Grown-up but sill in love... Nah!

Bago pa namin nagawang magbatian, nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang anuman.

“Aris…” ang tawag niya.

Para akong walang narinig. Ginandahan ko pa ang lakad ko.

***

Nasalubong ko si AC na papunta sa Silya. Huli na ang pag-rescue niya sa akin.

Pumasok na lang uli kami sa Bed.

May mga humabol sa gimik. Si H na lasing at wala na namang damit (slutty!). Si Ronnie na jowa ni M at first time kong nakilala (I like the guy, mukhang mabait). At si Arvie (na kasama na naman ang jowa niyang nawawala sa sarili).

Nakadikit na naman si James kay Arvie.

"Hot and Cold" played.

Nagsayaw na lang kami ni AC.

***

Nag-text si McVie: “Bed ka?”

“Yup. San ka?”

“Ledge!”

Umakyat ako sa ledge at doon nga, nakita ko si McVie.

Niyakap ko siya.

Kaagad niya akong ipinakilala sa mga kasama niya.

Joaqui.

Tristan.

Mugen.

Napa-Oh-my-God! ako. Mga bloggers na matagal ko nang gustong makilala nang personal!

Si Joaqui na bilib ako sa istilo sa pagsusulat. Isa siya sa pinakauna kong naging kaibigan sa blogging. Feeling close ako sa kanya kasi lagi siyang nagko-comment sa posts ko noong nagsisimula pa lang ako.

Si Tristan na matagal ko nang binabasa dahil sa kanyang madamdamin at matapat na panulat.

Si Mugen na malabis kong hinahangaan dahil ang bawat post niya ay mahusay at marikit na pagkakahabi ng mga salita. Itinuring ko na siyang kaibigan dahil damang-dama ko ang sincerity niya sa bawat palitan namin ng mensahe sa comment box.

Pinagyayakap ko sila nang mahigpit. Nag-uumapaw ako sa galak na finally ay nakita ko sila at nakilala.

“Tonight is bloggers’ night!” ang bulalas ni McVie.

Niyakap ko uli siya bilang pasasalamat sa paglalapit niya sa akin kina Joaqui, Tristan at Mugen.

Masayang-masaya ako at punumpuno ng sigla na nakipagsayaw sa kanila.

It was the perfect time sana para umulan ng confetti.

***

"Easy" was playing in my mind habang nagliliwanag ang paligid at naglalakad kaming magkakaakbay ng barkada papunta sa Silya.

Ang breakfast ay isang importanteng bahagi rin ng aming pagkikita-kita.

Naupo kami at umorder. I was feeling light and happy.

Ang lovebirds na sina M at Ronnie ang naging tampulan ng pansin habang nag-aalmusal. Sweet si Ronnie kaya pink na pink ang mga pisngi ni M sa mga kantiyaw namin.

Si L naman, panay ang pagpapa-cute sa friend ni JG na Paulo raw ang name. Sadly, hindi responsive si Paulo.

Si LW naman, hindi maka-get over sa natuklasan niya na bading din ang bradir ng kanyang ex. Nakita niya itong may ka-kissing sa Bed.

Si Arvie, nasa kabilang mesa at pinagkakape ang adik na jowa para mahimasmasan.

Si AC, panay ang text sa boyfriend niya. Guilty?

Si James na katabi ko, kausap nang kausap sa akin. Ayaw ko nang bigyan ng ibang kahulugan. Friends na lang kami, ok?

Umaga na at kahit walang tulog, up na up pa rin ako. Parang ayoko pang umuwi. Enjoy na enjoy ako sa piling ng mga kaibigan ko.

***

Kagigising ko lang nang tumunog ang cellphone ko. May text message ako.

Si James?!

Binasa ko ang text niya.

“Hi. I miss you.”

Nagulat ako. Biglang nawala ang antok ko.

Kaagad akong nag-reply.

“Hey. I miss you too.”

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Walang sagot.

Naglaro ang mga posibilidad sa isip ko.

Wala pa ring sagot.

Naghintay ako. Matagal.

Then it hit me.

It was a missent.

Aris
Arvie


Magkasunod ang pangalan namin sa phonebook niya.

Nagkamali lang siya ng pindot.

Damn.

28 comments:

Yj said...

Parang wala akong narinig. Ginandahan ko pa ang lakad.

Hahahahaha the best!!!

Pesteng Finals toh.... sayang na sayang... sana pumunta ako....

ang saya ng post mo mare... damang dama ko....

MkSurf8 said...

sabi ko na nga ba may kaibang twist sa dulo ng kwento mo. ;-)

pero wow! lahat ata ng taong pumupunta sa bed kilala mo.

Jinjiruks said...

nagsawa ako sa mga initials Aris pramis!

Tristan Tan said...

I was extremely to have finally met the Aris. Hi, ako si Tristan! ;)

Luis Batchoy said...

shet! Kainis... kainggit... sana andyan din ako... hehehehehe

. said...

Wow! Imagine mo nga naman. Ang laki laki ng mundo mo sa BED, na overwhelm tuloy ako sa entry mo. And imagine paano nag-krus ang landas natin noong gabing yun. Sana next time ulit. At sana sa muling magkita tayo, pramis, wala na akong lalaking makakasira sa ating bonding.

