After a four-week hiatus, I was back in Malate.
I had a tough week. Kailangan kong mag-unwind.
I miss the thump thump. Gusto kong magsayaw.
Miss ko na rin ang Strong Ice at ang woozy feeling.
Makukulit ang mga friends, ayaw akong tantanan.
At higit sa lahat, nakapagpahinga na ako at hindi ko na maalala ang ipinagmaktol ko noong huli kong punta. I remember the boy but I don’t remember the feeling anymore.
Sa dami ng rason, excuses at justifications, ipinagpasiya kong itigil na ang pagmomongha.
And so, I hit the party scene once again.
Pagtapak ko ng Nakpil, nanumbalik ang excitement na nawala noong mga huli kong punta. Masigla ang lakad ko. Feeling nililipad-lipad uli ang buhok ko.
I was happy to see my friends waving at me as I approach them. Nagkakatipon-tipon na sila where else but sa Silya.
Isa-isa ko silang bineso at niyakap. Miss ko sila at naramdaman ko, miss din nila ako.
***
Things have turned a different direction in my absence.
Nag-away sina A at H kaya wala si H.
May jowa na si AX. Ipinakilala sa akin. Nice guy. Tinatakan ko kaagad ng good housekeeping seal.
Break na si LW at ang jowa niya of 6 years. Wala lang, nagkasawaan sila. Sayang naman.
Si LY naman, may bago nang jowa na possessive at conservative daw kaya off-limits ang Malate. Magpapakita rin yun kapag nasakal na.
Si L, bagong straight ang buhok.
At si M. In my absence, he must have assumed the position of Queen Bee. Nagpasimuno siya ng mga pasyal sa mall at nood ng sine sa barkadahan. At never akong inimbita!
At sa mga lakad na iyon, take note, kasama si James. At ang chika sa akin ni A, nagiging close sina M at James! My James!
Kay M lang ako may na-feel na resistance sa pag-appear kong muli. Ok, nag-kiss and hug kami, pero feeling ko, pinaplastik niya ako.
Medyo sinundot ko siya.
“Bakit hindi mo ako inimbita sa mga lakad?”
“Alam ko, busy ka.”
“Sana tinext mo ako.”
“Busy ako eh.”
“Ganon?”
“Yeah.”
“Well, I have news for you, Blair Waldorf…”
Pause for effect.
“Serena van der Woodsen is sooo back!”
***
Before I could say XOXO, biglang dumating si James.
Nag-slow motion ang lahat sa paligid nang magtama ang mga mata namin. Kaagad siyang ngumiti.
“Hey, Aris. You’re here,” ang bati niya.
“James!” was all I could say.
We hugged but did not kiss. Naamoy ko ang Crave na pabango niya.
Umupo siya sa tabi ko.
Lumagok ako ng beer.
Wala akong maisip sabihin.
I tried to be still.
Nagpatuloy ang kuwentuhan, biruan at harutan ng mga kaibigan ko. We ordered more beer. Maya-maya’y nagkayayaan nang mag-videoke.
I wanted to sing “Reaching Out” (na naman?) pero hindi ko mahanap sa Songbook. Nag-pass ako.
Kumanta si James ng “Sana Kahit Minsan”.
Napansin ko, nag-pay attention ang crowd sa kanya. Ganoon kalakas ang karisma niya.
I savored every line habang pinakikinggan ko siya.
Napapabuntonghininga ako sa bawat sulyap niya.
***
In full swing na ang party pagpasok namin sa Bed. Hindi ko alam kung bakit hindi namin kasabay si James. Nagkawatak-watak kasi kami bago pumasok (andaming estasyon along the way) pero sure ako na magkikita-kita uli kami sa loob.
Sabik na sabik ako sa dancefloor kaya sayaw agad ako kesehodang mag-isa.
Maya-maya, isa-isa nang jumoin sa akin ang mga friends ko. At nakita ko na si James na papalapit kasama si A.
Nagsayaw na rin siya.
Group dance muna kami sa simula pero kinalaunan, partner-partner na. At kami ni James ang naging magkapartner.
Humawak ako sa bewang niya. Humawak siya sa balikat ko. Muli, naramdaman ko ang daloy ng kuryente katulad noong huli kaming magsayaw nang ganito. Pero ngayon, mas intense.
Inapuhap ko ng tingin ang kanyang mga mata. Tinitigan ko siya. Nakipagtitigan din siya sa akin.
Napakaganda ng kanyang mga mata. Naalala ko ang sinasabi ni Tyra Banks na “smiling eyes”.
Na-interrupt ang trance ko nang may nag-hello sa akin na kakilala sabay may ibinulong pa. Napangiti ako.
“Friend mo?” ang tanong ni James pag-alis ng kakilala ko.
“Yup,” ang sagot ko.
“Anong sabi?”
