“Are you alone?” ang tanong niya.
“I’m on my own,” ang sagot ko.
“Need company?”
“Sure.”
Ngumiti siya.
“Sandali lang. Babalikan kita,” ang sabi ko.
“I’ll wait for you here,” ang sabi niya.
Dumiretso na ako ng akyat para pumunta sa restroom.
Pagbaba ko, naroroon siya. Nakatayo sa may punong-hagdan, nakangiti sa akin.
Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin sa dancefloor. “Tara, sayaw tayo.”
Sa saliw ng “Song For The Lonely”, nagsayaw kami.
Nagkataong nasa dancefloor din si AX kasayaw ang jowa niya. Bumulong siya sa akin: “Asan si James? Bakit hindi siya ang kasayaw mo?”
“Bakit mo hinahanap sa akin si James?” ang sagot ko.
“Kahit hindi ka nagsasalita, alam ko. Halata ko.”
“Ang alin?”
“Na gusto mo siya. In fairness, gwapo ang ipinalit mo.”
Ipinakilala ko siya kay Benedict para umiwas sa paglawig pa ng usapan namin.
Kaagad din siyang lumayo.
Pinagmasdan ko si Benedict. At napangiti ako. I should be proud dahil kasayaw ko siya. I should be happy dahil nasa akin ang atensyon niya.
I started feeling great. Naging masigla ang mga galaw ko. Naging maharot. Gayundin si Benedict. Nakangiti siya, hindi lumalayo ang mga mata sa akin.
Maya-maya, magkahawak-kamay na kami. Nag-slow down kami sa pagsasayaw.
Kinabig niya ako papalapit sa kanya. Nagtapat ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga mata. Naglapat ang aming mga labi. Ang halik niya ay parang magaan na dampi at hindi nagmamadali. Napapikit ako at tila nawala sa sensasyong dulot ng kanyang maingat na pagtuklas sa aking bibig.
Dumilat ako sa pagbibitiw ng aming mga labi. Niyakap ako ni Benedict. Yumakap din ako sa kanya.
Over his shoulder, namataan ko si James. Nasa di-kalayuan, nakatingin sa amin. Wala akong mabanaagang ngiti sa kanyang mga mata.
Maya-maya, tumalikod siya at umalis.
Humigpit ang yakap ko kay Benedict. He was so nice and sweet. Nakailang palit na ng tugtog pero parang hindi ko namamalayan. Sa piling niya, nakalimutan ko ang aking kalungkutan. At si James.
***
“We’re here na at Silya,” ang text ni M sa akin.
Umaga na pala at nasa labas na ang mga kaibigan ko.
I invited Benedict to join us for breakfast. Tumanggi siya. “Kailangan ko nang umuwi. May susunduin kasi ako sa airport.”
“Ah, ok.”
“Pero ihahatid na kita sa Silya para makilala ko ang mga friends mo. Ano nga pala ang number mo?”
We exchanged numbers.
Nang ipinakilala ko si Benedict sa mga friends ko, warm sila lahat sa kanya. James was cordial. Nag-shake hands pa sila.
Benedict hugged me bago siya umalis.
Nang wala na si Benedict, medyo kinantiyawan ako ng barkada. Si James, tahimik at hindi nakisali.
We had breakfast. Pareho pa kami ng inorder ni James. Muli naming napagdiskitahan ang videoke.
This time, kumanta na ako. Iniwasan kong tumingin kay James, pero nararamdaman ko, nakatingin siya sa akin.
Kumanta rin siya. “Let Me Be The One”.
Nagtama ang aming mga mata.
Nakaramdam ako ng pagkapaso.
Naghiwa-hiwalay ang barkada na hindi kami nag-uusap.
***
Paggising ko bandang alas-dos nang hapon, tinext ko si Benedict.
“Thanks for the company last night. I had a great time.”
“Ako rin,” ang reply.
“Nanggaling ka na sa airport?”
“Yup.”
“Sino nga pala sinundo mo?”
“My boyfriend.”
28 comments:
sabi ko na nga ba may catch ito e...beneath the angelic face, warms hugs and soft kisses. hehehe. dalawa lang yan...either ofw ang bf niya or flight steward..in which case, i go for the latter...mas yummy! hehehehe..
*air-kiss*
isang malaking OUCH! friend. nung time na kinikilig na ako e biglang may ganung factor? Sabagay, Pagbabaka-sakali nga pala title nito. :)
hmmm----sakit naman nun---parang diko lam sasabihin---cguro maswete ka parin. Dyan naman si James.....
@pao pielago: hindi ko na tinanong. hurt na ako eh. sayang naman. naku, friend, natatakot na akong maging m.d. hehe!
*air-kiss* :)
@kokoi: bigla akong nanlumo, friend. national anthem ko na yata talaga yung song ni beyonce. :)
@pusang-gala: hayy, hindi ko rin maintindihan si james. pero malay natin hehe! thanks sa comment. pasayal ka lagi ha? :)
aww. malungkot nanaman ang ending. sana sasusunod na entry mo masaya na :)
you're back :)
girlfriend, lurker lang ako. Im no blogger... peruser ng mga blogs and isa itong blog mo sa mga sinusubaybayan ko.