Aris said...

@yj: hindi pa ako naka-heels nyan hahaha!

pagkatapos ng finals, kailangan mong mag-unwind. hope to see you soon, mare. :)

@mksurf8: lagi na lang. kainis na noh? hehehe! :)

hindi naman. friendly lang and fun-loving. sana sa susunod, ikaw naman ma-meet ko. :)

@jinjiruks: pasensya na, kailangan kasing itago ang kanilang mga identity. baka sumikat hehehe! :)

@tristan tan: the pleasure is mine. masayang-masaya ako na finally nakilala na kita nang personal. hanggang sa muli. :)

@luis batchoy: oo nga, friend. lipad ka na uli papunta rito, dali! *hugs*

@mugen: i am looking forward sa muli nating pagkikita. ok lang kahit may date ka uli, pwede pa rin naman tayong mag-bonding hehe! ingat, friend. :)

Tristan Tan said...

Haha. Kulang pala ng "happy" ang comment ko, mabuti na lang bright ka Aris. Hehe. ;)

Kokoi said...

galing naman, bloggers night. punta nga ko Bed pag napasyal ako jan.

gusto yung inignore mo siya the ginandahan pa ang lakad. hehe. magawa ko nga minsan yun.

Aris said...

@tristan: lol! :)

@kokoi: friend, punta ka ha, promise? para makilala rin kita. :)

mataray ba ang pagrampa sa harap ng ex? hahaha! :)

Anonymous said...

"Nagsindi ako ng sigarilyo. At habang inuubos ko ang beer, nakapag-isip-isip ako. Bakit ko ba siya iiwasan? Ano ba ang dapat kong ikahiya? He has to see me because I feel so good about myself now."

-- dancing to the tune of "what a feeling...bein's believing...pictures come alive you can dance right through your life..."

hehehe...tama yan friend! ipa-mukha mo sa kanya na masaya ka!

i might go to bed this saturday. hehe. :)

Aris said...

@pao pielago: sana nga sinabayan ko ng flashdance hahaha!

ako rin. sana magkaroon tayo ng pagkakataong magkita, friend! :)

Kokoi said...

oo friend. gusto din kitang makilala. sasabihin ko sayo kapag punta kami maynila.

nga pala, me faceboook ka ba?

Anonymous said...

'Awww' on the missent. pero siyempre..

Que Ver

Aris said...

@kokoi: wait ko yan, friend. ako na lang yata ang walang facebook hehe! makagawa na nga. :)

@remo: move on na lang at maging positive sa sarili, di ba? thanks for dropping by. pasayal ka lagi ha? :)

Dabo said...

whew! what a night to remember!

so partida pa pala yan, hindi ka pa naka-heels. lol =)

Anonymous said...

sama naman ako minsan sa bed. hahaha. di pa ako nakakapunta dun, pramis.

bong a.

Luis Batchoy said...

aris i tagged you... enjoy

Anonymous said...

nagkikita-kita na pala kayo. kababasa ko pa lang ng mga blog nina trsita, mugen, mcvie at ng isa pa at tama ka. magagaling sila.

ang saya naman ng life mo puro gimik. ganyan ata talaga pag mayaman.

pero dun sa mga huling lines... missent... what the fuck. sakit nun.

escape said...

andito na naman tong mga kwentong aris an aris. kaya daming nabibilib sa yo. may mga twist kasi.

Joaqui said...

Hi Aris! Finally, we met and it was really awesome to have finally met you. 'Til the next time. :)

Aris said...

@dabo: naka-flats pa ako nun. lol! :)

@bong a: sure, bong. mag-e-enjoy ka, pramis. :)

@luis batchoy: sure friend. i wonder, kasali kaya ako sa labinlimang dinescribe mo? hehe! :)

@kara krus: masaya ako na finally, nakilala ko na sila nang personal.
di ako mayaman hehe! :)

@the dong: napapansin ko nga, punumpuno ng twist ang buhay ko lately hehe! :)

@joaqui: masayang-masaya ako, friend. hanggang sa muli. :)

Anonymous said...

friend, andun ako nung sat. pumasok ako ng bed bandang 2 after o-bar. :) sayang! :(

Aris said...

@pao pielago: sana next time, magkita na tayo. tc, friend. :)

Yj said...

Aris... maraming salamat sa pagiging bahagi ng kuwento namin ni NJ....

sureness, kayo ni Luis ang nagbigay ng suwerte sa akin... hehehehe

thank you thank you kapatid...

muahz....

Aris said...

@yj: mabait ka kasi kaya inuulan ng swerte. take care, sweetie. :)

Theo Martin said...

HINDI AKO NANINIWALANG MISSENT YUN. pramis. HINDI. May ibang hangarin yang si James. at yun ay pagselosin ka!

Aris said...

@theo martin: oh, how i wish. pero lately, may mga "good morning" and "goodnight" text siya sa akin. hmmm, well, let's see... :)

thanks for dropping by. sana pasyal ka lagi. :)