“Ang gwapo mo raw. Bagay daw tayong dalawa.”
***
Medyo fleeting ang moment na iyon dahil after a while, nagpaalam siya sa akin at iniwan niya ako.
Matagal siyang nawala. Nanghaba ang leeg ko sa pagtanaw at paghihintay sa kanya.
I kept myself entertained sa pag-inom at pakikipag-sayaw sa iba ko pang friends. Sa sobrang inip, umakyat ako sa ledge. Doon ako nagsayaw. Napakaganda ng vantage point ko dahil maya-maya lang, nakita ko na siya.
Kaagad akong bumaba para puntahan siya. Pero nang papalapit na ako sa kinaroroonan niya, nakita kong papalapit din si M sa kanya. Napahinto ako at pinagmasdan ko sila.
Nag-usap sila. At nagsayaw. Nag-share pa sa pitcher ng drink.
Pinanood ko sila. Matagal.
Mukhang enjoy sila dahil panay ang bulungan at tawanan nila.
Nakaramdam ako ng panibugho.
Lumayo ako.
At lumabas.
***
Natagpuan ko ang sarili ko sa Silya. Kaagad akong binigyan ng Strong Ice ng kaibigan kong waiter. Uminom akong mag-isa.
It was 3:00 am. Tinawagan ko ang bestfriend ko na si AC who was in Tagaytay “honeymooning” with his boyfriend.
“Kailangan ko ng kausap.”
“What’s wrong, gurl?”
“Nothing.”
“Asan ka?”
“Malate.”
“Alam ko. Saan diyan?”
“Silya. Umiinom mag-isa.”
“Is this about James?” Ang galing manghula ni bespren.
“Oo,” ang amin ko. “Hindi ko maintindihan…”
“Ang alin?”
“Siya. Pati sarili ko…”
“Bakit?”
“Basta.”
“Lasing ka ba?”
“Oo.”
“Kaya pala ang gulo mong kausap.”
“Palagay mo, gusto niya rin ako?”
“How will I know?”
“Sana andito ka. O sige na, saka na tayo mag-usap. Bye.”
Pati ako parang naguluhan sa sarili ko sa walang katuturan kong pagtawag kay AC.
Gusto kong mag-confide sa kanya pero gusto ko ring iwasan ang nararamdaman ko.
Ayoko na kasi ng drama.
***
After two bottles, I edged my way back to Bed.
Nadagdagan ang tama ko but I was feeling better.
Sinalubong ako ng “Wow” ni Kylie. It lifted me on top of my emotions.
Habang umaakyat sa stairs, may bumati sa akin. "Hi."
Hinagod ko siya ng tingin. Matangkad. Payat. Guwapo.
“I'm Benedict. What’s your name?”
I smiled at him.
“Ako si Aris.”
12 comments:
Galeng. Hehe. It could be the start of something new or something else. kung anu man yun, hope it turns out good!
Ang haaaaaaaaaaaaaaaaaabaaaaaaaaaaaaa ng hair!
(At ang word verification para ma-post itong comment ko ay "phoise", which is baklang poise.
i know how you feel friend. yung mga times na naguguluhan ka tapos you need to talk to someone na wala na naman palang sasabihin or magulo ang thoughts mo. it just means hindi na-meet yung expectations mo of something.
hmm...someting reminded me of kylie's "wow". mukhang pareho tayo ng music cue nung pumunta ako dun last week at sabay may nagpakilalang guy. hehehe...
*air-kiss*
uy bagong karakter!
abangan!
@kokoi: abangan ang next chapter hehe! thanks, friend. :)
@joelmcvie: hindi naman. nadadaan lang sa "phoise" haha! :)
@pao pielago: ganon na ganon ang feeling ko, friend, nang mga sandaling iyon. may gusto akong sabihin pero di ko alam kung paano. may disappointment ako at di ko alam (or in denial ako) kung ano. basta magulo tapos lasing pa ako hehe!
you were there last week? ay, sayang naman, sana nandun din ako. we could have danced sa "wow" ni kylie!
*air kiss*
@mksurf8: excited din ako hehe! :)
I like "Wow", too. Wonderful song. :)
I love the ending of this entry. Just enjoy my friend, just enjoy. :)
naghiatus ka ren pala? hehe. magkasabay tayong nawala at bumalik... hehe.
magkasabay tayong nawala.. pati pagbabalik sabay din. hehe
@joaqui: i will, my friend. enjoy na lang muna. hindi pa siguro panahon para mag-seryoso uli. :)
@joshmarie: welcome back, joshy! miss ko mga posts mo. :)
hayyy. as usual, napa buntong hininga na naman ako sa post mo.
Bong A
@bong a: hi. salamat sa pagbabasa. sana pasyal ka lagi. tc. :)
YUN YUN TEH....
"AKO SI ARIS!!!"
bungga!!!
Post a Comment