Parang ang puso ko ang napapagod sa mga experiences mo. Parang pakiramdam ko, hapong hapo na ako sa pakikihinagpis sa lovelife mo.. :(
Sana naman, bukas o sa susunod na bukas matagpuan mo na din ang taong magiging tapat at totoo sa iyo. Yung naandiyan sa tabi mo, no matter what.....
kikay
nasa manila na ako... mag text... malate area lang ang accomodations ko...
hi....dalaw lang ako... mahirap pala magmahal ano.. katulad ko isang OFW di ko alam ang minmahal sa pinas kung ano ginagawa... hay... buhay tlaga but anawayzzz may bukas pa..
Makalipat na nga sa BED. Wala nang nangyayari sa akin sa Che'Lu. Hahaha.
Seriously, medyo nabo-bore na ako sa crowd sa Malate. Maraming salamat sa iyong mga kuwento. At least, may reason pa akong mag-asam ng adventure sa lugar na iyon.
@chuck suarez: wish ko rin yan, friend. sana nga maging masaya na ang susunod na kabanata. :)
@lucas: yup. thanks for dropping by. :)
@kikay: hello gurlfriend! salamat nang marami sa pagsubaybay. oo nga, minsan nakakainis na yung pulos hinagpis, di ba? sana sa susunod, masaya na. :)
@luis batchoy: bienvenida! will get in touch asap! :)
@harden: hello. mahirap na masarap. i'm sure mabait naman ang bf mo kaya wala kang dapat ipag-alala. ingat ka lagi diyan. salamat sa pagdalaw. :)
@mugen: last saturday, nagkita kami ni mcvie sa bed. sabi niya nga, nasa chelu ka raw.
happy ako na enjoy ka sa mga kwento ko kahit paano. salamat sa pagbabasa.
hope to see you in bed one of these days. take care always! :)
=(
ala akong masabi, pag ganito ang theme para kasing balak ko mag longsleeve para itago ang hiwa sa aking wrist.
(simple lang ang dating ng sinulat mo, pero alam kung saan ang target.)
@dabo: huwag naman sanang mawalan ng pag-asa at maghiwa hehe! may bukas pa. salamat sa pagbisita. :)
i agree with chuck. we're looking for that happy ending.
alam mo hindi ka talaga nawawalan ng mga linya sa huli. parang atomic bomb ulit na ouch ang bumagsak sa iyo. gumana sana ang don't expect/assume rule sa iyo. ok lang yan kuya Aris. mahahanap mo rin ang para sa iyo.
oMG muntik n ko mahulog sa upuan ko hehehe
ok n sana e!kinilig pa naman ako!
atleast nalaman mo na bago ka pa mag expect ng anything.
okay lang yan. darating din sha. maniwala ka. :)
bong a
awtttttttttssssss..
pero dont worry.... madami pa jan...
i still hope maging ok kayo ni james...
abangan ko sunod na kabanata
ingats
putik namn! . . . pero at least maaga pa lang alam mo na para tapos agad! haaay wish ko ma-meet mo na yung special someone mo agad! baka kelangan mo mag change venue. awat muna Bed. ;-)
hehe Bed pala ako this Fri. ;-)
hmm anu ba talaga score niyo ni james?
hainaku nga naman... panandaliang pagmamahal... so akala mo ba talaga kayo na ang susunod na kabanata o hindi ka nadala???
how sad naman. akala ko naman me moment na kayo... kaw lang pala meron.
add mo naman po ako sa blogroll mo. add na rin po kita. im kinnda new at blogging so i hope we cud be great frends here... support me hehehe!
Sobrang kinagagalak kita makilala. Hanggang sa muling pagkikita Aris. Sikat ka pala dun. :)
yo sup aris?
I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009!
just check it out! :]
http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html
@the dong: sana rin matagpuan ko na. :)
@jinjiruks: oo nga, parang laging may pasabog sa huli. kainis noh? :)
@mac callister: joker talaga ang life. hehe! :)
@bong a: sana nga. thanks for dropping by. :)
@huntress: ang colorful ng life noh? sana nga. ingat din po. salamat. :)
@mksurf8: subukan ko kayang lumipat muna sa o-bar. charing hehe! sana sat ka mag-bed para kita-kits. take care, my friend. *hugs* :)
@jinjiruks: bokya ang score. :)
@dilan muli: ganon talaga. go lang nang go kahit minsan maaaring masaktan. :)
@kara krus: welcome to the blogosphere. sure. salamat sa pagbisita. ingatz. :)
@mugen: hindi naman hahaha! sobrang happy rin ako na nakilala na kita. hanggang sa muli. *hugs*
@jeszieboy: kaisa mo ako jan, kid bro! :)
Post a Comment